Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

128K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

2K 87 9
By ShadowlessPersona

"TITA Huff, where's Nanay and Tatay?" Tanong ng pamangkin nang magising kinaumagahan.

"May kailangan lang sila puntahan, nak" aniya at pinaupo ito sa silya sa tabi niya, "Now, what do you want for breakfast at gagawa si Tita?"

Ngumiti ito, "I want eggs benedict with bacon!"

"Okay" She smiled and kissed her forehead, "Can you look for your brother while I cook?"

"Of course, Tita!" She smiled and went to the living room and played with her brother. Tanaw naman niya ito kahit nasa kusina, "Hi, Franz! Let's play"

"Good morning!"

"Tito Theo!" Narinig niyang sinalubong nito si Theo ng yakap, "Wow you're early po! Pwede po tayo maglaro ni Franz?"

"Of course, but where's your Tita Huffle?"

"She's cooking eggs benedict for me! Oh, wait, Tita Huffle! Tita, Tito Theo is here" Hinila nito ang huli papuntang kitchen, "Wow! He has flowers!"

May hinugot ito mula sa likuran at inabot sa kanya, "Good morning"

"Sunflowers?"

"Kasing liwanag mo"

"Kiss!" Napayuko silang dalawa kay Sofia, "Nanay and Tatay kiss whenever Tatay give Nanay flowers!"

Theo chuckled and so was she, "Nak, hindi naman kami si Nanay at Tatay" she said, "Sige na balik ka na doon. Walang kasama si Franz"

"Okay po!" Tumakbo ito pabalik sa sala at naiwan silang dalawa ni Theo sa kusina. Pinulupot agad nito ang bisig sa bewang niya at hinalikan siya sa batok papunta sa tainga.

"Theo, nandiyan ang mga bata" saway niya rito, tumataas din kasi ang balahibo niya.

"You sound like in my dream" he murmured and kissed her shoulder, "Sa panaginip ko mga anak natin ang tinutukoy mo"

Napalingon siya rito, " 'mga' talaga ha?"

He smiled, "Nasaan ang mga kapatid mo?" halik nito sa pisngi niya, "Wala tayong MTRCB?"

She sighed, "They had to go..."

"Bakit?"

"Si Kuya Slyth... his secret girlfriend disappeared after giving birth" aniya, "He's lost and fucked up.."

"I could see" he said, "Ganun talaga, Huff"

"What do you mean?" nagaalala na siya, "Ang update ni Ate Abby nagwala na naman sa ospital ang kapatid ko. Tapos dumadalas ang paglalasing. He's a lawyer! Matalino siyang tao pero--"

"Walang taong matalino kapag nasasaktan, Huff. Walang sinasanto ang pangungulila, panigurado naguguluhan siya ngayon kung bakit bigla na lang itong nawala... dahil okay naman sila bago ang lahat, tapos biglang ganito?"

Napatingin siya kay Theo. May damdamin ang pagkakasabi nito.

"Theo.."

"I could understand because that's what I felt when you pushed me away before, Huff. I got almost insane. Lalo nang malaman kong lumipad ka ng Paris para ipagpatuloy ang pangarap mo. Hindi ako galit na umalis ka, pero parang hindi tayo nawalan ng anak kung iwan mo akong magisa"

"Theo.."

"I died that moment, Huff" he confessed, "That's why I had to leave, too. Lumayo ako, I traveled. I regained myself but then, I saw you again.." Hinaplos nito ang pisngi niya, "Huwag mo na akong itulak ulit palayo, Huff... baka mabaliw na talaga ako"

Niyakap niya ito nang mahigpit, "I-I'm sorry, Theo.. I'm sorry, I was selfish.. I'm sorry"

"I'm sorry, too" niyakap siya nito pabalik, "This time, hindi na tayo nagkakamali... Mahal na mahal kita"

---

Isang buong araw nilang ginugol ang oras kasama ang mga pamangkin. It's like they're playing playhouse.

Lumabas sila ng Casa at namasyal. Pumunta sila sa seaside na sinasabi ni Ate Daniella na pinuntahan nilang magasawa noon dito.

They took pictures. They recorded videos. They played and it was all fun!

"Tito Theo, will you marry Tita Huffle?" Nagulat sila sa tanong ni Sofia habang nasa sasakyan pabalik ng Casa.

Nagkatinginan sila ni Huffle sa rearview mirror. Nasa tabi kasi ito ng mga bata habang si Franz ay kalong nito.

"Sofia, you should rest. Sobra ang paglalaro mo kanina" aniya, "Sige na, you can cuddle your --"

"Tito Theo, you love my Tita Huffle?"

Theo chuckled, "I do, Sofia" he smiled, "Mahal na mahal"

Nagkatinginan silang muli ni Theo. Ngumisi pa ang huli.

"Yehey! I want to have lots of cousins and I will be their Ate" napapalakpak pa ito, "I will be the best Ate ever!"

Naginit ang pisngi ni Huffle sa sinabi ng pamangkin. Mga bata nga naman. Agad na nakatulog si Sofia pagkatapos niyon, si Theo ang nagbuhat dito at inihiga sa kama.

Pinalitan ni Huffle si Franz ng diapers at pinadighay dahil kakatapos lang dumede kanikanina.

"Ako na, magpalit ka muna ng damit" Sambit ni Theo sa kanya pagkuwa'y kinuha si Franz sa kanya.

"Sige, sandali lang ako" Agad siyang nagtungo sa banyo para maghilamos at magsepilyo, naglinis din siya ng katawan pero hindi na binasa ang ulo.

Pagkalabas niya ng banyo ay nandoon na si Theo at nilapag si Franz sa crib na nasa loob ng silid. Buti nagdala siya ng pamalit kundi nakatuwalya siyang lalabas pala!

"He's an easy baby, right? Hindi nagpapakita ng topak" ani Theo nang may ngiti sa labi, "Gwapong bata mana sa Mommy"

"Huwag mong paparinig kay Kuya iyan, sisimangot yun" she chuckled, "Salamat sa araw na ito, Theo"

Nilapitan siya nito at pinaglandas ang kamay sa bewang, "Thank you, too. Pwede na pala tayo magbaby ulit"

Kumunot ang noo niya, "Baby ka diyan" tumalikod siya rito pero hinapit siyang muli. He's now embracing her from behind and swayed her.

"Pwede pa naman, hindi ba? We could still make a family" he asked, "Hindi pa naman huli ang lahat, Huffle"

"Gustong gusto ko na ring bumuo ng pamilya kasama ka" she sighed, "but we still have issues to fix, Theo"

Tumango ito, "Kapag maayos na ang lahat. Papakasalan mo na ako, ha?"

She smiled, "I love you, Theo"

"I love you, too"

Doon natulog si Theo sa tabi niya nang gabing iyon. They will just sleep in each others arm, wala na yatang mas sasaya pa sa kanila ngayon.

They feel complete.

---

NAGISING si Huffle dahil sa ingay sa labas ng kwarto. Wala na si Franz sa crib maging si Theo sa tabi niya.

Where did they go?

"Kuya, ayoko rito!" Si Kuya Slyth! "I need to find Alanis, please--"

"Are you out of your mind, Slyther? Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon!" Sigaw ni Kuya Raven, but wait, hindi lang si Kuya Raven ang nandito maging si Kuya Gryffin at Mommy!

"Makinig ka sa Kuya mo, anak--"

"No! Hindi niyo ako naiintindihan" Putol nito sa kanila. Kuya Slyth looks like a mess. Nawala ang postura nitong kinababaliwan ng lahat.

Malalim ang eyebags, mahaba ang buhok, may facial hair na rin na tumubo. Yung totoo?

"K-Kuya..." puna niya. Nagtinginan lahat sa kanya. "W-What's happening?"

"Dito muna si Slyther" Pinal na desisyon ni Kuya Raven, "Hindi siya uuwi ng Maynila nang ganito"

"Kuya" Nilapitan niya ito at lumuhod sa harapan nito, sinapo niya ang pisngi ng kapatid, "I'm here, what happened?"

"Huff, p-pagod na ako... hindi ko na alam..."

"Kami na muna ang bahala kay Pray" sambit ni Mommy, "You have to fix yourself, Slyth. Kahit para sa anak mo..."

"Dito na muna ako, Kuya" sambit ni Kuya Gryffin, "Sasamahan ko sila, hindi kaya ni Huffle ito magisa."

"We could take turns" Sambit ni Kuya Raven, "Ipaliwanag mo na lang kay Daniella"

"My wife would understand" Kuya Gryff said, "Isa pa, kasama naman niya sina Nanay Bonnie at Tatay Andres" bagong panganak din kasi ito, ilang araw lang ang pagitan kay Ate Daniella.

"Sino ba si Alanis? Girlfriend ba o asawa na?" Pagkukumpirma niya, hindi magkakaganito ang kapatid kung hindi malalim ang nararamdaman nito sa dalaga.

"That we do not know. Tinawagan ko na rin si Dad, pupunta siya rito" Sagot ni Kuya Gryffin, "He said that Alanis stayed with them during her pregnancy. Ibig sabihin mas kilala nila ito"

Napalingon silang tatlo nang biglang mapaupo ang Mommy nila sa upuan. Nahilo ito bigla!

"My, what happened? Anong nararamdaman mo?" Agad na tanong ni Kuya Raven, "Where's your medicine?"

Umiling ito, "W-What happened with all of you?" 

"M-My..." sambit ni Kuya Gryffin, "This is just a phase"

"N-Napabayaan ko ba kayo?" She sound so guilty, "Did I focus too much with the twins that I forgot you're still growing up?"

"My, I'm sorry" nauna na siyang nagsalita. Alam niyang isa siya sa tinutukoy ng ina. Hindi pa sila ulit nagkakausap dahil sa nalaman nito sa anak niyang nilihim niya.

"Did I focus too much with Wizards or the Hotel--"

"My" hinawakan na niya ang kamay nito, "I'm sorry, I'm so sorry... I'm sorry that I made you feel this way... I'm sorry na akala ko iyon ang makakabuti sa lahat... I'm sorry that I hurt you... Ma, I'm sorry..."

Tinignan siya nito sa mga mata at pinalis ang luha na lumandas sa pisngi, "I could only imagine how painful it was for you, anak. Sana nandoon ako sa gabing iniiyakan mo ang apo ko, sana hindi ka nagiisa... Sana kahit papaano naiparamdam ko sa'yong mahal na mahal pa rin kita kahit ilang beses ka man magkamali.."

Mas lalo siyang napaiyak sa narinig rito, "I'm sorry, My.. I'm sorry..."

Niyakap siya ng ina, habang ang mga kapatid ay nandoon lang at binigyan sila ng oras sa isa't isa.    Tila mas gumaan ang pakiramdam niya, iba talaga ang pagmamahal ng magulang.

No matter how stupid she gets. She knew that there will always be someone who will accept her beyond her imperfections.

Continue Reading

You'll Also Like

857K 20.3K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
2.1K 165 34
Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already...
610K 1K 1
HOT BACHELOR SERIES III: Kairos Tres Del Marcel Story by Diyosangwriter Cover by CookieMallows
1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...