Zypher and Gangsters

By senyoritayvi

11.9K 536 301

"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gan... More

PROLOGUE
#Afraid 1: Love
#Afraid 2: Bestfriend
#Afraid 3: I'm Sorry
#Afraid 4: Stained with Sorrow
#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow
#Afraid 5: Party and Pretense
#Afraid 6: Destroy XZ Project
#Afraid 7: Hidden Pain
#Afraid 8: THE REHEARSAL
#Afraid 9: THE PLAY
#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!
#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
#SPECIAL CHAPTER: THE CALM
#Afraid 12: MR. SUITOR
#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY
#Afraid 13: FANSCLUB
#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES
#Afraid 15: OUTING
Amazing Announcement!
A Quick Update

#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY

182 9 0
By senyoritayvi

#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY




Vain's POV


7:34PM

Napabuga ako ng maraming hangin nang maramdaman ko na naman ang pagvibrate ng cellphone kong nakatago sa loob ng coat ko. Kanina pa kasi ito nagva-vibrate at mukhang tinatadtad na naman ako ng tawag ni Tetra.

Nakakadistract lang. Nasa kalagitnaan kasi ako ng isang sekretong misyon ngayon na ipinagawa ni Boss Icarius kanina lang. Natimbrehan kasi ng 3rd chain (Spheres) yung bagong plano ng pagsasalakay nung Masked Mafia.

Hindi pa namin sila natatapos. Yung iba lang siguro sa kanila, pero hindi pa lahat. Marami pa sila. Sigurado akong maraming-marami pa sila. Kaya kami nandito sa sinasabing isa sa mga hideout o meeting place nila ay para malaman kung sino talaga ang kumukuntrol sa Masked Mafia. Lahat ng reapers at stabilizers ay nandito ngayon kasama ko, pero naghiwa-hiwalay kami para mas mapadali ang misyon.


["Kailangan na nating magmadali bago pa tayo mahalata ng iba."] Tinig ng stabilizer na si Fall mula sa audio device.

["We've cleared the roof. On watch now."] Balita naman ni Amber.

["Eros has assassinated every masked gangster on the second floor with us."] Ani Maika.

["And we got not a single information."] Singit ni Lai na halatang naiinis na sa sitwasyon.

"Kailangan na nating gumalaw, bro." Imik ni Arrow sabay tapik sa kaliwang balikat ko. Siya ang partner ko sa misyong 'to.

"Oo nga." Tumangu-tango ako sabay dahan-dahang tayo. Ganun na din siya.


Nandito kami para kumuha ng impormasyon tungkol sa leader ng Masked Mafia, pero mukhang wala pang nakukuha ang kahit isa sa'min. Halos dalawang oras na rin ang nakakalipas matapos naming simulan ang misyong 'to, at mukhang hindi pa rin kami makakakuha ng sapat na impormasyon sa mga kalabang nandito.

Nakatago kami sa gilid ng malaking cabinet na nasa madilim na sulok ng tila assembly room ng mga kalaban. Mayroon kasing malaking bilog na mesa sa sentro nitong medyo malapad na silid at napapalibutan iyon ng higit-kumulang dalawampung silya. Isang maliit na ilaw lang ang nakakabit at nagbibigay liwanag sa dako ng lamesa, kaya ang bawat kasuluk-sulukan ng silid na ito ay madilim.

Pagpasok namin ay sa maliit na sirang bintana kami dumaan at walang tao dito ni isa. Kanina pa kami tahimik na nakaabang sa sulok na 'to.


"Sa wakas." Napakahinang bulong ni Arrow nang makita naming may paparating.


Kung gugustuhin naming maghanap ng kalaban dito ay kanina pa namin pwedeng gawin yun, pero hindi dapat. Kailangan lang naming maging napakaimbi para makakuha ng impormasyon nang hindi nahahalata ng iba pang kalaban.

Isang masked gangster ang humihikab na naglalakad palapit sa direksiyon namin. Nagtinginan kami ni Arrow bilang senyales na maghanda na.


Isang hakbang pa ng kalaban...



Dalawa...



Tatlo...



Apat. At bigla kong sinunggaban yung leeg niya gamit ang kanang bisig ko sabay takip sa bunganga niya gamit ang kaliwang kamay ko. Agad ko siyang hinigit papunta sa pinagtataguan namin at dali-daling itinali ni Arrow yung mga kamay at paa niya. Tinakpan na rin namin yung mata niya gamit ang isang makapal na telang itim.


"Mmmm!" Pag-akma niyang magsalita.

"Tatahimik ka o papatayin kita?" Bulong ko sa tenga niya habang hinihigpitan pa yung pagsakal ko sa kanya.

"Mmm!" Mukhang gusto talaga niyang mag-ingay.

"Dalhin na lang kaya natin siya?" Suhestiyon ni Arrow na mukhang magandang ideya nga.

Agad kong piningot yung audio device ko.

"May nahuli kaming isa. Dalhin na lang kaya natin?" Pahayag ko na sana naman sang-ayunan nila.

["Buti pa nga. Mamaya mapatay pa namin lahat ng kalaban dito at mahalata tayo, eh."] At bumuntong-hininga si Era.

Agad kong tinurukan ng pampatulog yung kalabang nahuli namin. Ilang segundo na lang ay babagsak na rin ito.

["Let's meet at the assembly area. Be there in 5 minutes."] -Amber

["We're on our way."] -Gray


Gaya ng inutos ng 4th chain, nagsimula na nga kaming tumungo sa assembly area. Unang lumabas si Arrow mula sa bintana at binuhat ko naman yung masked gangster at pinasalo ito kay Arrow sa labas. Agad din akong umakyat doon at lumabas na rin.


"See you." Sabi ni arrow sa audio device niya at agad naming pinagtulungang kaladkarin yung kalaban.


Habang naglalakad ay naramdaman ko na naman yung pagvibrate ng cellphone ko. Walang tigil ang pangungulit nito at naiinis na talaga ako!


"Bro, girlfriend mo ba yang tumatawag?" Tanong ni Arrow na medyo ikinabigla ko.

"Huh? Pano mo nalamang may tumatawag?"

"Sa sobrang tahimik ng paligid ay dinig na dinig ko kahit tunog lang ng vibration ng phone mo." Tugon naman niya na mas lalo pang nagpainit sa ulo k.


Baka ito pa ang dahilan ng pagkasira nitong misyon!


"Konting tiis na lang kako, malapit na tayo sa assembly area." Dugtong ni Arrow.


Napabuntong-hininga na lang ako at okay na sana pero bigla na lang nagvibrate ulit yung phone at sakto namang may namatahan kaming masked gangster na naglalakad sa di kalayuan. Papunta yata ito sa hideout at mukhang hindi kami nito napansin.

Pero dahil sa tuluy-tuloy na pag-ring ng peste kong phone ay napalingon ito sa dako namin at agad kami nitong tinignan nang mabuti.


"Yuko!" Pabulong na singhal ko at sabay kaming yumuko ni Arrow.


Madilim ang paligid kaya kakailanganin pang lumapit nung kalaban bago kami nito makilala bilang kalaban din nila.

Sa sobrang inis ko sa letseng pagvibrate ng cellphone ko ay kinuha ko na ito mula sa coat ko at agad kong sinagot ang tawag ng hinayupak na si Tetra.


"Hello! Bakit ba?!" Nakaangil kong bulong nang may naiinis na tono.

["Uhh...s-sorry. Busy ka ba?"] Nag-aalangan yung pananalita niya.

"Bakit ba?" Pag-ulit ko, pilit na pinapakalma yung boses ko.

["K-Kasi...n-nandito na'ko sa Zefirelli Main Restaurant. K-Kanina pa..."] Utal niyang sagot at...


HALA! SHIT!


NIYAYA KO NGA PALA SIYANG MAG-DATE NGAYONG VALENTINE'S DAY!


TANG*NA!


"SINO KAYO?!" Sigaw ng kalabang nakalapit na pala sa'min.


Putek naman oh!


Tatayo na sana ako mula sa pagkakayuko nang biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril at agad na natumba yung kalabang nakakita sa'min.


["V-Vain? Ano yun? Anong nangyari?"] Tinig ni Tetra sa kabilang linya... ["Okay ka lang ba? Was that a gunshot? Vain..."] May bahid ng pag-aalala sa pananalita ni Tetra...

"Hindi, wala yun... Papunta na'ko, sorry kung natagalan ako." Sagot ko sabay lingon sa Stabilizers.

["Okay lang... I'll wait here."] Mahina niyang tugon.

"Bye." Pinatay ko na yung tawag.


I heavily sighed.


"Was that even necessary?" Kuwestiyon ni Damsel habang naka-ekis ang mga braso.

"Well, if our dear reaper wasn't busy with his phone then it wasn't." Halatang nadismaya si Jatt sa nagawa ko.

"I'm sorry." Tangi kong sagot sabay kamot sa batok ko.

"Well, it's Valentine's Day, so yeah, whatever." Natatawa namang sabat ni Lai na siyang nagpaliwanag sa mood ng iba.

"Guess you're right." Pagsang-ayon ng iba, hugyat na ligtas ako mula sa violation.


Salamat naman!


AT HUMANDA KA TALAGA, TETRA!












------------


8:47PM

Sa wakas ay naabot ko rin ang entrance ng Zefirelli Main Restaurant. Ni hindi na ako nakapagpalit ng damit sa sobrang pagmamadali. Buti na lang at naka-sweater akong super light blue ang kulay. Yung hindi naman mukhang pambahay, pero mas maganda pa rin sana kapag pumorma ako, putek DATE pa din naman 'to kahit papano.

Patakbo akong umakyat sa roof deck ng restaurant at agad kong hinanap si Tetra.

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. May iilan ring couples na nagde-date at halos lahat nga talaga ay couples. At ayon, may nakita akong babaeng nag-iisa at nakaupo sa pinakadulo ng roof deck. Nakatalikod siya sa'kin pero sigurado akong siya na nga ang hinahanap ko.


Huminga ako nang malalim at nagsimulang humakbang patungo sa direksiyon niya. Sana lang talaga wag niya'kong tarayan dahil natagalan ako. Ako dapat ang magtataray sa kanya ngayong gabi dahil sa pangungulit niya kanina nung nasa misyon ako.

















Tetra's POV


8:49PM

Nakayuko pa rin ako habang nakatingin sa phone ko. Kanina ko pa hinihintay yung text ni Vain pero wala parin siyang nire-reply sa mga text ko. Tinadtad ko na nga siya eh, sabi ko nandito pa rin ako sa roof deck.


Kanina, tinawagan ko siya at may narinig akong putok ng baril sa kabilang linya... Okay lang kaya siya? Hindi ako mapanatag sa narinig ko...sigurado akong may nangyari talagang hindi maganda.


Sana naman wala. Sana mali ako.


Magda-dalawang oras na'kong naghihintay pero wala pa rin siya. Sa totoo niyan nahihiya na nga ako sa waiter dito kasi kanina pa siya nakatingin sa'kin. Umorder ako ng ice cream para kunyari kakain talaga ako dito pero mga one hour ago pa yun at sigurado akong gusto na'kong paalisin ng mga staff dito.

Nanlalabo na ang paningin ko sa antok at...naiiyak na rin ako.


This is my very first date and...


Mukhang hindi pa yata matutuloy...


Gusto kong matawa sa sarili ko kasi...bakit pa nga ba kasi ako aasang seseryosohin ni Vain yung date na 'to? Kung hindi ko pa nga siya kinulit kanina kakatawag eh mukhang hindi pa niya maaalalang niyaya pala niya akong magdate...


Nakaramdam na naman ako ng matinding hiya kirot sa puso ko. Siguro nga...


Siguro nga napipilitan lang talaga siyang gawin lahat ng 'to...


I sighed to stop my tears from falling, habang mahigpit na nakahawak sa cellphone ang nanginginig at nanlalamig ko nang mga kamay...


Nag-ipon ako ng lakas para tumayo at umalis na sa nakakalungkot na lugar na 'to nang biglang—


"Tetra..." Isang lalaki ang nagsalita mula sa tabi ko at isang kamay ang marahang dumapo sa kanang balikat ko.


Nakayuko pa rin ako, hindi inaasahan ang nangyayari at hindi pa rin alam ang gagawin.


D-Dumating siya..?


"Sobrang sorry talaga kung pinaghintay kita. Sorry...may nangyari lang kasing urgent pero...basta...sorry talaga..." Paliwanag niya at bahagyang napahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Kanina ka pa ba dito..?"

Palihim akong lumanghap ng maraming hangin at agad ko iyong binuga, pagkatapos ay dahan-dahan ko siyang nilingon. Agad kong nakita ang mala-prinsipe niyang mukha. Simple lang ang suot niya, sweater na kulay light blue. Tumerno pa nga kami, eh, kaso turquoise yung dress ko...

Nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang lamig sa mga mata niya, yun bang...parang walang emosyon...


Hahaha...bakit nga naman siya magkakaroon ng emosyon para sa'kin..?


"Ah, hindi... Okay lang...Vain..." Tipid akong ngumiti tsaka ko itinuro yung upuan sa tapat ko. "U-Upo ka..."

Tahimik siyang tumungo doon at umupo. Ngayon magkaharap na kami. Ngayon naiilang na naman ako. Sobrang awkward talaga kaya yumuko na lang ako...

"Tetra..." Nag-aalangan niyang iniabot sa'kin ang tatlong pulang rosas na nakatali gamit ang pulang ribbon, pati na ang isang malaking box ng chocolate na mamahalin.

"S-Salamat..." Nahihiya ko iyong tinanggap sabay amoy nung rosas. The fragrance... "Umm, oo nga pala, okay ka lang ba? Yung narinig ko kanina..." Pagsisimula ko sa pag-uusap namin.

"Wala yun. Nagpa-practice kasi yung kasama ko nung bago niyang baril." Sagot niya sabay tingin sa menu.


Ganun? Kaya ba siya na-late ay dahil nag-firing sila? Yun lang? Yun na yung urgent appointment niya..?


"Ahh...kaya ka pala...na-late..?" Wala sa sarili kong imik.

Agad naman siyang napatingin ulit sa'kin.

"Hindi, hindi yun. Mahabang kwento, kaya kung pwede sa susunod ko na lang ishe-share sa'yo. Okay lang ba?" Bahagya siyang ngumiti sa'kin.

Ang gwapo talaga niya pag nakangiti...


"Okay, sige." Ngumiti na lang din ako at nagsimula nang maghanap ng oorderin ko.


Makaraan ang ilang minuto ay nakapili na rin kami ng kakainin namin at agad namin iyong inorder. Salamat naman at nabuhayan na yung waiter dahil kakain na talaga kami at hindi na ako magmumukhang tambay dito.


"Vain, s-sorry nga pala kung tinadtad kita ng tawag kanina, ah..?" Nahihiya kong imik habang hinihintay yung pagkain.


Saglit na nag-iba yung mukha niya. Yun bang parang gusto niya'kong pagalitan. Pero agad din iyong lumiwanag ulit at ngumiti siya sa'kin.


"Naku, wala yun. Natural lang yun kasi girlfriend kita." Natatawa niyang sinabi yung mga huling kataga. "Ako dapat ang magsorry kasi natagalan pa bago ko nasagot..." Napayuko naman siya sa part na yun.

"Wala yun, okay lang. Akala ko lang kasi hindi ka na dadating..."


It hit me again.


Akala ko hindi ka na dadating...


Kung hindi ba kita tinawagan, dadating ka kaya..?


"Syempre naman darating ako, anukaba. Pero sorry pa rin kasi first date natin tapos late pa ako." He sighed heavily and rubbed his head. "Babawi ako next time, okay?"

Sigurado akong namumula na ako dahil naluluha na talaga ako. I pity myself because of waiting for almost 3 hours, and at the same time kinikilig din ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko nga lang masigurado kung totoo...

"Oh, okay ka lang ba? Namumula mga mata mo..." Biglang kumunot yung noo niya habang nakatitig sa mga mata ko.


SHET! NAHALATA NIYA!


"Ah, wala 'to. Wag mo na lang pansinin..."

"Pero—"

"Excuse me sir, madam, nandito na po yung order niyo!" Masiglang pag-eepal nung waiter sabay lapag ng mga pagkain sa harap namin.


At nagsimula na kaming kumain dahil iniwasan ko na nga yung topic na yun ni Vain. Iniba na lang din niya yung topic. We got to know a lot of things about each other, at naging masaya naman ang gabi namin...







------------

Pagkatapos ng date namin ay inihatid na niya ako sa bahay. Bago pa man ako makalabas sa kotse niya ay niyakap muna niya ako nang napakahigpit, na ikinabigla ko naman dahil wala akong ka-clue-clue sa ginawa niya.


"Good night, Tetra..." Pabulong niyang sabi habang nakayakap pa rin sa'kin...

"Good night, Vain." Kinikilig ko namang sagot pero syempre hindi ko yun pinahalata.

"Sorry ulit. Promise babawi ako." Pahabol pa niya tsaka siya kumawala.

"No worries." Nginitian ko na lang siya nang matamis para naman wag na siyang ma-guilty sa nagawa niyang pagpapahintay sa'kin.

"Thank you. Ingat ka." He smiled back.

"Ikaw din."


May ilang segundong katahimikang namuo sa'ming dalawa. Nabasag lang 'yon noong binuksan na niya yung pinto ng kotse gamit yung access sphere niya.


Tahimik akong bumaba at diretsong pumasok sa bahay.





Actually...I was waiting for him to say...I love you...









[A/N]: Okay na-late ako ng isang araw pero keribels! Ang mahalaga ay nakapag-UD ako! Wahahaha! Sana na-enjoy niyo kahit mahaba! Gusto ko kasi detalyado itong ganap sa Tetrain loveteam! Gusto niyo din ba ang loveteam nila? Comment na!

Also, di ko na naman naproofread so apologies for the typos and errors if meron.

Loveya guys! Always! God bless us all!



Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
447K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...