Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 24

1.7K 71 4
By ShadowlessPersona

"BAGO tayo magsimula gusto kong magusap tayo, lalaki sa lalaki" Umupo siya sa silya ng hapag at napahalukipkip, "Sa totoo lang, hindi ko alam 'tong pinasok ko" Seryosong sambit ni Theo, "pero mahal ko si Huffle, mahal na mahal ko siya"

Mas tumindi pa yata ngayon dahil ang matagal na pinigilan ay ngayon lang ulit naging malaya.

"At lahat gagawin ko para sa kanya, isa na ito" dugtong pa niya, "and I need your help, okay? A little help would do, just cooperate with me... Franz?"

Nakatunganga lang ang bata sa kanya, akala mo nakakaintindi talaga. Napangiti si Theo sa inakto nito.

Ganito kaya kacute ang anak nila ni Huffle kung nabuhay ito? Hmm, panigurado mas cute!

"Magplay ka muna sa crib mo okay? Hindi ka pa naman siguro gutom dahil sabi ng Nanay mo ay kakadede mo lang" Binuhat na niya ito at naglakad siya papunta sa crib na nakapwesto sa living room.

Maliban sa pagiging yaya nito ngayon, kailangan niyang magluto ng hapunan mamaya para kila Ate Abby.

When Franz was quietly playing with his stuffed toys ay tinignan ni Theo kung ano ang pwede niyang lutuin.

Kakagrocery lang naman nila ni Huffle kaya siguradong mayroon pwedeng lutuin. He checked the fridge and saw chicken, nakahiwa na.

Adobo na lang siguro ang lutuin niya. Iyon naman ang pinakamadali. Nilabas niya ang mga ingredients nang biglang umiyak si Franz!

Nang silipin ay nasa sahig na ito sa labas ng crib! Damn it!

"Shit! Paano ka napunta diyan?" Bad, Theo! Mas umiyak si Franz, magmura ba naman kasi? "Ay sorry!" Inalo niya ito.

He checked kung may bukol o sugat. Patay siya kay Raven kung magkataon!

"Saan masakit?" Tanong niya as if sasabihin, "Shhh, sorry... dito lang si Tito" pagalo niya sa bata.

It took him 15 minutes to really calm him down. Naabutan pa siya ni Aling Linda!

"Yaya ka na ni Franz?" Nangaasar na tanong nito, "Naka-apron ka pa!"

"Magluluto kasi dapat ako, Aling Linda" aniya inuugoy pa rin si Franz para tumahan, "kaso umiyak itong bata" at hindi na niya sasabihin kung bakit.

Sorry.

"Akin na nga, sige na. Magluto ka na, ako na muna bahala may Franz" sambit ni Aling Linda, "Kinausap ako ni Raven tungkol dito pero dahil boto ako sa'yo, tutulungan kita. Secret lang ito ha!"

Kinuha ni Aling Linda si Franz sa bisig niya, "Maraming salamat, Aling Linda! Isa kang bayani!"

Natawa pa si Aling Linda pagkuwa'y dumiretso na siya sa kusina ulit at nagluto ng hapunan. Walang wifi sa lugar na ito kaya aasa na lang siya sa alaala. Ito ang tinuro ng Lola niya noon sa kanya.

Nang mahanda na niya ang ingredients ay nagsimula siya sa pag gisa ng bawang at sibuyas.

"Theo!" Nagulat siya sa tinig ni Aling Linda, "Nasusunog na yung bawang mo, hinaan mo kasi yung apoy!"

Damn!

At nakita nga niyang naging itim ang bawang kahit wala pang toyo. What did he do? Shit.

"Hindi ka pala marunong?" ani Aling Linda. Napakamot na lang siya sa batok, obviously. "Tuturuan kita pero isang beses lang, ha?"

Nagliwanag ang mata niya! "Sige po! Salamat, Aling Linda"

Buhat nito si Franz at parang nakikinig din sa sinasabi ni Aling Linda, "Umpisahan natin sa pinakaimportanteng bagay ng pagluluto" anito, "iyon ay ang temperature"

Oh! Akala niya gasul ang pinakaimportante. Anyway, nagpatuloy siya sa pakikinig kay Aling Linda.

---

Naabutan nila Huffle si Theo na nakaupo sa sofa habang nasa dibdib si Franz. Nakatulog na ang dalawa doon.

"May pagkain na" ani Ate Abby na nasa kusina, "Nakapagluto na si Theo"

Sumunod si Kuya Raven sa asawa habang siya binalik ang tingin sa nobyo. Dahan-dahan niyang kinuha si Franz at inihiga na pabalik sa crib.

"Hey..." Naramdaman niya ang kamay nito na pumulupot sa bewang niya, "kararating niyo lang?"

Hinila siya nito papaupo sa sofa but he landed on his lap! "Theo, makita tayo nila Kuya.."

Nanlaki ang mata nito kaya agad siyang nilapag sa tabi. She chuckled.

"Can I at least hold you?" he asked, tumango naman siya pagkuwa'y inakbayan nito, "How was your afternoon with them?"

She smiled, "It went well, nakapagusap na kami ni Kuya" she sighed, "Ikaw kumusta ka rito?"

Bago pa siya sumagot ay lumabas si Sofia galing kusina, "Tita Huffle, Tito Theo! Let's eat, masarap yung niluto ni Tito na Chicken Inasal!"

Chicken Inasal? Kailan pa ito natutong magluto ng ganon?

"Chicken Inasal?" Baling niya rito, "Paano ka nagluto dito niyon? Saan ka nagihaw?"

Ngumisi ito at napakamot sa batok, "Secret"

Pinasabay ni Ate Abby itong maghapunan sa kanila at pagkatapos naman ay si Theo na ang pinagligpit.

Kinatulong ba naman nobyo!

---

"What?" Napatayo si Kuya Raven nang sagutin ang tawag sa cellphone nito. Lahat sila, maging si Sofia ay nagulantang sa narinig. "O-Okay, I'll see what I can do. Uuwi ako"

"Kuya, anong nangyari?" Nagaalala niyang tanong nang ibaba nito ang cellphone. "May problema ba?"

"Si Slyth..." napabuntong hininga ito, "He did it again.."

Huh? Again? "Anong again, Kuya? Anong ginawa ni Kuya Slyth?"

"Babe, go and make some calls. Aayusin ko ang gamit natin" Sambit naman kaagad ni Ate Abby rito kaya agad itong lumabas. Nagkatinginan sila ng hipag, "Sofia, go to your room"

"Okay, Mommy" agad naman sumunod ito nang walang tanong.

Umangat ang kaba sa dibdib ni Huffle. Anong mayroon sa kapatid? "Ate, what happened?" Tanong niya nang makalabas ito ng silid.

"It's Slyth..." she said, "your brother gone berserk because of this woman"

Huh? Si Kuya Slyther? Kailan pa ito magkakaganon sa babae?

"Babae? Who? Kilala ko ba?"

Umiling si Ate Abby, "H-He's been keeping a woman for long, Huffle. He got the girl pregnant, nito lang namin nalaman nang manganak ang babae. She just eventually disappeared. Nawawala sa sarili ang Kuya mo, he's a mess"

"H-How about his baby?"

"She's a healthy baby girl. Doon pa naguluhan si Slyth, hindi daw iiwan nun ang anak pero... no one could tell since no one of us knew her"

Hindi niya alam dahil abala siya sa pagtakbo sa sarili niyang problema. She failed to know that she's not the only person in this world who's fucked up.

"Hindi namin sinabi sa'yo dahil sabi ng Kuya Raven mo ay marami ka ng iniisip. But, I'm telling you know because you have the right to know. I'm sorry, Huffle--"

"No, Ate. It's okay" putol niya rito, "Thank you for telling me this... Is there anything I can do to help?"

"Just stay here" Nakita niya ang kapatid na galing sa labas, "with your Ate Abby--"

Napalingon ito sa asawa, "What? No! You can't leave alone"

"Masyadong magulo doon, Babe" pagalo ni Kuya Raven rito, "I'm fine. Dito na lang kayo--"

"No. Kung dito lang ako ay dito ka rin"

"Kuya" aniya, "Ako na ang bahala sa mga bata. Go, bring Ate Abby with you. Hindi ko papabayaan ang mga pamangkin ko. Kuya Slyth needs you, Kuya.."

Nagkatinginan silang magkapatid, "They are safe here I promise. Hindi ko sila papabayaan, now go.."

"Just call either of us if something happened, okay?" Sambit ni Kuya Raven sa kanya, "Bring what you need to bring" sabi nito sa asawa.

"Huffle, nakaayos naman ang gamit ng mga bata. Sofia is already drinking her milk sa baso, si Franz nagstock ako ng breastmilk sa ref, nakasealed iyon. But, sakaling maubos... I prepared a formula milk."

Ilang sandali pa ay umalis na ang magasawa. Naiwanan sa kanya ang mga bata.

Dear God, huwag Niyo po papabayaan ang pamilya ko.

Continue Reading

You'll Also Like

877K 22.2K 33
Formerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the u...
18.2K 541 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
70.3K 2.1K 32
Sandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero pa...
5K 244 31
It is his nature to be enclosed with girls since day one. He is handsome, charming and a damn flirt. Then a probinsyana girl named Gianna came and di...