A Herrera's Secret

By YuiChizuru

5.2M 44.5K 3.3K

Story of Dreigan Herrera.. More

A Herrera's secret
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI (Part 1)
Chapter XVI (Part 2)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI

Chapter V

125K 1.9K 125
By YuiChizuru

Aizelle's POV

"Frio Maniego? Are you serious?!" Alona exclaimed indignantly. Napapalibutan si Daphne ng mga classmates namin. She has that confident look on her face, always with poise, wearing skyscraper heels and lots of make up. As a girl, I secretly look up to her. I know that she's beautiful inside and out. Gandang ganda ako sa kanya pati sa personality niya. Sa totoo lang, si Drei naman kasi talaga ang may kasalanan bakit siya galit sa akin. Babae rin ako and I completely understand her.

"I feel like makukuha niya talaga 'yung gusto kong design. He also said he likes my ideas! We're like friends already." Daphne said cheerfully. She sounded very excited. "Hindi nga ako makapaniwala. The designer of my gown is also the designer of Mrs Zoey Herrera. We all know that they are record breaker. Siya rin ang nagdesign ng gown niya nung underwater wedding nila nung tito ni Drei! It was the most romantic wedding." She expressed, her eyes twinkled. Humagikgik sa kilig ang magkakaibigan. Wala silang ibang pinaguusapan kung hindi ang pamilya nila Drei.

Next week na ang College night for Department of Engineering. Everyone has been talking about it and they are so excited. That is my problem. All scholars are required to attend para magparticipate at maging coordinator. Nakakainis! Hindi naman kasi ako mahilig umattend ng mga ganon.

"Daphne, ano color ng gown mo?" one of her friends asked, her name is Lyka.

"And why would I tell you? Baka mamaya parehas pa tayo ng color. Ayoko nga." may pagka bratinelang sagot ni Daphne. Lyka was shrinking back. Muntik na ako matawa sa itsura nila. Ang cute nila panoorin. I know someday magiging model itong si Daphne at maraming lalaki na pag-aagawan siya.

Nasa pinaka likod ako, nakaupo ng tahimik at nagbabasa ng isa sa mga paborito ko'ng libro. Hindi nga lang ako makapag concentrate. Ang aga ko kasi pumasok ngayon.

Napatingin ako sa tabi ko, sa upuan ni Drei. Wala pa s'ya. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula 'nung may nangyari sa bahay. Laking pasasalamat ko kasi umalis na si Bobby, nagkaroon yata sila ng pagtatalo ni Auntie. Isang araw noong dumating ako sa bahay para sana kunin ang mga damit ko, nakaalis na raw ito. Araw-araw walang ginawa si Auntie kung hindi ang uminom. Nakakainis dahil para akong may alagang dalaga na first time mainlove at masaktan. Mahal na mahal n'ya talaga si Bobby. Hindi man lang daw kasi ito nagpaalam at basta basta na lang umalis. Pinili ko na lang din ang itikom ang bibig ko sa mga nangyari, tutal wala naman maidudulot na maganda. Kailangan ako ni Auntie.

Simula rin ng gabing 'yon naging malapit na kami ni Dreigan sa isa't isa. May oras na pakiramdam ko ako lang ang kinakausap n'ya sa room. Madalas din namin mapagkatuwaan na magpataasan ng score sa quiz, sa test at kung ano ano pa. We have that very simple rule, 'pag talo ka, manlilibre ka'. So far, lagi s'yang talo sa akin, but it was always a close fight. One point lang lagi ang lamang ko sa kanya. Nakakatuwang isipin pero mas lalo ko'ng naeenjoy ang pag-aaral ko. I feel motivated in some way.

Napatingin ako sa pinto ng room nang makita ko si Dreigan na paparating, natahimik ang grupo nila Daphne sa pagtsitsismisan dahil sa bigla n'yang pagpasok. Panalo na naman ako, laging libre ang lunch ko dahil hindi s'ya manalo-nalo sa akin. Napangisi ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Mas maaga ako'ng pumasok kaysa sa kanya.

Nasa libro ang atensyon ko pero nakikita ko'ng lumapit si Daphne kay Dreigan.

"Drei, aattend ka ba next week?" panimula n'ya. Hindi naman s'ya kinibo ni Drei at dire-diretsong umupo sa chair n'ya-sa tabi ko. "Punta ka ha," she added. Nilabas ni Drei ang sarili n'yang libro at sinabayan ako'ng magbasa. Bumalik si Daphne sa mga kagrupo niya.

Pumwesto si Drei at ginaya niya ang pagkakahawak ko sa libro. Para siyang tanga. Pinag-krus n'ya pa ang mga hita n'ya.

"Ano ka ba Daphne, alam mo naman never umattend si Drei sa mga ganyan. Kailan ka ba titigil sa kakatanong?" Sita ni Justin kay Daphne. Yan nga rin ang sagot sa akin ni Drei noong tinanong ko s'ya kung aattend s'ya. Hindi naman kasi talaga raw s'ya umaattend sa ganun. He finds it boring.

"What are you reading?" He asked, curious. He didn't look at me.

"Everyday" I closed the book and faced the cover to him.

"David Levithan?" Pang-aasar n'ya. Hindi ko s'ya pinansin. "You should try mine." He closed his book and showed it to me. Binasa ko 'yung title. Seven habits of highly effective people.

"Nabasa ko na 'yan." I told him. He raised his brow, challenging me.

"So, what are you thoughts about this book?" He asked

"There are a lot of practical stuff and honestly it leads me to an effective and positive behaviour. That's why maybe goal-driven ako." I started "My favorite quote is 'To change ourselves effectively, we first had to change our perceptions', it makes sense diba?" I added.

"You spoil it. I wasn't even asking for your favorite quote. I was just asking for your thoughts.." He groaned. He went back reading, annoyed. I chuckled and shook my head. He's really something. He will initiate a chat and when you started throwing your point of views, he will suddenly detach himself.

Minsan naiisip ko, ako lang ba nakakapansin na talagang may pagka matanong at madaldal si Drei? Mahilig s'yang magtanong ng kung ano-ano tungkol sa akin pero pag ako ang nagtatanong tungkol sa kanya, hindi naman n'ya sinasagot.

"May problema ako," Panimula ko sa kanya, bigla n'yang binaba ang libro sa mga hita n'ya at tinignan ako ng nakakunot ang noo.

"What is it? Is this about Bobby again?" He asked, his brows almost touching each other. I panicked. I didn't know he would be this...protective. He sounded like one. Well I didn't mean to assume, but he is really being protective. I feel lucky but my stomach churned because of the idea. Stop, Aizelle. Stop. Mark a line and know where to stand.

"Hindi, ano ka ba! Hindi na uuwi si Bobby sa bahay. Ang problema ko eh 'yung College night. Coordinator ako at alam mo naman na required kami pumunta." I started fidgeting.

"I'm not going.." He said firmly

"I know that! Can you please let me talk." I mimicked his tone. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Then what?" He crossed his arms. This conversation almost lurched to a wrong direction, maybe he thought I was going to ask him as my date. I just need to steer it back.

"Wala ako isosoot. Wala ako alam na mabibilhan. Samahan mo ako para libre pamasahe ko. You lose today, we have a deal na dapat maaga pumasok ngayon." I said brightly. I wasn't sure but he looked a bit disappointed. He sighed, thinking of something to say.

"I couldn't imagine you wearing a dress. It feels weird." He laughed, jeering at me. Sinimangutan ko s'ya at muntik ko na s'yang hampasin gamit 'yung libro na hawak ko "Don't show too much skin and wear something decent." He advised.

"Mukha ba akong pipili ng hindi disente?" Singhal ko. Inirapan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Kinuha niya ang phone niya. "Basta samahan mo ko." I said. May earphones sa armchair niya. Kinuha ko 'yun pati ang phone niya."Peram ha, ang panget mo!" Biro ko. I put it in my ears and played a song. Pinatong ko ang phone n'ya sa armchair ko. Tutal maaga pa naman. Type na type ko talaga 'yung playlist ni Drei, pati 'yung phone niya syempre. Ang ganda kasi ng specs. Nasabi ko na sa kanya 'yun dati kaya simula noon para bang binigyan niya na ako ng permiso na hawakan o pakialamanan 'yung phone niya. At first, I don't understand because it is something private. A phone is your life-It's like your vital organ. He shouldn't let me in the first place. It's as though he's giving me a consent to enter his world-his life, everything that is private about him. It was awkward, but eventually I got used to it. Araw araw kasi kami magkasama. Minsan ipapahawak niya pa sa akin kapag PE namin o kaya naman ay magsi-CR siya. May lock pattern ang phone niya at pinapakita naman niya sa akin kung paano i-unlock kaya alam ko rin kung paano iyon buksan.

He grabbed his phone, akala ko babawiin niya ito. Kinuha niya 'yung isang side ng earpods and he did the same, he put it in his right ear. Pinalitan niya ang kanta. Para akong natatae na nasusuka. Hindi dahil nandidiri ako o ano. Kakaiba lang talaga yung kaba at yung kabog ng dibdib ko sa presensiya niya lalo't ganito pa ang ginagawa niya sa akin.

Parang may nagtatalunan sa galak dito loob ko, parang ewan. Magkashare kami sa earpods at nakikinig ng music. Nasa pinakalikod kami ng classroom. It feels like we're on another planet again.

[Now playing: Wanted by Boyce Avenue]

"You know I'd fall apart without you. I don't know how you do what you do. 'Cause everything that don't make sense about me, makes sense when I'm with you"

He took something from his bag, a small white towel. I saw Daphne in my peripheral vision; she was looking daggers at me. Nagbubulungan sila at sigurado ako'ng kami ang pinag-uusapan.

Nakiramdam ako. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba itong mangyayari. Unti-unti akong nakaramdaman ng bigat sa aking balikat. Si Drei. Dahan-dahan n'yang ginagawa yun. He was gently leaning his head on my shoulder. Hindi ko alam bakit n'ya ginawa 'yun pero gusto ko s'yang itulak, gusto ko umalis sa kinakaupuan ko.

"Makes sense when I'm with you. Like everything that's green, girl, I need you. But it's more than one and one makes two so put aside the math and the logic of it. You gotta know you're wanted too"

Si Daphne, hindi na halos maipinta ang mukha habang nakatitig ng masama sa amin. Alam kong nakikita sila ni Drei pero tinakpan pa n'ya ng towel ang mukha n'ya. I could hear him. Parang sinasabayan pa n'ya ang kanta na nagpi-play pero mahina lang ang boses n'ya. Mahina pero sapat na para marinig ko, sapat din para kilabutan ang buong sistema ko, sapat na para ikabaliw ko. Nangangatog ang mga binti ko. I have to admit it. I don't want him to stop doing this.

"'Cause I wanna wrap you up. I wanna kiss your lips. I wanna make you feel wanted. I wanna call you mine, wanna hold your hand forever and never let you forget it. Yeah I, wanna make you feel wanted"

Damn it, Aizelle. Don't fall for it.

Pinabayaan ko si Drei na nakasandal sa balikat ko. Ewan ko pero gusto ko rin. Gusto ko rin ang ginagawa niya. Ang hirap pigilin ng sarili. Ang hirap hindi mahulog sa mga patibong niya.

Ilang minuto kaming ganoon lang ang posisyon. Walang pakialam sa mundo. Walang paguusap pero alam kong nagkakaintindihan kami. Nagtinginan ulit ang mga kaklase ko sa amin. I looked down. Naiipit ako sa gitna, gusto ko siyang gisingin dahil ayoko yung klase ng atensyon na binibigay ng lahat sa amin pero ayaw ko rin dahil gustong gusto ko na ganito kami.

"Aizelle," He called my name, almost whispering. Nakatakip pa rin ng towel 'yung mukha niya. Nakaramdam siguro siya na naiilang ako. "Don't mind them." He said softly, his voice deep and husky. I was nearly collapsing but his voice makes me calm. Why is he doing this to me?

Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong nagsisiayos na ang mga kaklase ko. Kakapasok pa lamang ng prof namin sa pinto. Napatingin ito sa gawi namin ni Drei. Doon pa lamang ako nakaramdam ng hiya.

"Drei.." I called his name.

"Hmm?" He responded in a hoarse voice.

"Andiyan na si Sir.." Sabi ko sa kanya ng pabulong. Inangat na niya ang ulo niya at umayos ng upo. Hindi man lang siya nataranta. Halatang sanay na sanay sa pakikipaglandian. Naalala ko ang eksena nila ni Daphne nung first day of class. I don't want to end up like Daphne. She was too attached. Drei doesn't want to be committed. I reminded myself.

I took a deep breath. Get a grip, Aizelle.






"Nasaan si Auntie?" Tanong ko kay Mike-pinsan ko'ng batugan. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at naabutan ko ang pinsan kong nag dodota. May mga bote pa ng red horse sa tabi niya.

"Nasa taas, tulog na." Mabilis n'yang sagot ng hindi ako nililingon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Makakagawa ako ng homework at makakapag-review ng maayos.

Umaakyat ako sa taas at naligo na agad. Ang dami-dami ko pang gagawin.

Dumapa ako sa kama at nagsimula nang magbasa at magmemorize ng mga formulas. Inabot ako ng halos dalawang oras. Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong umilaw, napakunot ang noo ko. Si Abby lang naman ang alam ko'ng tatawag ng ganitong oras.

Tinatamad ako'ng tumayo at kinuha ito, lalong napakunot ang noo ko dahil number lang ang nasa screen. Napangiwi ako, inaalala ko pang mabuti kung may utang ako at naniningil itong tumatawag. Sinagot ko na lang kahit 'di ako sigurado.

"Hello?" Sabi ko. 'Noong una, mga mabibigat na paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Tinignan ko pa ulit ang screen ng phone at binalik agad sa tainga "Hello?" Dagdag ko pa. Pero wala pa rin nagsasalita.

I was about to end the call..

"Aizelle.." He said. I froze. I covered my mouth using my palm. Nagtayuan na naman ang mga balihibo ko nang bigla ko'ng marinig ang boses n'ya. Bakit ba nagkakaganito ako? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. "I had a bad dream" He added. Alam na alam ko na s'ya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakakaawa ang boses niya.

Hindi ko malaman ang gagawin ko. His voice. Wala akong naramdaman kung hindi awa. Naghahabol s'ya ng hininga at parang hirap na hirap.

"A-asan ka ba?" I asked, feeling really bothered. Ewan ko ba kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko, bakit iyon ang naisipan ko'ng tanungin. Hindi ko na alam.

"Turn around," Paos na sabi ni Drei. Hindi ko inaasahan ang isinagot n'ya.

Parang huminto ang aking mundo. Nanigas ang buong katawan ko at kinilabutan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Unti-unti at dahan-dahan ako'ng lumingon sa bintana ng kwarto ko. Hinawi ko ang kurtina, nanginginig pa ang mga daliri ko.

Then I saw him.

Nakasandal sa motor n'ya, kinaway n'ya ang parte ng kamay na hawak-hawak ang phone. Madilim na sa labas, tanging ang ilaw lang ng poste sa tapat ng bahay ang nagsisilbing ilaw.

"H-hintayin mo ako d'yan. Bababa na ako." I answered and ended the call. Parang may sariling isip ang mga paa ko at kusa na itong naglakad.

Drei needs me

Continue Reading

You'll Also Like

759K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
268K 6.1K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
716K 25.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.