Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 27

3.9K 197 71
By peachxvision

"Sorry na . . . ," sabi ko. "Sasabihin ko naman e. Sadyang . . ."

Natatakot ako dahil hindi man lang umiimik si Theo. Ni hindi pa nga niya binibigay sa 'kin yung mga bulaklak na dala-dala niya. Pinili ko na lang tumahimik hanggang sa narinig ko siyang magbuntonghininga.

"Alam mo, ikaw," umpisa niya, "lagi kang sumisingit kahit na nagsasalita pa ako. Tapos ito, hindi mo kayang sabihin sa 'kin?"

"Lagi mo kasing sinasabi na i-work out—"

"Ano ba ako sa 'yo, Tasha?"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Alam ko naman mali ko e. Tumulo na lang yung luha ko dahil . . . iyon nga, mali ako, at wala naming silbi kapag nag-sorry ako nang paulit-ulit.

"Sorry na . . . ," sabi ko nang humihikbi. "Sabi mo, kapag may nagawang mali, mag-sorry. Hindi na ako madadahilan kasi . . . iyon lang . . . takot lang ako sabihin sa 'yo kasi baka hindi ka pumayag."

"At ano naman kung hindi ako pumayag? Mapipigilan ba kita?"

"Oo!"

"Bakit?"

"Dahil boyfriend kita at—"

"At kapag sinabi kong wag kang tutuloy, di ka tutuloy? Tasha, di naman kita alipin e. Girlfriend kita."

"Bakit ang gulo mo?" inis kong tanong. "Kapag nag-uusap tayo tungkol dito, sasabihin mo huwag na lang ako lumipat. Tapos ngayon . . . tapos ngayon ganito na. Parang lumalabas na masama ako."

"Ha? Paano naman napunta doon?"

"Na kaya ko nga hindi sinabi sa 'yo kasi nagagalit ka kapag iyon pinaguusapan natin. Tapos ngayon na hindi ko nasabi, biglang hindi ka na pala magagalit? Parang ang contradicting lang."

"Teka, ano bang pinupunto mo? Ang importante ba, kung sino mas tama sa 'tin?"

"Ang point ko, kaya ko 'yon nagawa dahil ang contradicting ng mga sinasabi mo."

"So gusto mo bang mag-sorry ako?"

"Bakit mo ba ako pinapalabas na masama?"

"Ha? Tasha, anong pinapalabas na masama? Kanino? Kanino kita pinapalabas na masa—"

"Sa sarili ko!" sigaw ko at nagtakip ng mukha. "Nakaka-frustrate na binaba ko na yung pride ko para sa 'yo, na inaamin ko na ako yung mali, pero hindi mo ma-gets kung bakit ko 'yon ginawa."

"Dyina-justify mo kung bakit mo ginawa yung maling bagay na 'yon?"

"Oo, probably, na dahil 'yon sa lagi mo na lang sinasabi na sayang ganito, sayang ganyan. Wala akong suportang natanggap."

"Ako yung mali?"

"Alam mo, what the hell."

Tumayo ako naglakad palayo. Hindi ko na alam kung anong pinupunto ng sagutan namin. Nag-sorry naman na ako at sinasabi ko lang kung bakit. Bakit niya kailangan ipagdiinan at iinterrogate pa ako?

Lumabas ako ng gate ng school namin at naghintay ng jeep. Ang labo lang dahil pagkita ko, hindi naman siya sumunod. Tiningnan ko yung cell phone ko at wala rin siyang text.

Sa sobrang galit ko, sumakay ako ng jeep. Siguro kalahati na ng biyahe nang bigla akong nakaramdam ng guilt. Tumingin ako sa cell phone ko at wala pa rin siyang text.

Shit naman.

Nagpara ako at kinuha yung sobrang bayad ko. Sumakay ulit ako ng jeep papuntang school at tumakbo kung saan kami nag-usap.

Pero wala siya.

Knowing Theo, baka andito lang naman siya. Tumawag ako nang tumawag pero hindi rin niya sinasagot yung phone niya. Naiiyak na lang ako.

Tapos biglang cannot be reached na.

Sobrang nagpanic ako. Dapat kasi maganda 'tong pagkikita namin. May dala pa siyang rosas na hindi man lang niya naibigay. Umupo ako at umiyak. Hindi ko alam kung uuwi na ako o ano.

Siguro mga isang oras lang ako naghintay tapos tumawag ako ulit. Sa unang dalawang ring, cannot be reached. Sa pangalawa, biglang nag-ring.

"Bakit?"

Nang narinig ko yung boses niya, gusto ko na lang umiyak. Ngayon lang kami nag-away nang ganito katindi.

"S-saan ka na?" tanong ko.

"Bahay."

Bahay. Nasa bahay na siya.

Gusto ko sanang marinig na nagbibiro lang siya, pero hindi. Sumikip yung dibdib ko. Hindi man lang niya ako hinabol. O kung hindi man, hindi man lang niya ako tinanong kung nasaan na ako o kung nakauwi na ba ako.

"A-ah . . . s-sige."

Walang nagbaba noong una ng telepono hanggang sa biglang nagclick yung linya niya.

Binabaan niya ako.

Walang "Ingat."

Walang "I love you."

Wala.

Umupo ako. Napagod ako sa mga emosyon dumadaloy. Hindi na ba ako importante sa kanya? Biglang ganoon na lang. Hindi ba niya maintindihan yung point ko? Hindi naman ako nakikipaglaban kung sinong mas tama sa amin dahil alam ko namang siya 'yon. Gusto ko lang maintindihan niya kung bakit ko nagawa 'yon.

Naglakad ako papauwi, naluluha, nag-iisip. Sa sobrang tulala, hindi ko namalayan na nasa harap ko si Hudson.

"Uy," sabi niya. "Problema?"

"Wala," sagot ko. "Pauwi na ako."

"Bat ngayon lang?"

"Ah . . . ano e . . ."

"Nakita ko si Theo kanina a. Napaatras nga ako kasi ayokong makita niya ako e. Iwas away lang."

Nagbigay ako ng ngiti. "T-talaga?"

"Anong talaga? Wag mong sabihin hindi kayo nagkit—uy! Ayos ka lang?"

Hindi ko na napigilan. Tumulo na lang yung luha ko bigla. Parang ang ewan lang ng nangyari. Tipong siguro dapat masaya kami, dapat hawak ko yung bulaklak. Bakit kasi ako nagwalkout? Para lang mapatunayan kung hahabulin niya ako?

Naglabas siya ng panyo na tinanggihan ko. Nakakahiya naman kasi.

"Ano nga?" tanong niya. "Mahirap yung ganyan ka lang."

"W-wag na. Nakakahiya e," sagot ko. "Isa pa, kasalanan ko rin naman."

"Bakit mo inaangkin mag-isa?"

"Kasi totoo naman."

"Ganyan ka na ba talaga dati? Nangaangkin ng kasalanan? Ikaw ba talaga yung unang nagso-sorry? Parang noong una kitang nakilala, hindi ka naman ganyan."

"Nagma-matter pa ba 'yon? Kasalanan ko kaya ako dapat ang mag-sorry."

"E bakit ikaw yung umiiyak?"

Napatingin ako kay Hudson nang may tumutulong luha. Pesteng yawa tong luha na 'to, hindi man lang maki-cooperate.

"Kasi nga ako yung may kasalanan at di ko na kaya ibalik yung panahon," sabi ko.

"Nag-sorry ka ba?"

Tumango ako. "Nag-sorry ako at sinabi kung bakit ko tinago sa kanya na lumipat ako ng college."

"Nagalit siya dahil lumipat ka ng college? Siya ba nagbabayad ng tuition mo?"

"H-hindi naman gano'n! Pero karapatan niya malaman 'yon, boyfriend ko siya e. E kaso, sa tuwing mag-uusap kami tungkol doon, pinipilit lang niya ako na mag-stay sa eduk, e ayoko na nga."

"Siguro hindi nagtuturo yung mga prof niyo."

"Turo ba yung binabanggit lahat ng salita sa PowerPoint?"

"Potek, ganyan yung mga ayokong prof."

"Gets? Hindi na ako masaya. Hindi ko rin naman kasi sigurado kung ano talagang gusto ko e. Practical kasi yung educ kaya ko kinuha, pero sa mga subject ko, ayoko na. Puro readings, puro papers, puro pasa ng requirements. Pero at least, sa tourism, masaya naman ako. E . . . iyon . . . May dala pa siyang flowers . . . tapos nasa tapat siya ng eduk building . . . tapos nakita niya iba na yung uniform ko."

"Nag-away kayo dahil?"

"Dahil . . . nagwalkout ako."

"Bakit ka nagwalkout?"

"Kasi nairita lang ako na . . . nag-sorry na ako tapos binabanatan pa niya ako na parang pinagdidiinan niya na mali ako. I mean, oo na, mali na ako. Sorry na. Bakit kailangan pa niya idiin?"

"Nasaktan 'yon dahil may desisyon kang hindi sinabi sa kanya."

Tumango ako. "Isa ka pa. Ge, iduldul niyo pa sa 'kin na mali ako."

"Pero ang mali niya, dinagdagan pa niya imbis na yakapin ka na lang niya at sabihin na sana, next time, hindi ganoon."

Tumulo na naman yung luha ko. "Buti ka pa," sabi ko. "Ni hindi man lang niya ako hinabol. Bumalik ako dito kasi akala ko andito pa siya since . . . na-guilty nga ako. Naghintay ako dito nang sobrang tagal . . . pero pagsagot niya ng telepono, nakauwi na siya."

"Gago pala 'yon e."

"H-hoy!" depensa ko. "Choice ko rin naman . . . akala ko lang."

"Ngayon lang ba kayo nag-away?"

"Nag-aaway pero nagbabati rin. Ngayon lang yung ganitong kalala . . . kaya ang sakit. Hindi naman kasi ako selosa, at gusto ko nga kapag sinasabi niyang nagfo-focus siya. E kasi, sigurado siya e. Ako, nangangapa pa lang."

"Ganito," sabi niya. "Tutal alam mo namang mali mo, e di itama mo."

"Paano?"

"Puntahan mo. Dalhan mo rin ng bulaklak."

"Weh!"

"Oo nga," sagot niya habang tumatawa. "Kaya tumahan ka na, okay? Iinom mo na lang 'yan."

"Di ako umiinom."

"Seryoso ka?"

"Panira lang 'yan ng bituka."

"Atay."

"Whatever. Parehas lang sila."

Natawa si Hudson. Sa unang pagkakataon noong araw na 'yon, napangiti ako.

"At saka ang pait," dagdag ko. "Bakit ka iinom ng mapait? Peer pressure?"

"Siguro . . . parte," sagot niya. "Liquid of truth kaya ang alak."

"Puwede rin namang liquid of truth ang tubig kung talagang gusto mong magsabi ng totoo."

"May mga bagay na hindi kasi nasasabi kaagad na walang tulak."

"Tulad ng?"

"Feelings."

"At tinatago ba talaga ang feelings? Di ba dapat sinasabi?"

"May ibang tinatago na lang kasi hindi tama. Eventually, makakalimot din naman. Kailangan lang mailbas—"

"Na may tulak?"

"Na may tulak," kumpirma niya.

"If I know. Peer pressure lang talaga. Pampadagdag circle of friends. Kung hindi ka umiinom, hindi ka cool. Mga ganoon mga tao ngayon e."

"Umiinom ako mag-isa no," laban niya. "Hindi ako magaling sa tao. Madalas para antukin lang."

Ngumiti ako sa kanya. Alam ko naman yung past nila ni Theo—na si Hudson yung dahilan kung bakit naaksidente siya at nagkabutihan sila ni Bea blah blah. Siyempre, noong una, nagalit ako sa kanya. Pero sabi naman ni Theo, lahat yon, iiwan na niya sa nakaraan.

Ngayon na mas nakikilala ko si Hudson, parang hindi naman siya kung ano yung sinabi ni Theo.

"Ayos ka rin, ano?" sabi ko. "Umiinom ka para antukin?"

"Di kasi ako makatulog madalas. Iyon pampatulog ko."

"Wow. Iba."

Tumahimik saglit habang naglalakad kami. Medyo gumaan yung pakiramdam ko ngayong may nakausap ako tungkol sa problema namin ni Theo.

"Akala ko talaga, masama kang tao."

"Aray ko naman," sagot ni Hudson habang hawak yung dibdib na parang nasasaktan talaga siya. "Na-judge na ako kaagad kahit na di mo pa ako nakikilala."

"Sorry na. Uy, saan ka pala? Dito na ako sasakay."

"Isakay na kita," sabi niya.

"W-wag na!" pagtanggi ko.

"Lagot ako kay Theo kapag nalaman niyang hinayaan lang kita sumakay mag-isa."

"Umuwi nga siya mag-isa e . . . ano bang pake niya sa 'kin? Malamang tulog na 'yon." Nagbuntonghininga ako dahil kahit pagtingin ko sa cell phone, wala ni isa siyang text. "Grabe . . ." nanginginig kong sabi pero pinigilan ko kaagad. Kota na yung sakit ngayong araw.

"Mahal ka niya," sabi ni Hudson. "Minsan ma-pride lang 'yon."

"Hindi ba ako worth it para lunukin niya yung pride niya?"

Ngumiti lang si Hudson at kinibit ang mga balikat niya. "Ayokong magsalita tungkol diyan. Pero habang maaga, ayusin niyo 'yan."

Matapos akong makasakay sa jeep at magpaalam na kay Hudson, nakatitig lang ako sa cell phone ko, nag-aabang ng text. Tayp ako nang tayp pero binubura pa rin, natatakot na baka mali lang ang sabihin ko. Gusto ko itanong kung bakit kami umabot sa ganito, pero baka ibato lang niya na natural, dahil sa 'kin.

Pagbaba na pagbaba ko ng jeep, biglang nagring yung telepono. Nang nakita ko yung pangalan niya, sinagot ko kaagad.

"He—"

"Nasaan ka na?" tanong niya, medyo monotonous.

"Uhm . . . kabababa lang ng jeep."

"Una kang umalis pero kababa mo lang?" tanong niya.

Nagbuntonghininga ako. "Bumalik ako sa school dahil . . . dahil akala ko andoon ka. Naghintay ako para sa 'yo kaya ako tumatawag, pero di mo sinasagot tapos nag out of reach . . . hanggang sa malaman kong nasa bahay ka na."

Wala siyang sagot. Nanginginig na naman yung labi ko dahil sa lungkot.

"S-sorry. Ibababa ko na. Pagod na ako."

"Pagod ka na sa 'tin?"

"Saan naman nanggaling 'yon?"

"Sa 'yo. Sabi mo, pagod ka na."

"Emotionally at physically ang sinasabi ko. Bakit, saan galing 'yon at bigla mong sinabi 'yon?"

"Nililinaw ko lang."

"Puwes, ang labo."

"Sorry," bigla niyang sinabi. "Ewan ko ba kung ba't ako nagkakaganito. Baka sa stress . . . kaya rin naman kasi ako pumunta sa 'yo kanina dahil miss na kita. Ikaw pampawala ko ng stress . . . tapos gano'n yung nangyari."

Iyon lang naman ata yung mga salitang kailangan ko.

"Napaisip din ako," dagdag niya. Hindi mo sinabi sa 'kin dahil lagi na lang ako kontra sa desisyon mong 'yon. Iniisip ko lang kasi lagi yung future natin . . . na lahat ng desisyon natin ngayon, makakaapekto 'yon sa lahat ng mangyayari sa susunod."

Future namin. Napangiti ako.

"Naiintindihan ko naman," sabi ko. "Kaya I'm sorry . . . I'm sorry kung hindi ko pa talaga alam kung anong gusto kong gawin."

"Masakit lang kasi na hindi ko alam."

"Hindi na mauulit."

"Bati na tayo?"

Ngumiti ako. "Bati na . . . mas maganda lang sana kung naamoy ko man lang yung bulaklak na dala mo."

"Sorry . . . wala na rin naman kasi akong libreng oras bukas."

"Okay lang. I ruined the first time na pumunta ka rito."

Tumawa siya. "Di na 'yon mahalaga. Basta, Friday, bawi na lang tayo."

Pero para namang makakapaghintay pa ako ng Friday. May naisip akong gagawin ko bukas.

"O, sige na, malapit na ako sa bahay," sabi ko. "Makita pa ni Mama na may kausap ako sa telepono. Usap na lang tayo pagpanhik ko."

Narinig ko na naman siyang tumawa.

"Bakit ka ba tumatawa?" tanong ko.

"Wala," sagot niya. "O sige na, pasok na. Matutulog na rin ako."

"Hoy." Tumigil ako sa daan bago ko tinuloy ang sinasabi ko. "May nakakalimutan ka ba?"

"Na alin?"

"Na sabihin."

"Hindi ko namang nakakalimutang mahal pa rin kita."

"I love you too," sagot ko habang nakangiti.

Binaba ko ang telepono at hinanap yung susi ko sa bag. Hindi ko pa man nabubuksan nang buo yung gate, narinig kong nagsisisigaw si Mama ng "Hoy, Ma. Natasha!"

"Hi, Ma—" babati sana ako nang nakita ko si Mama na nakapamewang at si Papa na may hawak na bulaklak.

Na . . . bulaklak.

WTF.

"Ano to?" tanong ni Papa. "Lumipat ka ba ng course dahil sa lalaki?"

"Ha?! Pa!" sagot ko. "Ano ba 'yan?! Sinong nagbigay niyan?!"

"Aba malay namin!" sabat ni Mama. "Di ba dapat ikaw tong may alam? Mag-aral ka muna bago ka magboyfriend!"

"Nag-aaral naman e. Patingin nga! Kanino ba 'to galing? Paano niyo 'to nakita?"

"May nag-doorbell kanina," kuwento ni Mama. "Tapos nakita ko na 'yan sa tapat ng gate natin. Magpapalagay na nga ako ng CCTV para makita ko 'yan manliligaw mo."

Patay.

"Sa itsura kong 'to, Ma? May manliligaw?"

Siyempre wala na. May boyfriend na ako e. Hihi.

Kinuha ko kay Papa yung bulaklak habang in chorus nila akong pinapagalitan na studies first, wag lumandi, ganyan ganyan. Nakita ko yung note ni Theo na nakalagay:

Di ko alam kung mabuti ang flowers sa mantika. Hehe.

At sa baba, may nakalagay, halatang sinulat sa ibang oras:

Ma. Natasha I. Kaluag. Sorry TT_TT

Ngumiti ako at kumuha ng vase na may tubig para ilagay doon yung mga bulaklak. Nagsasalita sina Mama noon, pero hindi na lang ako sumasagot.

Paano ko naman 'to matatanggihan?

Humiga ako sa kama at nagtext.

Thank you sa flowers. I love you. Good night. :")

Natulog ako na iniisip na ang haba ng araw na 'to . . . pero may plano ako para sana mas mahaba bukas. This time, ako naman ang may dala ng bulaklak.

Continue Reading

You'll Also Like

55.6K 2.4K 16
C O M P L E T E D You have to keep your faith in order to experience the best fate.
52.5K 3.7K 10
Wag tumawid. Nakamamatay.
102K 7.4K 101
Hindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala...
23K 865 88
✨ Part of WattpadFilipino's "quick reads to satisfy your cravings" reading list - Michelle Zanea Cortez is a first year college student, studying Mar...