Gorgeous

By xxakanexx

1.8M 86.2K 18.9K

Cinderella Leona Escalona is the youngest of all Judas' children. She is very obedient and honest. Wala siyan... More

Gorgeous
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 06
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Epilogue
Cinderella!

Challenge # 12

65.1K 3.4K 801
By xxakanexx

But

­­Cindy's

"Grabe! Sobrang gago niya! Hindi pa nga kami mag-jowa pero dinala na niya ako sa SOGO! Nakakagago!"

Tawa nang tawa si Jazel habang kinukwentuhan ko siya. Bumalik ako sa school noon kasi sobrang init ng ulo ko. Ayokong mag-taxi pauwi kas inga baka mabugbog ko iyong driver na masasakyan ko, isa pa ayokong umuwi ako nang ganito ang estado ng init ng ulo ko. Gusto kong kalmado na ako kapag umuwi ako. Hindi ngayon pero putang ina ni Bruno. Hindi ko in-e-expect na gagawin niya iyon sa akin! Maayos naman ang usapan naming dalawa ah! Hindi naman siya ganoon – well, akala ko hindi siya ganoon pero ganoon naman siya pala!

"So, kung kayong dalawa na, sasama ka sa kanya sa SOGO?" Tanong ni Jazel. Kumakain kaming dalawa ng egg waffle – kung tawagin ni Jazel pero simpleng kwekwek lang naman iyon. Mayaman si Jazel, anak siya ng may-ari ng isa sa mga malls dito sa Pilipinas. Kalahi niya iyong mga Ayala de Zobel. Ang sabi niya sa akin, ka-rubbing elbows raw niya si Yohann Consunji.

"Ewan. Baka. Magpapaalam muna ako kay Daddy kung papayag siya."

Biglang tumawa nang sobrang lakas iyong kaibigan ko. Lumabas pa nga iyong sauce sa ilong niya.

"Cindy! You can't tell your father that! Magse-sex kayo sa SOGO tapos magpapaalam ka sa Daddy mo?"

Napalabi ako. Sabagay. Hindi matutuwa si Daddy na malaman ang sex life ko pero that violates our honesty code – I tell him everything because he's my bestfriend but also, I realized now that he's my dad and he'll be grossed out when he hears about my sex life. Hindi niya iyon matatanggap.

"Eh paano kapag gabi na tapos hinanap niya na ako, anong sasabihin ko?"

"Tell him a lie."

"I can't lie! Anyway, bakit ba ako ang pinag-uusapan dito? Hindi pa rin nagbabago iyong katotohanan na binastos ako ni Bruno nang ganoon na lang. Buti na lang nakababa ako at hindi ako mana sa mga ate ko na marurupok. Matigas yata ako!

"Maybe because..." Natigilan si Jazel. "Maybe he wanted you so much, o kaya man, maybe he's testing you. Tinitingnan niya siguro kung kakagat ka tapos kapag kumagat ka, he'll take advantage of you, o kung hindi, he'd see you as a woman worth wooing."

Napaisip ako. Hindi nga kaya ganoon iyon? Pero bakit naman niya ako ite-test?

"Is that it?" Tanong ko kay Jazel.

"Maybe or... maybe Brunos has an evil twin who wants to take advantage of you!" Sinimangutan ko si Jazel. Kung ano – ano kasing pinapanood at binabasa nitong babaeng ito kaya kung ano – ano rin ang pumapasok sa isipan niya. Wala naman kakambal si Bruno, ang sabi sa background check ko sa kanya seven brothers lang sila tapos may kapatid siyang sikat internationally.

"Oh, look! Si Yohann Consunji!" Tinuro niya sa akin na palabas si Yohann Consunji ng main building ng college of Business and Accountancy. Napalabi ako.

"Diba graduate na siya. Ano kayang ginagawa niya rito?"

"Baka naman kinausap lang iyong favorite prof niya. Hay, sobrang gwapo niya, so sad may girlfriend na siya. Ano kayang nafi-feel noong jowa niya? Ang hirap kayang magka-boyfriend ng sobrang gwapo."

"Hindi naman gwapo si Yohann Consunji. Mukha siyang flat na otap." Napakibit – balikat ako. Tumawa na naman si Jazel. Binatukan niya pa ako.

"May abs siya."

"O e di flat na otap with abs." Sabi ko pa. Um-order pa ako ng egg waffle. Nagkwentuhan na lang kami ni Jazel sa may gilid noong main building. Naroon kasi iyong tuhog – tuhog na meryenda. Pinalalamig ko lang ang ulo ko. Mayamaya siguro, uuwi na rin ako. Bandang mga alas tres ng hapon, nag-text si Mommy, hinahanap na niya ako. Alam niya kasi na nag-cancel ng klase iyong prof ko. Nag-text nga kasi ako kanina.

"Uwi na ako. Hinahanap na ako ni Mommy."


"Isasabay na kita. Andyan naman na iyong driver ko." Wika pa ni Jazel. Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot ng school kung saan naghihintay ang driver niya. Pasakay na ako ng kotse nang mamataan ko ang itim na SUV ni Bruno. Ang gago. Bumalik pa talaga! Nakaramdam na naman ako ng pangigigil. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay nagpaalam ako kay Jazel. Lumapit ako sa kotse ni Bruno. Sinipa ko iyong gulong noon, tapos ay binasag ko iyong side view mirror. Noon siya lumabas. Galit nag alit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.


"What the fuck did you do that for?!" He yelled at me. Nanliliit na naman ang mga mata ko. Inapakan ko siya sa paa.

"Kasi nga, putang ina ka! Ang kapal – kapal ng mukha mo!" I hissed at him.

"Wala naman akong ginagawa sa'yo! You punched me! Ikaw na nga iyong pasasarapin ko tapos---"

My eyes widened. He talks like this no?! Ang putang ina talaga. Tinalikuran ko siya.

"H'wag na h'wag ka nang lalapit sa akin!" Tinalikuran ko siya. Mabuti at hinintay ako ni Jazel na matapos makipag-usap sa kanya. Sumakay ako ulit sa kotse niya. Ilang beses akong huminga nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, pero pinipigilan ko na lang. Wala namang nakakaiyak. Hindi naman ako nadapa, wala naman akong sugat at hindi ako nasaktan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako naiiyak. I bit my lower lip.

"Are you alright?" Tanong pa ni Jazel. Tumango na lang ako. She held my hand. "Oh, Cindy. You are in a lot of trouble. Be careful with your heart."

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Gusto ko nang pumasok sa loob pero pinakakalma ko pa rin ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala. Iba pala talaga si Bruno. Akala ko, hindi siya tulad ng iba. Wala, tama si Mommy, mahirap hanapin ang lalaking special, iyong hindi mananakit at hindi manloloko. I sighed.

Nakaupo ako sa may flower box. Nagbibilang ako ng one to one hundred para hindi ako mainis pero nakakainis talaga. Ang kapal – kapal ng mukha ni Bruno.

"Cinds, anong ginagawa mo diyan?" Napatingin ako nang marinig ko si Mommy. Kasama niya si Tita Yella, kabababa niya lang ng kotse. May dala silang mga paper bags from different stores. I stood up. Nag-kiss ako sa kanya tapos ay nagmano kay Tita Yella.

"Nagpapahinga lang, Mommy. Medyo napagod ako. Binili moa ko ng damit?" I looked inside the bags. May nakita akong dresses saka magagandang tela. "Mommy, ano ito?"

"Nanguha ako ng sample cloths para sa dress mo for your twentieth birthday."

"Your mom is really excited for your birthday, Cindy." Wika pa ni Tita Yella. Malapit na nga pala ang birthday ko. Two weeks from now, twenty years old na ako. Hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko after graduation. Next year, fourth year college na ako. Sure naman akong papasa ako, iyon nga lang di ko sure kung gusto ko nang mag-trabaho.

"Magpa-party ako?"


"Oo naman. Hindi ka na nga nag-eighteenth birthday, Cindy, hindi ka rin nag-nineteenth, ibigay mon naman na sa akin ito." Papasok kami sa bahay noon. Ayoko pa rin, Gusto kong mag-travel lang sa 20th ko. Gusto kong magsabi kay Daddy na magpunta na lang kami sa Europe. Gusto kong magpunta sa Amsterdam, sa London, sa Belguim, sa Paris. Wala lang. Ayoko talagang nagbi-birthday.

"Pero, Mommy..." Wika ko pagpasok namin ng gate.

"Ano na naman, Cindy?"

"Ayoko po ng party."

Mommy gasped. Sakto naman na lumabas si Daddy kasama si Kuya Red.

"Judas!" Sigaw ni Mommy. Si Daddy ay agad na tumakbo papunta sa amin. Alalang – alala ang mukha niya. Kabado siya. Siguro naalala niya noong sumigaw nang ganito si Mommy at noong na-rape si Ate Belle.

"What's wrong? Are you hurt?!"

"Ayaw na naman ng party ng bunso mo! Nakakainis na ha! Kausapin mo iyan!" Pumasok na sila ni Tita Yella sa loob dala ang pinamili nila. Si Kuya Red ay lumapit na sa amin ni Daddy. I sighed.


"Ano bang gusto mo, Cub?"

"Eurotrip, Daddy. Mataas naman ang grades ka ah. Saka dean's lister pa rin ako." I said. Tumatawa si Kuya Red.

"Birthday na pala nating tatlo nila Kuya Don mo! Anong gusto mong gift, Cindy?"

"H'wag ka kasing eepal sa birthday ko." Nakasimangot na naman ako. "Dadd, Euro trip na lang. Sige na..." Hinawakan ko pa siya sa braso. Napapatalon pa ako. "Sige na Daddy." I bat my puppy dog eyes. Napabuntong – hininga siya.


"I'll talk to mom and see what I can do. Alright." He said. Ginulo niya pa ang buhok ko. "Oh, nandyan pala si Bruno." Sabi pa niya. Nag-init na naman ang ulo ko. Marahas ko siyang nilingon. Tumaas ang kilay ko. Lumakad siya papunta sa amin nila Dad.

"Musta?" Nagkamay sila ni Kuya Red. "May laban mamaya ah."


"Meron nga raw. Hindi ko naman mapapanood on time."


"Inihatid mo ba si Cindy, Orejon?" Tanong ni Daddy. Nangigigil ako sa kanya. Nakatayo siya malapit sa akin. May distansya kaming dalawa. Siguro ng three feet. Nakatapat siya kay Dad. Nakapamulsa iyong isang kamay niya sa khaki pants niya.

Ang fresh ng datingan niya ngayon. Para bang model noong Regatta. White collared shirt, light brown na khakis. White na sneakers. Ang fresh. Bagong ligo. Para bang ang bango ng budhi niya pero sa totoo lang, napakalibog niya. Ang kapal – kapal ng mukha niya.

"Hindi po, Sir. Nandito nga po ako para kausapin siya." Sabi niya pa. Nag-usap na kami kaninang dalawa at ayoko na siyang makita.


"Alright. Shout if he does something bad." Wika ni Daddy sabay yakag kay Kuya Red. Dala na ni Dad iyong bag ko. Hinarap ko siya. Tiningnan ko siya sa mukha niya at sisimulan ko na sana siyang bungangaan nang mapansin kong wala siyang pasa sa gilid ng mata.

Paano nangyari iyon? Sinuntok ko siya kanina at bago ako umuwi, nagkita kami at nagba-violet na ang mata niya.

"Did you put make up to your eye?" Natatangang tanong ko. Itinaas ko pa ang kamay ko para hipuin ang gilid ng mata niya. Wala namang make – up doon.

"What?" Lumayo pa sa akin si Bruno. "Why are you touching me? Your dad might see us, Cindy." He said.

Napakunot ang noo ko. Namaywang ako.


"Nasaan ka kanina between 12 pm to 3pm?"

"I was with Felipe. We were looking for something exciting that he can put n his vlog. What's wrong? I drove him around Makati and Pasay. What's wrong?" Kunot na kunot ang noo niya. Nag-blink ako.

I stared at him. I don't know why but I know that this is him.


"Cindy, what's wrong?" Tanong niya sa akin.


"Umaano ka ba dito?"

"What?"

"What are you doing here?" I asked again. He smiled.

"I will be leaving today for Cebu. May gagawin kami ni Ruel. I'll be gone for a week but I'll keep in touch. Gusto ko lang magpaalam nang harapan."

My heart fluttered. Napahawak ako sa may dibdib ko.

"Ganoon ba? Kailan ka naman babalik?"

"I'll be in Cebu for a week. Babalik kami ni Ruel ng Saturday ng hapon, aalis naman kami ni Elias Mateo ng Linggo ng umaga. Sa Sairgao naman kami for three days. Bale, Thursday night ang balik ko."

"Ahhh..." Wala siya sa Martes. Birthday ko pa naman iyon. "Wala lang." I smiled again. Tinitigan ko si Bruno. Walang kakaiba sa dibdib ko. Hindi katulad kanina. I feel at ease and okay... Kanina, I feel odd and different.

"I hope you'll keep in touch too. I have no idea how this will work but I wanna make it work."

"Why?"

He shrugged. "Because I like you."

My cheeks turned bright red. Napahawak ako sa braso ko. We were three feet apart. I moved closer. Now, we're two feet apart. Hinampas ko si Bruno sa braso tapos ay sinakal ko siya.


"Punyeta ka ha! Mag-iingat ka roon!"

Napapaubo siya.

"Alright. Alright! I h-have to go. My brother is waiting. Bye, Cindy."

"Bye!" Lumakad na siya palayo pero napahinto siya. He looked back at me. He smiled. Feeling ko dapat may gawin ako. Muling naglakad si Bruno ako naman ay tumakbo pasunod sa kanya.

"Huy!" Muli siyang lumingon sa akin.

"Bye!" Tinakbo ko si Bruno tapos tumingkayad ako para ma-kiss siya sa lips. Saglit lang iyon. Hindi naman kasi ako marunong mag-kiss pa. "Ingat! God Bless you!" I ran back to the house. Paakyat na sa porch nang makita ko si Daddy, naka-cross arms siya at titig na titig sa akin.

"Cinderella! Nakita ko iyon!"

I made a face. "Eh, Daddy naman! Two weeks kami di magkikita. Saka sabi mo h'wag akong papakiss sa hindi ko boyfriend, sabi ni Bruno, boyfriend ko na siya."

Lalong nanlaki ang mga mata ni Daddy. Nagulat naman ako nang magsalita si Ate Sam.

"See, Judas, siya talaga ang papatay sa'yo." Niloloko lang naman ni Ate si Daddy. Daddy looked at her.

"Tatanda kang dalaga."

"Dad ha!"

"Cindy, h'wag kang marupok." Sabi ni Dad.

"Hindi naman kasi..."

Nilagpasan ko si Daddy. Pumasok ako sa bahay at nagdiretso sa kwarto ko. Paghiga ko sa kama ay inisip ko ang mga nangyayari sa paligid ko ngayon.

It seems that there are two Brunos...

I'm not sure yet, but I will be careful from now on.

xxxx

Bruno's

"You're here too."

Kausap ko si Brandon sa bar ng hotel na tinutuluyan namin ni Ruel. Nasa hotel room si Ruel at kausap si Andy. Iyon ang eksenang iniwanan ko kanina. Nagpunta ako sa bar para uminom at pag-aralan ang proposal na ihahain namin ni Ruel bukas sa investor na niliigawan niya. He said he can ask for Yvo Consunji's help but he didn't want to involve his father – in – law in this. Madali lang naman kasi ang trabahong gagawin namin.

I didn't tell Brandon that I'll be leaving. Malamang nasundan niya ako dahil sa tracking device na nakalagay sa relo ko. Mayroon rin naman sa kanya. We did that para madaling malaman kung nasaan ang isa't isa lalo na kung nasa misyon siya at kung napahamak na siya.

"What happened to you?" Takang – taka ako dahil ang laki ng pasa niya sa gilid ng mata.

"Ah, it's not worst. You should've seen the one who did it."


"Napaaway ka na naman?"

"To my defense, mas malakas ako sa kanya at hindi na siya makalakad ngayon." Sabi pa ni Brandon. Napailing na lang ako. "Nag-usap na kami ni Chavez. You didn't tell me your cover was blown up inside. Kamusta na si Hidalgo?" Tanong pa niya.


"I have no idea. It's your case now."


"Nagka-usap rin kami ni Amara." Wika niya pa. I have no idea who Amara is.

"Who?"

"Russia. That's her other name. Alright? Come on, Bruno! Keep up! Sundalo ka dati! You should know all these!"


"Hindi ko alam kasi hindi naman ako nagtuloy sa trabahong ito." Russia was the one who recruited me to this unknown division of the CIA. I lasted only a year. Umayaw ako. Si Brando, ibang tao ang nag-recruit sa kanya at mas nauna siya sa akin – but I guess, si Russia lang ang nakaaalam na kambal kaming dalawa, kahit na hindi niya binabanggit at kahit walang confirmation, alam kong alam n ani Russia ang totoo.

Brandon has a clean record. I don't have that.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko dito?" Tanong pa ni Brandon sa akin.

"Umeepal?"

"I'm here because Frolo and Hidalgo are here. I'll tail them, Bruno. If you see them you—"

"I can't. I'm with Ruel. Hindi ko ilalapit sa kanya ang gulo." Matagal niya akong tinitigan. He shook his head.

"Pakitandaan lang, Bruno, kambal tayo, Kapatid mo lang iyon." He walked away. Tinawag ko siya.

"Pakitadaan lang rin na hindi ako ang nagdesisyon para sa ating dalawa noon, Brandon."

Huminga ako nang malalim at umalis na rin sa kinauupuan ko. Bumalik ako sa suite namin ni Ruel. He was in the dining area, still talking to Andy. Nilagpasan ko lang siya at pumasok na sa silid ko. I could hear their laughter. Kitang – kitang lokong – loko ang kapatid ko sa asawa niya.

I sighed. Naalala ko bigla ang mga mata ni Brandon kanina. Para bang namumuo ang galit sa mga iyon. Hindi ko naman talaga kasalanan ang naging desisyon ni Mama noong mga panahong iyon. Brandon never said anything but I can sometimes feel that he was angry with the life I have – or maybe he was thinking that this life is much better than what he has.

Hindi. Lahat ng mayroon ako ay pinaghihirapan ko. Hindi ganito ang relasyon naming magkakapatid noon. There were a lot of competition going on between us. Lahat ginagawa namin para sa amin ang atensyon ni Papa. Hindi ko na nga matandaan kung paano kami nagkasundo – sundo.

"Bruno, are you asleep?" Kumatok pa si Ruel sa akin.

"Tapos na kayo?" Tanong ko pa.

"Yeah. I miss my wife. You should try face timing, Cindy. Maybe she's waiting. Goodnight, man."

He closed the door. Bigla ay napaisip ako. Baka nga. Hindi naman siguro masama. I took out my phone and texted her. Nahiga ako as I typed my message.

To: Cinderella

Msg: R u awake?

Hindi naman nagtagal ay nag-reply na rin siya.

From: Cinderella

Msg: Gising pa naman ako. Bakit ganyan ka mag-text? Bobo lang?

Napangiti ako. Kakaiba talaga siya. Maybe that's the reason why I am so drawn to her.

To: Cindy

Msg: What are you doing? Sorry for the text. I thought it's who younger people exchange messages.

From: Cindy

Msg. Call.

And I did. I called her on facetime. Mabilis rin siyang sumagot. She was already in her jammies, pero kumakain siya ng sandwich.

"Hi." Nag-wave pa siya sa akin. "Ano gawa mo?"


"Wala naman. Nagpapa-antok. Is this how it works?"

"What?"


"Face timing ng nagliligawan."


"Ewan. Si Dad saka sila ate lang naman ang madalas na ka-facetime ko. Ay, Bruno, aalis ako sa isang – isang linggo. Pupunta kami ni Daddy ng France, sama si Mommy."

"Really? That's nice. France is a beautiful country."


"Yes. Ayaw ko kasi magparty. Birthday ko kasi sa next week."

"I didn't know that."

"Hindi ko rin naman sinabi. Saka di ko rin naman alam birthday mo. Kailan ba birthday mo?"

"September 27."

"Wow. Malayo pa." Tumawa siya. Napangiti naman ako. She keeps on eating her sandwich. Mayamaya ay nagsalita siya. "Matutulog na ako Mommy, kausap ko lang po si Bruno." She even smiled. Wala akong magawa kundi ang tingnan si Cindy. Naniniwala ako na sa lahat ng paghihirap ng isang tao, may isang honest to goodness na pambawi ang tadhana at gusto kong maniwalang si Cindy iyon.

I remember the first moment I saw her. It was in that ship. I was about to die, when suddenly, she came. I already knew that she was something, never realized that she's this amazing...

"Uy, Putang ina, matutulog na ako ha. Papagalitan na ako. Goodnight! Tawag ka ulit bukas kapag may time ka. Bye!" Pinatay na niya ang tawag. Ngingiti – ngiti pa rin ako nang bigla kong maalala iyong reaksyon ni Cindy kanina sa akin.

My mouth parted.

Hindi kaya...

But I already told him...

But... it's Brandon... he will never...

Continue Reading

You'll Also Like

Trouble is YOU By Cher

General Fiction

161K 7.2K 21
Andres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14
670K 10.4K 17
Caleb Jireh had been waiting for someone to come back. He had spent the last seven years of his life, waiting patiently for that someone. And one day...
Corazón Perdido By Cher

General Fiction

121K 5.2K 23
Alpha Series 2: Book 1
2.7M 96K 21
Orion Consunji hated Red's former secretary, Victoria. She is too stiff, too organized and she always always rude to him. He made sure that he will s...