Ang Probinsyanang Palaban

By GoldenMaia

514K 18.7K 528

Kristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kun... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapyer 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue

Chapter 17

10.5K 422 8
By GoldenMaia

" Hey! Get a room guys. "

Agad kung itinulak si Sandoval papalayo sa akin ng marinig ko ang boses ni Oscar. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil nakita ni Oscar yung ginawang paghalik sa akin ni Sandoval. Bakit niya kasi yun ginawa?

Napatingin ako kay Sandoval na masama ang tinging ipinukol ngayon kay Oscar. Bakit? Tumingin ako kay Oscar na nakangising nakatingin ngayon sa akin.

" What? " nakataas kilay kung tanong sa kanya.

" Ikaw, ha. Nagpapahalik kana. " nakangising sabi nito sa akin.

" Pakialam mo... Gusto mo halikan din kita? " nakangising tanong ko sa kanya.

Saglit naman siyang natigilan saka ngumiti ng nakakaloko.

" Why not! Kung ikaw lang din nam-  "

Pareho kaming natigilan ni Oscar ng makaramdam kami ng masamang aura na nanggagaling sa iisang tao. Naramdaman ko rin na biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kakaibang aura na yun.

Dahan-dahan kaming napatingin sa kanya. At doon nakita ko ang kakaibang tingin na ipinukol niya kay Oscar. Anytime pwede niya itong patayin, at hindi ko matukoy kung bakit bigla nalang ito nagbago ng aura. Kanina naman okay naman kaming dalawa ha. Pero nong dumating si Oscar bigla nalang nagbago ang ugali niya.

" A-ayaw kuna palang magpahalik sayo, K-KC. Ayaw ko pang mamatay. " nauutal na sabi ni Oscar at halata din sa boses niya ang takot, habang nakatingin kay Sandoval.

Napangisi nalang ako at umalis sa mesa matapos kung ubusin yung tubig ko.

" Umasa ka rin nahahalikan kita? No way! Iisang tao lang ang pwedeng humalik sa akin. At hindi ikaw yun! " sabi ko sa kanya na mukhang ikinahinga niya naman.

Lumapit ako kay Sandoval na nakatingin na sa akin ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya na ikinagulat niya. At mas lalo pa siyang nagulat ng halikan ko siya sa labi niya, na alam kung hindi niya aasahan na magagawa ko yun.

" Thank you ko yan sa pagluto mo ng pagkain sa akin. " nakangiting sabi ko sa kanya.

" Kung ganyan kapala magthank you. Araw-araw na-Shit! " mura nito ng bigla ko siyang suntukin ng malakas sa sikmura niya.

" Kabayaran yan sa paghalik mo sa akin. " nakangising sabi ko sa kanya at umalis na doon.

Nadaanan ko pa si Oscar na gulat na gulat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Hindi tatalab sa akin yung mga tingin nila na akala mo ay papatayin ka. At wala akong pakialam kung sino man sila.

* Zeke POV *

Napahawak ako sa sikmura ko ng maramdaman ko yung sakit ng pagkakasuntok sa akin ng babaeng yun. Hindi ko akalain na ganun pala kalakas manuntok ang babaeng yun. Parang susuka ako ng dugo dahil sa suntok niya. Now! I wonder kung bakit ganun nalang kalakas ang loob niyang hindi umaatras sa mga gulo.

" Ibang klase talaga ang babaeng yun. " rinig kung sabi ni Oscar.

" What are you doing here, Oscar? " tanong ko sa kanya.

Niligpit ko yug kinainan ni Kristel, at napangiti ako ng makitang naubos niya yung niluto kung adobo. Matakaw palang kumain ang babaeng yun, kahit na yung kanin ay muntik niya na ring maubos.

" Nakakuha na kami ng mga inpormasyon about kay KC. "

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Matagal ko na yung pinapagawa sa kanya. Ay ngayon niya lang natapos. Tsk! Ganun ba kahirap makakuha ng inpormasyon tungkol kay KC?

" Where is it? "

" Magkita nalang tayo sa Bar mamaya. Doon namin sasabihin lahat ng nalaman namin tungkol sa kanya. " sabi nito at lumabas na ng kwarto. Hindi man lang ako hinayaang sumagot pa.

Matapos kung ligpitin lahat ng kinainan ni Kristel. Lumabas na din ako don para sundan si Oscar. Saglit pa ako napatigil sa paglalakad ng mapadaan ako sa may field. At sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng inis ng makita na naman siya doon habang nagdadamo. 

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng toh.

Lumakad ako papalapit sa kanya...pero agad ding napahinto ng magsalita siya.

" Kung balak mo na naman akong pigilan sa ginagawa ko? Huwag mo ng ituloy, dahil talagang sasaktan na kita. " sabi nito na hindi man lang ako nilingon.

Napangiti nalang ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap, dahilan para mapasinghap siya sa ginawa ko.

" H-hey! W-what are you doing? "  nauutal nitong sabi na hindi ko naman pinansin.

Alam kung napakadali ng lahat para sa aming dalawa. Pero sa ikli ng panahon na makilala ko siya. I feel like something defferent. Something defferent na hindi ko maexplain, na hindi ko alam kung ano yun... When I first time I saw her in the mall, alam kung may kakaiba sa akin. At doon unang beses na tumibok ang puso ko. At naging tuloy-tuloy na yun sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ito. But in the fast few days, I feel like, I'am very comportable if I'm with her. Parang gumagaan ang loob ko na kasama ko siya.

" Hoy! Sandoval. Bitaw na, marami ng nakatingin sa atin o. " sabi nito.

Napatingin naman ako sa paligid namin at tama nga siya, maraming nakatingin sa amin ngayon. But, I dont care. As long as na yakap ko tong babaeng toh.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago siya binitawan at agad na lumayo sa kanya. Napansin ko kasi yung pag-angat ng kamay. Ayaw ko ng magpasuntok sa kanya. Sobrang sakit pa naman.

Galit naman siyang tumayo at tumingin sa akin. Thats why, I find her cute.

" Ano ba talaga ang problema mo? Nong isang araw kapa ha! " maangas nitong sabi, but she is cool.

Ngumiti lang ako sa kanya na ikinatigil niya saka lumapit ulit sa kanya at kinuha sa kamay niya yung ginamit niyang pagdamo.

" Tumigil kana sa pagdadamo, may ibang gagawa nito. " sabi ko sa kanya.

" What? No way! Magagalit sa akin ang Principal, kapag ginawa mo yun. "


Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Kakaiba talaga ang babaeng toh, ni hindi man lang umatras ng lumapit ako sa kanya. Kung ibang babaeng toh? Paniguradong kinikilig na ito.

" Takot kaba sa kanya? "

" No! " deritsong nitong sabi at nakikita ko sa mga mata niya na hindi man lang itong nagdalawang isip.

" Yun naman pala e. Kaya iwanan muna yan at ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka. Siguradong pagod kana. " sabi ko sa kanya. At hinila siya papaalis doon.

Hindi ko naman siya narinig pang nagsalita at nagpaubaya nalang siya sa paghila ko sa kanya. Pagkarating namin sa parking lot, agad kaming umalis pagkasakay namin sa kotse ko. Para maihatid kuna siya sa bahay nila. Nakikita ko kasi sa mukha niya yung pagod niya, na mukhang wala lang sa kanya. Ni hindi nga ito nag-atubiling punasan ang pawis niya kahit na nasa harapan niya ako.

She is very interesting.

Pagkahatid ko sa bahay nila, agad akong umalis papunta sa bar. Pagkarating ko doon, dumerotso ako sa VIP room kung saan kami tumatambay kapag may pag-uusapan kaming importante at dito ang lugar.

" Hey! Bro. Mabuti naman dumating kana. Kanina pa kami naghihintay sayo. " reklamo ni Geo ng makapasok ako sa loob.

Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa tabi ni Oscar at kinuha yung bote ng alak saka yun ininom.

" Speak. " sabi ko kay Hanz.

" Tsk! Hindi man lang ako pinansin. "

" Hayaan muna, Geo. Alam mong lumalove life yung kaibigan natin eh. " nakangising sabi ni Hanz.

Kinuha ko yung kutsilyo na nakatago sa paa ko at tinarak yun sa ibabaw ng mesa dahilan para tumahimik sila.

" Uumpisahan niyong magsalita o puputulin ko yang dila niyo. " seryusong sabi ko sa kanila.

" Hey! Chill man. Hindi ka man lang mabiro. " sabi ni Hanz.

" Tumigil na kayo, uumpisahan ko ng magsalita. " sabi ni Oscar.

Sinimulan na nila ang pagsabi sa akin about kay Kristel. At dahil don, nalaman ko kung sino talaga siya. Nalaman ko ang tungkol sa kanya nong nasa lugar pa siya. Ang mga naging buhay niyo doon at ang mga ginagawa niya. Nalaman ko rin kung bakit siya nandito, dahil sa tatay niya.
Marami akong nalaman about sa kanya na talagang napapahanga ako.

Hindi ko akalain na kinakatakutan at kilala pala siya sa probinsya nila dahil sa kakayahan nito at sa ugali nito. I wonder kung bakit hindi man lang siya natakot kay Hugo at sa akin. Dahil kakayahan din pala itong protektahan ang sarili niya at makipagsabayan sa amin.

Pero sa mga nalaman ko. Iisa lang ang nasa isip ko. Kailangan ko talagang protektahan ang babaeng yun.

Continue Reading

You'll Also Like

944K 31.3K 48
I may not be the strongest mafia boss out there. But I assure you... I am the cutest one. Mirazaki Series: One
20K 605 29
PAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma ka...
62.6K 1.7K 31
Nakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang...
24.1K 373 51
this is my new fantasy story.. princess Alessandra and king Austin