Lost and Found

By peachxvision

300K 13.1K 6.4K

Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng un... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 25

4.8K 225 91
By peachxvision

Naghahanda na ang lahat para sa final exams at sa graduation ceremony, habang kami ni Theo, naghahanda na para sa wedding namin.

Siyempre charot lang 'yon. Ang bata pa namin. Hahaha. Pero sabi nga nila, kung kalian ka bata, at saka ka mapusok.

Actually, ako lang pala nagsabi.

"Ilang gusto mong anak?" tanong ko kay Theo habang nag-uusap kami sa telepono.

"Tatlo," sagot niya.

"Weh? Dalawa lang gusto ko. Isang lalaki, isang babae. Kung puwede lang iluwa sila nang sabay, g ako."

Natawa siyang sumagot, "Ikaw na bahala sa pagluwa. Suporta lang ako sa likod."

Araw-araw kaming nagkikita at araw-araw rin naman kami nag-uusap hanggang sa makatulog. Bakit nga ba ganon? Hindi nakakasawa kausap yung taong mahal mo kahit araw-araw pa? Napagusapan na namin mula sa "Anong kulay ng damit mo ngayon?" papunta sa "Bakit kaya tayo nag-e-exist?" Minsan, paulit-ulit pa nga yung pinaguusapan namin.

"Gusto ko isa lang floor ng bahay," sabi ko. "Pero may library."

"Wow," sagot niya. "E paano kapag di ko pala kayang ibigay 'yang mga 'yan sa 'yo?"

Napangiti ako. "Okay lang. Kahit sa kubo na tayo manirahan, basta kasama kita."

"Maririnig tayo ng kapitbahay kapag sa kubo."

"Baliw."

"Tasha!" sigaw ni Ate sa may pinto. "Na sa 'yo ba yung shirt ko na may unicorn?"

"Wala!" sagot ko kay Ate. "Uy, wait lang ha? Andito si Ate."

"Sige, antok na rin ako. Takits bukas. I love you!"

"I love you more."

Pagkababa ko, nagulat na lang ako nang nasa harap ko na si ate, nakairap, nakangisi.

"Okay lang kahit sa kubo?" tanong niya, parang nanunukso. "Bebe girl, seryoso ka?"

Umirap lang ako. "Alam mo, ikaw, tsismosa ka e. Bumalik ka na nga sa dorm mo."

"Di ka mapapakain ng pag-ibig, bebe girl. Palibhasa, first love mo."

"Pake mo ba?" asar ko.

"May pake talaga ako. Take it from the experienced."

"E di kung masaktan ako, e di go lang. Hayaan mo akong ma-experience ko 'yon."

"Wooow," pang-asar ni Ate. "Kapag bata talaga. Kala mo naman kaya mo yung sakit. Nako, kapag nasaktan ka, kakainin mo yang sinabi mo."

"Ge, sana mabusog ako."

Ito ring mga experienced sa mga relationships, ano? Di naman advice yung binibigay ni ate e—takot. Gagawin ko naman lahat para maging kami ni Theo hanggang sa huli. Kung hindi sapat, e di hindi sapat. E di masaktan kung masaktan. Hindi naman ako luluhod para mahalin ako e.

Wow, pero kung makadasal ako noon na sana gusto rin ako ni Theo pabalik, ano? Haha. Gaga rin ako e. Lahat naman ata, gaga sa pag-ibig. Basta, laban lang.

"Baka maging obese ka," banat pa ni Ate. "Hindi mo pa nga nakilala 'yang lalaking 'yan sa 'min."

"Hindi alam nina Mama."

"Alam ko. Baka latay abutin mo pag nalaman nilang nabuntis ka ng fourth year high school."

"Te! OA? Buntis agad?"

"Alam mo naman sina Mama. Crush equals baby."

"Alam ko naman limitasyon ko. Ikaw nga, nang naging kayo ni . . . ano nga ulit pangalan n'on?"

"Voldemort—he who shall not be named."

Natawa ako. "K, Voldemort, o, hindi ka naman nabuntis."

"Pero the thing is," sabi ni Ate matapos niyang maupo sa tabi ko, "nang nanggago 'yon, naisip ko na tama sina Mama. Kaya, ikaw"—tinapik niya yung braso ko—"iwasan mo muna 'yang pag-ibig na 'yan."

"Ang masaktan ang iiwasan, hindi ang pag-ibig."

"Napaka-idealistic mo. Sarap mo sabunutan."

"Bata lang kasi ako. Gurang ka na."

Iniwan na ako ni Ate matapos niyang mahanap yung T-shirt niya. Ako naman, humiga at tiningnan yung picture namin ni Theo na ginawa kong wallpaper. Biglang may nag-pop up na text.


TALONG <3

sunduin kita bukas jan sa inyo. :) sabay tayo sa simbahan? after ng baccalaureate, kasal na tayo. hahahaha. magtatago ako sa damuhan para di ako makita ni mama. hahahaha. jk sa may tindahan. wag ka na magreply pls? tulog na. good night. iloveyou tiks.


Napangiti ako at pinilit na makatulog.

Noong sumunod na araw, nagmadali akong nagbihis. Nagulat nga si Mama na ako na naghanda ng baon ko. Hinalikan ko na sila sa cheeks tapos lumabas na ako ng gate. Sabi ko lang ginaganahan lang ako pumasok dahil ilang araw na lang at isa pa, baccalaureate mass kasi.

Paglabas ko ng gate, may mga nakasabay akong kapitbahay. Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa 'kin. Siguro dahil first time nila ako makasabay pumasok.

Naghintay ako sa tindahan ng mga ilang minuto lang bago dumating si Theo.

"Good morning," sabi ko sabay halik sa kanya. "Uy, ba't parang ang—"

"A-a-ano 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa baba.

"Alin?"

Hindi ko gets kung ano yung tinitingnan niya hanggang sa . . . anak ng binudbod na asin—bakit may nakasabit na bra sa bag ko?! WTF?

Nanlaki talaga yung mata ko. Kung kaya ko lang iluwa, iluluwa ko. Gusto ko na lang magpalamon sa mga lupa sa kahihiyan. Kinuha ko kaagad yung bra ko na nakasabit—punyetang hook 'yan na sumabit doon sa nakausling hibla—at nilagay sa bag ko. Naririnig ko si Theo na tumatawa. Nang humarap ako, bigla siyang napadiretso, halatang pinipigilan yung tawa.

"Sige, tawa ka pa," sabi ko na may sarcastic na tono. "Pagtawanan mo pa katangahan ko."

"Ikaw ha," tukso niya. "Nangaakit ka e."

"Wow, kaakit-akit ba yung bra na nakalaylay sa bag?"

"Kung ikaw? Oo."

"Buwitre. Sige, next time ipaalala mo na hindi ko isusuot yung bra ko sa dibdib. Ilaylay ko na lang sa bag."

Lalo siyang natawa. Kahit hanggang papuntang school, tumatawa siya. Tipong tatahimik tapos tatawa tapos kapag tinanong ko kung bakit, sasabihin lang niya naaalala niya yung nangyari kanina.

Universe, bakit di mo na lang kaya ako lamunin?

Anyway, umusad ang oras. Tabi kami sa baccalaureate mass kasama nina Paul. Nakakakilig pa nga na noong communion, binulungan pa niya ako ng "Tanong natin si Father kung pwede mamaya." Hahaha. Normal lang naman na shampoo yung gamit ko, bakit ang haba ng hair ko?

Pagtapos ng misa, the usual graduation practice. Bigla nga akong nateary-eyed habang iniisip na ito na yung huling practice namin. Pagkatapos nito, mahihiwalay na kami ng landas. Hindi ko alam kung paano ang mangyayari, pero gagawin ko ang lahat para maging okay kami. Gusto ko patunayan sa mundo na hindi ko kalaban ang distansiya.

Siguro nabasa niya yung iniisip ko. Nagulat na lang kasi ako na habang papauwi kami, bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Lalim ng iniisip," sabi niya.

"Di ka ba natatakot?"

"Na baka may bra na sumayad sa bag ko?"

"Isa pang asar mo niyan, iiwan kita!"

"Joke lang! Galit agad misis ko!"

"Ikaw kaya masabitan ng brip, ha?"

"Oo na, oo na. Ituloy mo muna yung sasabihin mo."

Nagbuntonghininga ako. "Hindi ka ba natatakot sa hinaharap . . . na magkahiwalay tayo ng school . . ."

"Ikaw na kasi mismo nagsabi na gagawan natin ng paraan," sabi niya habang pinipisil yung kamay ko. "Kinakabahan din naman ako. Pero ayaw mo noon? Kapag magkikita tayo tuwing weekends, parang first time lang ulit nating magkita. Sobrang excited, parang mga bata."

Tumigil kaming dalawa sa isang tindahan at bumili pareho ng softdrinks. Pero sa totoo lang, rason lang namin 'yon para tumambay at magkasama pa nang mas matagal.

Kakatapos ko lang uminom nang nakita ko na namang nakatitig siya sa 'kin. Siyempre, kinilig na naman bunbunan ko.

"May tanong ako," bigla niyang sabi na may ngiti.

"Ano?" tanong ko.

"Bakit sobrang ganda mo?"

"Hala siya! Hoy, The Orpheus Romeo, weg ke ngeng genyen," pa-joke at pa-cute kong sabi. "Oo na, ngingiti na ako at di na ako mag-o-overthink. Di mo na kailangan mambola."

"Ewan. Patay na patay ako sa 'yo. Tangina."

"H-hoy! Wag mo nga ako pakiligin!"

"Di ko naman 'to sinasabi para pakiligin ka. Totoo kasi feelings ko para sa 'yo."

"Hindi pa tayo graduate ng high school, may PhD ka na kaagad sa pambobola."

"Pambobolabyu?"

"Parang ang pangit pakinggan."

"Oo nga."

Tumawa kaming dalawa. Sumandal ako sa balikat niya. Shit . . . gusto ko umiyak. Ang magical lang ng mga moment naming ganito. Madalas, ayoko na matapos yung mga oras na kasama ko siya, pero paano naman kami makakagawa ng mas maraming alaala kung ititigil ko ang oras, di ba? Gusto ko na lang tumalon after eight years—yung may trabaho na kami, kasal na kami . . .

Naramdaman ko yung kamay ni Theo sa may pisngi ko. Hindi ko namalayan na natuloy pala yung luha.

"Ma. Natasha, ang dami mong iniisip," sabi niya. "Gagawan natin 'to ng paraan, okay? Wala akong pasok sa Lunes, e di pupuntahan kita. Tapos magkikita naman tayo ng weekends, di ba?"

"Oo nga," sagot ko, "pero hindi mo naman maaalis yung takot ko. Paano kung may mahanap kang magandang babae doon? Paano kung biglang maging busy tayo tapos mawalan tayo ng time sa isa't isa?"

"Hindi pa nga tayo nagkakahiwalay ngayon, excited na ulit akong makasama ka bukas e."

"Buwisit kasi si Ate e. Kung ano-ano pinagsasasabi. Kesyo piliin ko na lang daw wag magmahal kasi masakit masaktan."

"Masakit naman talaga. Pero hindi naman natin sasadyain na saktan ang isa't isa e. E di kung masaktan, e di magsorry. Pero tayo pa rin sa huli. Understanding lang katapat niyan."

Binibigyan ako ni Theo ng pag-asa sa mga salita niya. Sana . . . sana talaga. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at hinalikan siya nang paulit-ulit bago kami umuwi. Bago ako pumasok sa bahay, nakatanggap ako ng isang halik sa noo mula sa kanya.

"Kaya yan," sabi niya. "Mahal kita e."

"At mahal rin kita, The Orpheus Romeo," sagot ko. "Thank you . . . for finding me."

"Finding you? Hindi naman kita nakita e. Nawala lang ako . . . at nakita mo 'ko."

"Hindi naman kita hinahanap e . . . ay, wait, actually, naghahanap nga ako ng love life noon."

"Tamo."

"E di ako na ang naghahanap ng love life. Sorry na, boring ng buhay ko bago ka dumating e. Wala namang espesyal sa 'kin kundi paborito ko ang tortang talong."

"At pariwara ako bago kita makilala kaya"—hinalikan niya ulit ako sa labi—"tigilan mo ang pagsabi na di ka espesyal dahil nag-iisa ka lang na mantika sa buhay ko."

Dinala ko ang mga salita niyang 'yon hanggang sa makatulog, hanggang sa maka-graduate, at hanggang sa mag-umpisa ang bagong kabanata sa buhay naming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 33.5K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
440K 1.4K 3
TEACHER'S LOVE (UNDER REVISION) Love Trilogy #1 Teacher Series #1 [COMPLETED] Mali sa tingin ng iba ang pagmamahalan ng isang guro at estudyante pero...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
58.9M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...