Branded Series Book 1: Mary G...

By BinibiningAbbott

641K 14.2K 686

SPG WARNING/Rated-18 Motto: You're branded as mine. More

FOREWORD
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
EPILOGUE

CHAPTER 15

17.1K 388 24
By BinibiningAbbott

A/N: Dahil baka di ako maka-update sa friday, ngayon na lang 😂😘

TAHIMIK LANG na nakaupo si Mary Grace sa sofa, kaharap ang mama ni Keith. Nakatitig lang din ito sa kanya at parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. By the way she looked at her, she can feel that Keith’s  mom dislikes her.

“I don’t like you.” Anito sa walang emosyong boses.

Napalunok siya. “Ahm- sorry po. I know you will dislike me. Hindi pa naman po kasi tayo nagkakilala pero heto, magkasama na kami ni Keith, at may anak pa.”

Parang kinukurot ang puso niya hindi dahil sa ayaw nito sa kanya, kundi dahil sa nagsinungaling sa kanya si Keith.

Ilang beses niya itong tinanong, ilang beses din itong tumanggi. Kaya nasasaktan siya.

“Pinikot mo ang anak ko.” Wika ulit nito.

Nag- angat siya ng tingin at sinalubong ang mga titig nito sa kanya. “Sorry po. Pero hindi ko po pinikot ang anak niyo, ma’am. Oo nabuntis niya ako noon, pero ngayon lang po kami nagsama.”

Tinaasan siya nito ng kilay at akmang sasagot pero hindi iyon natuloy dahil napabaling ang tingin nito sa hagdanan kung saan pababa si Kei.
Hinagod din nito ng tingin si Kei.

“May bisita po pala tayo, Nay.” Anito at yumakap sa kanya mula sa likod ng sofa.

“Mama siya ng tatay mo.” Sagot niya sa anak.

Nanlaki ang mga mata ng anak niya. “Whooaaah! May isa pa akong lola!”

Agad itong lumapit sa mama Keith at niyakap ito. “Good evening po!” Masayang bati nito at hinalikan nito sa pisngi ang ginang na mukhang nagulat.

“Good evening. You’re Kei?” Walang emosyon na tanong nito sa anak niya.

Nakangiting tumango ang anak niya. “Opo. Ako po si Marie Kei. Kayo po, ano po ang name niyo? Hindi po kasi nabanggit ni tatay ang pangalan niyo.”

Pagak itong natawa. “Of course, he won’t. My name is Elizabeth.”

“Nice meeting you po.” Ani Kei.

Tipid na ngiti lang ang sagot nito. Halatang ayaw nito sa anak niya.

“Kei, matulog ka na.” Utos niya sa anak.

Sumimangot ito. “Pero hindi pa po tumatawag si Tatay.”

“Gigisingin kita kapag tumawag siya. Sige na. Go, sleep.”

Bagsak ang balikat na naglakad ito patungo sa hagdan. “Good night po, Nay.” Binalingan nito ang mama ni Keith. “Good night po.” Tuluyan na itong umakyat.

“Hindi kamukha ng anak ko ang anak mo. Are you sure that it’s my son’s daughter? I mean, lahat sayo.” Parang nang- uuyam na tanong nito.

She felt insulted, alright. But she kept calm. Alam niyang sinusubok lang nito ang pasensiya niya.

“Maaga man po akong nagbuntis, alam ko pong si Keith ang ama ng dinadala ko. Kasi si Keith lang po ang lalaking gumalaw sakin. He’s my first. And hopefully, my last.”

Mapakla itong tumawa. “So, sabi mo nasa US ang anak ko. Bakit hindi man lang niya ako tinawagan.”

Hindi niya sinabi dito ang dahilan ni Keith. Dahil maski siya, gulong- gulo. “Hindi ko rin po alam. Sabi lang niya it was business.” That’s a lie.

Gusto niyang malaman kung bakit nagsinungaling sa kanya si Keith. Pero hindi niya ipapaalam sa ginang na nagsinungaling sa kanya si Keith. Lalo lang itong matutuwa. Ayaw pa man din nito sa kanya.

Natahimik ang kabahayan. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. Ang dami niyang iniisip.

“I’ll be staying here. Where’s my room?” Anito at tumayo na.

“Our guest room is ready. Doon po kayo.” Sagot niya at kinuha ang bag nito at naunang naglakad patungo sa second floor kung nasaan ang guest room.

Sumunod naman ito sa kanya. “Our guest room.” Ulit nito sa sinabi niya. “Silly.”

Ramdam niyang may alam ito na kung ano pero hindi nito sinasabi sa kanya. The way she stared and talked to her, she can feel something’s up, but she has no idea about what it could be. She felt like she’s left in the darkness.

Iginiya niya ito papasok sa guest room at inilagay ang bag nito doon.
“If you need something po, tell me. I’ll be in our room.”

Tinaasan lang siya nito ng kilay kaya iniwan na niya ito doon at pumasok na sa kwarto nila.

Naabutan niya ang anak na nakaupo lang sa kama at parang may iniisip.

“Sabi ko matulog ka na di ba? Bakit gising ka pa?” Aniya at tumabi ng upo sa anak.

“Nay, di ba sabi ni Tatay bibisitahin niya ang lola ko? Eh bakit po nandito si lola?” Puno din ng pagtataka ang mukha nito.

Nakangiti lang ito kanina dahil baka ayaw din nitong mahalata ng lola nito na nagulat din ito sa mga nangyayari. Isa ‘yan sa katangian ng anak na gusto niya. Marunong itong tumimbang sa mga bagay- bagay at hindi taklesa.

Niyakap niya ang anak. “Hindi ko rin alam, anak.”

“Nagsisinungaling po sa atin si tatay… nagsinungaling siya sa inyo, Nay.” Her daughter sounds disappointed.

Sinapo niya ang mukha nito. “Huwag mong isipin yan. May dahilan ang tatay mo kung bakit, at hindi pa natin alam kung ano ‘yon. Pero kailangan nating pagkatiwalaan ang desisyon ng tatay mo. Maliwanag ba?”

Tinitigan lang siya ng anak. Disappointment is visible in her eyes. Ayaw niyang masira ang tingin nito kay Keith.

Kahit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Keith, hindi niya iyon gagawing dahilan para masira ang tingin ng anak nila rito.

“Matulog ka na. I’m sure may mabuting dahilan ang tatay mo. Mahal niya tayo di ba? Kaya hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasakit satin. Kaya huwag ka ng mag- alala, matulog ka na.” Hinalikan niya ito sa noo.

Tumango lang ito at nahiga na para matulog. Tumabi din siya sa anak habang nakatitig lang sa kisame.

Yumakap sa kanya ang anak. “Mahal na mahal ko po kayo, Nay. Sobra po.”

Napangiti siya habang pinipigilang mamalisbis ang mga luha niya. Mukhang ramdam ng anak niya na nasasaktan siya.  “Mahal din kita anak.”

Hindi mawala sa isip niya ang pagsisinungaling ni Keith. At may tinatago ito sa kanya. Parang tinutusok ng paulit- ulit ang puso niya.

“Nay?” Kapagkuwan ay tawag sa kanya ng anak.

“Hmm?”

“Kapag po tumawag si tatay at tulog na po ako, huwag niyo na po akong gigisingin ha?”

Nakunot ang noo niya. “Bakit? Ayaw mo bang makausap ang tatay mo?”

Umiling ito. “Kayo na lang po ang mag-usap.” Humigpit ang yakap nito sa kanya at natulog na.

Mukhang nagtatampo ito kay Keith. Ipinikit na lang din niya ang mga mata at pinilit na matulog. Pero hindi pa lumalalim ang tulog niya, tumunog naman ang cellphone niya.

Maingat siyang umalis sa kama at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Mr. Bernardo calling…

Bumuntong- hininga siya at sinagot ang tawag habang naglalakad patungo sa terrace.

“Hi, My. I miss you. Kamusta na kayo diyan? Sorry ngayon lang ako nakatawag. May inasikaso pa ako eh.” Bungad nito sa kanya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. “Okay naman kami. Ikaw? Kamusta ang pag bisita mo sa mama mo? Kamusta siya?” Tanong niya habang pinapanalanging magsabi na  sana ng totoo si Keith.

“Okay naman siya. Tuwang- tuwa nga siya at bumisita ako eh.” Masayang sagot nito.

Fúck! Bakit ang sakit sa pakiramdam?

Hindi na niya napigilan ang butil ng luha sa mga mata niya.

Tumikhim siya at kinalma ang sarili. “Mag- iingat ka diyan ha? Tapusin mo na ang dapat tapusin para makauwi ka na.” At makita mong nandito ang mama mo.

“Okay, My. Si Kei, tulog na ba?”

Nilingon niya ang anak nila na mahimbing ng natutulog. “Oo. Nakatulog na siya.”

Bumuntong- hininga ito. “Tell her I miss her, please.”

“Okay. I will.”

Saglit silang natahimik na dalawa hanggang sa basagin ni Keith ang katahimikan.

“I love you, My. Always remember that. I love you and Kei.”

Hindi niya alam kung maniniwala siya. Doubt is clouding her mind. “I know.” ‘Yon lang ang sagot niya.

“Where’s my I love you too?” Ingos nito.

“Pag uwi mo na lang.” Huminga siya ng malalim. “Sige na. Magpapahinga na ako, maaga pa ako sa office bukas eh.”

Natahimik ito. “Okay. Take care. Good night, My.”

“Mm..” ‘Yon lang ang sagot niya at tinapos na ang tawag. Naninikip ang dibdib niya.

Tumabi na ulit siya sa anak at pinilit na matulog. Parang sasabog ang isip niya sa mga nangyayari.

MAGKASALUBONG ANG kilay ni Keith nang ibinaba ang tawag. Something’s wrong with his Mary Grace. Kailangan na niyang tapusin ang lahat para makauwi na siya. Pero si Daniella, matigas pa rin.

“Hey, good morning.” Bati sa kanya ni Daniella at yumakap sa kanya.

Mabilis niyang binaklas ang kamay nito at tinapunan ito ng masamang tingin. “Walang good sa morning.”

Ngumiti lang ito at nagtimpla ng kape at gatas.

Yes, magkasama sila ni Daniella sa bahay nito na sa kanya din galing. Pero hindi sila magkasama sa kwarto.

Kailangan niyang makisama para makuha ang gusto niya. He needs a DNA sample from his so called ‘son’. Pero mukhang nahalata iyon ni Daniella dahil hindi siya nito hinahayaan na makalapit at maiwan sa bata.

“Good morning daddy.” Bati ng ‘anak’ niya na limang taong gulang.

“Good morning, kiddo.” Balik-bati niya.

Umupo ito sa harap niya at uminom ng gatas na inihanda ni Daniella.

Tinitigan niya ng matiim ang bata. He knew it wasn’t his. Pero hindi niya idi- deny, may hawig sa kanya ang bata. Gan’on ba ka- common ang mukha niya at kamukha niya ang tatay ng batang ‘to?

“Daddy, are you staying with us na po? Hindi na po kayo babalik sa Philippines?” Inosenteng tanong nito.

Tumikhim siya. Kahit pa hindi kanya ang batang ‘to, naaawa siya. “Nope. I’m just here for a week, kiddo.”

Nawala ang sigla sa mukha nito. Mahal siya ng batang ito dahil siya talaga ang kinikilala nitong ama. And he’s not that heartless para idamay ang bata sa kabaliwan ng ina nito. Pero ano’ng magagawa niya? Kailangan niyang makawala sa hibang nitong ina.

“Bibisita pa din naman si daddy, don’t be sad.” Ani Daniella at tumabi ng upo sa anak.

The little boy flinched a little when his mom sat beside him. Mula ng dumating siya, hindi niya nakitang ngumingiti ang batang ‘to. Lalo na pag kasama nito si Daniella buong araw. Napapangiti lang ito kapag nakikita siya. Why is that?

Tumingin sa kanya ang inosente nitong mga mata. “Can’t you stay with us na lang po daddy? Please po? I want to be with you po daddy.”

Parang kinurot ang puso niya. Hindi naglalambing ang batang ito, kundi nakikiusap.

Bumaling ito kay Daniella. “Mommy, can I hug my daddy?” Kapagkuwan ay tanong nito.

Tinitigan muna siya ni Daniella saka bumaling ulit sa bata.

“Make it fast.” Nakataas ang kilay na sagot nito.

Mabilis na lumapit sa kanya ang bata at niyakap siya. He can feel that he needs him.

Niyakap din niya ito habang puno ng pagtataka sa isip niya.

Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya at tiningala siya. “Daddy, don’t leave me po. Please? Daddy?”

Nagmamakaawa ito. Parang may sumalsal sa lalamunan niya at hindi siya makasagot. Tinitigan niya ito sa mga mata. Parang may gusto itong sabihin sa kanya pero hindi nito iyon masabi. He can feel there’s something wrong.

Tumayo si Daniella at biglang hinila ang bata palayo sa kanya. “That’s enough.”

“Dahan- dahan naman, Daniella. Baka masaktan ang bata.” Saway niya dito.

Pinaupo na ulit nito ang bata at niyakap iyon. “Sorry.” Bulong nito. But he can see that she’s not sorry at all.

Then a realization came into his mind. Tinitigan ulit niya ang bata na malungkot lang na nakatitig sa kanya. Hindi ito yumayakap kay Daniella, sa kanya ito nakatingin.

Sinasaktan ba nito ang bata??

It’s not his, but he pitied him. Hindi lang ngayon ang pagkuha ng DNA sample ang kailangan niyang gawin. Kailangan niyang gumawa ng paraan para malaman kung totoo ang iniisip niya. He wanted to help this kid.

“Hey, kiddo.” Kuha niya sa atensyon nito. “Wanna go on an amusement park with me?”

Agad na lumiwanag ang mukha nito.

“Sure. We’re coming with you.” Si Daniella ang sumagot.

“I’m not talking to you.” Matigas na sagot niya. “I’m talking to him.” Aniya at tinitigan ang bata.

“You’re not going anywhere without me, Keith.” Nakataas ang kilay na sagot nito.

Sinalubong niya ang tingin nito. “And why is that? I thought you want me to be a father to him. So why not let me?”

Napalunok ito. “No. You can’t take him.”

He smirked. “Nakapangalan siya sa’kin, remember? So I have all the right to take him wherever I want. Kapag pinagbawalan mo pa siyang makalapit sa’kin, pwede kitang kasuhan. You’re taking away my right as his father.”

Hindi ito sumagot. Tinitigan lang siya nito ng masama.

“You will let me spend a day with him,”  Sumandal siya sa backrest ng upuan at pinag- krus ang mga braso sa dibdib niya habang nakikipagtitigan kay Daniella. “..or I’ll see you in court? You choose.”

Tiningala ng bata si Daniella, naghihintay din ito ng sagot nito.

“Fine!” Sagot nito at padabog na tumayo at kinarga ang bata para dalhin sa kwarto.

Habang papalayo ito, nakatingin sa kanya ang bata. Then he gave him the most genuine smile he had ever seen since he came here. He smiled back.

He never spend time with this kid ever since. Ngayon lang. Pero unti- unti na siyang napapalapit dito. No, scratch that, he wanted to get close to the kid. Weird. Ayaw na ayaw niya noon sa bata dahil hindi nga sa kanya pero ngayon, gusto niya itong tulungan.

Agad siyang nag- ayos para sa lakad nila ng anak niya. He needs to finish everything para makauwi na siya.

Hell? Did I just I called him ‘anak’?

Pagkatapos niyang mag-ayos, pumunta siya sa kwarto ng bata kung saan ito inaayusan ni Daniella. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang marinig ang mahinang hikbi ng bata.

Hindi niya maipaliwanag pero bakit nasasaktan siya na marinig ang iyak nito?

Marahas niyang binuksan ang pinto at naabutan si Daniella na sinusuklay ang buhok ng bata.

“Why is he crying?” Tanong niya.

“Ayaw kasi niya sa pinasuot kong damit.” Simpleng sagot nito.

Tinitigan niya ang bata at tumango lang ito habang pinipigil nito ang iyak.
Nilapitan niya ito at masuyong kinarga. Agad itong yumakap sa kanya ng mahigpit. And the weird thing is, his heartbeat quickened.

“Let’s go.” Aniya at kinuha ang bag nito na nasa kama.

“Don’t do something weird, Keith.” Ani Daniella nang lampasan niya ito.

He looked at her coldly. “Ako dapat ang nagsasabi niyan sa’yo.”

Nag-iwas ito ng tingin at mabilis ang hakbang na lumabas siya ng bahay kasama ang anak.

Masuyo niya itong pinaupo sa back seat ng kotse at inayos ang seat belt nito.

“Thank you, daddy.” Anito habang nakayakap sa leeg niya at hinalikan siya sa pisngi.

Napakurap- kurap siya. Why does it feels so good to be called daddy by this kid?? He’s not mine…

Nginitian niya ito at ginulo ang buhok. “Welcome, kiddo.”

Mabilis siyang nagtungo sa driver’s seat at pinaandar ang makina ng sasakyan. Habang nasa biyahe, sinusulyapan niya ang anak sa rear view mirror. Nakatitig din ito sa kanya.  At sa tuwing magtatama ang mata nila, ngumingiti ito. Ang ngiting hindi niya nakikita sa tuwing nasa malapit sa kanila si Daniella.

“So, tell me, why are you crying earlier?” Kapagkuwan ay tanong niya sa anak habang nasa daan ang paningin niya.

Hindi ito sumagot. Nagbaba lang ito ng tingin.

“It’s not because you dislike your clothes, am I right?” Tanong niya at tumango ito habang nakatungo. “Then why did you cry? May sinabi pa sa’yo ang mommy mo?”

Still, no answer. Wala siyang mapapala.

Maya- maya pa ay ipinarada na niya ang kotse. Nagpalinga- linga ang anak niya na magkasalubong ang kilay.

“Where’s the amusement park?” Nagtatakang tanong nito.

Bumaba siya sa driver’s seat para kunin sa back seat ang anak. Umuklo siya para magpantay ang mukha nilang dalawa at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

“Listen to me, kiddo. We’re going to meet a friend of mine.” Tinitigan niya ito ng matiim at nakatitig din ito sa kanya. “But promise me, it’s our secret. Never, ever, tell your mom. We’re going to the amusement park after here.”

Tumango ito. “Yes, daddy. I promise.”

Ngumiti siya at kinarga ang anak papasok sa building. Agad siyang lumapit sa front desk.

“I’m here to see Dr. Radon McLane.”

Radon McLane, a chemist, and CEO of Rn Pharmaceutical Company.
Tamang- tama na nandito din ito ngayon sa US.

“45th floor, sir. CEO’s Office.”

“Thank you.” Nakangiting sagot niya at nagtungo na sa elevator.
Pagpasok niya sa office, nagsalubong ang kilay ni Radon na nakatingin sa kanya at sa bata.

“The hell, Bernardo?” Anito at tumayo.

“I need  your help.” Walang paligoy- ligoy na aniya.

“Who’s this kid? Yours?” Naguguluhang tanong nito. “I thought babae ang anak mo? At least, that’s what I’ve heard.”

He rolled his eyes. May pakpak nga ang balita. “Who told you?” Balik tanong niya at umupo sa visitor’s chair nito habang kandong ang anak.

“Sino pa ba? Eh di ang chismoso mong kapatid.” Naiiling na sagot nito at umupo ulit sa swivel chair nito. “So, who’s this little guy?” Ngumiti ito sa anak niya.

“This is Kein.” Pagpapakilala niya. “Kein, this is uncle Radon.” Ngumiti ito kay Radon.

Bumaling sa kanya si Radon. “Ano ang maitutulong ko? You said you need my help.”

“Can you run a DNA test? Like, right now?”

Nagsalubong ang kilay nito. “What for? I can see he’s yours.”

He stilled. “Seriously?” Tinakpan niya ang tainga ng anak. “He’s not mine. And I’m here for a DNA test result to confirm it so I can use it against his mom.”

Radon looked at him, confused. “What ever. Follow me.” Tumayo ito at lumabas sa opisina.

Agad naman siyang sumunod. Nagpunta sila sa isang silid na puro machines at apparatus na hindi niya alam kung para saan.

Nagsuot ng gloves at mask si Radon saka kinunan sila ng anak niya ng samples para sa DNA test.

“I’ll come back for the results later. I promised this kid that I will take him to the amusement park.” Aniya kay Radon.

Tumango ito. “Okay.”

“Thanks, bud.” Aniya at kinarga na ulit ang anak.

‘I can see he’s yours.’ Hindi iyon mawala sa isip niya habang naglalakad pababa ng building.

No, he’s not mine.

“Daddy?”

Natigil ang iniisip niya sa boses ng anak na nakayakap sa leeg niya.

“Yes?”

“Take me with you, daddy. Don’t leave me again, please? Sasama ako sa’yo sa Philippines.”

Bumuntong- hininga siya. “We’ll see about that, kiddo.”

“Promise I’ll be a good boy po. ‘Wag niyo lang po akong iwan kay mommy.” Pagmamakaawa nito.

Tama namang nakarating na sila sa kotse niya. Pinaupo niya ito sa back seat at tinitigan.

“Bakit ayaw mong maiwan sa mommy mo?”

Bumuka ang mga bibig nito pero walang lumabas ni isang salita doon. Tumungo lang ito at pinagsiklop ang mga kamay. Wala talaga itong balak magsalita.

Ini- lock niya ang seat belt nito at hinalikan sa noo bago tumungo sa driver’s seat. And as he promised, he took him to an amusement park.

Sobrang saya ni Kein. Hindi mapuknat ang mga ngiti nito. They rode all the rides that Kein wants. Lahat ng gusto nitong kainin, binibili niya. Lahat ng gusto nito, binigay niya. They even took a picture in a photo booth.

Kein became talkative. Nagkukwento ito ng mga nangyari sa school, his friends, and anything, with a wide smile on his face. Magiliw niyang sinasakyan ang mga kwento nito. Ngayon lang niya ito naka- bonding ng ganito.. And oddly, he felt happy.

Bigla siyang inatake ng konsensiya niya. Iniwan niya noon ang batang ito. Hindi niya tinanggap. Pero mahal pa rin siya nito kahit nga lumaki itong wala siya sa tabi nito.

“Kiddo?” Kuha niya sa atensyon nito habang magiliw itong kumakain ng ice cream.

“Yes po, daddy?”

“I’m sorry I wasn’t able to be with you while you grow up. Mapapatawad mo ba si daddy?” Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito.

He smiled at him. “Don’t be sorry po, daddy. Sabi ni Mama Beth busy ka daw po kasi sa work para may pangbili ako ng milk.”

Napangiti siya sa sinabi nito. He sometimes hate his mom dahil sa pamimilit nito sa kanya na panindigan si Kein. Pero nagmamatigas siya dahil ayaw niya kay Daniella. Now he understood why. Because this kid deserves to have a father. Kahit papano, nabawasan ang tampo niya dito.

“Thank you, kiddo.” Aniya kay Kein habang pinupunasan ang nagkalat na ice cream sa bibig nito.

“I love you po, daddy ko.” Sagot nito.

His heart flipped. Hindi niya alam kung bakit pero napakasarap n’on pakinggan.

Pagkatapos nilang suyurin ang buong amusement park, nag- aya na ring umuwi si Kein. Habang nasa biyahe, nakangiti siya. Kein is talking animatedly in the back seat. Nagkukwento ito kung gaano ito nag- enjoy sa pamamasyal nila.

Dumaan sila sa office ni Radon bago umuwi. Si Kein naman ay abala sa panunuod ng cartoons sa cellphone niya habang naka- earphones at nakaupo sa sofa.

“Para saan ba kasi ‘yan, bud?” Tanong ni Radon habang iniaabot sa kanya ang envelope.

Napabuntong- hininga siya at tumitig sa anak. “I need this to file a divorce against his mom.”

Nanlaki ang mga mata ni Radon. Wala pa kasi itong alam. “The fúck!? You’re married!?”

Walang buhay na binalingan niya ito. “Yeah. I’m fúcking married. And now I’m so fúcked. Really fúcked.”

#AyokoNa 😂

Continue Reading

You'll Also Like

319K 17.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
86.6K 3K 33
Rare Frisch is a psychopath, leader of a notorious syndicate and the owner of Frisch Club who fall inlove to a woman. Because of his mistakes everyth...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
424K 8.3K 35
He is a doctor and atheist, he did not believe in religion nor God. He doesn't have what we called faith, miracles are exist because of our need to l...