The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLIS...

By pinutbutterjelli

3.8K 298 1.3K

February 14 is a curse. Laging hindi masaya si Alaric sa 14th. Laging nag-iisang ka-date ang sarili niya kahi... More

i n t e r m i s s i o n
six months after the first dialysis session
three years earlier
three years later. a month before the breakup
the month of the breakup
the week of the breakup
six months after the first dialysis session [02]
two weeks after the second rooftop conversation
three months after the first dialysis session
a future
e x t r a s # 1 : on writing TRG
e x t r a s # 2: characters
e x t r a s # 3: should haves/nots
book release

the next day after the suicide attempt

219 20 95
By pinutbutterjelli

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option. Also po, this chapter is quite long sooo)

--------------------------

Only the darkness is heard

In your eye was a storm that I saw

Like summer snow

In the dead angle I see everything you do

Kent, Den döda vinkeln

--------------------------

"O, Ric. Bakit andito ka pa?" Nagtatakang tanong ng kasama niyang Doctor na si Lissa. Nandoon kasi siya sa clinic nila at nagkakape habang paulit-ulit na hinihilot ang sentido dahil sa sakit. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisi, kaya naman pinagsisihan niyang tinungga niya ang alak kagabi.

He tried to smile. "Hindi pa ako nakakauwi. Nag-rounds ako ulit kagabi at nagpahangin sa rooftop. Nakatulog na ata ako doon."

Napapailing si Lissa sa kanya at kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo sa medicine cabinet. "O, eto, Ric. Umuwi ka muna, andito naman ako. Ako na ang bahala sa susunod na rounds," saglit itong tumigil at nag-isip, "Sigurado ka bang okay ka lang? Sabi ni Ion, nakipag-break ka na raw sa girlfriend mo."

Tatanungin niya sana kung papaano nalaman ni Lissa pero dahil parehas na tsismoso ang magkapatid na Diode at Ion, hindi na siya nagtaka. Kinuha na lang niya ang gamot, inilagay sa bibig, at uminom ng tubig.

"I'm fine. Hindi naman ako babayaran ng ospital kung gusto kong magmukmok ng ilang araw. Tsaka, ma-mi-miss ako ng mga pasyente natin."

"Ang dedicated mo talaga. Sige, mauna na ako sa'yo. See you later."

She waved and he waved back.

Mag-isa na naman siya.

For the last time, hinilot niya ang sentido bago siya tumayo at napag-isipang lumabas. Kakalabas niya lang nang may narinig siyang isang boses na agad nagpa-angat sa ulo niya. It sounded damn familiar.

"Ma, for f*ck's sake. Ayoko nang magpagaling!" Frustrated na bulyaw ng isang dalaga sa isang Ale na pilit sinusubukang pakalmahin ito. The girl placed both her hands on her head. Mukhang umiiyak ito dala ng pag-nginig ng mga balikat nito.

May mga ilang tao na ang tumitingin sa eksena pero ni isa sa kanila walang ginawa para awatin ang mag-ina. Pati ang mga nurses at iba pang medical staff ay napatingin lang sa direksyon ng mga ito.

"Anak, please. Makinig ka naman sa akin," pagmamakaawa ng Ale sa dalaga. "Si Doctor Fuentes na mismo ang nagsabi sa akin na pwedeng maagapan ang CKD. Gagawin ko naman ang lahat--"

"Iyon na nga, Ma. Saan mo pupulutin ang pera? Gagastusan mo lang, tapos mamaya wala namang patutunguhan! Let's just f*cking stop this charade!" Ibinaba ng dalaga ang kamay sa ulo at hinarap ang Ina. Naka-sideview ito pero 'di niya maiwaksi sa isipan na nakita na niya ito.

And then it came back: a woman trying to jump off the building. He, drunkenly dragging her back with all his strength. She, fighting him for the sake of it, and he... kissing her like a madman.

Binuka niya ang bibig para sana tawagin ang atensyon ng mga ito pero nagsasalita pa rin pala ang dalaga.

"I should have just went on and died last night," parang nauupos na kandilang wika nito. Niyakap ito ng umiiyak na Ina at pinapakiusapan na huwag magsabi ng ganoon. Umiling naman ang dalaga at marahang kumalas sa Ina bago tumakbo.

Hahabol na sana ang ginang pero pinigil niya ito. "Ako na po."

"Doctor Fuentes--"

"Alam ko po kung saan siya pupunta. Ibabalik ko po siya rito. Diyan lang po kayo," sunod-sunod niyang sabi bago niya hinabol ang dalaga. Wala na siyang pakialam kung may mabangga man siya along the way, basta nagmadali lang siya dahil masama ang kutob niya.

Pagdating niya sa rooftop doon lang siya nakahinga nang maluwag.

"H-Huwag mong ituloy, Rooftop Girl..." Hinihingal niyang sabi at idinasal na lang niya na sana narinig ng dalaga. Kapos na rin siya sa hininga dahil hindi siya nag-elevator papunta sa rooftop.

Hindi niya alam na kaya niya palang tumakbo na parang doon nakasalalay ang buhay niya.

Lumingon ang dalaga sa direksyon niya. Ngayong nasisinagan na ito ng araw, halata ang signs ng chronic kidney disease dito.

She looked dead tired na parang ilang araw na itong hindi natutulog. Payat ito tulad nang naramdaman niya kahapon. Bukod sa umiyak ito ay mukhang natural na puffy ang mga mata nito. At dahil naka-doll shoes, halata niya na swollen ang ankles ng dalaga. Signs of CKD, alright.

"S-Sino ka?"

"Um... Fu-Fuentes. Alaric Fuentes. Ako yung doctor na sinasabi ng Mama mo..."

Inayos niya ang pagtayo at huminga siya nang malalim. "And yes, CKD can be stopped from progressing. Hindi mo ikamamatay as long as you go through every process of treatment. I guarantee you that."

Kumurap ang dalaga at tinignan siyang mabuti. Saglit na nanahimik ito bago biglang parang may na-realize at malutong na nagmura. "F*ck."

"Excuse me?"

"Ikaw na naman?"

She glared at him na para bang ang laki-laki ng kasalanan niya rito. Napakunot noo naman siya dahil kung hindi naman dahil sa kanya ay hindi ito buhay hanggang ngayon.

Nakagawa nga siya ng bagay na ungentlemanly dito, pero at that time, iyon na ang unang pinakalohikal na alam niyang gawin kaysa magsalita. He was drunk and he would not have made any sense.

"Oo, ako na naman. Kung kailangan kitang halikan ulit para 'di ka tumalon ay gagawin ko."

Nalukot naman ang mukha nito. "Ew, Doc. Ewwww." Judgmental na ang tingin nito sa kanya.

Namula naman siya at pinilit niyang ipaglaban ang sarili pero hindi niya nagawa. Napahilot na lang siya sa sentido. "J-Just, don't do it, okay?"

Umiling ito at tinalikuran siya. Kinakabahang naglakad siya sa pwesto nito at mukha namang hindi na balak ng dalaga na ituloy ang pagtalon. Nakatunganga na lang kasi ito sa kabilang building.

Wala siyang mabasang kahit anong ekspresyon sa mukha ng dalaga. Pero halata sa mga mata nito na mukhang sukong-suko na talaga ito at kung wala siya roon baka nagpatuloy na naman itong magpakamatay.

Nakatitig lang siya sa dalaga na parang kung mag-iiwas siya ng tingin ay basta-basta itong aakyat sa railing at tatalon. Hindi ito superhero. Kung tumalon ito, talagang babagsak ito sa daan.

Mga ilang minuto bago itinago ng dalaga ang ulo sa mga braso at nagsalita sa maliit at nahihiyang boses. "Alam mo, Doc. Ang akala namin nung una, diabetes lang. Nakakatawa pa nga, kasi ang payat payat ko tapos diabetes. Tapos ayun pala CKD."

Mapait na natawa ang dalaga. "Ang sarap imudmod ang mukha ng doktor na nagsabing diabetes lang daw yung sakit ko. Akala niya siguro mayaman kami. E, halos hirap na hirap na si Mama na mag-isip kung saan siya kukuha ng pera. Online lang ako nakakapagtrabaho pero hindi rin consistent dahil sa sakit ko. Andami na rin naming utang... tapos one day, isang araw, CKD pala?"

Itinaas nito ang ulo at nakangiting tinignan siya. She looked hurt though. Pilit lang ang ngiti niya. "Sh*t talaga, Doc. Saan na naman kami kukuha ng pang-dialysis? Hindi naman mukhang mura dito sa ospital niyo," nag-iwas ito ng tingin at itinago ulit ang ulo para sumigaw.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. He was raised with privilege. Hindi naman siya makakapag-aral sa ibang bansa kung hindi.

Ang akala niya walang nang namromroblema sa pera para magpagamot. Nakapunta na siya sa mga charity works, nakakita na siya ng mga taong natutulungan naman ng gobyerno kung wala silang pambayad sa ospital, at...

Huminga nang malalim ang dalaga at itinaas muli ang ulo. "Kaya, ayun. I just f*cking want to die. Alam mo yun. Para iwas problema. Para hindi na mukhang mas matanda si Mama sa actual age niya. Para ayun, 'di kami nababaon sa utang para lang magamot ako," huminga ito nang malalim at nanunubig na ang mga mata nito. "Bakit kasi ako pa, Doc? Andami namang masasamang tao diyan sa paligid. Bakit ako pa na nanahimik ang magkakasakit?"

Bukod sa at risk ang mga may diabetes at may high blood pressure sa CKD, minsan hereditary talaga. Ang Mama na mismo nito ang nagsabing iyon ang naging sakit ng yumaong Papa ng dalaga. But that was the logical explanation, gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil wala siyang masabing agad na makaka-comfort rito.

Kaya kahit awkward, inilagay na lang niya ang kamay sa balikat ng dalaga at marahan itong inalo. "Don't worry. Buhay ka pa, pwede pa nating agapan 'yan. Promise me you won't think of killing yourself again?"

Eksaheradong sinimangutan siya nito. "Paano naman, Doc? Gusto mo talagang mabaon kami sa utang?"

Pinitik niya ito sa noo at napaamang ito sa ginawa niya. "Naman, Doc. Ki-ni-ss mo na lang sana ako. Mas gusto ko pa yun. Ang sakit, ah," reklamo nito habang hinihimas ang noong pinitik niya.

"Sira ulo ka kasi. Makinig ka kaya muna o subukan mong 'wag mag-isip ng negative." He was annoyed and ashamed at the same time. Nakakailan ba naman nitong binanggit ang ginawa niyang paghalik dito. Eto naman ang mas nagpatuloy noon. Ngayong naalala na niya ay mas nahihiya pa siya at mas magaling pa itong humalik sa kanya.

Nakabusangot na ang mukha nito. "Tungunu. Ano na naman 'yan? Bobolahin niyo na naman kami."

"Sino ba 'yang doktor mo dati at masabihan ko? Sobra ka na sa amin, ah. Akala mo naman pare-parehas lang kami."

Hindi ito sumagot, napahalukipkip lang ito.

He sighed. "I know the situation partly. Si Mama mo na nga ang unang nag-reach out sa akin, di'ba? May programs ang ospital para sa inyo. Kung 'di talaga kaya ng programs, ako na ang mag-spo-sponsor."

Kumurap-kurap naman ito at pasimpleng pinitik rin nito ang noo niya, pero hindi naman kasing lakas ng kanya. Eksaheradong sinimangutan niya ang dalaga at napahalukipkip na rin siya. "Ano, 'di ka na naman naniniwala?"

"Kuh, pa-kiss nga."

"Huy, magtino ka nga, Rooftop Girl."

Nagsimula na itong tumawa at buhay na buhay ang tawa nito. Wala na ang pait, basta masaya na lang. Kaya nahawa na rin siya at nakitawa na. "Sure ka bang hindi lang kita imagination, Doc?" Tanong nito nang tumigil na ito sa pagtawa. Nakangiti na rin ito mukhang nakapikit dahil sa liit ng mga mata nito.

"Sira ulo. Nakahalik ka na nga, tatanungin mo pa kung totoo ba ako o hindi."

And for a moment, he forgot that last night he was trying to nurse a supposedly broken heart.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 270 49
The 48 Laws of Power by Robert Greene
746K 26.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
130K 3.5K 56
(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?
771K 8K 103
Kung problemado ka sa lovelife mo, well, you're in the right place. Basahin mo na, baka sakaling maka relate ka at makakuha ng advice ;) 🥈 on hot li...