Cherry Blossom

By ParkShiiin

83 1 0

More

{C H R R Y B L S S M 1}
{C H R R Y B L S S M 3}
{C H R R Y B L S S M 4}

{C H R R Y B L S S M 2}

14 0 0
By ParkShiiin

Catherine's POV

"ANO BAAAAAAAAAAA!" sigaw ko kay kuya, pano ba naman kasi hinila yung paa ko.

"hooy! bangon na! Wala si Daddy At Mommy kaya ikaw mag-luto ng Breakfaaaaast!" sigaw rin niya saakin, lah! Kung maka utos naman to! Siya na nga mas unang na gising saakin tapos di pa siya yung nag luto -,-

nagtalukbong ako ng kumot tapos tinanggal niya, bait na kapatid diba? .__.

"IKAW NA MAGTULO DUN! INAANTOK PA AKOOO!" aba! magkalapit lang kami nag-sisigawan pa kami no? abnormal kasi kami eh, ayy siya lang pala.

"IKAW NAAAA! TINATAMAD AKOOO!" kamusta naman yung pag katamad niya sa antok ko? hiyang hiyang naman ako.

wala, wala akong nagawa kung di bumaba, kasi isusumbong naman niya ako kay mommy pag di ako kumilos, minsan sarap din nitong batukan eh.

"Bilisan mo naman mag luto nagugutom na ako!" sabi niya saakin habang nanonood ng t.v

"wow naman! ikaw na nga yung hayahay yung buhay diyan wagas kapa makautos." sabi ko ng nakangiti sabay inirapan siya.

"kasi naman eh! bagal bagal mong mag-luto eh hotdog lang naman yan!" sabi niya

"mag tiis ka! ito kaya kong lutuin eh! bat kaba? katamaran mo kase!" sabi ko, lagyan ko kaya ng lason tong hotdog no? ay wag! baka madamay ako okay lang sana kung siya lang.

"PAGOOOONG!" sigaw niya saakin tapos sinaksak ko siya ng kutsilyo sa ulo at mata, syempre joke lang yun ^__^

"TAMAAAD!" sigaw ko sa kanya

"PAGONG KA! ANG KUPAD MONG KUMILOOOOS!" sigaw niya saakin.

"CARLOS TAMAAAD!" sigaw ko

"CATHERINE MUKANG PAGOOONG!" sabi niya, ano? Ako? Mukang pagong? ang GANDA ko kaya! okay lang sana kung pagong lang eh bakit mukang pagong pa? babatuhin ko na sana siya ng tinidor ng biglang dumating si mommy at daddy.

"ano ba kayong dalawa kayo? bakit kayo nag sisigawan ang aga-aga?" tanong ni papa. Nako! pasalamat siya biglang dumating sila mommy kung hindi! siguro may nakabaon na na tinidor sa noo niya.

"eh kasi daddy mukang pagong siya eh!" sabi ni kuya sabay pout hilain ko nguso nito eh.

"ano ka! Ang ganda ko kaya! ikaw nga tamad-tamad mo eh!" sabi ko sa kanya. Totoo naman! ANG GANDA KO KAYA!

"ANG BAGAL MO NA NGANG KUMILOS MUKA KA PANG PAGONG! SIGURO SA PAGONG KA PINAG LIHI! WAHAHAHA!" sabi ni punyetang carlos -,- joke lang.

sinugod ko siya tapos sinabunutan ko! Saya diba? ^__^

"AAWW ARAY!" sabi niya.

"Tama na yan!" sabi ni mommy.

"ANO HA? SINONG MUKANG PAGONG?!" tanong ko kay kuya.

"IKAW! ARAAAY! MUKA KA NAMAN TALAGANG TURTLE EH!" Sabi niya. nakooo! pigilan mo ako! Pigilan mo ako! OO! Ikaw na nag babasa! Sabi ko pigilan mo akooo! Ayaw mo? Kakalbohin ko ito!

di ko na natuloy yung pag sabunot sa buhok niya dahil hinila ako ni papa palayo. Muntik na Magkaroon ng World War 3 sa bahay namin eh.

"ano bang pinag aawayan niyo?" tanong ni papa.

"eh, kasi yan pa eh! natutulog ako biglang hinihila paa ko tapos ako pa uutusan mag luto!" paliwanag ko habang nakatingin kay kuya ng masama.

"Ikaw naman kasi Carlos, alam mo naman na ikaw unang nagising, dapat ikaw na yung nag luto." sabi ni papa

"iiihh! nakakatamad kasi eh!" sabi niya,

"napaka gandang dahilan naman niyang sinabi mo!" sabi ko sabay slow clap.

"manahimik ka pagong!" sabi niya sakin sabay irap. aba! Bakla ata ito! may pa irap irap pang nalalaman.

"TAMAD!" sabi ko.

"PAGONG!" sabi niya.

"TAMAAD!"

"PAGONG!"

"TAMAAAAAD!"

"PAGOOOOONG!"

"TAMAAAAAD!"

"PAG---"

"HOOOOY! MANAHIMIK NGA KAYONG DALAWA! LALAGYAN KO NG PAPEL YANG MGA BUNGANGA NIYO!" sigaw ni mama kaya nanahimik kaming dalawa.

"Ano yun? Amoy sunog?" tanong ni papa.

pumunta naman si mama sa kusina para tignan iyon.

"Yung Hotdog! Inuuna niyo kasi yang sigawan niyo! nasunog na!" sabi ni mama, Holooo~ yung hotdog nga pala na niluluto ko! Ahe~ nakalimutan ko -,- ito kasing carlos na ito eh!

"Yan Kase! pagong!" sabi ni kuya inirapan ko lang siya.

"dun oh! May binili kami ng mama niyo na noodles! yun nalang almusal niyo." sabi ni papa.

Tumango lang ako tapos pumunta sa kusina para kumain ganon din si kuya.

"alam mo," sabi saakin ni kuya habang kumakain.

"ano?" tanong ko, tumingin siya sa akin ng ilang segundo, ABA! SIGURO NAMAN NA REALIZE NA NIYA NA NAPAKAGANDA KO PARA MAGING PAGONG!

"Muka kang pagong! WAHAHAHA!" sabi niya. tinaas ko yung tinidor katapat ng mata niya.

"hoy! Anong gagawin mo?!" tanong niya.

"Diba sabi mo muka akong pagong?" tanong ko sa kanya sabay ngiti ng nakakatakot, pero maganda parin ako.

"oo bakit?!" sabi niya, mas nilapit ko yung tinidor sa mata niya dahilan para lumayo siya.

"mukang pagong?" tanong ko sa kanya.

"OO NGA! ANO BINGI KA? KANINA PA PAULIT-ULIT!" sigaw niya, dinikit ko yung tinidor sa eyebags niyang malaki.

"mukang pagong?" tanong ko ulet, sirang plaka ako ngayon ah! ito na siguro napapala ko kakapanood ng mga kinakatay na tao, itusok ko kaya sa mata niya? No? ^__^ hohoho.

"OO NGAAAA!" sigaw niya na parang bata diniin ko ng konti sa mata niya yung tinidor ^___^

"sa ganda kong ito muka ako pagong?" tanong ko sa kanya.

"o-OO NGA! M-MUKA KA NGANG PAGOOONG!" halatang kinakabahan na siya, binaba ko na yung tinidor dahil nakita kong paparating si mama.

"kayong dalawa diyan! bilisan niyong kumain at maligo na!" sabi ni mama, syempre mauuna akong maligo! Ladies First kaya! tapos yun unalis din agad si mama at pumuntang sala.

tinignan ko si kuya na nakakunot yung noo sakin habang ako nakangiti. Creepy diba? hohoho.

"abnornal ka no? kumain ka na nga lang diyan!" sabi niya saakin.

nakangiti lang ako, ang ganda ko kasi eh.

Pagkatapos kong maligo nakita ko si kuya na nanonood sa T.V tapos wala nanaman si mama at papa, hilig mag gala?

Umakyat na ako sa taas para mag ayos. actually suklay lang ang pagpapagandang ginagawa ko. Di ako katulad ng ibang babae na nag-lilipstick? Tapos nag pupulbo. Hindi ko na kasi kaylangan nung mga yon sa muka ko! Maganda na ako!

Sinuot ko na yung shoulder bag ko tapos bumaba na ako.

"san ka nanaman pupunta ha?" tanong sakin ni kuya.

"sa Saturn sama ka?" super duper cold kong sagot sa kanya habang kinakalikot ko ang camera ko.

Nakita ko lang siya na umirap. Abaaaa! Napag hahalataan ang gaga! Hahaha panay irap kasi eh! kanina pa. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa bike ko.

Pupunta ako sa Happy Place ko at walang iba kundi sa tantananan! Sa Park!

Hohoho. bumaba na ako sa bike ko at umupo sa bench then nilabas ko yung camera ko at picture! picture!

"tagal mo ah!" tinignan ko siya at si Kurt nga.

"haa?" oo narinig ko yung sinabi niya pero, ibig sabihin hinintay niya ako? kasi ang tagal ko daw eh.

"ah eh, hindi ah! aga pa kaya! 1:48pm palang oh!" sabi ko sa kanya at umupo din siya sa upuan.

"may papakilala ako sayo!" sabi niya pero parang siya pa yung mas-excited kesa saakin.

"ah sige, sino?" tanong ko. nilabas naman ni yung phone niya at mukang may dina-dial.

"hhhmmm.. Bestfriend ko since highschool, ah sa st. nicholas din yun nag aaral" sabi niya saakin.

"aaahh" sagot ko at nai-dial na niya yung dina-dial niya kanina.

"heeey! punta ka dito sa park!" sabi ni kurt sa kabilang linya.

"may bago akong kaibigan!" sabi niya ulet sa kabilang linya. Galing no? Kaibigan agad turing niya saakin kahit pangalawang beses palang ng pag-kikita namin ngayon.

"sige bye! bilisan mo ha?" sabi niya ulet sa kabilang linya at nicall ended na niya ito.

"papunta na daw siya." sabi niya saakin, tumango lang ako.

maya maya, May lalaking tumatakbo na parang bata papalapit sa kinauupuan namin ni kurt.

"Kurt!" sigaw nung lalaki, nilapitan naman siya ni Kurt.

"Kyle!" sabi ni kurt sa kanya. OKAY! aaminin ko! Medyo OP ako sa kanilang dalawa, bigla ko tuloy na miss yung bestfriend ko sa pilinas si Elay .__. Kasi 'tong dalawang 'to eh! Tsk!

"sino siya kurt?" tanong nung lalaki kay kurt sabay tingin saakin.

"ay oo nga! Kyle, si Catherine" sabi ni kurt kay Kyle daw?

"Catherine, si Kyle Angelo Kwon" pagpapakilala ni kurt.

"hhmm. Nice Meeting you Kyle!" sabi ko sabay abot ng kamay ko at nakipag shakehands, aba! ang lambot ng kamay ah! Napag-hahalataang tamad mag laba!

"ikaw ba yung kinuwento ni kurt saakin nung isang araw? sabi niya bago ka daw niyang friend tapos ang takaw takaw mo daw!" sabi ni kyle sabay tingin kay kurt.

"bakit mo sinabi sa kanya na sinabihan ko siya ng matakaw!" sabi ni kurt sabay palo sa braso ni kyle.

natawa nalang ako sa ginagawa nila, kasi ngayon palang talaga ako nakakita ng lalaking mag bestfriend eh usually kasi diba babae?

"ang totoo niyan di lang kaming dalawa ni Kurt ang mag Bestfriend!" sabi ni kyle.

"talaga? Marami kayo?" interesado kong tanong.

"lima lang kami." sabi ni kurt na parang may hinahanap sa bag niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"ayy! Dude! Teka! Babalik lang ako sa bahay, malapit lang naman eh! Naiwan ko kasi yung wallet ko!" sabi ni kurt kay kyle habang tumatakbo papalayo.

"Baliw ka! Wag kang tumakbo baka nadapa ka!!" sigaw ni kyle sa kanya.

"Ok lang!" sigaw ni kurt at tumalikod na.

"tuwang tuwa yan habang kinukwento ka niya saakin" sabi saakin ni kyle.

"talaga? Bakit naman?" tanong ko.

"first time lang kasi niyang magkaroon ng kaibigan na babae, Simula Highschool kaming lima na ang magkaka sama" sabi niya saakin.

"ganon pala. Siguro ang bait bait niya ano?" sabi ko.

"sinabi mo pa! Sobrang bait kaya niyan! " sabi niya sabay tawa

Napangiti nalang ako. Di nag tagal dumating narin si Kurt. Oo aaminin ko, medyo awkward kasi puro lalaki kasama ko, pero di ko naman matatanggi na masaya silang dalawa kausap.

"Busog na Akooo!" sabi ko sabay burp. excuse me! Ahe~,pano ba naman kasi itong si kurt nanlibre nanaman ng pagkain.

"ako nga rin e! Ang sakit ng tiyan ko!" reklamo ni kyle.

"hobby mo ba talaga ang manlibre ng madami?" tanong ko kay kurt.

"hindi naman, saya lang kasing tignan ng nga taong busog at masakit ang tiyan dahil punong puno. hahaha!" sabi niya, may sayad ata tong kurt na eto eh! kaming dalawa lang ni kyle yung pinakain tapos siya nanonood lang tapos juice lang binili.

"ay guys! malapit na mag Back To School no?" pagpapaalala ni kyle, hala! Oo nga pala! 13 days nalang bago yung pasukan! ayaw ko pang bumalik sa pilipinaaaaas!

"oo nga no!" sabi ni kurt, ang galing nga eh kasi may nakilala akong tao dito sa korea na ka schoolmate ko sa pilippines.

"ayaw ko pang bumalik sa pilipinas" malungkot kong sabi, napatingin naman silang dalawa saakin.

"alam ko kung bakit." sabi ni kurt at tumingin lang ako sa kanya.

"dahil ayaw mong iwan yung mga sakura! Ano? Tama ako no? Hahaha!" sabi niya. Sakura? Anong sakura? Nandito ba si sakura ng naruto? Ang alam ko nasa japan yun eh.

"sakura?" simpleng tanong ko sa kanya.

"japanese kasi ng Cherry Blossom is Sakura" sabi niya sabay tingin sa puno ng cherry blossom.

"Aaah! Kaya pala si Sakura ng naruto, kakulay ng buhok niya yung mga cherry blossom!" sabi ko na manghang-mangha, sorry! ignorante lang!

"yep!" sagot ni kyle.

biglang nagring yung cellphone ko at tinignan ko kung sinong tumawag.

"Ma" sagot ko sa kabilang linya.

"nasan ka bang bata ka?" tanong ni mama.

"nandito lang ako sa park ma! bakit?" sabi ko

"ah sige! Sinigurado ko lang, uwi kang maaga ha?"

"opo ma! Bye!" sabi ko kay mama sabay nicall ended na.

"mama mo?" tanong ni kurt.

"oo" sagot ko.

"bakit daw? Pinapauwi kana?" tanong ni kyle.

"hindi. Sabi lang niya wag akong mag papagabi." sagot ko kay kyle.

"teka! Pwede ba makuha number mo? para naman dumami dami yung list ko sa phone" sabi ni kurt.

"sige sige" sabi ko at binigay ko na yung number ko. 4:10 na rin ng hapon malapit nang mag dilim kaya nag paalam na ako sa kanilang dalawa.

"hhmm Kyle, Kurt uwi na ako ha? Malapit na kasi dumilim eh." sabi ko sa kanilang dalawa.

"ah ganon ba? Sige sige! Ingat ha! Baka masemplang ka diyan sa daan!" sabi ni kurt.

"haha! Hindi yan! Di naman ako lampa eh"

"sige na uwi kana padilim na." sabi ni kyle. Nag babye nalang ako sa kanila at sumakay nasa bike ko. Di ko alam ha! pero iba kasi ang feeling pag boy yung kasama mo, hindi naman sa touchy ako o malandi pero parang mas komportable sila kasama kasi hindi sila namamlastik di katulad ng babae.

"Nandito na ang Maganda Niyong Anaaaaaak!" masaya kong sigaw habang sinasara ang pinto ng bahay namin.

"wag ka ngang maingay!" sabi ni kuya na nag se-cellphone. Oh Well, nandito lang naman ang kontrabida ng buhay ko.

"Che!" sigaw ko sa kanya.

"Carlos, Catherine! Dito nga muna kayo sa sala may-paguusapan tayo" sabi ni mama. Sumunod nalang kami ni kuya.

"bakit ma?" tanong ni kuya. "Malapit nang mag-pasukan!" sabi ni mama.

"anong balak niyong dalawa?" tanong ni mama.

"laaah! Diba ma dapat ikaw nag-didisisyon niyan." sabi ni kuya, Oo nga naman no?

"ok sige, dalawang araw nalang tayo mag i-stay dito sa korea, tapos babalik na tayo sa pilipinas, ano okay ba iyon? Total may 11 days pang matitira para mag enjoy dun sa pilipinas bago yung pasukan." sabi ni mama

"Sige mama" sagot ko. Ang totoo niyan gusto kong isama pauwi yung Sakura eh.

"osige, magluluto muna ako ng pagkain ha? Wag nang lalabas gabi na!" sabi niya saaming dalawa ni kuya. Tumango lang kami.

Umakyat muna ako sa kwarto ko para umiglip. Siguro mga 30mns. palang akong natutulog nun nang biglang tumunog yung phone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Cath!" sabi ni Kurt.

"anong ginagawa mo?" tanong niya ulet saakin.

"ah wala! Matutulog sana ako eh." sagot ko sa kanya.

"hhmm, sige matulog ka muna!" sabi niya saakin.

"ah hindi na rin sige, baka bukas na kasi ako magising nito eh." sabi ko sa kanya.

"CATHERINE!"biglang sumigaw si mama mula sa baba. "KAKAIN NA! BABA NA DIYAN!" dagdag pa nito.

"oh! Kakain na daw kayo! Sige na." sabi ni kurt.

"ok sige bye, pupunta ako sa park bukas." sabi ko at pinatay na ang tawag. Feeling ko tuloy ang boring kong kausap kasi lagi nalang ako cold pag nagsasalita.

"anong ulam?" tanong ko kay mama.

"ayan oh!" sabay turo ni mama sa kimchi soup at Jjajangmyeon tapos meron ding gimbap, amoy palang halatang masarap na, magaling kasi na chef 'tong si Mama eh.

"Mukang masarap ah!" sabi ni kuya sabay dampot sa gimbap, aba dugyon talaga ito.

"ano bayan! Kailangan bang kamayin? di man lang mag hugas ng kamay muna eh!" pag-paparinig ko sa kanya. At INIRAPAN NANAMAN AKO NG GAGA.

"Ma Oh! Si Kuya!" sumbong ko kay mama.

"ttssk! Yan nanaman! kumain na nga lang kayo. Pag nadatnan pa kayo ng papa niyo jan na nagbabangayan nanaman, sige kayo!" sabi ni mama saamin nasa trabaho kasi si papa eh.

"dahandahan lang hoy!" sita saakin ni kuya, eh bakit ba ang sarap kaya! Tapos tinignan ko lang siya ng masama at kumain ulet.

"hindi kaba na-aanghangan?" tanong ni kuya.

"Ano ba?! Dami mo pang sinasabi! Kumain ka na lang kaya!" sigaw ko sa kanya. Hanggang sa matapos kami sa pagkain.

Kurt's POV

Makikilala narin ni Cath yung tatlo ko pang kaibigan kasi mamaya pupunta din sila sa park, hindi ko alam kung bakit adik na adik si Catherine sa sakura eh, siguro dahil maganda kaya siya laging nasa park at laging dun yung meeting place namin, Pangatlong beses ko na siya makikita mamaya, Saya naman pala mag ka roon ng kaibigang babae ngayon ko lang na ranasan, kasi simula bata ako di ako pinapayagan ni Mommy at Daddy na lumabas ng bahay dahil sa Sakit ko, at Yung mga Kaibigan ko lang ang pumupunta sa bahay namin.

"Ano kurt? Punta ulet sa park?" tanong ni kyle nandito kasi siya sa bahay ngayon eh.

"oo, pupunta daw siya eh." sabi ko sa kanya.

"oh! Ano pang inuupo upo mo diyan? Halika na alis na tayo!" sabi niya saakin. Excited to ah! Naglakad lang kami papunta doon, malapit lang naman eh.

"nakakapagod naman maglakad, kahit sabihin mong malapit lang yung bahay!" reklamo ni kyle, aba punyetang ito, tamad parin hanggang ngayon!

"tamad ka parin hanggang ngayon palibhasa kasi mayaman ka hayahay buhay mo!" sabi ko sa kanya.

"shunga! Ako mayaman? Mas mayaman ka pa nga eh, KAYO LANG NAMAN ATA ANG MAY ARI NG TANAKA INC. SA JAPAN!" sabi ni kyle, oo nga pala! hohoho

"sus! bilisan mo na lumakad kana ng maayos at malapit na tayo!" sabi ko sa kanya. Pag dating namin dun, Natanaw ko agad si Catherine dun sa ilalim ng puno.

"CAAAAATH!" sigaw ni Kyle sa kanya.

At lumingon naman ito at kumaway lang.

"kanina kapa?" tanong ko ng makalapit kami sa kanya.

"hindi naman, kakarating ko lang eh" sagot niya saakin.

"ay oo nga pala, may papakilala ulet kami sa iyo na kaibigan namin, di kasi sila naka punta kahapon eh kaya ngayon nalang daw." sabi ni kyle sa kanya. Tumango lang siya.

"mamimiss ko talaga 'tong korea pag bumalik na ako sa pilipinas." sabi ko kay kyle at catherine, actually wala akong lahing korean pero bakit ako nandito? Kasi nagbakasyon kamingdalawa ni Mommy sa Bahay ng ate ko dito kasi siya nag tatrabaho eh tapos si Papa Busy sa Japan.

"ay kurt, kyle bukas ng gabi na pala ako aalis." sabi bigla ni catherine.

"san ka pupunta?" tanong ko. "babalik na ako ng pilipinas" sabi niya sa akin.

ay oo nga pala! Kasi malapit na pasukan, pero di pa ako kinakausap ng Ina ko Tungkol dun.

Catherine's POV

sinabi ko na sa kanila na bukas na ng gabi yung alis ko.

"di ko alam kung babalik pa kami sa philippines," sabi ni kurt.

"bakit naman?" tanong ko. "eh hindi pa kasi ako kinakausap ng mommy ko tungkol diyan eh." sabi niya sabay pout.

"ngeee! Baka nalimutan lang bro!" sabi ni kyle. "Oo nga, baka nakalimutan lang niya." sabi ko.

"pero sana makabalik pa ako sa pilipinas." sabi ni kurt.

"DUUUUUUDDDDEEEE!!" sigaw ng tatlong lalaki na di kalayuan.

"andiyan na pala sila!" sabi ni kyle kay kurt.

"ooy! bakit kayo may kasamang chix na di namin alam ha?" tanong nung lalaking negro, hohoho sorry pero maitim kasi siya eh tsaka di ko naman alam name niya, kaya negro nalang.

tumingin saakin si kurt tapos kyle sabay natawa, bakit maganda naman ako ha!

"hhmm,,Her Name is Cath!" sabi ni kyle sa tatlo.

"introduce youself!" sigaw ni kurt sa tatlo pero pabulong.

"ah ok, My name is Miko." sabi nung negro, sorry ulet natawag ko nanaman siyang negro.

"Nate," sabi nung lalaking matangkad tapos madaming ngipin. HOHOHO

"My Name is Gabriel, But you can call me gab." sabi nung lalaking V shaped yung muka.

"hhmmm, Nice Meeting you!" sabi ko sa kanilang tatlo.

"oh? punta tayo sa club house?" sabi ni Miko.

"sige sige." sangayon naman nila. Naglakad na sila, parang nga four steps pa lang naman tapos lumingon saakin si Kurt. "Psst! Cath!" tawag niya aakin. tinaas ko lang yung dalawa kong kilay na parang nagtatanong.

"kasama ka ano ka ba!" bulong niya saakin. Tinuro ko yung sarili ko. Ang tanga ko no? kasama nga daw ako eh!

"oo! Halika na!" sabi saakin ni kurt at tumakbo naman ako papunta sa kanila mabagal lang naman yung pag-takbo ko kasi may hika ako, mahirap na.

sumakay kami sa kotse na pag-mamayari ata ni nilang lima. Ang inggay nila sobra parang ngayon lang nag-kita, tapos ako ito Super Duper Out of Place, wala akong magagawa di ko naman alam yung mga pinag-sasasabi nila. Nilaro ko nalang si Pou sa phone ko, last week ko lang nabisita to tapos sobrang dumi niya na, kawawa naman (。-_-。)

"kawawa ka naman pou!" sabi ko sa phone ko at sinabon ko ng mabuti si pou.

"cath, were here." sabi ni kurt. napatingin ako sa labas ng bintana at, may napaka-laking bahay na ang ganda ganda, ito ba yung club house nila? pagkatapos nun bumaba na kami.

"Ito ba yung club house niyo?" tanong ko kay kurt tutal siya lang naman medyo ka close ko kaya siya nalang yung tinanong ko. At tumango lang siya.

"Ang laki ah!" sabi ko na sobrang amaze.

"pinag-ambagan ng parents naming lima yan," sabi ni gab, biruin niyo narinig niya pa yung sinabi ko?

"meron din kaming club house sa pilipinas" (^∇^)sabi ni nate.

Grabe! ang yayaman naman ata ng pamilya nila? Kasi pag pasok namin ng gate na pagka-lakilaki na walang sinuman ang pwedeng umakyat dun sa sobrang taas, may swimming pool pa tapos ang lawak, then sa likod ng bahay may garden, tapos may fishing pond pero di naman gaano kalaki tama lang tapos yun may parking lot. Pag pasok namin sa loob.

sobrang laki grabeeee! mamamatay na ako! Ang yaman shet! hindi kasi akala ko sa palabas lang meron ganito ka gandang bahay. Kung nandito sana yung bestfriend kong si Elay kanina pa Namatay yun. Kasi grabe talaga halatang pang mayaman yung Chandelier nila sobrang laki at ganda. Wala akong magawa kung di ang mapa nganga.

"cath kung nagugutom ka, punta ka lang dun sa kusina ha? Sa third floor lang kami" sabi saakin ni kurt at umakyat na sila sa taas. At ako? Ito Nagpapaka ignorante parin ako Habang nakatayo at Tinitignan ang Bawat parte ng club house kuno nila.

Sige aaminin ko pero hindi sa nag yayabang Mayaman din naman kami pero, Itong bahay na ito! Kinabog yung bahay namin! Syeteeee! biglang tumunog yung tiyan ko at nakaramdam ako ng gutom. sabi naman ni kurt punta lang daw ako sa kusina pag nagugutom ako.

Hhhmmm saan kaya ako dadaan. Actually ang daming hallway putspang bahay 'to! Doon muna ako dumaan sa kaliwa at sa Stock Room ako napunta. Bumalik ako ulet sa sala tapos sa Kaliwang hallway naman ako dumaan, sa gym naman ko napad-pad. Bumalik ulet ako sa sala.

Tapos sa gitnang hallway na ako Dumaan, Sa Garden naman ang kinalabasan ko. Pagod na ako ha! Sa kabilang hallway naman ako dumaan at napunta naman ako sa ,OMG! Ano to? Pati ba naman Library meron din itong bahay na ito? WOW! JUST WOW!

Dahan dahan akong pumasok doon at Grabe Sobrang daming libro, matanong ko nga? Bahay pa ba ito oh Mansion? Putspa sobrang laki! Lumabas na ako at hinanap ko ang kusina.

punyetang bahay naman ito oo! Sa bahay pa ba na ito ako maliligaw? Kanina ko pa hinahanap yung kusina pero kung saan saan lang ako na-padpad. PAGOD NA AKOO! Naupo muna ako saglit sa oh so lambot na sofa feeling ko lulubog na ako sa sobrang lambot.

May napansin ako sa Ilalim ng bonga nilang Hagdan, may pinto doon na medyo maliit pero kasya yung tao. Lumapit naman ako dun at binuksan ko iyon.

(;゜0゜)<--ganyan na ganyan yung itsura ko nung maka pasok ako sa loob. O-M-G! nandito lang pala yung Kusina. Teka! Hindi to Kusina eh! Kasi wala naman yung Sink Tsaka yung stove dito. Meron lang yung Oh, So long table.

Grabe. Gusto ko nang mamatay kahit anong oras. Para akong nasa langit. Sobrang Daming Pagkain Parang lahat lang pagkain sa mundo nandito na sa Loob ng Kwartong ito! Tapos mataas masyado ang kwarto, hindi kayang abutin ng sinuman yung nasa tuktok na pag kain kaya naman may Hagdan. PUNYETAAA! BAHAY PA BA ITO? Kalma lang kalma!

Agad akong pumunta sa tapat ng mas malaki pang Ref sa akin. At Tulad ng inaasahan ko, pag bukas ko ng ref, ang daming nutella Shet! Gusto kong papuntahin dito yung bestfriend ko! Paborito namin ito eh!

kumuha ako ng nutella at umupo sa upuan. Habang kinakain ko yun, napapa-singhot ako ang sarap kasi eh Nakakaiyak!

"Huhuhuhuhu!" hagulgul ko habang kumakain ng nutella, ang OA ko no? Ngayon ko nalang kasi natikman ulet simula nung pumunta kami dito sa korea eh.

Pagkatapos kong kumain ng Nutella, Nilantakan ko naman yung Tobleron. Omg! Nasalangit naba ako? di ko namalayan yung oras 5:30pm na pala! Nako patay! Malilintikan ako nito sa ina ko!.

Hinanap ko yung lima sa third floor. At katulad ng nangyari sa baba kanina, kung saan saan muna ako nakarating bago ko marating ang tapat ng pinto nila, pano ko nalaman? Narinig ko kasi yung boses ni kyle eh.

"Sh*t! Kurt! dahan dahan lang ang sakit!" rinig kong sabi ni kyle

"wag ka ngang maarte!" sabi naman ni kurt.

"aaahh~ kurt! Masakit sabi! Dahan dahan lang!" sabi nananan ni kyle, OMAYGAD! para akong sinakluban ng langit at lupa ng marinig ko yung.. yung sabi ni kyle! Wat Da! Anong ginagawa nila?

"wag ka na ngang magreklamo! Bilisan mo din kasi kurt! Ayan na lumabas na! Yung.. Sh*t Kadiri!" rinig kong sabi ni Gab. OMG i can't help It! Anong ginagawa nila? !(◎_◎;)

"didiinan ko ha!" sabi ni kurt. "Aray!" sabi naman ni kyle. Punyeta! Dahil sa sobrang gusto ko ng malaman kung anong ginagawa nila, binuksan ko yung pinto, at... at... at...

mali ako ng iniisip. Nakaupo si Kyle sa Upuan tapos ginagamot ng cotton buds ni Kurt yung sugat niya sa tuhod na may nana? Eeeewwww!

akala ko talaga kung ano na yung nangyayari, Napaka Berde ng utak ko -ㅅ-

"oh? Cath." sabi ni kurt. Tumingin lang ako sa kanya hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na ang green minded green minded ko para isipin yung bagay na iyon.

"hayop ka! Ang sakit!" sabi naman ni kyle kay kurt. "alam mo naman kasing two weeks nayang sugat mo sa tuhod di mo pa pina doktor! Tapos ang harot harot mo pa! Nabalatan tuloy! Oh? Ano ka ngayon? Lumabas yung nana! Kadiri ka!" sabi ni kurt kay kyle.

"wow! Boy Scout na Boy Scout si Kurt ah!" sabi ni Miko sabay tawa.

"hhmm. Uuwi na ako ha? Thank You sa Pagkain na sobrang sarap!" pagpapaalam ko sa kanilang lima.

"ihahatid na kita!" sabi ni kurt. "ayy, no need!" sabi ko sabay ngiti.

"no need ka diyan! Malayo!" sabi ni kurt. Wala akong nagawa kung di sumunod papasok sa kotse.

"diba bukas na ng gabi yung alis mo? i mean niyo?" tanong ni kurt saakin habang nag si-seat belt.

"oo" matipid kong sagot sa kanya.

"ingat ha?" sabi niya saakin. Tumango lang ako. "alam ko, magkikita pa tayo sa pilipinas, diba mag ka schoolmate tayo?" pag papaalala niya saakin. "oo nga pala! huy! Text mo ako pag nandoon kana ha?" sabi ko sa kanya. "oo naman" di ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe.

"Cath, di ko alam papunta sa bahay niyo!" gising niya saakin

minulat ko yung mata ko tapos tinuro ko yung daan. Hindi na ako natulog ulet kasi malapit na yung bahay ko at patay nanaman ako! mag-gagabi na ako uuwi! Hello Sermon nanaman.

"thank you kurt!" sabi ko sa kanya. "oo sige, ingat bukas ha?" sabi niya at tumango lang ako. Sinara ko na yung pinto ng kotse niya at umalis na siya, kumaway ako kahit hindi niya nakita.

Continue Reading