{C H R R Y B L S S M 2}

14 0 0
                                    

Catherine's POV

"ANO BAAAAAAAAAAA!" sigaw ko kay kuya, pano ba naman kasi hinila yung paa ko.

"hooy! bangon na! Wala si Daddy At Mommy kaya ikaw mag-luto ng Breakfaaaaast!" sigaw rin niya saakin, lah! Kung maka utos naman to! Siya na nga mas unang na gising saakin tapos di pa siya yung nag luto -,-

nagtalukbong ako ng kumot tapos tinanggal niya, bait na kapatid diba? .__.

"IKAW NA MAGTULO DUN! INAANTOK PA AKOOO!" aba! magkalapit lang kami nag-sisigawan pa kami no? abnormal kasi kami eh, ayy siya lang pala.

"IKAW NAAAA! TINATAMAD AKOOO!" kamusta naman yung pag katamad niya sa antok ko? hiyang hiyang naman ako.

wala, wala akong nagawa kung di bumaba, kasi isusumbong naman niya ako kay mommy pag di ako kumilos, minsan sarap din nitong batukan eh.

"Bilisan mo naman mag luto nagugutom na ako!" sabi niya saakin habang nanonood ng t.v

"wow naman! ikaw na nga yung hayahay yung buhay diyan wagas kapa makautos." sabi ko ng nakangiti sabay inirapan siya.

"kasi naman eh! bagal bagal mong mag-luto eh hotdog lang naman yan!" sabi niya

"mag tiis ka! ito kaya kong lutuin eh! bat kaba? katamaran mo kase!" sabi ko, lagyan ko kaya ng lason tong hotdog no? ay wag! baka madamay ako okay lang sana kung siya lang.

"PAGOOOONG!" sigaw niya saakin tapos sinaksak ko siya ng kutsilyo sa ulo at mata, syempre joke lang yun ^__^

"TAMAAAD!" sigaw ko sa kanya

"PAGONG KA! ANG KUPAD MONG KUMILOOOOS!" sigaw niya saakin.

"CARLOS TAMAAAD!" sigaw ko

"CATHERINE MUKANG PAGOOONG!" sabi niya, ano? Ako? Mukang pagong? ang GANDA ko kaya! okay lang sana kung pagong lang eh bakit mukang pagong pa? babatuhin ko na sana siya ng tinidor ng biglang dumating si mommy at daddy.

"ano ba kayong dalawa kayo? bakit kayo nag sisigawan ang aga-aga?" tanong ni papa. Nako! pasalamat siya biglang dumating sila mommy kung hindi! siguro may nakabaon na na tinidor sa noo niya.

"eh kasi daddy mukang pagong siya eh!" sabi ni kuya sabay pout hilain ko nguso nito eh.

"ano ka! Ang ganda ko kaya! ikaw nga tamad-tamad mo eh!" sabi ko sa kanya. Totoo naman! ANG GANDA KO KAYA!

"ANG BAGAL MO NA NGANG KUMILOS MUKA KA PANG PAGONG! SIGURO SA PAGONG KA PINAG LIHI! WAHAHAHA!" sabi ni punyetang carlos -,- joke lang.

sinugod ko siya tapos sinabunutan ko! Saya diba? ^__^

"AAWW ARAY!" sabi niya.

"Tama na yan!" sabi ni mommy.

"ANO HA? SINONG MUKANG PAGONG?!" tanong ko kay kuya.

"IKAW! ARAAAY! MUKA KA NAMAN TALAGANG TURTLE EH!" Sabi niya. nakooo! pigilan mo ako! Pigilan mo ako! OO! Ikaw na nag babasa! Sabi ko pigilan mo akooo! Ayaw mo? Kakalbohin ko ito!

di ko na natuloy yung pag sabunot sa buhok niya dahil hinila ako ni papa palayo. Muntik na Magkaroon ng World War 3 sa bahay namin eh.

"ano bang pinag aawayan niyo?" tanong ni papa.

"eh, kasi yan pa eh! natutulog ako biglang hinihila paa ko tapos ako pa uutusan mag luto!" paliwanag ko habang nakatingin kay kuya ng masama.

"Ikaw naman kasi Carlos, alam mo naman na ikaw unang nagising, dapat ikaw na yung nag luto." sabi ni papa

"iiihh! nakakatamad kasi eh!" sabi niya,

"napaka gandang dahilan naman niyang sinabi mo!" sabi ko sabay slow clap.

Cherry BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon