Zypher and Gangsters

By senyoritayvi

11.9K 536 301

"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gan... More

PROLOGUE
#Afraid 1: Love
#Afraid 2: Bestfriend
#Afraid 3: I'm Sorry
#Afraid 4: Stained with Sorrow
#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow
#Afraid 5: Party and Pretense
#Afraid 6: Destroy XZ Project
#Afraid 7: Hidden Pain
#Afraid 8: THE REHEARSAL
#Afraid 9: THE PLAY
#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!
#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
#SPECIAL CHAPTER: THE CALM
#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY
#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY
#Afraid 13: FANSCLUB
#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES
#Afraid 15: OUTING
Amazing Announcement!
A Quick Update

#Afraid 12: MR. SUITOR

205 9 0
By senyoritayvi

#Afraid 12: MR. SUITOR



Nemsey's POV

Nakayuko akong naglalakad papasok sa main gate ng Seriun habang tahimik at malalim na iniisip yung nakita ko sa Zefirelli noong nakaraang linggo. Totoo ba talaga yung pagkakaintindi ko?


Did he really...propose to...Celine?


Pero bakit? Bakit niya gagawin yun gayong alam naman namin na anytime, maaaring...


Napabuntong-hininga ako at napahinto saglit, sabay marahang iling ng ulo ko para iwasik ang hindi magagandang bagay na naiisip ko.


Nasobrahan yata ako sa memory plus.


Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa nakalampas na'ko sa malapad na gate ng Seriun. Nakatingin na ako ngayon sa daan at agad na nakuha ng isang lalaki ang atensiyon ko. Nakatayo siya sa harap ng kumpul-kumpol na mga kalaman habang tahimik na nakapamulsa at...nakatingin sa'kin.


Shet. Nakakahiya, niyakap ko pa naman siya dun sa Zefirelli!

Oo. Tama. Si Eros nga ang sinasabi ko.


Agad kong iniwas yung tingin ko at ibinaling ito sa harap ko na tila ba parang hindi ko siya nakilala. Palihim akong humugot ng sandamamak na hangin habang umaakmang lampasan siya. Mga tatlong metro lang yata ang layo niya sa'kin.

I almost felt relief as I passed by him when suddenly, a hand grabbed my right arm, stopping me from moving.

Nginig akong napalingon sa kung sinuman ang nakahawak sa'kin at hindi nga ako nagkamali. Siya nga.


"E-Eros... A-Anong kailangan mo?" Pigil-nginig kong tanong.

"Hindi naman sa nakikisali ako pero...ano ba talaga ang nangyari last week, Nem?" Walang emosyon yung mukha niya pero halata ang curiosity sa tono ng pananalita niya.

"Ahh..." Pilit akong ngumiti kahit maliit lang. Pinakawalan na rin niya yung braso ko. "Wala yun. Stressed lang siguro ako nung time na yun. Sorry nga pala ah? Hindi ko sinasadyang...yakapin ka..." Napayuko ako sa hiya.

"It's okay. Di naman ko napatay ng yakap mo."


Napatingin ako sa kanya, expecting to see his face brighten up, but he still looks damn serious.


Really? A SERIOUS joke?


I chuckled softly and looked at him again.


"Basta...stressed lang talaga ako nun." Pag-ulit ko.


Walang-anu-ano'y nahagip na naman ng isang lalaki yung paningin ko. This time, hindi na ito kung sinu-sino lang. Si Ree...

May kausap siya sa phone niya at diri-diretso lang siya sa paglalakad. Ni hindi nga yata niya kami napansin ni Eros eh.

"Okay, pupuntahan kita mamaya. Ano ba gusto mong dalhin ko para sa'yo?"

Sa sobrang lakas ng boses niya, dinig na dinig ko pa yung pinagsasabi niya sa kausap niya.

"Sige, relax ka lang diyan, okay? Aabsent na muna ako mamayang hapon para may kasama ka diyan."

Si Celine na naman ba ang kausap mo, Ree? Siya na naman ba ang pupuntahan mo? Siya na naman ba ang...sasamahan mo?

"See you later. I love you."

Ibinaba na niya yung phone niya. Nalagpasan na din niya kami. Pero yung...mga huling katagang lumabas sa mga labi niya...


KINGINA ANG SAKIT!

ANG SAKIT-SAKIT LANG!


Gusto kong maiyak NA NAMAN, pero nahihiya ako dito kay Eros na nakatayo pa rin sa tabi ko habang sinusundan ng tingin ang malayo nang si Ree.

Sa maka-ilang ulit na ngayong araw, napayuko na naman ako.


"So si Ree nga." Imik ni Eros.

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Nakayuko pa rin ako habang pinipigilan ang mga luhang namumuo na sa mga mata ko...

"Si Ree nga ang dahilan ng pag-iyak mo last week. Nakita kitang nakatingin dun sa cafe bago mo pa man ako nabangga." Kwento pa niya.


So...it's that obvious..?


"How sure are you na si Ree ang tinitignan ko dun?" But still, I won't say it...

"Dahil sila lang naman ni Celine ang pwede mong makita dun sa kinatatayuan mo."


Really? Damn. I didn't even notice kung meron pa nga bang ibang tao dun. Kay Ree lang talaga ako nakatingin...


"So? Ano ngayon?" Tinapangan ko boses ko para wag akong magmukhang kawawa... Inangat ko na rin ulit yung tingin ko sa kanya.

"So you admit." Sa wakas, may tagibang na ngiting namuo sa dulo ng mga labi niya. "Tutulungan kita."


Bigla na lang niyang hinablot yung kanang kamay ko sabay kaladkad sa'kin papunta sa ewan ko!


"Hoy! May klase pa'ko, anuba!" Nagpumiglas ako pero syete, ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin!

"Your class can wait."

"And this can't?! Eros naman! Saan mo'ko dadalhin?!" Napatingin na ang ibang estudyante sa'min.

"Somewhere safe. Wag kang mag-alala."


Jusko! REAPER pa naman itong kumakaladkad sa'kin!


Hindi na'ko nag-akmang kumawala pa at baka magkaroon pa kami ng issue dito sa Seriun. Sumabay na lang ako sa kanya since VEMUS member naman siya at hindi member ng Gehenna Sentries.


"Pwede mo na'kong bitawan. Sasabay na'ko sa'yo, okay?" Hirit ko sabay tingin nang seryoso sa kanya.

"Siguraduhin mo." Tonong naninigurado.

"Oo nga. Hindi ako tatakas, promise." I sighed and looked at the way again.

"Good."


At pinakawalan na nga niya yung pulsuhan ko. Thank God. Hindi kasi ako kumportableng may lalaking nakahawak sa'kin habang naglalakad in public.


Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa isang malaking classroom sa Defense Building. Kumatok siya nang para bang may pattern doon. Para lang siyang gumagawa ng beat habang kumakatok.


Ilang segundo ang makalipas ay bumukas na ang pinto at sumilip mula doon ang isang matangkad, gwapo at chinitong lalaking nagngangalang Inu. Matamis siyang ngumiti at kasabay nun ang paniningkit ng mga mata niya.


Ang cute naman ng taong 'to!


"Pasok kayo." Sabi niya sabay malaking pagbukas ng pinto para papasukin kami.


Iginalaw ni Eros yung ulo niya para senyasan akong pumasok na kaya naman tumungo na ako sa loob ng silid na yun.

Pagkaapak ng mga paa ko sa loob ay agad na nagsibatian yung mga kalalakihang nandoon sa'kin. May hello, hi, welcome, kumusta, oh, hey, good morning, good day. Lahat na yata ng pagbati narinig ko na. Doon ko lang napagtantong marami sa mga gangsters ng VEMUS ang nasa silid ngayon. Yung nasa 3rd chain.


"Ohh, napadalaw ka, Nem?" Tinig ni White Maze. Halos lahat sila kilala ko na.

"Oo nga, kasama mo pa talaga si Eros, ah? Himala!" Natatawa namang puna ni Dante.

"Shut up." Si Eros ang sumagot. "Ako ang kumaladkad sa kanya dito."

"YIIIIIEEEEEEEEEE~!!!" Sabay-sabay nilang hiyaw. Shet! They misunderstood!

"H-Hindi—"

"Pakyu." Iniangat ni Eros yung middle finger niya kaya natahimik yung iba. "Dinala ko siya dito dahil kailangan niya ng tulong ng isa sa inyo." Pahayag niya sabay ayos ng buhok niya gamit yung mga daliri ng kamay niya.

"What help?" Interesadong tanong ni Night.

"Well, problemado si Nemsey kay Ree dahil kay Celine. Long story. Pero kailangan lang niyang makahanap ng lalaking magpapanggap bilang manliligaw niya para pagselosin si Ree. You know, para naman ma-trigger si Ree na umamin sa kung anumang nararamdaman niya para kay Nem." Litanya ni Eros na monotone pa rin.

"Oh, hindi ba tayo nangingialam sa diskarte ni Ree niyan?" Kuwestiyon ni Thorn.

"We're simply helping Nem." Sabat ni Eros.

"Well...may point ka." Ace agreed and nodded from the corner of the room. "Hindi na rin naman iba si Nem sa'tin."


Gusto kong mapangiti sa concern ng mga lalaking 'to sa'kin, but I just can't. Kinakabahan ako sa plano ni Eros.


Talaga bang pagseselosin ko si Ree? Makukuha ko nga ba ang reaksiyong gusto kong makita mula sa kanya?


"Okay then. Magvo-volunteer ba ang isa sa'min o pipili si Nem?" Tanong ni Gain.

"Let Nem choose, bro." Ani Ivan.


Shet, talaga bang pipili ako sa kanila?! Tae naman oh! Ano ba itong pinasok ko?!


Napakuyom ako ng mga kamao sa sobrang kaba. Hindi ko kailanman naisip na pagpipilian ko ang pagkadami-daming mga kalalakihang ito!


"Then it's set. So Nemsey, pumili ka na ng lalaking tutulong sa'yong pagselosin si Ree." Utos ni Eros na para bang normal lang itong pinapagawa niya sa'kin!

"Umm...okay ba sa kanilang lahat itong pabor na hinihingi natin?" Nag-aalangan kong tanong sabay lingon sa kanya.

"Okay na okay sa'min, Nem!" Sabay-sabay nilang sagot na para bang pinag-ensayuhan nila yung sagot na yun.


Napalunok ako't napahinga nang malalim sabay libot ng tingin sa kanilang lahat...isa-isa...


Shet, who to choose?!


Haba naman ng hair ko today!


Pero syempre, REE FOREVER!


Nahagip ng paningin ko si Kaizer, yung nagsabing crush niya ako. Pero...ang bata pa niya kaya wag na siguro.

"Actually...gusto kong piliin si Kaizer..." Tinitigan ko siya at agad kong nakita ang pagliwanag ng mukha niya. "Pero masyado pa siyang bata kaya iba na lang." I gave him a smile habang nag-pout naman siya.


Nilibot ko pa ulit ng tingin ang buong silid hanggang sa may napansin akong gwapong lalaking nakapangalumbaba sa armchair habang pinapaikut-ikot yung cord ng ID niya. Maputi siya, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at pang-Kpop yung buhok. Matangkad din siya at medyo intimidating kaya sigurado akong maaalarma si Ree sa kanya.


"End." I called his name.

Napatitig sa'kin ang mga mata niyang mat matutulis na dulo. Para akong hihimatayin sa sobrang kaba nung magtama ang mga mata naming dalawa.

"Ako?" Parang hindi niya inasahan yung pagpili ko sa kanya.

"Oo. Ikaw nga." Ninenerbisyo akong ngumiti sabay tangu-tango. "Okay lang ba?"

Isang cool na ngiti naman ang iginanti niya sa'kin.

"Sus, oo naman."

"AYYYEEEEEEKKKKKK~!!!" Tukso na naman ng mga kasama niya.

"Shh, Ree owns Nemsey. Kung ayaw niyong mamatay wag niyo na siyang tuksuhin sa iba." Saway ni Eros sabay buntong-hininga.

At talagang tumahimik nga sila. Lakas pala ng powers nitong si Eros eh.

"Then it's all set. Ako ang tutulong kay Nemsey." Mukhang excited pa talaga si End, ah? Ibang-iba sa aura niya kanina bago ko siya tinawag.

"Uhh, kailan ba magsisimula?" Nakagat ko na talaga yung ibabang labi ko sa sobrang kaba...at hiya na rin...at pag-aalinlangan.

"As soon as possible."












Xenzel's POV

"Sigurado ka bang magbu-buffet talaga tayo, fi?" Nagtatakang tanong ko kay Zypher na ngayon lang talaga nagyayang magbuffet sa Zefirelli.

"Oo nga, bakit? Ayaw mo?" Nilingon niya'ko saglit habang nagda-drive.

"Gusto, eh baka manibago 'yang tiyan mo kapag kumain ka nang marami. Mamaya ututan mo pa'ko." Pigil-tawa kong sagot.

"Grabe 'to. Pag ako nainis ututan kita sa ilong mo mismo eh." Natatawa din niyang sagot sabay kurot sa kaliwang pisngi ko.

"Hey, kamay sa manibela. Mamaya mabangga tayo." Saway ko sa kanya sabay kurot din sa matangos niyang ilong na ang sarap kagatinnnn!

"Sus kaya kong magmaneho kahit no hands pa yan." Pagyayabang niya sabay smirk-smirk pa na akala niya cool pero ang totoo niyan cool nga! Shete otso!

"Ulo mo!"

"Gusto mo demo?" Nilingon na naman niya ako sabay smirk ulit.


Putek isang smirk pa hahalikan na kita!


He he he syempre joke lang pangit pala pag ako nauna.


"Anuba! Baka mamatay tayo niyan eh! Umayos ka na lang." Nakaangil kong singhal sabay ekis ng mga braso ko.

"Well, I promised you I'll protect you kaya wag ka na dapat magworry diyan." May bahid ng pagkaseryoso sa pananalita niya.

"Okay, fine. I know."

Oo nga pala... Nangako siya kaya ako sumama sa kanya for the first time noon. He protected me...but from who?

"Very good. And we're almost there."







--------

Kuha lang kami nang kuha ng pagkain ni Zypher. Parang wala na yatang katapusan itong mga pagkain sa pinuntahan namin eh. Sasakit tiyan ko nito mamaya!

"Oy, tama na muna yan. Baka masuka ka nang wala oras." Natatawa akong inakay ni Zypher pabalik sa upuan.

"Heeheehee, ang sasarap eh. Kasalanan mo yan, dinala mo'ko dito!" Ngumuso ako sabay bunggo ng braso ko sa braso niya.

Muntik pa niyang mabitawan plato niya! Hahahaha!

"Muntik na'ko dun ah! Kaw talaga!" Nakangisi niyang sabi sabay lapag ng plato niya sa mesa namin.

Umupo kami at nagsimula nang kumain. Ang sasarap ng pagkain! May seafood, all kinds of meat, mga chips, japanese, korean, chinese, filipino, mexican, american, at marami pa! Oh diba? San ka pa? Charot!

"Hoy, tulala ka diyan!" Pinitik ni Zypher pisngi ko.


Problema ba nito sa pisngi ko? Taeng 'to!


"Ay! Ang sarap kasi gusto kong samsamin yung lasa!" Nakangisi kong sagot sabay malaking subo pa nung tempura.

"Ang takaw mo talagang palito ka." Tukso na naman niya sabay subo din ng mixed seafood. Adik talaga sa seafood 'tong asawa ko.


HAHAHA ASAWA!


SHET DI PA RIN AKO MAKA MOVE ON!


"Ikaw nga rin eh, mamaya mukha ka nang payat na pusit diyan sa kakakain mo ng seafood." Balik-tukso ko sa kanya sabay tawa pa!

"Tatalsik oh!" Tinuro niya yung tempura sa bunganga ko! HAHAHA!

"Bahala ka, ikaw naman matatalsikan eh!" Binelatan ko siya sabay subo naman ng dumplings!

Natawa na lang kami pareho at masayang kumain nang magkatabi. Madalas pa niya akong sinusubuan nang kung anu-ano. Feeling ko tuloy baby pa'ko. Hahaha!

"Ay, oo nga pala, fi." He mumbled while chewing.

"Yep?" Sagot ko naman habang nginangatngat yung buto ng manok. Hihihi! Shorop!

"May ikukuwento nga pala ako sa'yo tungkol kina Nemsey at Ree."

"Talaga?" Napahinto ako't napalingon sa kanya nang may kumikinang na mga mata.

Tumango siya sabay ngiti sa'kin tsaka niya hinarap muli yung puno na naman niyang plato.

"Tutulungan daw siya ni End na pagselosin si Ree. Magpapanggap si End na manliligaw ni Nemsey." Kwento niya.

"Huh? Will it work? Alam ba ni Ree?"

"Hindi yata. Wala namang sinasabi si Ree."

"Good. Pero paano ba 'to? The result may be questionable, fi. Diba?" I asked in concern. Naaawa na'ko kay Nemsey...

"Alam ko." Bahagya siyang tumango sabay hingang malalim, tapos inom ng fresh watermon juice.

"Kung gagawin nila ni End yun, baka masaktan lang siya kapag nakita niyang—"

"Fi, all we can do is just hope for the best to happen. Hindi natin sila pwede pakialaman. Sa ngayon." Singit niya na ikinatahimik ko.

I heaved a sigh and nodded in agreement.

"Naiintindihan ko naman, fi. It's just that...naaawa na din ako kay Nemsey. She's sacrificing her heart too much..." Napayuko ako at tila hindi ko na malunok ang kanina'y nginunguya kong karne.

"Pero fi..." Hinawakan ni Zypher nang marahan yung kanang balikat ko. "Kung iisipin din natin yung side ni Ree, diba kawawa din naman siya? He's also sacrificing too much."

Tama si Zypher... Si Ree din pala...nagdurusa din...

"Pero pinagbigyan natin si Ree sa plano niya. Fair lang siguro kung pagbibigyan din natin si Nemsey sa plano niya."

May sense talagang kausap itong asawa ko eh kahit payatot. De joke may muscles siya, ang laki nga eh!

"Right. I agree." Minsan lang akong nagtitino sa pakikipag-usap dito sa asawa ko ah. How unusual.

"I know you would." He smiled again, which made me feel relieved.

"Weh? Pano mo nalaman?" Ngumiti na din ako para masaya na ulit, hehehe.

"Kasi..." Nilingon na naman niya ako at tinitigan nang sinsero sa mga mata. "You're my other half." And there goes his bright, sweet, cute, cool, handsome, awesome, amazing smile!


MY GOSH, LORD, DESERVE KO BA TALAGA ITONG GWAPONG NILALANG NA ITO?!


Ngiti pa lang niya, SOLVE na'ko!


"Fi..." Wala sa sarili kong imik.

"Yup?" Nakangiti pa rin siya habang hindi tinatanggal ang mga mata niya sa'kin.

"I love you."

Bahala na kung appropriate o inappropriate na ako ang nauunang magsabi nito, but I want to say it because I feel it so badly I can no longer bear it in my heart, I need to let it out and tell him.

Hindi ko inakalang may mas ikaliliwanag pa pala yung ngiti niya. Hinawakan niya nang marahan yung kanang pisngi ko.

"I love you, too, fi. Always, and forever."







---------

Naglalakad na kami ng asawa ko papunta sa sasakyan niya. Nandito na kami sa parking lot at tanaw na namin yung kotse niyang nakaparada sa di kalayuan nang bigla naming nakasalubong ang cute na gangster leader na si Rein.

"Rein." Tawag ni Zypher sa kanya.


Agad siyang napalingon sa direksiyon namin sabay ngiti.


"Underboss Devian!" Bati niya kay Zypher.


Huh?


"Devian?" Nagtataka kong pag-ulit.

"Ahh—" Nakamot ni Rein ang sariling ulo. "—nagkamali lang po ako ng pagkakabanggit. Kakaalis lang din kasi ni Daimon kaya nasanay ako sa pangalan niyang nagsisimula sa 'D'." Paliwanag niya sabay ngiti ulit. "I was supposed to say Underboss Xevian." Dugtong pa niya.

"Oh, okay." Tumangu-tango ako sabay ngiti. "I also do the same mistake sometimes."

"Hehe, sorry. Anyway, galing po ba kayo sa loob?" Tinuro niya yung mall.

"Malamang. Alangan naman nagpark kami dito tapos dun kami sa labas galing." Pamimilosopo ni Zypher na ikinatawa namin ni Rein.

"Kaw talaga, Underboss!" Bumungisngis na lamang si Rein at inayos nito ang suot na jacket. "Sige po, ingat po kayo."

"Ikaw din!" Sagot ko sabay kaway sa kanya.

"See you." Monotone na pamamaalam ni Zypher sa kanya tsaka kami nagsimulang tumungo sa kotse.


What a great day! So happy with my hubby!






[A/N]: Paulit-ulit po akong humihingi ng tawad sa slow update ko. Marami lang po kasi talaga akong dapat gawin these days. Sana po maintindihan niyo at patuloy niyo pa ring subaybayan itong kwento ko. I made this update extra long so I could make it up to you! 

Rest assured na tatapusin ko po lahat ng sinimulan ko, pati na yung "Serlande University 2: The Assassin" at "7 Deadly Heirs". God bless us all!



Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
47.6K 584 31
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
33.4M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...