Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 954K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 20

763K 27.8K 4.8K
By jonaxx


Kabanata 20

Forget

I feel guilty. Lalo na nang sinubukan naman akong kausapin ni Julius nang nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi ako makausap ng mabuti.

"Are you alright, Chayo?" he asked.

Kanina pa ako tahimik. Sinusubukan kong pabalikin ang mga luha sa aking mga mata at kapag hindi kaya'y mabilis ko na lang pinapalis.

"I'm sorry, Julius," sambit ko. "May naaalala lang ako."

"Hindi mo pa ba nakakalimutan ang ex mo?" he asked, serious now.

Natawa ako habang pinapalis ang luha.

Funny. Ni hindi ko nga naging boyfriend 'yon.

"No, Julius. It's nothing romantic."

"Is this... about your Dad?"

Hindi ko inakala na sa dalawang problema ko, mas magaan para sa akin ang pagsang-ayon na tungkol nga ito kay Daddy. Siguro dahil iyon sa pagkasanay ng mga taga Altagracia sa mga nangyayari. O siguro dahil sa kailaliman ng puso ko, nabababawan ako sa mga luhang para kay Leandro. Somehow, I know that crying over my painful heart is embarrassingly weak. Ang problema sa pamilya ang mas nangangailangang tuonan ng pansin at maiintindihan ng lahat kung iyon nga ang dahilan ng mga luha ko... not the matters of the heart.

"Yeah."

Magaan kasama si Julius. Hindi siya namilit na pag-usapan namin ang tungkol kay Daddy. He respected my privacy and waited when I started talking before he moved his advances.

"Akala ko totoo ang usapan na gusto mo pa rin Tyrone," si Julius.

"Hindi no."

"Ang sabi kasi nila, hindi ka pa nagbo-boyfriend ulit dahil sa kanya."

Natawa naman ako roon. Nasa Bacolod na kami at nags-stroll sa mall. Kanina ko pa tini-text si Mommy at hindi pa rin nagrereply. Siguro abala sa pagsho-shopping. Nag snack na lang muna kami ni Julius sa isang milk tea shop, hindi ko pa siya nayayayang mag dinner kasama si Mommy mamaya.

"Hindi ba puwedeng nagmature ng kaunti kaya hindi pa nag boyfriend ulit? Narealize ko lang na hindi basta-basta iyon. Not like a toy you can just return when you don't like it anymore."

Julius smiled. "That's good. If that's the case, I think we're on the same page, too, Chayo."

Nanliit ang mga mata ko kay Julius dahil noong Junior High School pa lang kami, kilala rin siya bilang playboy. Ang dahilan na hindi siya nanliligaw ay dahil nakakasama niya si Kuya sa basketball at alam ng buong Altagracia kung paano si Kuya kapag manliligaw ko na ang pag-uusapan.

"Sus! Maniwala naman ako. It's okay to be yourself, Julius. I'd appreciate honesty."

"Ikaw lang ba ang puwedeng mag mature at magbago? If you noticed, I've been single, too, for a year now."

And I didn't notice that. I was never really interested with anyone's love life. Kung may lalaki mang pinagkakaabalahan kong alamin ang mga pangyayari sa buhay pag-ibig, si Leandro lang iyon. I was devastated when I heard he's with Keira, then was shocked to know that they broke up!

"I didn't know."

Natawa si Julius. "Ganyan ka naman, e. Wala ka namang pakealam kahit kanino, hindi ba?"

I don't know how to take his comment. Is that a compliment or an insult?

"Lahat ng tao, sinusubaybayan ang buhay mo. From your family life down to your lovelife while you don't really care about other people's lives."

Ngumiti ako. "Why should I? I have my own life to worry about, Julius. Bukod sa hindi rin naman ako interesado sa ibang tao. Unless if it's my friend or what."

The bitterness did not leave me. Kahit pa nang gumabi at nakapagreply na si Mommy nanatili sa aking isipan si Leandro.

"Madalas din pong pumunta ang pamilya ko rito sa Bacolod, Tita," si Julius, now cozy with my Mom.

Ipinakilala ko siya rito at nalamang pareho pala kaming uuwi sa gabing iyon. Kasama rin niya ang pamilya simula pa kahapon sa Bacolod. Mommy's questions for him came like rain until she was content.

"I know that my daughter Chayo already had boyfriends, before. But truth is... I don't really agree to her being in a relationship, hijo."

I stiffened. Hindi kailanman naging ganito ka seryoso si Mommy o naging ganito ka diretso pero hindi ko pa nga naman naipapakilala sa kanya ang kahit na sino sa mga naging boyfriend o kahit manliligaw ko! So this is how she is going to treat them? Nakitaan ko ng bahagyang takot at awkwardness si Julius.

"Mom! We're still getting to know each other. Hindi ba, Julius?"

Ngumiti si Mommy. "I'm just saying, hija."

Nakakahiya pero hindi ko na siya napigilan.

"Sa edad n'yo kasing ito, medyo mapusok pa kayo. Napapangunahan ng damdamin."

Awkward na tumawa si Julius. "Don't worry, Tita. Tama si Chayo and we're still getting to know each other."

Mommy smiled. "That's good, hijo."

"Mom..." I called.

"I'm sorry, hija. I can't help it. I'm saying this now because we're not really sure... what will happen in the future."

Something about Mommy's feel is strange. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman iyon pero she seems so critical all throughout the dinner. She kept on preaching and reminding me of the importance of education and that love should only be given my last attention.

Hindi ko rin inasahan na uuwi kami sa gabing iyon. Sa sasakyan, malambing siya. Bawat haplos sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. Gusto kong magtext kay Kuya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa lapit namin ni Mommy, nahihirapan ako.

And I did not forget her being emotional yesterday. I wonder if something is wrong? Ang pinakamalapit sa iniisip ko ay ang madalas niyang pagbisita sa doktor. Is she sick? Does she have a terminal illness?

Lahat ng kaisipang iyon gusto kong tanggalin sa utak ko kaso wala akong ibang maisip na puwedeng nangyayari at bakit siya ganito.

Gabing-gabi na kami nakarating sa bahay. Gaya ng mga madalas niyang biglaang uwi, wala ulit si Daddy.

"Nasaan si Daddy, Manang?" halos bulalas ko pagkarating.

Hindi ko gusto na ganoon na nga ang nararamdaman ni Mommy, ganito pa ang bubungad samin sa bahay. Alas onse y media na ng gabi at kung regular na araw, dapat nakauwi na si Daddy.

"H-Hindi ko po alam."

Nilingon ko si Mommy. She smiled bitterly at me.

"That's okay, Chayo. Umakyat na tayo. Kukumustahin ko lang si Levi. Magbihis ka na at alam kong pagod ka sa biyahe."

Gusto kong magwala. I want my emotions to burst but because of the strange feeling I got for Mommy, I kept my emotions to myself. I didn't want her to realize that what's happening is painful to me. Alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman na sobrang nasasaktan din ako.

"Okay, Mom."

I kissed her soft cheek.

"Good night."

It was an overall peaceful night. Hindi ako kaagad nakatulog dahil sa mga iniisip. The sun was rising when my last tear drop fell for the heartaches and the family problems that I have.

Tanghali nang sumunod na araw ako nagising. I checked my phone for texts and there was only Julius'. I wonder if Leandro has my number?

Bumangon kaagad ako at halos sisihin ang sarili. Bakit unang pag-iisip ko sa bungad ng araw, iyon kaagad? Ano ngayon kung wala siyang numero? Kung ayaw niya ng numero ko? Ano ngayon kung ano ang nangyari sa date nila? Ano ngayon kung hindi niya ako kinumusta o t-in-ext? Normal lang 'yon! Baka ngayon, nagkabalikan na sila!

But... he could at least say thank you to me!

Really, Chayo?

You'd like him to thank you?

My tears dropped like water from a faulty faucet. Namamaga at mahapdi ang mga mata ko habang itinatapad sa malamig na tubig ng shower. It was another day of my short semestral break.

I stopped myself from thinking about him. Instantly, I shifted to my Mommy. Naisip ko ang pagbisita niya sa kuwarto ni Kuya Levi kagabi. Naisip ko rin ang dapat na i-text kay Kuya Levi kahapon.

Nagmadali ako sa pag-aayos at pagbibihis para makababa na. Tanghali na at malamig na siguro ang breakfast. Sa hagdanan pa lang naririnig ko na ang tubig sa swimming pool. Maybe Kuya Levi is done with his breakfast and he's swimming now. Kakausapin ko.

Tama nga ang hinala ko. Kakain muna ako. Naupo ako sa lamesa habang tinatanaw si Kuya Levi sa labas. He was like an angry swimmer cutting through the water, pabalik-balik.

Naglagay ako ng butter sa aking bagel. Nagsalin din ang kasambahay ng bago at mainit pang gatas sa tasa ko. Kaso... nawala kaagad ang gana ko nang nakita si Daddy na pababa na rin sa hagdanan.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa pagkain. Anong oras kaya siya umuwi kagabi? Sigurado akong nag-away ulit sila ni Mommy.

Tumayo ako at nag-utos sa kasambahay na ilagay na lang ang pagkain ko sa pool side. Mabilis din akong umalis doon at kahit nakita ni Daddy ang ginawa ko, hinayaan niya ako.

"Chayo..." he said with his usual soft voice, probably to make up for his mistakes. It's not working.

Nilingon ko siya. Gusto kong ignorahin pero alam kong ganoon na ang ginagawa ni Kuya Levi sa kanila. Kung hindi sila nag-aaway, parang hangin na si Daddy sa kanya.

"Nakauwi ka. Mommy mo?" he asked.

Halos umirap ako. Bakit, Dad? Kabit mo ba ang dinala mo sa kuwarto? I'd probably lose my mind and see red if that day comes.

"Kagabi po kami nakauwi ni Mommy."

Kumunot ang noo niya.

"Wala siya sa kuwarto."

I shrugged. "Baka nasa guestroom. I would understand why she won't like to be in bed with you."

"What did you say, Chayo?" tumaas bahagya ang boses ni Daddy pero bago niya pa ako mapagalitan, lumabas na ako at pinanood na lang si Kuya.

Tahimik akong kumain sa labas. Nagpatuloy naman si Kuya Levi sa pagsu-swimming. Ramdam na ramdam ko ang lalim ng iniisip niya sa paraan ng paglangoy at sa pagiging walang tigil noon. It was as if he's punishing himself or something. Nang lumangoy malapit sa lamesa ko, nginitian ko na.

"Morning, Kuya," matamlay kong sinabi.

"Morning. Nakuwento sa akin kagabi ni Mommy ang tungkol sa pagpapakilala mo sa manliligaw mong si Julius."

Ngumiti ako at uminom ng gatas. "Oo."

"Bakit sa akin, hindi mo pinapakilala?"

"Kuya, kilala mo na naman 'yon. Isa pa... hindi kami at wala pa akong planong sagutin siya anytime soon. We're getting to know each other."

"Tss. Sabi ni Mommy kagabi na kapag niligawan ka raw noon ngayon hanggang college, hindi raw iyon para sa'yo."

"Huh?"

"Oo dahil sumang-ayon daw siya kay Mommy nang sabihing dapat hindi ka pa nagbo-boyfriend. He should have a word of honor and for that he must follow Mommy's bidding. If he was serious with you."

"Kuya! That's so traditional."

"Iyon ang sinabi ni Mommy sa akin, Chayo..."

Naalala ko tuloy... marami ring sinabi si Mommy sa akin.

"Kuya, maraming sinabi sa akin si Mommy kahapon at noong nakaraan. Remember my text to you that night?"

Umahon si Kuya. He's in deep thought now, too. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako lalo dahil alam kong alam niya na ngayon ang ibig kong sabihin.

Bago pa kami makapagpatuloy, lumabas si Daddy. Panting and a but stressed, he looked at us with impatient eyes.

"Nasaan ang Mommy n'yo?"

Tumalim ang mga mata ni Kuya Levi. Kinuha ni Kuya ang tuwalya at nagpatuloy lang sa ginagawa. Umiling ako kay Daddy, sensing panic in his eyes. His eyes were then fixed at my brother who did not say anything.

"Luis Javier!" he demanded.

"Did you forget Mom's face, Daddy? Dahil sa dami ng babae mo?"

It was the first time I heard and saw Kuya Levi talk back. Siguro dahil tuwing nagkakasagutan ang dalawa, lagi akong itinatago o 'di kaya'y pinipili kong magkulong dahil sa pighati. Kuya Levi immediately shut his mouth. It was as if a spur of the moment response and when he saw me, he stopped himself from any more bad reply.

"Anong sinabi mo?" iritado na si Daddy ngayon.

Kuya Levi stepped once. Napatayo ako, pinipigilan ang mga lalaki sa pamilya.

"Tama na! Nasa kuwarto n'yo nga! Kung wala ay baka nasa guestroom!"

"Nacheck na ng mga kasambahay ang mga kuwarto at napuntahan ko rin ang lahat, wala siya kahit saan!" he said.

"Tss..." medyo bastos na reception ni Kuya. "Who would want to stay here, anyway? Baka nasa bayan o La Carlota, Dad."

Natahimik si Daddy pero kita pa rin ang takot sa itsura niya.

"Now you know what it feels like to not know your wife's whereabouts. Mommy has been dealing with that for years now."

Ang pagtitimpi ni Daddy ay muntikan nang napigtas. Kung hindi lang siya nagwalk out ay magpapatuloy siguro si Kuya Levi at mas marami pang masasakit na salita ang masasabi niya.

Matagal kaming tahimik ni Kuya sa lamesa sa pool side nang umalis si Daddy. Tulala kaming dalawa habang naiisip ang bumungad sa araw na iyon pero sa huli, ako na ang nauna.

"Kuya, 'yong sa text ko. Pakiramdam ko may sakit si Mommy. Tingin mo?"

He sighed. "Ayaw kong maniwala pero ang sinabi niya sa akin kagabi... pakiramdam ko nagpapaalam siya. Maybe we should see the results of her tests? Kilala mo ba kung sinong doktor ang binibisita niya sa Bacolod?"

"I know she was asking for second opinion or some sort-"

"Second opinion, Chayo?" gulantang na tanong ni Kuya.

Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"It was as if she's saying her farewells last night. Hindi matanggal sa isipan ko."

"S-So... Kuya... tama ang hinala ko?"

Nagkatinginan kami. The look on Kuya Levi's face made my heart hurt. It was too painful. Bumuhos ang mga luha ko at klase-klaseng idea ang pumasok sa isipan ko. Naisip kong mawawala si Mommy. Naisip ko rin ang pagiging payat niya masyado nitong nakaraang buwan. Ni hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya! She hushed her pain and on top of that... there's Daddy who did nothing but stupid things!

Hinaplos ni Kuya ang likod ko. Pilit kong inayos ang sarili ko dahil marami pa akong tanong. Lumabas si Manang Lupe para kunin ang pinagkainan ko sa lamesa. Nagulat siya sa nakitang itsura ko pero sa huli ay nagsalita habang nilalagay sa tray ang pinagkainan ko.

"Lumabas ang Daddy n'yo para hanapin ang Mommy n'yo. May alam ba kayo kung nasaan siya?" Manang Lupe asked.

Umiling ako habang pinapalis pa rin ang mga luha.

"Ang mga damit ni Mommy, Manang?" nagulat ako sa tanong ng kapatid.

"H-Huh? Bakit, Kuya?"

"Mayroon pa, Levi pero may iilang wala at... ang isang maleta niya... wala."

Pumikit si Kuya at sandaling yumuko.

"Bakit, Kuya?" naguguluhan kong tanong ngayon.

Tumayo siya at hindi ako sinagot. Binalingan niya si Manang Lupe.

"Ang guard?"

"May inutos daw sandali ang Mommy n'yo kagabi sa dalawang guard-"

"CCTV, Manang?" natataranta na si Kuya Levi ngayon.

Umiling si Manang Lupe. "Kaya umalis ang Daddy mo kasi putol lahat ng kable ng CCTV kaya wala ring footage kagabi!"

"H-Huh? Saan pumunta si Daddy?"

"Hahanapin niya ang Mommy n'yo at magtatanong din sa mga Castanier kung paano nangyaring nagkaganoon ang CCTV."

Napatayo ako roon. Whoever did that to our CCTVs, I don't think it's the Castaniers! Bakit hindi sisihin ni Daddy ang mga kasambahay? Bakit si Tito Carlos?

"Chayo, itext mo si Mommy. Tatawagan ko ang cellphone."

"H-Huh?" litong-lito ako at takot na takot na.

Sinundan ko si Kuya na ngayon ay tumatawag na sa cellphone habang dalawang baitan ang lakad sa hagdanan. Mabilis din akong tumakbo habang nagtitipa ng mensahe.

Ako:

Mom? Nasaan ka?

Ako:

Mom, hinahanap ka ni Daddy. Pumunta siya sa mga Castanier.

Ako:

Mommy? Please reply.

Binuksan ko ang master's bedroom, hindi makapaniwala na kagabi lang ay magkasama kaming umuwi. Imposibleng wala siya rito!

Wala nga siya roon. Walang tao sa master's bedroom. Marahan akong lumapit sa malaking walk-in closet nila. Hinawi ko ang pintuan ng closet ni Mommy at nakita roon na halos kalahati sa damit ang wala. I opened the drawers to check but I saw her jewelries there. I opened everything until the last cabinet, where they store their bags. Matching ang mga bags nila ni Daddy. Hindi ko saulo ang lahat pero lahat ng laki ng maleta, dala-dalawa. Pero ang pinakamalaking maleta ay isa na lang. That means... one big luggage is out!

"Kuya... b-baka bumalik lang ng Bacolod?" kalmado kong sinabi kahit alam kong hindi ako maririnig ni Kuya Levi... at alam kong hindi siya nagmamaleta papuntang Bacolod.

Continue Reading

You'll Also Like

65.4K 1.4K 49
The one is as nice as an angel. The other one is as stunning as ever. But who will be the one for his heart? How can handle two hearts for a one man...
2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.