Unwritten (Summer Of Taking C...

By infinityh16

241K 10.2K 1K

Dominique fell asleep after drowning her grief with bottles of beer. When she woke up a surprising news greet... More

PROLOGUE
Last Memory
Forgotten
Resume
Max
The Painting
Secret Love
Tattoo
Ferry
Out of Town
The Truth
Avoidance
Shattered Dreams
Hope
The Photo
Space
Daniel
Date Night
Physical Intimacy
Vincent
Dream or Memory?
Worth It
Vanessa
Sweet Creature
Kiss
Sick
Investment & Custody Battle
Overnight
Kidnapped
Unwritten
Almost
The Cure
A New Day
Yearning
The Property
God Killer
Arwen ❤ Diana
Avalanche
Diaries
Dishonesty
Birthday
Firework
Cube Ring
Home
EPILOGUE

Unattainable

4.5K 218 26
By infinityh16

19
PRIS

“Where are you?!” Kristine bellowed from the other line when Pris answered her cellphone. She was on her way to San Juan, La Union. Nasa bandang Tarlac na sya nang tumawag ang kaibigan. Nalaman na ng mga itong umalis sya. “Why did you just take off like that? Papatayin mo ba kami ni Jessica sa pag-aalala? We have to drive 30 minutes from the resthouse just to get a signal para lang tawagan ka. So answer me, where are you?”

“Don’t shout at her.” Narinig ni Pris ang boses ni Jessica sa background.

Gustong itapon ni Pris ang Bluetooth headset nya. Ang lakas ng boses ni Kristine. Nabasag na ata ang eardrums nya. Lalo lamang sumakit ang ulo nya. Wala pa syang matinong tulog mula nang dumating sya galing London. And getting her heart broken all over again didn’t help.

“Pris!” Boses na ni Jessica ang narinig nya. Malamang na inagaw na nito kay Kristine ang cellphone. “Are you okay? Please tell me you’re okay.” Nagpipigil ng iyak ang boses nito.

Medyo naguilty si Pris. “Hey, I’m okay. Don’t worry. I’m sorry if I took off with your car. Just give me few days. Babalik rin ako. I just need to clear my head.”

“Saan ka ba pupunta?” Tanong ni Jessica.

Bago pa makasagot si Pris, ang pasigaw na boses na naman ni Kristine ang narinig nya. “Pris, why are you being stupid? Why are you acting like a kid?! So what, if Dominique rejected you!? Katapusan na ba ng mundo? Yan lang ba ang kaya mong gawin? Ang tumakbo?! Tapos ano, mawawala ka naman ng ilang taon?! We all know that she’s confused. I thought you are not going to lose hope? You are being a coward. Ang bilis mong sumuko. Maybe she’s right to dump you. Kasi hindi mo sya kayang ipaglaban! You didn’t fight for her enough! Ano? Bakit hindi ka makasagot?!”

Inis na nagpull over si Pris. “Paano ako sasagot, kung mala-armalite na naman yang bibig mong unano ka?!” Hindi na napigilang singhalan ito ni Pris.

“Stop calling me that?!” Ganting sigaw ni Kristine.

“Guys, pwede bang mag-usap kayo ng mahinahon?” Stressed na stressed nang sabi ni Jessica. Mukhang naka-loud speaker na ang mga ito. “Pris, we are just worried.”

“I know. And I’m sorry. Pero wala kayong dapat ipag-alala. I’m not going to do anything stupid. Gusto ko lang mag-isip. Alam kong confused lang si Dominique and I’m not giving up on her. But I can’t help feeling hurt. Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Ayokong magalit sa kanya. Pinipigilan kong magalit at gumawa ng bagay na pagsisisihan ko. Just let me be. Just give me few days, please,” pagsusumamo nya sa mga ito.

“Saan ka ba kasi pupunta? Kumain ka na ba?” Mahinahon nang tanong ni Kristine.

Napangiti na lang si Pris. Alam nyang nag-aalala lang ang mga ito. “I’m on my way to San Juan. At huwag kang susunod ah!”

“Wag kang assumera! Hindi kita susundan,” singhal ni Kristine.

After promising to text them from time to time, Pris ended the call. Pasado ala una nang madaling araw nang makarating sa San Juan si Pris at nakapagcheck-in sa isang hotel. She was so exhausted and she fell asleep as soon as her body hit the bed.

She woke up after 8 hrs. Pris felt refreshed. Her body was recharged. Excited syang nagshower at pinuntahan ang college friend nyang si Gracie. Pagkatapos nyang i-cover ang wedding nito more than a year ago, hindi na sila nito nagkita. Tuwang-tuwa ito nang makita sya. Wala nga lang ang asawa nitong si Eric. Nasa U.S daw for work. Kaya malaya silang makakagalang dalawa. They went grapes picking in Bauang and visited a museum Pris had never been to.

Pagbalik nila sa San Juan, malalaki ang mga waves so they went to go surfing. Na-miss ni Pris ang tunog ng alon at hampas nito sa katawan nya. Na-miss din nya ang pagsuong sa tubig at pagbalance sa surfboard. Kahit gaano pa kalaki ang alon, kahit mukhang nakakatakot na tila lalamunin sya nito at lulunurin any moment, she could face it head on. She felt like she was in control. And she wanted that feeling. Surfing and travelling helped calm her toubled mind.

Hanggang ngayon marami syang tanong kung bakit nangyayari ito sa kanya. Bakit parang ayaw syang maging masaya ng tadhana? Lagi na lang binabawi ang mga nagpapasaya sa kanya. Paulit-ulit na lang ang mga katanungan nya pero wala namang kasagutan.
Dominique considered their relationship a mistake. Maybe destiny thought so too. Kaya ba sya binura ng pagkakataon sa ala-ala nito para itama ang mali? Mali bang magmahal at mahalin ang isang katulad nya? Kung pwede nga lang turuan ang puso nya na magmahal ng lalaki dahil iyon ang tama at tanggap sa mata ng tao, sana noon pa nya ginawa.

“Ang lalim ng iniisip natin ah,” tukso nang natatawang si Gracie. Kasalukuyan sila nitong nakaupo sa buhangin habang pinapanood ang paglubog ng araw. “Parang kailangan natin ng two bottles. Broken hearted?”

“Mukha ba akong broken hearted?” Natatawang sabi ni Pris.

“Oo kaya. Nauntog na ba si Dominique?” Biro nito pero it hit a nerve.

“Yes. Literally and figuratively,” Pris said quietly.

“Anong ibig mong sabihin?” Napakunot ang noong tanong nito.

Hindi pa nya nasasabi rito ang tungkol sa aksidente ni Dominique. Matagal na rin silang hindi nakakapagcommunicate ni Gracie.

“Oh my god, I’m so sorry. I didn’t know,” Gracie said apologetically when Pris told her what happened. “I didn’t mean to joke about it.” Niyakap sya nito nang mahigpit.

“Dahil dyan, sagot mo ang two bottles,” biro ni Pris.

“Of course. Tara!”

Pareho silang tumayo at binitbit ang kani-kaniyang surfboard saka nagtungo sa hotel room ni Pris for a quick shower at para iwanan ang surfboards ni Gracie. Dumiretso sila sa isang beach bar pagkatapos. Sinalubong sila ng ngiti ng isang maskuladong bar tender. Pris saw recognition in his eyes when he saw Gracie.

“Good evening, beautiful ladies!” Masiglang bati ng barista.

“Good evening, Hernan,” ganting bati ni Gracie at nginitian ang lalaki. Sa harap ng bar sila mismo pumuwesto.

“I’m Hernan nga po pala, magandang binibini. I’m single and absolutely able and available,” biro ni Hernan kay Pris.

“Hi Hernan. Nice meeting you. I’m Pris,” nangingiting pakilala ni Pris sa lalaki at nakipagkamay dito.

“Daiquiri for me and Sangria for my friend please,” order ni Gracie.

“Coming right up!”

Nang i-serve ni Hernan ang kanilang mga inumin, mabilis nilang naubos ang kani-kaniyang cocktail so they ordered more while catching up. Pris told Gracie more about her and Dominique.

“Do you know that this drink,” Pris said indicating the Appletini she was drinking. “Was originally called Adam’s Apple Martini because the bartender who created it was named Adam. It was created in 1996 at Lola’s West Hollywood restaurant.”

“Okay. So?” Natatawa si Gracie habang umiinom ng Cosmopolitan.

“Nothing. Just another useless information from me,” natatawa ding sabi ni Pris. Nakakaramdam na sya ng hilo. Nakakailang cocktail na ba sya? Who cares? Gracie was paying anyway. Might as well make the most out of it.

“Ano ng balak mo? Now that Dominique refused to be with you?” Seryosong tanong ni Gracie.

“I don’t know. I can’t force myself to her. Baka lalo syang lumayo sa akin pag nagpumilit ako,” sagot nya and drained the Appletini then turned to Hernan. “Moscow Mule and Negroni please.” Gracie finished her drink too and ordered Vodka Spritz. Balak ata nilang inumin ang lahat ng klase ng cocktails. Pareho ng namumungay ang mga mata nila.

“Pris, I have nothing against Jessica and Dominique. But why don’t you go for girls who like girls too? Why go for straight women?”

“They are no longer straight since pumatol sila sa akin,” Pris pointed out.

“You know what I mean.”

“Wala naman akong magagawa kung sa kanila nahuhulog ang puso ko. If only I could teach my heart, then my life would be less complicated. My traitor heart is to blame,” naiiling na sabi ni Pris sabay kuha ng Negroni and drank it straight. Akma nyang kukunin ang Moscow Mule nang pigilan sya ni Gracie.

“Easy there. Baka hindi tayo makauwi nyan. Wala akong balak alagaan ka,” biro ni Gracie. “I can’t leave you here either. Baka kung sino pa ang mag-uwi sayo.” She gave Pris a meaningful look.

“What are you saying?”

Inilapit ni Gracie ang mukha nito sa kanya saka bumulong. “That girl over there has been checking you out.”

Pasimpleng tumingin si Pris sa sinasabi nitong babae. She saw a very attractive girl sitting with her friends on one of the tables. The girl smiled at Pris seductively. Pris gave ger a quick smile and turned her eyes on Gracie. “Not my type.” Then drank her cocktail straight.

“So you do have a type,” napangiting sabi ni Gracie.

“Ano bang type ko?”

“Those unattainable goddess type. Like Jessica and Dominique.”

“Unattainable. No wonder I’m always broken hearted,” Pris said and laughed bitterly. She felt her cellphone vibrated inside her shorts. She rolled her eyes. “I think one of my clingy bestfriends is calling.” Nang inilabas nya ang phone, pangalan ni Jessica ang nakaregister. “See. Excuse me. I have to take this.”

Tumayo si Pris at naglakad palayo sa bar. She tried her best to walk straight. Tinamaan na sya ng alak. Naisip nyang ayaing umuwi na si Gracie pagbalik. She didn’t want to pass out on the beach. Sasagutin na sana nya ang cellphone nang may mabangga syang babae. Nabitawan nya ang cellphone.

Napa-aray ang babaing nabangga nya. Nang mapatingin si Pris rito, isang babaing mukhang gypsy na hinihimas ang noo nito ang nakita nya.

“Naku, sorry po,” Pris said apologetically. “Hindi ko sinasadya. Okay lang po ba kayo?”

The light coming from the bar illuminated the woman’s face. Tingin ni Pris nasa 40’s ang edad nito. Makulay ang suot nitong bestida at malalaki ang hikaw at bangles na suot nito.

“Okay lang ako. Huwag kang mag-alala,” ngumiting sagot ng babae at tumitig sa mukha ni Pris. Napatitig din sya sa mga mata nito. “Napakalungkot ng mga mata mo.” Pris was unable to say anything. She couldn’t take her eyes away from the woman’s. “Huwag kang susuko sa pag-ibig mo. Magtiwala ka lang dahil babalik rin sya sayo. Hintayin mong maliwanagan ang puso at isipan nya. Mapapawi rin ang kalungkutan sa puso mo.”

“Hoy Greda! Tigilan mo nga yan!” Naalis ni Pris sa wakas ang tingin nya mula sa babae nang lapitan sila ni Hernan. “Umalis ka na nga. Puro naman fake news yang sinasabi mo.”

Sinamaan ni Greda ng tingin si Hernan pero bago pa ito tuluyang umalis, ngumiti itong muli kay Pris at sinabing, “Sya ang nakatakdang pag-ibig para sayo. Pinagtagpo kayo ng tadhana at hindi yun mababago kahit ano pang nangyari. Maghintay ka lang.” Inabot din ng babae ang cellphone na nahulog nya.

Hinatid na lamang nang tanaw ni Pris ang papalayong babae. Anong sinasabi nya? “Pinagtagpo kayo ng tadhana at hindi yun mababago kahit ano pang nangyari.” Nangyari? Bakit parang may alam sya sa buhay nya.

“Manghuhulang fake yun, ma’am. Wag mo na lang pansinin,” pukaw ni Hernan sa atensyon nya.

“Ganun ba,” nasambit na lang ni Pris. Pero bakit biglang mas tumindi ang pag-asa sa puso nya? Wala rin naman syang balak isuko si Dominique. Handa syang maghintay rito kahit pa mahabang panahon. Kahit ilang paglubog ng araw pa ang lumipas, si Dominique pa rin ang mamahalin nya. Kahit ilang babae pa ang magka-interes sa kanya, kahit pa si Catriona Gray, si Dominique pa rin ang iniibig nya. But for now, she had to let her be even if it hurts.

“Ugh, I’m being cheesy,” Pris thought.

Continue Reading

You'll Also Like

72.1K 3.4K 61
Six Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back...
107K 5.4K 42
Meet Ivy, the independent and simple woman who grew up in the Province. The woman who loves without equal and boundaries, the girl who will fall in l...
627K 21.6K 65
WAG MUNA BASAHIN, KUNG IMPATIENT KA. Emz
34.4K 973 22
Thales Reiu x Gwynedd Villonez