Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 21

2.3K 94 6
By ShadowlessPersona

WHAT Theo said may sound so tempting but also insensitive. Oo nga't mahal niya pa ito pero ang isipin na magiging masaya sila kahit na may nasasaktan ay hindi naman nakakaligayang tunay.

Her heart wanted to say yes but her mind is saying no. Buti na lang ang utak ay hindi marupok kundi baka nasa munisipyo na sila at nagpapakasal.

Hindi ba talaga, Huffle?

Napailing na lang siya at nakita itong nakikipagtawanan na sa ibang taga Casa. Hindi niya pa kilala ang lahat pero alam niyang mabubuti itong mga tao dahil na rin kay Ate Abby.

"Nobyo mo ba siya, hija?" Nakuha ni Aling Linda ang atensyon niya. Inimbitahan sila nito sa isang munting salusalo, nagluto ito ng bilobilo at maja blanca.

"Ah, hindi po Aling Linda" aniya, "M-Magkaibigan lang po kami" ano pa bang sasabihin niya hindi ba? Alangan naman sabihin niyang ex niya ito.

Tumango naman ang Ginang na tila hindi naniniwala, "Hanggang kailan?"

"P-Po?"

"Hanggang kailan mo siya balak maging kaibigan?" May himig nang tukso ang pagkakasabi nito, "Dahil nakita ko na ang ganyang eksena noon"

"T-Talaga po?"

Tumango ito ulit, "Oo, maraming beses na"

Napakamot siya sa batok, "p-pero magkaibigan lang po talaga kami" push mo iyan, Huffle.

"Sabi mo, e" sakto naman na lumapit si Theo sa kanya, malawak ang mga ngiti, "Hijo, kumain ka muna" pagkuwa'y inabutan ito ng mangkok ng bilobilo.

"Salamat po" Sambit naman nito, "Mang Julio, kain na po tayo!" Aya nito sa matandang kausap kanina habang ang iba naman ay nagpaalam na't babalik sa trabaho. Nauna na itong magsipag meryenda kanina.

Nauna pa nitong nakilala ang Ginoo, "Maraming salamat, Architect!" magiliw nitong sambit sa lalaki nang lumapit.

"Mukhang magkasundong magkasundo kayo, ha?" Natutuwang ani Aling Linda.

"Aba't natuwa ako sa mga suhestiyon nitong si Architect" Tumingin sa kanya ito sa kanya, "Ikaw ba ang nobya?"

Tila napipe siya sa tanong nito. Buti na lang at sinalo siya ni Aling Linda!

"Hipag ni Clara iyan" Sambit nito, "Siya yung tinutukoy ko sa'yo"

"Ah, ikaw pala yung crush ni Toto" Ha? Ano daw? Tama ba siya nang narinig? "Aray ko naman!" Hinampas ito ni Aling Linda nang pamaypay.

"Napakatsismoso mo!"

Natawa na lang siya sa magasawa pagkuwa'y nakitang nakakunot noo si Theo. Selos lang?

"Sino po si Toto?" Tanong nito bigla sa Ginoo, "Anak niyo po?"

Umiling si Mang Julio, "Nako hindi" anito, "Ngunit parang anak ko na ituring dahil wala naman iyong magulang rito"

"Kababata iyon ng Ate Abby mo" sambit pa ni Aling Linda, "Nasa trabaho nga lang, hindi na kasi iyon pumapasada. Nagkaroon na ng magandang trabaho kaya wala na rito madalas."

"Paano niya nakita si Huffle?" Aba't usisa pa nito. Selos na selos, Theo?

"Nung inihatid nila Clara at Raven, uy nagseselos si Architect" Argh! How to escape this scenario? Nagkasundo na ang magasawa sa pangangasar.

"Selos ka?" Ulit pa ni Mang Julio, "Mahal mo ano?"

Nagkatinginan sila ni Theo, nasa harapan niya itong nakaupo habang katabi nito si ang Ginoo, "Sobra po"

Hindi napigilan ni Aling Linda ang mapatili habang si Mang Julio naman ay tumawa nang buong galak.

Namumula na ang pisngi niya at namamawis ang mga palad! Jusko, Theo!

"Ikaw ba, Huffle? Mahal mo?" Aling Linda!!

"Mahal po ako niyan" Singit naman ni Theo nang may kumpiyansa sa sarili, pinanlakihan niya lang ito nang mata.

"Sus, mahina ka pala Architect, e!" Kanstaw pa ni Mang Julio, "Dinedeny ka, oh"

He gorgeously chuckled. Damn it. "Ako na pong bahala, hindi aalis ng Casa iyan na hindi niya ako mahal"

What the hell? Parang may paru-paro na sa tiyan niya na hindi mapakali sa loob, buong kalamnan ay nagririgodon maging ang puso ay hindi na mapakalma sa bilis ng pagtibok!

"Gets mo, Huffle?" He smirked and winked at her.

Gosh!

"Maiba ako, mamayang gabi may maliit na pagtitipon doon sa Casa Madrid, gusto niyo bang sumama?" Paanyaya ni Mang Julio, napakarami namang pagtitipon dito kaya siguro malalapit ang mga tao sa isa't isa.

"Birthday po ba?"

"Hindi" sambit ni Aling Linda, "May mga nagpupunta kasing mga volunteers dito galing sa Cavite. Nagkakaroon ng Fellowship, masaya iyon!"

Fellowship? Kailan ba siya huling nakaattend ng ganung gawain?

"Sige po!" Sagot muli ni Theo, "Sasama kami" at ito na ang nagdesisyon para sa kanila.

Ngunit kahit naman hindi nito sinabi iyon ay parang may nagsasabi din sa puso niya na pumunta siya.

---

"Kasya po ba tayo diyan?" Tanong ni Huffle nang makita ang oner ni Mang Julio, iyon daw kasi ang gagamitin para sa pagpunta nila sa Casa Fuego.

"Kasya iyan!" sambit ni Theo, "Dalawa lang naman tayo sa likod"

Napairap siya rito. Parang bata kung lumandi. Nakakainis.

"Oo nga, Huffle" ani Aling Linda, "Pasensya na't hindi na ako makakapasok pa sa likod dahil sa balakang ko"

"May sasakyan naman po si Theo, bakit hindi na lang iyon ang gamitin natin?" Masuyo niyang sambit, "Para po relax kayo sa pagupo"

"Nako, nalimutan kong magpagasulina kanina" sambit ni Theo bigla, "Baka hindi tayo makaabot doon"

What the heck? As if naman maniniwala siya. Style mo bulok!

"Hayaan muna, Huffle" sapitana ni Aling Linda, "Gabi naman na at masarap ang simoy nang hangin. Julio, tara na!"

"Nandiyan na!" May ibinilin lang ito sa kausap pagkuwa'y sumakay na ng oner, "Tara na"

She sighed. Hindi siya maarte pero parang umaayon kay Theo ang tadhana.

"Okay ka lang diyan?" Tanong ni Theo nang makasakay sila sa likod. Magkaharap silang dalawa at medyo nakayuko ang ulo, nagtatama ang tuhod nila sa kipot ng espasyo.

"Oo naman" tumulak na sila paalis at habang nagmamaneho ay naririnig niya lang nagkukwentuhan ang magasawa.

Napakunot noo siya nang makitang titig na titig si Theo sa kanya! "Ano ba?" saway niya rito.

"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ha?"

"Anong wala" bulong niya para hindi naman nakakahiya sa magasawa, "Huwag mo nga akong titigan!"

Ngumisi ito, "Edi huwag kang maganda! Bakit kasi ang ganda ganda mo!" pagtataray din nito sa kanya! "Oh, tignan mo magtataray pa iyan, mas lalo kang gumaganda!"

"Theo!" hinampas na niya ito.

Nagtatawanan ang magasawa nang bigla namang lumiko si Mang Julio sa kanto kaya naman dumausdos siya sa dibdib ni Theo!

Mang Julio!

"S-Sorry" aniya't umiwas rito. Naginit na naman ang pisngi niya. Ang bango bango din ng isang ito, nagpapagwapo?

Nang makarating sila sa Casa Fuego ay sinalubong sila ng iilang tao na nasa edad nila.

"Good evening, Aling Linda at Mang Julio!" Bati nito sa mga kasama, "Hi, Ako si Susan" pakilala nito.

"Huffle" she said pagkuwa'y nilahad naman ang kamay kay Theo. Aba't nagningning naman ang mga mata nito!

"Wait, your name sounds familiar... are you familiar with H.Estilo?" Tanong ni Susan nang hindi binibitawan ang kamay nito.

Marahang tumango si Theo, "Yes, I own it"

"You're the Theo Harrison! Woah, what a small world! Come, let's get inside"

"Sikat ka pala, Architect" Bati ni Mang Julio habang nakaakbay, "Mukhang type ka ni Susan, kung hindi ka sasagutin nitong si Huffle baka pwede iyan"

Nanlaki ang mga mata niya! Aba't harap harapan pa talaga?

Pabilog ang pwesto nang mga upuan. May guitara na nakalagay sa stand at microphone na nakalapag sa upuan.

Nang dumating ang tamang oras para magsimula ang Fellowship ay inanyayahan silang magsipagtayo at makipagkamay sa katabi.

"Isang magandang gabi po sa ating lahat" Bati nang lalaki, "Maraming salamat sa inyong pakikilahok sa munting Fellowship na ito. Maari po bang itaas ang mga kamay ng first timers?"

Agad na nagtaas ng kamay si Theo. Attentive, ha? Tinaas niya rin ang kamay niya. Nang ipababa iyon nang lalaki ay saktong tumabi rito si Susan.

Wow. Iba din.

"Nandito tayo para magsama-sama upang iacknowledge ang kabutihan nang Panginoon sa ating buhay. Tayo'y magsiawit pagkatapos ay tutal kokonti lang tayo, siguro magandang lahat tayo ay magbahagi ng ating ipagpapasalamat sa Panginoon"

What? Isa isa sila? Baka naman pwedeng exempted dahil first time! Hindi siya prepared!

Nang matapos ang awitan ay una nang nagsalita si Theo! Papaano pa ba siya makakatanggi nito?

"Nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa panibagong pagkakataon na ibinigay Niya para piliin ang bagay na makakapagpasaya sa akin. Hindi nga siguro aksidente na nandito ako ngayon dahil mas nakikita ko ang dahilan kung bakit hindi nangyari ang mga dapat nangyari"

Napatingin siya kay Susan na abot tainga pa ang ngiti. Iniisip ba nito na siya ang tinutukoy ni Theo?Agad agad?

Nang matapos si Theo ay sinundan naman ni Susan hanggang sa kanya magtatapos. What would she say?

"I-I don't know what to say actually" Patotoo niya, "Maybe I would just like to thank God for being here... I guess"

Iyon lamang ang nasabi niya. Wala naman sigurong kaso dahil nagpalakpakan na ulit ang ibang tao doon pagkaalis niya.

Nang umupo na siya sa tabi ni Theo ay tumayo naman ulit ang lalaking nagsasalita kanina. May dala itong bibliya at ngumiti bago iyon buksan.

He said his introductions, which is normal for a talk, "Sino dito sa inyo ang nakakaramdam ng takot?" He even raised his at ang iba naman ay nagsunuran, "Takot magkamali, takot maiwan, takot masaktan? Basta takot"

Tinaas niya ang kamay nang hindi kataasan, enough for her to look participating.

"Takot" anito, "Isa sa pinakakilalang sandata nang kaaway para gamitin laban sa atin."

That got her attention.

"Hindi ba sa pelikula o mga storya, ang isang tao ay nakakagawa nang mga bagay na hindi pinagiisipan o hindi kagustuhan nang dahil sa takot? May taong nangiiwan dahil takot maiwanan, may taong nanloloko dahil takot maloko, at may mga taong sumusuko na lang dahil takot na hindi ipaglaban"

Sandali, siya ba iyon?

Tumuwid siya sa pagkakaupo, "Marami naman talagang bagay na makakapagbigay sa atin ng pangamba at takot" anito pagkuwa'y napatingin sa kanya, "Ngunit sa realidad, karaniwan sa kinatatakutan natin ay hindi naman nangyayari. Napapangunahan lamang tayo"

"Ngunit hindi nais ng Diyos na mabuhay tayo nang puno nang takot at pangamba. At ang tanging paraan para makalaya tayo doon ay ang pag-alam nang katotohanan. Katotohanan na ang Diyos ang may hawak nang lahat." Dugtong nito.

"And I am convinced that nothing can ever separate us from God's love. Neither death nor life, neither angels nor demons, neither our fears for today nor our worries about tomorrow—not even the powers of hell can separate us from God's love - Romans 8:38-39" Basa nito pagkuwa'y humarap muli sa kanila, "Ano ba ang kinakatakot mo kapatid? Ano ang humahadlang para maramdaman mo ang pagmamahal ng Panginoon sa'yo?"

Something inside her just snapped. Parang may goma na pumitik sa dibdib niya't nagpagising sa buo niyang kalamnan.

"Isuko mo iyan sa Panginoon dahil walang sapat na rason para hindi ka mahalin ng Diyos. Hindi mo pa Siya pinipili ay pinili ka na Niya" Masuyo nitong sambit na tila para sa kanya ang sinasabi, "Hindi mawawala ang takot sa mundo pero maari mong alisin ang takot sa puso dahil alam mong may Diyos na humahawak sa buhay mo"

---

Tahimik si Huffle hanggang sa makabalik sila sa Casa. Hanggang ngayon ay dala dala niya ang tanong nang speaker kanina.

Ano ba ang kinakatakot niya? Ano ang humahadlang para maramdaman niya ang pagmamahal ng Panginoon?

"Mukhang malalim ang iniisip mo" Napaangat siya nang tingin kay Theo na nakatayo sa labas ng bahay. "Nagulat ba kita? Napansin ko kasing bukas pa ang ilaw mo at bigla kang lumabas rito"

Huminga siya nang malalim, "May iniisip lang" hindi na niya tinanggi.

"Gusto mo bang pagusapan?" Napatingin siya rito. Gusto niya ba?

"Tingin mo mapapatawad pa ako ng anak natin?" Tila nagulat si Theo sa tinanong niya, hindi iniisip na muli niyang babanggitin ang nawalang anak. "Dahil inilihim ko siya?"

Umupo si Theo sa tabi niya at napabuntong hininga, "Hanggang ngayon ba sinisisi mo pa rin ang sarili mo?"

Tuluyan na siyang napaluha, "Nagiisa akong babaeng anak... Alagang alaga ng mga kapatid ko... lalo na sa nangyari kay Mommy at Daddy, ayaw nilang ako ang matulad sa magulang namin... For them I am the perfect sister and daughter since I gave my best and I don't want to disappoint lalo na't napapasaya ko sila"

Tahimik na nakinig sa kanya si Theo, walang sinasabing salita pero ang mga mata ay nakikinig.

"Kaya hindi ko nagawang aminin sa kanila ang nangyari sa anak natin dahil... natakot akong hindi na nila ako tignan bilang ako.. kundi bilang isang pabayang ina..." napakagat siya sa labi, "Higit sa lahat, natakot akong isama ka sa akin at kamumuhian nila.."

Hinawakan ni Theo ang kamay niya, "Huffle..."

"Takot na takot akong wala ng tatanggap sa akin --" Lumuhod sa harapan niya si Theo at kinuha ang mga kamay niya. Their eyes were now leveled with each other. "Nahihiya ako sa Diyos dahil hindi ko napangatawanan ang regalong binigay Niya sa atin... Natatakot akong sumubok ulit dahil pakiramdam ko hindi ko deserve ito..."

"I'm scared, too" sambit nito habang masuyong hinaplos ang pisngi niya, "But you know what scares me the most?"

She looked at him in his eyes and waited for his answer, "Ano?"

"Na mawala ka na naman ulit sa akin" He pressed their foreheads together, "Huffle, hindi naman kaagad mawawala ang takot natin pero hayaan mo akong samahan ka sa mga oras na natatakot ka. Hayaan mong sabay natin ipagkatiwala sa Diyos ang nakaraan natin at ang hinaharap"

"Paano si Crissa? Sila Kuya? May masasaktan na naman tayo... at ayoko nang makasakit... huhusgahan ka... baka maapektuhan pa ang--"

"Drop it" putol nito, "Hindi dahil kay Crissa kung bakit ako naging magaling na arkitekto"

"Theo.."

"Naalala mo ba ang sinabi kanina? 1st Peter chapter 5 verse 6 to 7 - Humble yourselves, then, under God's mighty hand, so that he will lift you up in his own good time.  Leave all your worries with him, because he cares for you."

Pinunasan nito ang mga luha niya, "Huffle, hindi na natin mababago ang mga nangyari pero may pagkakataon pa tayong bumawi. Crissa will get by, your brothers will get by and we will get through this because we have a God who could set things right"

Nanginginig na ang mga kamay niya't tinig, "You think this will work now?"

Ngumiti ito nang bahagya, "Let His will be done, but right now, please... Let me love you... Just let me love you, again.."

She closed her eyes and felt his lips landed on hers, "Okay..." sagot niya pagkatapos ng halik.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 40 1
Lim Series #1 Erika Mae Villanueva is a simple woman who just wants to dance and fulfill her dream of going to New york, one day she has to give up...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
47.6K 592 46
When you love someone being their friend is not just enough, loving your bestfriend is hard because one step further will either make you fall harder...
191K 2.6K 43
(Filipino/English) There is no need to rush in love. Everything takes time. And everything that's worth the wait is worth the price.