Gorgeous

By xxakanexx

1.9M 86.2K 18.9K

Cinderella Leona Escalona is the youngest of all Judas' children. She is very obedient and honest. Wala siyan... More

Gorgeous
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Epilogue
Cinderella!

Challenge # 06

73.4K 3.7K 1K
By xxakanexx

At tumigil ang mundo

Cindy's

"Nagpasa ka na ba noong quiz kay Mr. Morales?"

Jazel and I were inside the campus that afternoon. Katatapos lang ng klase namin at inaya ko siya magpunta sa cafeteria kasi nagugutom na talaga ako. Nag-text ako kay Eli para ibili ako ng pagkain pero nasa doctor daw siya para sa check – up ni Alonso, si Kuya Red naman nasa CLPH kaya mamaya, si Daddy ang susundo sa akin. Naisip kong ayain si Dadd na magpunta sa mall para makapaglaro ako sa timezone. Matagal – tagal na kasi iyong huli naming bonding.

Napansin kong medyo galit pa rin siya sa akin at kahit anong gawin kong pag-iiba ng topic o paglalambing sa kanya, hindi niya pa rin nakakalimutan na nagdala ako ng lalaki sa bahay niya. Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa ospital kasi malalaman ng mga humahabol sa kanya kung nasaan siya, kaya sa bahay ko na lang siya dinala. Galit rin si Daddy kasi nag-drive ako tapos wala akong license. Hindi naman niya kasi ako sinamahan sa LTO para kumuha, matagal na niyang inuutos sa akin iyon pero ayokong magpunta ng walang kasi kasama.

"Oo. Kagabi bago ako natulog, nag-email na ako kay Sir. Ikaw ba?"

"Kaninang umaga lang. Medyo hindi kasi ako sure sa naging sagot ko sa problem number two. Anyway, nakita mo ba? Bago na ang jowa ni Rochelle."

Nanlaki ang mga mata ko. "True?"


"Oo. Hindi na si Bruno ang jowa niya, Bessy! Narinig kong pinag-uusapan kanina nila Anne Apelyido, si Jenkins Roteno na ang jowa niya. Nakita nga daw sila sa Sogo."

Napakunot ang noo ko. Kung si Ate Anne ang source, true iyon! Magkasama kaya sila ni Rochelle sa swimming team.

"Oh, bakit nakangiti ka riyan?"

"Wala lang..." I didn't even realize that I'm smiling.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Jazel. Umiba kasi ako ng direksyon. "Akala ko ba kakain tayo."

"Ha? Hindi, busog ako! Una na ako ha! Bye!"

Tumakbo ako papunta sa campus pool. Alam ko may practice ngayon sina Ate Anne. Mabilis ko siyang hinanap pagdating ko roon. Nakita ko siyang nakaupo sa mahabang bench habang minamasahe ng kapwa niya swimmers na babae. Patakbo akong nagpunta sa kanya.


"Hi, Ate!" Bati ko sa kanya. Tinapik niya ang kamay noong freshman na nagmamasahe sa kanya.

"Oh, anong atin? May nam-bully ba sa'yo, Cinds?"

"Wala. Magtatanong ako, Ate." Sabi ko pa. Hinawakan ko siya sa braso. "Sabi mo raw iba na raw ang jowa ni Rochelle?"

"Ah! Oo. Nakita namin siya noong mga tropa ko sa Sogo. Bakit mo natanong?"

"Sure ka? Hindi na iyong tanders?" Hindi ko talaga alam kung bakit ako aligaga at kung bakit ba gustong – gusto ko itong itanong sa kanya.

"Iyong kasama niya sa frosh day noon? Parang hindi naman na kasi si Roteno na ang jowa niya. Bakit mo natanong? Type mo si Roteno? Gusto mo ba takutin ko si Rochelle para layuan niya si Roteno?" Matiim ang paraan ng pagtingin sa akin ni Ate Anne. I shook my head. Wala naman akong pakialam kay Roteno, jusko, ayoko sa sungki!

"Ni-ask ko lang naman, Ate. Thank you!"

"Speaking of. Gusto mo bang sumama sa Saturday? May field trip kami kasama sina Dondon."

"Saan?"

"Sa Bulacan. Diba nga nanunog si Aelise? Bale, ire-repair daw iyon, ang punong abala iyong mga lalaki. Sama ka? May horses doon."

"Ayoko ng horses! Bye, Ate! See you later!" Tumayo ako agad at tumakbo palabas ng gym na iyon. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko pero feeling ko talaga napakasaya ko. May klase pa ako mg two pm pero natagpuan ko ang sarili kong sumasakay ng taxi at nagpapahatid sa bahay nila Bruno. Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita. Gusto ko lang siyang makita pero wala naman akong sasabihin sa kanya. Medyo nag-aalala rin ako kasi baka mamaya, nabaril na naman siya. Boplaks talaga siya pagdating roon tapos assassin pa yata ang work niya. Dapat hindi ganoon.

Forty – five minuted later – thanks to traffic – nakahinto na ang taxi sa harapan ng bahay nila Bruno sa loob ng isang exclusive subdivision. Ayaw pa nga akong papasukin pero binigyan ko ng five hundred iyong guard kaya nakapasok kaming dalawa ng taxi driver. Nagbayad naman ako, saka bumaba na.

Babalik na lang ako sa school bago mag – six para hindi malaman ni Daddy na nag-cutting ako. Hindi naman ito ang first time na ginawa ko ito. Noong high school ako nag-cutting class ako ng ilang beses para maglaro ng DOTA sa isang computer shop – siyempre nalaman ni Daddy, pinagalitan niya ako at pinalo tapos pinasara niya iyong computer shop. Mga three hours niya akong hindi kinausap tapos sabi ko hindi ko na uulitin. Nag-sorry rin siya kasi napalo niya ako, ang hindi niya alam, nilagyan ko iyong pwet ko ng palaman para hindi masakit.

"Salamat po, Manong."

Paglapit ko sa gate ay may nakita akong lalaki na kausap iyong matandang babaeng kamukha ni Meryl Streep. Parang seryoso ang pinag-uusapam nila. I was trying to look if Bruno is around pero wala naman siya at wala talaga akong maisip na excuse kung bakit ko siya pinuntahan dito. Gusto ko lang naman siyang makita pero hindi ko naman pwedeng sabihin iyon sa kanya kasi nga baka isipin niya may gusto ako sa kanya, wala naman akong gusto sa kanya.

Nagulat ako noong bumukas iyong gate tapos sa harap noon ay iyong may edad na matanda na para bang siya si Miss Peregrine at ito ang bahay ng mga peculiar children – sabagay mukha naman talagang peculiar si Bruno.

"Cindy, mija. What are you doing here?" May accent siya. Parang Mexican, ganoon, sobrang defined kasi noong letter R niya, hindi tulad noong sa teleserye, iyong bida walang S.

Napakamot ako ng ulo.

"Hinahanap ko po si Bruno."

Paano kapag tinanong ako kung bakit ko hinahanap si Bruno? Anong sasabihin ko? I sighed.

"Bruno? Is she looking for Bruno, Elias Martin?"

"Yes, Avo. Sorry, hindi masyadong matatas sa Filipino si Avo. Wala si Bruno rito, pumasok sa work. Gusto mo bang maghintay?"

"Ha? Naku, hindi na po! Uuwi na ako!"

"Wait, why don't you come in and eat? I cooked paella. It's the boy's favorite." Noon ko naramdaman ang sakit ng tyan ko. Gutom ng apala kasi ako, bakit nga ba hindi ako kumain kanina? Wala akong nagawa. Ang turo sa akin no Mommy, never tatanggi sa grasya kaya hindi talaga ako tatanggi. Sumama ako sa kanila sa loob, sa may dining area. Hindi naman nagtagal ay kumakain na ako.

Nahihiya ako kasi tinitingnan ako noong Lola ni Bruno pero hindi ko naman mapigilang kumain kasi naman gutom na ako talaga.

"Is it good for you?" Tanong noong Lola nila. Napansin kong nakatingin lang rin sa akin si Elias Martin – iyon yata ang pangalan niya, kinunutan ko siya ng noo.

"Are you my brother's new toy?" Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ako laruan ni Puta – Bruno ha! Magkakilala lang kami at kaya lang ako nandito kasi... kasi... ano... Ibabalik ko iyong binigay niyang lipstick sa akin!" Tama! Iyon na lang ang idadahilan ko! Kahit na ayokong ibalik ay ibabalik ko pa rin tutal, sabi naman ni Daddy hindi ako dapat tumatanggap ng regalo mula sa taong hindi ko kilala – hindi ko pa naman masyadong ka-close si B.F.

"What is she saying, Elias Martin?"

Nagsalita ng Portuguese si Elias Martin. Doon ko naisip na baka kaya ganoon ka-gwapo si Bruno ay dahil may lahi nga siyang kakaiba. Malaki rin ang bur niya kaya malamang sa malamang. Iyong mga nakikita ko sa pornsite malalaki rin kaya siguro ganoon siya.

"Ahh, is he courting you, mija?" Tanong pa noong Lola nila. I rolled my eyes. Ano ba iyan, ang tanda na chismosa pa.

"No. We're just really friends. Well, close to friends. Hindi pa masyado." Wika ko pa. The old woman smiled at me.

"Do you want more food?"

Nahihiya talaga ako. I smiled. "Opo. Do you have pancakes and bacons?"

"Of course!" Agad naman niyang tinawag iyong maid at nagpaluto siya ng gusto. Kung ano – ano pang tinanong nila sa aking dalawa. Kung saan ko raw nakilala si Bruno, siyempre kailangan kong gumawa ng usap kasi hindi naman talaga kami sa normal na paraan nagkasama – ang ikinuwento ko lang ay iyong una talaga naming pagkikita, iyong ginasgasan ko iyong kotse niya tapos sinabi ko na lang na muntik nang manakawan si Bruno kaya nasaksak siya, hindi pala niya sinabi sa pamilya niya na sinaksak siya ng Daddy ko. Baka ma-shock sila.

Hindi sila sanay sa ganoon.

Dumating na ang pancakes and bacons ko. Napansin kong hindi na sila kumakain at pinanonood na lang nila ako.

"So..." Wika ko. "Hindi masyadong masarap itong maple syrup ha." Wika ko kay Elias Martin. "Mga anong oras darating si Bruno?"

"Nagtext na ako sa kanya. Parating na iyon." He was still grinning at me. As if on cue, dumating naman si Putang ina na may daang flowers para sa lola niya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Wala akong pakialam, basta sumusubo ako.

"Hi, Cindy." He greeted me. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ha?" Napatanga pa ako sa kanya.

"Ha?" He imitated me. Naupo siya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Ay oo nga pala! "Wait." Wika ko. Itinali ko muna ang buhok ko saka ko inubos ang pancakes at bacons sa harapan ko. I drank the milk and when I am full – well, not so – pero pwede na rin, ay saka ko siya hinarap. Kahit masakit sa loob ko ay inilabas ko muna sa bag ko iyong isang set ng lipstick na bigay niya sa akin.

"What's wrong? Did I get the wrong shades?" He asked me habang nakatingin sa hawak ko. I shook my head.


"Sabi kasi ni Daddy h'wag daw akong tatanggap ng regalo mula sa estranghero, you're a stranger and even though I love this so much, I can't accept it." Inilapag ko iyon sa harapan niya. Kunot na kunot lalo ang noo niya. I noticed that his grandmother is watching us, there's amusement in her eyes.

"But I gave this to you as a thank you for saving my life."

"Ah! Savior?" Napatingin kami pareho sa lola niyang chismosa. Bruno smiled. Napansin kong hinawakan niya ang kamay ko tapos ay hinatak niya ako papunta sa may garden doon sa loob ng green house. Ang daming bulaklak roon. Bigla ay naalala ko na noong mga bata pa kami palaging kaming nagpupunta nila Mommy sa La Union kasi may green house rin doon si Daddy. Ang dami - daming bulaklak noon.

"I can't take this back, Cinderella. It's yours."

Ayoko naman talagang ibalik. Ayoko lang isipin niyang kaya ako nagpunta dito para sa kanya. I just looked around.

"Do you want me to take to your dad?"

"Do you wanna die?" I asked. He laughed. "Break na pala kayo ni Rochelle no?" Sabi ko pa sa kanya. Naupo kaming dalawa sa bench na nasa gitna noong mga pink roses.

"Yeah. Ang sabi mo kasi h'wag kong iputang ina si Rochelle. You were right, she deserves better..." Naka-lean siya sa sandalan. I can't help but look at him.

"Ang tangos ng ilong mo." Wika ko. "Anong half mo?"

"Taga Brazil ang tatay ko."

"Talaga? Doon ka lumaki? Gusto kong makapunta roon!" Napataas ang tinig ko. Humawak ako sa braso niya. "Ang gaganda ng beaches roon diba? Tapos naroon iyong Christ the Reedemer, diba? Saan ka roon? Sa Sao Paolo?"

"Yeah..."

"Ang dami kong gustong puntahan. Isa na iyon. Marami kasi talaga akong nakasulat sa bucketlist ko. Gusto ko puntahan lahat ng magagandang beaches sa mundo, tapos sa Germany iyong magagandang castles roon! Tapos sa Japan kasi gusto kong kumain ng Rame---"

Bigla akong natigilan kasi napansin kong titig na titig sa akin si Bruno Putang ina. Di bale sana kung nakangisi o nakatawa siya habang nagkekwento ako pero hindi, he's just staring as if he's in deep thought.

"Lindo..." He said.

Napatayo ako.

"Ha?! Lumilindol?! Hala ka!" Hinampas ko siya sa balikat. "Dock! Cover! Hold!" Dali!"

Naghanap ako ng pagtataguan. Nakita kong may mahabang table roon. Hinatak ko si Bruno tapos nagtago kami sa ilalim noon. Napapikit ako habang naka – dock, cover and hold, kasi ayoko ng lindol. Natatakot ako. Noong bata pa ako, may insidenteng lumindol tapos naiwanan kami ni Belle sa round table room. Iyak ako nang iyak noon kasi muntik na akong mabagsakan ng cabinet ni Daddy na may lamang Katana. Akala ko di na kami makakalabas roon.

I counted one to ten. Hindi pa rin ako makalma. I looked at Bruno.

"Hoy! Hindi ka naka-dock cover and hold!" I hissed at him.

Bruno, then, cupped my face. Ang awkward nga kasi nakayuko siya tapos nakatitig sa akin habang hawak niya ng dalawa niyang kamay ang mukha ko.

"Huy..." Nawika ko. Titig na titig siya sa akin.

"Lindo means beautiful." He said. "You're beautiful, Cindy."

Natigilan ako. Nakaramdam ako ng inis. Para akong tanga na nag-dock, cover and hold tapos wala naman palang lindol. Sa inis ko ay sinampal ko siya.

"Ang putang ina mo ha. Bwisit ka!" Tinulak ko siya tapos ay gumapang palabas. Tumayo na ako at pinagpag ang tuhod ko. Hindi nagtagal ay narinig ko na siyang tumatawa. Hinarap ko siya at hinampas muli.

"You should've seen your face. You were as white as a vinegar." I know that kind of face. Si Daddy noon uminom ng suka – araw – araw para mamutla siya. I shook my head.


"Hindi na kita bati. Gago. Uuwi na nga ako. Nakakainis ka kasi."

Tinalikuran ko na lang siya bago ako lumabas ng green house na iyon ay binalikan ko iyong set ng lipstick. Pinanood lang naman niya ako. Kinuha ko iyong shades na nagamit ko na, iyong ruler. Assertive, ground breaker, delicate at self-starter. Na-swatch ko na kasi ito tapos iyong iba, hiniram na ni Ate Sam.

"Nagamit ko na ito no! Hindi mo na ito pwedeng ibigay sa iba kasi may laway ko na ito. Diyan ka na."

"Cinderella, sandali." Wika niya. Hinatak niya ako sa braso kaya ako naman, medyo na out of balance, nadukduk ako sa dibdib niya, tapos sobrang cliché nito, napatingin ako sa kanya, bale nakatingala ako, tapos nakita ko na naman iyong reaksyon ng mukha niya na seryoso at nakatitig sa akin. Jusko, sobrang cliché rin na tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakikipag-eye to eye sa kanya tapos parang narinig ko si Moira Dela Torre sa background...

At tumigil ang mundo...

Bes! Tumigil talaga kasi putang ina! Hinalikan niya ako sa labi! Noong una halik lang tapos noong tumagal kinain na niya iyong ibabang labi ko! Nanlaki ang mga mata ko!

Jusko po!

Sa gulat ko ay naitulak ko siya. My whole body was shivering. Si Bruno ay halatang nabigla. Dinuro ko siya.

"Mamamatay ka na!"


Sinabayan ko iyong ng pagtalikod pero bago ako nakalayo ay kinuha ko na iyong natitirang lipstick saka ako tumakbo muli palabas noong green house. Nang lumingon ako ay hinahabol niya ako. Ipinapasok ko sa bag ko ang mga lipstick ko. Sa pagmamadali, hindi ako nakatingin sa tinatakbuhan ko kaya nadapa ako, natapakan ko kasi iyong sprinklers.

Muli akong tumayo kasi malapit na si Bruno. Nakarating ako sa may gate, sakto may taxi, pinara ko iyon at saka sinigawan ang driver. Malayo na kami nang maalala kong huminga.

Jusko...

"Hala! Naiwan ko iyong kabyak ng sapatos ko!" 

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
964K 17K 21
Calen Eugene - The black sheep of The Pastels had always believe that he will only love one woman and that is his Cinderella - who had forgotten him...
3M 93.3K 26
Gago raw si Paolo Enrique Arandia. Gago raw siya kasi hanggang ngayon, gumagawa siya ng paraan para maagaw ang babaeng mahal niya kahit may asawa at...
550K 10.1K 16
Robi only knows one thing, he's still in love with Ian. He was ready to be with her now, he's willing to do everything just to be with her, but there...