Mafia's Scary Wife ( Deathron...

Bởi BlackAngel0920395

967K 32K 6.9K

Creepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa mag... Xem Thêm

Simula
🌹 Kabanata 1 💀
🌹 Kabanata 2 💀
🌹 Kabanata 3 💀
🌹 Kabanata 4 💀
🌹 Kabanata 5💀
🌹 Kabanata 6💀
🌹 Kabanata 8 💀
🌹 Kabanata 9 💀
🌹 Kabanata 10 💀
🌹 Kabanata 11💀
🌹 Kabanata 12 💀
🌹 Kabanata 13 💀
🌹 Kabanata 14 💀
NOT EDITED🌹 Kabanata 15 💀
🌹 Kabanata 16 💀
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Epilogue
Special Chapter

🌹 Kabanata 7 💀

36.7K 1.2K 609
Bởi BlackAngel0920395


The photos is not mine, credits to rightful owner of these pictures

Ivory's POV

Umiiyak ako ngayong araw ng kasal ko,hindi sa tuwa kundi sa inis dahil ang pinakamamahal kong bangs sa aking itim na buhok. Pinutol ng walang hiyang baklang iyon!

Hindi daw kasi bagay sa akin dahil nagmumukha daw akong ghost bride dahil sa mahaba kong bangs na halos tabunan na ang kalahati ng mukha ko.

Nakipagtalo pa nga ako pero sa huli ito ang nasunod kaya heto ako ngayon at nagluluksa dahil ang bangs ko na pinaghirapan kong patubuin,gugupitin lang pala ng lokaret na baklang iyon.

"Lady Ivory, wag na po kayong umiyak baka masira po ang make up nyo.." sabi sa akin ng babaeng katulong na inihabilin para may kasama ako. Narito kasi ako sa kuwarto at hinihintay nalang yung sundo na maghahatid sa amin sa simbahan.

Wala akong pakialam kahit masira pa itong make up na sa mukha ko! Parang hindi nga ako nakamake up dahil very light lang ito. Hindi parin ako tumigil sa pagngawa hangang sa may kumatok sa pinto.

Pinagbuksan ito ng katulong at dun pumasok ang Mommy ni Heaven na nakabihis na at bumagay sa kanya ang damit na pinaghalong itim at puti. Bagamat medyo may umbok na ang tiyan nya dahil nga sa buntis na ito ay sexy pa rin syang tignan.

"Iha,bakit umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong nya sa akin,pero hindi ako sumagot at mas ngumawa pa ako.

"Lady Heva, kanina pa nga po sya umiiyak,ilang beses ko na po syang pinatahan pero hindi parin sya timitigil" sabi ng katulong.

"Teka,bakit nga ba sya umiiyak?"

"Kasi po pinutol po yung bangs nya nung hairstylist na bakla" Sagot nung katulong,natawa naman si Mam Heva bago lumapit sa akin at hinaplos ang aking buhok. Napanguso tuloy ako para hindi ipahalata na gustong gusto kong hinihimas ang ulo ko.

"Iha,ayos lang na putulin yung bangs mo,mas maganda kang tignan kapag maaliwalas at walang tumatakip na buhok diyan sa mukha mo. Alam mo ba ang sabi ng anak kong si Heaven, ang pinakanagustuhan nya daw sa mukha mo ay ang mga mata mo ganun din ako kaya mas bagay talaga sa iyo ang nakikita ang kabuuan ng mukha mo."

Mahabang paliwanag sa akin ni Mam Heva,hindi ko tuloy mapigilan na malito,dahil ang sabi sa akin ni Mama ay pangit daw ako kaya nararapat lang daw na itago ko ang mukha ko para hindi ito makita ng tao pero sa sinasabi ng mommy ni Heaven ,napagisip-isip ko tuloy kung maganda ba talaga ako sa paningin ng iba.

______

Matapos ang maselan kong pagdadrama,heto ako at nakatayo sa harap ng pintuan ng simbahan. Ano mang sandali ay magbubukas na ito hudyat para maglakad na ako patungo sa altar.

Hindi nga ako nagkamali dahil nangyari na nga,sa pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan ay tumambad sa akin ang mga bisita na nakafocus ang tingin sa akin.

Wala akong kakilala ni isa sa kanila pero base aa tingin nila,ang iba ay natutuwa at namamangha pero karamihan sa mga babaeng bisita na kaedad ko lang din yata ay masama ang tingin sa akin.

Kung alam lang nila,hindi ko naman gustong magpakasal sa lalaking yun! Kung pwede lang sila ang pumalit sa akin dito.

Nagsimula na akong maglakad palunta sa altar at kinakabahan ako dahil nakikita ko ngayon ang isang napakaguwapong lalaki sa tanang buhay ko. Bumagay sa kanya ang itim nyang tuxedo na pangkasal nya.

Black and white ang tema ng wedding namin at syempre ako ang nag suggest sa black dahil favourite color ko ang black. Pati ang gown ko ay may kulay itim din.

Gusto ko pa ngang palagyan ng disenyong bungo kaso nahihiya akong sabihin dahil baka imbes nakasal magmukhang Halloween ang ang okasyon na ito.

Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Heaven at ang loko,todo ngisi pa na akala mo eh natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Sa totoo lang gusto ko ng tumakbo pero tinignan ko ang nasa gilid ko at dun nakapuwesto ang mga tauhan nyang may dalang shotgun at posas.

Marahil nakapagtataka kung para saan ang shotgun at posas. Yung posas para sa akin kung sakaling magtangka akong takbuhan sya sa kasal namin ay ipoposas nya nalang ako habang ikinakasal kami ng pari at para walang takas ako. Yung shotgun naman ay para sa taong magtatangka na pigilan ang kasal namin, hindi ko alam na may pagka boy scout pala si Heaven, laging handa.

Sa wakas ay nakarating na ako sa harap ng altar at katabi ko na ang may mala anghel na mukha pero may demonyong ugali na si Heaven.Talagang diretso lang ang tingin ko at ayokong makita ang pagmumukha nya dahil na bubwisit ako.

"Bago ko simulan ang seremonya , nais kong malaman kung may tumututol ba sa kasalang ito?" Tanong ng pari.

Sabay sabay namang ikininasa nung mga men in black ang kanilang shotgun,tila naghahanda sa kung sinoman ang tututol.

"Wala po father"

"Tuloy ang kasal father"

"Walang tumututol "

Iyan ang mga sinabi ng mga bisita at tila takot ang mga ito na barilin, at yung mga kapatid naman ni Heaven ay relax lang ay maging ganun din si Sir Zerred pero halatang naiirita ang ina nito sa nangyayari at panay ang siko nya kay Sir Zerred.

"Your all mine now my Mrs. Heaven Creed Deathrone "

___

Kasalukuyan kaming nakasakay sa magarang sasakyan ni Heaven at papunta daw sa honeymoon place namin.

Kapag binibigkas ko ang salitang honeymoon ay talagang kinikilabutan ako ,at ang masaklap ay wala akong karanasan, birhen ako simula pagkabata.

"Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong ni Heaven habang nakafocus ang tingin nya sa daan.

"B-baki-t? May dap-at ba akong sabihin?" Gusto ko tuloy lumubog sa kinauupuan ko dahil simpelng tanong nya eh nagkakanda utal utal ako sa pagsasalita.

"Are you nervous? " muling tanong nya at bahagyang sumulyap sa akin bago seryosong nagmamaneho.

"Medyo.." mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya.

"Don't worry, first time ko rin " nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya,sa totoo lang ay lihim akong natawa dahil napakaimposible na first time nya,sa gwapo nyang iyan , baka ilang kandungan ni eba na ang naranasan nya.

"Hindi ka naniniwala? Believe me,first time ko rin,talagang inilalaan ko ang virginity ko sa babaeng papakasalan ko. Well, madalas akong magsarili hindi katulad ng mga kapatid ko ,they fuck girls but only in their mouth not the pus*sy"

Sa totoo lang ay napakalaswa ng pinaguusapan namin at hindi ako sanay pero dapat ko bang ikatuwa ang mga sinabi nya? Mahirap kasing paniwalaan eh na virgin pa daw sya?

"Don't worry my wife, I'll be gentle " malanding sabi nya at sinabayan pa ng nakakaasar na ngiti.

___

Matapos ang napahabang biyahe ay nakarating narin kami sa aming destinasyon. Isa itong private resort na talagang para sa aming dalawa lang. Mayroon magarang bahay na may dalawang palapag na nakatayo malapit sa dagat.

Nagulat ako ng pinagbuksan ako ng pinto ni Heaven , sa pagka mangha ko sa lugar. Inalalayan ako nito na lumabas ng kotse nya at mas napagmasdan ko ang kagandahan ng lugar.

Kahit gabi na ay maliwanag na maliwanag parin sa paningin ko ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan. Maliwanag din ang buwan at napakaraming bituwin sa kalangitan. Isa ito sa mga gustong gusto ko tuwing gabi, ang mga bituwin na parang libo libong alitaptap sa kala gitan.

Napatili ako ng may biglang bumuhat sa akin,buti at naipulupot ko agad ang mga kamay ko sa leeg ni Heaven at ang gagong ito ay humaklak pa.

Lumakad ito papasok sa bahay at pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa akin ang malinis at magandang disenyo ng sala. Umakyat ito sa hagdang paikot bago kami nakarating sa kuwarto.

Pagpasok nya ay tumambad sa akin ang kabuoan ng silid, may king size bed at pinaghalong itim at puti ang buong tema ng kuwarto.

Pero ang pinakanagustuhan ko ay ang dingding dahil may mga disenyo ito ng bungo.

Inilipag ako ni Heaven sa malaking higaan at nagsimula na akong kabahan sa susunod na mangyayari sa silid na ito.Talaga bang gagawin namin? Nagmamadali yata sya eh?

"It's time for me to mark what's mine" mapangakit nyang sabi bago tanggalin ang kanyang coat at isa-isang tinanggal ang pagkakabotones ng kanyang polo.

Nang maalis nya ang pang itaas nyang damit ay tumambad sa akin ang napakaperpektong katawan nya.

Meron syang walong abs at mabatong braso nya,meron syang manipis balahibo sa dibdib na mas nakapagbibigay ng dagdag atraksyon sa kanya. Bumagay din ang magandang hubog ng katawan nya sa moreno nyang balat.

Sunod sunod akong napalunok ng nag-umpisa na nyang taggalin ang suot nyang pangibaba.
Kitang-kita ko Rin yung V-line nyang masarap papakin!


Halos mamutla ako ng tuluyan na nyang ibinaba ang boxer nyang kulay itim.

Bumuyangyang ang malaki at mahabang ano..yung..yung..yung ! Yung ano nya!Yung ano! Yung mahabaging ano nya!!

"Yung ahas!!" Iyon ang huling naibulaslas ko bago magdilim ang aking paningin.

"Shit!! Wife!!!" Huling rinig kong sabi ni Heaven bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

603K 14.2K 37
Jairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa...
535K 38.9K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
132K 8.4K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.6K 95 4
S Y N O P S I S After getting a degree in education, Aroha Fern was beyond pressured to get a job for her family. Due to peer pressure, she applied t...