Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 50

238K 2.8K 597
By NerdyIrel

Shems!! Kayo na! Kayo na talaga!! Thanks po talaga dahil ang bilis!! Happy700K Views! And thanks sa mga nag-fans!! 1K na fans ko FTW!

Okie, mamaya na ko magdadaldal, ENJOY READING! Walang mananapak sakin ah! Hahaha.


------------------------------------------------


Chapter 50

Kathryn's POV


"Ano namang kinalaman namin sayo?" I frowned at her.


Subukan niya lang talagang magkamali ng sasabihin, uupakan ko siya.

Okay, I'm not a war freak. Mainit lang talaga dugo ko sa kanya.

I never liked her. I hate her from the start.


"Look, don't be mad at me. Please"


(-_-)

Matagal na nga akong galit sayo tapos sasabihin mo na don't be mad??

Lokohan tayo??


"Diretsohin mo nga ako. Ano ba talaga yung gusto mong sabihin sakin?"


Yumuko siya tapos nag-sigh.


0_o

Hay naku!

Kabadtrip ahh!


Kakausapin ako tapos kapag tinanong ko, hindi sasagot.


"Ganito kasi yan kath...alam mo naman siguro na----" Napatigil siya sa pagsasalita nung narinig namin si DJ.


"KATH!" Sigaw nung mokong na yun.


"Ah sofia, teka lang ha..." Bago pa siya makapagsalita, pumasok na ko sa room ni Daniel tapos kumatok ako sa pintuan nung Comfort Room niya.


*knock knock*


"Boss, ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Pakuha nga nung towel ko sa table. Di ko pala nakuha...hehehe"


@_@


"Eh kasi naman ang landi mo kanina!"

"Para ka namang nanay ko eh! Sermon pa! Pakuha na lang please!"

"Fine" Kinuha ko yung towel niya tapos kumatok ulit ako.


"Oh kunin mo na po ito Mr. Daniel"

"Pumasok ka na dito"


O_O


"Ha? Ayoko nga! Paano kung---" He cut me off immediately.

"Don't worry, may shower curtain naman dito"


Ahh....okay.

Hahahaha. Malay ko ba...


Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan.


Napansin ko lang...

Siguro hindi siya marunong mag-lock ng pintuan kahit naliligo siya.


"Iwan ko na lang dito sa gilid ah" Sabi ko. Napatingin pa ako dun sa mirror.


Ang GANDA ko oh!! Hahaha.


"Psst, amin na"

"AHHH!" Napasigaw ako kaagad nung nagsalita si Daniel.


Pagharap ko sa kanya...

Wew.


Buti na lang at nakasilip lang siya.

Buti na lang at nakasara pa rin yung shower curtain niya...

Abay ayoko ngang----


"HUY! Sigaw ka ng sigaw diyan. Baliw ka na ba?"

"Eh kasi naman, bigla-bigla ka na lang nagsasalita"

"Sure ka yun lang ang dahilan??" Tanong niya.


Hindi ako kaagad nakasagot.

Paano ba naman...


Bigla siyang ngumiti sabay kinagat ang lower lip niya.


Teka...

Anong ginagawa niya?


Parang na-stunned ako bigla nung tinitigan ko siya.

Eh kasi...kasi....kasi naman!!


Bakit ba ang hot-hot ng BOYFRIEND ko?

Takte!! Dripping wet pa yung look niya.

Pwede na siyang model sa look na yan...


Kaso ayokong mag-model siya.

Dadami ang mga magiging kalaban ko over him!


Akin lang siya dapat!!

^_^


"HOY! Ano yang iniisip mo at ganyan ka makatingin? Whoo! Kathryn ah!! Para kang mangangain! Napapaghalataan ka! Buti pala nakatakip pa katawan ko ng shower curtain kundi baka kung anong gawin mo sakin"


O/////////O


"Feelingero ka talaga...tsss. As if naman! Oh ayan! Kainin mo!" Hinagis ko sa kanya yung towel kaya natawa siya.


"Sungit. Ang init ng dugo mo Kath! Dapat sayo naliligo ng lumalamig yan. Lika na dito...ang sarap ng tubig"


"A-ano? Hahaha? Masarap? Anong lasa?"

"Korny mo uy! Haha"

"Whatever. Hinayin na lang kita sa labas...babush!"


Bago pa siya makapagsalita, lumabas na ko at umupo dun sa kama ni Daniel.

Binuksan ko yung TV niya pero pinatay ko rin kaagad.


Walang mapanuod na maayos eh.

Kung hindi balita, cartoons. (-_-)


Naglaro na lang ako ng temple run sa cellphone ni Daniel.

Bakit nga ba hindi ko ito dinowload sa phone ko??? Hay...


Nung unang try, hindi ako nakaabot ng 100,000.

BWISIT!


Tapos nung sumunod, naka 1,000,000 ako!

OMG! FIRST TIME!

WAHHHH!


"AHHHHH" Sigaw ko sa sobrang tuwa. Nagtatatalon-talon pa ko sa kama.

Tapos napatigil din ako dahil may bigla akong naalala.


Si...sofia.

O_O


OMG! Kanina pa niya ko hinihintay!!

Shems! Nakalimutan ko pa oh!


Tumakbo ako kaagad papunta dun sa pintuan nung biglang...

*POK*


"Aray!" Sa sobrang lakas ng impact, napaupo pa ko sa sahig.

"Kath? HALA! KATH!!"

"Putek DJ, bakit mo bigla binuksan yung pintuan ng CR?? Aray...ang sakit ng ulo ko"


>_<

Hinawakan ko yung ulo ko to check kung okay pa.

Baka kasi mamaya, may nalaglag na piece eh.


"Tsk, tsk" Nagulat ako nung bigla akong binuhat na Bridal style ni Daniel.

"Huy bakit?"


"Masakit ulo mo diba? Teka, humiga ka muna" He placed me at his bed tapos tinignan niya ko na para bang worried siya.


"Baliw! Masakit lang ulo ko, hindi ako pilay"

"Okay ka lang?"


"Hindi ko sure, nakirot yung side ng ulo ko oh, dito" Hinawakan ni DJ yung right side nung ulo ko sabay umiling.


"Sorry ah. Akala ko kasi kung anong nangyare sayo, sumigaw ka kasi tapos bigla ka ring tumigil"


Tumitig lang ako sa kanya.

Ahh...Okay.

Naiintindihan ko siya.

Fault ko rin naman kung bakit niya binuksan yung door nung CR.


"Teka, dito ka lang ha...kukuha lang ako ng cold compress" Bago ko pa siya mapigilan at sabihin na medyo okay na nga ako, nakaalis na kaagad siya.


Hay...

Kasi naman eh!

Pumikit na lang ako...


Honestly, nakirot pa rin yung ulo ko.

Maya-maya, narinig kong bumukas yung pintuan.


Ang bilis naman yata niya?


"DJ, nakuha mo na?" Tanong ko pero hindi ko pa rin minulat yung mga mata ko.

Hinawakan niya lang yung mga kamay ko.

Ang weird ni Daniel!!


I frowned nung naramdaman kong dumikit na yung lips niya sa leeg ko.

0_o


"Huy! Ano bang ginagawa mo?" I asked him again. At hindi niya pa rin ako sinagot.

I flinched nung collarbone ko na yung hinalikan ni Daniel.


"Daniel! Ano ba!!"

And again...hindi niya ko pinansin.


"HAYOP KA!" Napamulat ako bigla nung narinig kong sumigaw ng pagalit si Daniel!


Napatingin ako dun sa may hawak ng kamay ko.

O_O


"Quen? Anong ibig sabihin nito----" I stopped saying anything nung biglang hinila ni DJ yung collar ni Enrique at sinuntok niya yun.


"DANIEL STOP!" Sigaw ko kaya napatingin siya sakin.

Nagulat ako nung sinuntok ni Quen si DJ.


"Mas hayop ka!" Sigaw ni Enrique.


"ANO BA QUEN!! ITIGIL MO NA!!"


"TARANTADO KA!! WALA KA NA BANG IBANG MAHANAP NA BABAE KUNDI GIRLFRIEND KO!???"

Gumanti si Daniel ng suntok at halos mapahiga sa sahig si Enrique.


I run into DJ to stop him pero hinawakan niya lang yung wrist ko.

"Kath, lumayo ka please, kung ayaw mong masaktan"


Daniel punched Enrique in the face AGAIN! Halos nagdudugo na nga yung ilong ni Quen eh!

"TUMIGIL NGA KAYO!"


Kahit anong lakas ng sigaw ko, para silang bingi na naguupakan!

Takte! Baka may mamatay dito eh!


ISIP KATH! ISIP!

Paano mo sila pipigilan??


Eh kung kunin mo yung lamp shade at parehas mong pukpukin sa ulo?

Kasi ayoko ngang nasasaktan sila eh!


ARGH! ISIP!!!

STOP PANICKING!


TAMA!

I immediately run papunta sa baba. Halos mabangga ko na nga yung mga nakakasalubong ko.

I don't care! Basta makita ko sila Albie!!!


Nung nakita ko na ang barkada na nakaupo malapit sa buffet, tumakbo ako kaagad dun tapos dire-diretso na ko nagsalita.


"HOYKAYO!TULUNGANNIYONGAAKOPLEASE!BILIS!"


Julia: "Sis, anong sabi mo?"

Bea: "Alien words ba yan? Hahaha"

Zharm: "Kath, can you please calm down?"

Jake: "Bakit ka ba nagtatatakbo?"

Albie: "Don't tell me, mangre-rape kasi si DJ...HAHAHA"

Diego: "WAHAHA benta yun ahh!!----"


"PWEDE BA! HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN!! NAGBUBUGBUGAN SILA QUEN AT DJ SA TAAS! BILISAN NIYO NA!!----"


Hindi na rin nila ako pinatapos sa pagsasalita katulad ng ginawa ko kay Diego, tumakbo na kaagad kaming lahat paakyat.


Pagdating dun , may mga dugo na sa floor.

O_O


Gusto kong tumulong kaso wala rin naman akong magagawa kaya I just watched Albie na pigilan si Enrique. Sila Diego at Jake naman kay Daniel.


Daniel: "Shit pare! Bitiwan niyo ko kundi madadamay talaga kayo dito!"

Diego: "Dre, tumigil ka na nga!"

Daniel: "At ako pa talaga titigil? Bitawan niyo nga ako sabi eh"


Diego and Jake hesitated pero tinignan ko na sila and gave them a look that says 'ako-na-bahala'. Nung lumapit ako sa kanila, dun lang nila binitawan si DJ.


Si Albie din binitawan na si Enrique.

Shet. Duguan na yung mukha niya. Kay Daniel naman, may mga galos din.


"Lumabas ka na Quen" Utos ko sa kanya.

"Kath! Sabihin mo yung totoo kay Daniel! Sabihin mong tayo na---"


"ANO? PUTEK! EH TOTOO PALA TALAGA YUNG SABI NI DJ EH! TARANTADO KA!" Lumapit ako sa kanya sabay sinampal ko siya ng super lakas.


"Wala akong pakielam kung nagdudugo na yang mukha mo, nababagay lang yan sayo. Akala ko ba bestfriend din kita? Bakit mo nagawa yun ha? At ngayon, gumagawa ka pa ng kwento?"


Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya pero agad din niyang pinunasan yun.


"Kung hindi ka rin magiging akin, hindi ako papayag na makuha ka ng iba. Kath, akin ka lang eh. Akin lang...Hindi ko matanggap na may iba ka ng mahal. Ang sakit lang! Bakit ba kasi hindi mo ko kayang mahalin?" Dahan-dahan pang sinabi sakin ni Enrique.


A-ano?

Hindi ako makapaniwalang si Enrique na bestfriend ko talaga ang nagsabi noon.

Nasaan na yung tunay na quen?

Hindi siya yang kausap ko!


"Tangina mo! Hayup ka!" Susuntukin sana ulit ni Daniel si Quen pero pinigilan na nila Diego. Pati sila Julia, nakiawat na.


Humarap ako kay Quen at tinitigan ko siya ng mabuti.


"Quen....Tapusin na natin yung friendship natin. Tutal naman ayaw mo ng friends lang....you want more and I can't give you that. Just forget that I became your friend...I'm sorry"


Gustong-gusto ko siyang sampalin ulit kaso kapag ginawa ko yun, feeling ko may kasunod nang sabunot, suntok at tadyak. Baka nga masaksak ko pa siya eh.


Napailing ako bigla at pinunasan ko rin yung bigla na lang nag-escape na luha sa mga mata ko.

Kung naiyak man ako, hindi dahil sa naawa ako sa kanya pero dahil sa sobrang galit.


"Kath...kath wag naman. Look sorry! Nung nakita ko kasi kayo ni Daniel na masaya...para bang nagbago ako bigla----"


"Stop. Ayoko ng marinig yang boses mo! Alam ko yung nararamdaman mo at yung dahilan kung bakit mo nagawa lahat ng ito pero Quen, hindi sapat na reason yun! I don't want to be mad at you but you forced me to. Ayokong saktan ka pa ng sakatan kaya please...just go. Get out please" Sigaw ko.


Hahawakan pa sana niya yung kamay ko pero hinarangan na siya nila Albie at Diego.


Diego: "Pare, lumabas ka na lang"

Albie: "Ayaw na naming magkagulo ulit pero kapag hindi ka lumabas..."


Tinitigan lang ako ni Quen.

I could see hurt and pain in his eyes but I don't care.


Ayoko na sa kanya.

I never believed na magagawa niya yun.


Napayuko na lang si Enrique tapos lumabas na rin ng room. Lumingon na ko kay Daniel at nakita ko siyang umupo sa kama niya na nakayuko.


Without saying a word, lumabas na yung barkada ng room.

I guess they knew na kailangan naming magusap ni Daniel...


They closed the door and I sighed.

Ang dami kong gustong i-explain at sabihin sa kanya.

But I don't know where to start.


"Kath...mahal mo pa ba ako?" He asked me without looking at my eyes. His gaze stayed at the floor.

"Oo naman. Alam mo yan. Hindi mawawala yan"


He looked up with curiosity in his eyes.


"Meron bang...meron bang something kayo ni Enrique kaya..." Hindi niya na tinuloy yung mga sinabi niya.


I sat beside him tapos hinawakan ko yung mga kamay niya.

Shit. Namumula yung hands niya.


"Wala. Alam mo yan...Bakit mo ba natanong?"

"Tunay ba yung sinabi niya na kayo daw?"

"HOY! MALAMANG HINDI! Daniel naman!"

"Alam ko naman yun eh. Gusto ko lang marinig from you"

"Look, I should explain to you. I think this is all my fault---"

"Kath, wag mo na sisihin sarili mo okay?---"

"No Daniel. Could you just listen to me first?"


He stared at me for a minute bago siya tumungo.


"DJ, diba lumabas ka? After a few minutes, bigla ko na lang narinig na bumukas yung pinto. I stayed my eyes closed kasi akala ko ikaw yun. Tapos naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Nagulat nga ako hinalikan niya yung leeg ko tapos nagtaka na ko nung collarbone ko na yung hinalikan niya kasi you never did that. Imumulat ko na sana yung mga mata ko nung bigla kong narinig na sumigaw ka"


"Alam mo kath? Dapat talaga hindi mo na ako pinagilian kila Diego. I mean, karapat-dapat lang sa kanyang mamatay noh?"


"Hey! I know you're mad at him pero masamang magsalita ng ganyan. DJ, if you are on his place tapos nalaman mong may mahal na kong iba? Diba ganun din naman gagawin mo? Diba ipaglalaban mo pa rin ako? Gagawa at gagawa ka ng paraan para bumalik ako sayo"


"Hindi na" Bulong niya.


Napatitig ako sa kanya nung sinabi niya yun.

Para bang may tumusok na lang bigla sa puso ko...

Hinawakan kaagad ni DJ yung magkabilang pisngi ko para tumingin ako sa kanya.


"Kath, let me explain. Okay? "

"Bakit hindi na?"


"IF I were on his place, hindi na kita ipaglalaban pa kasi alam kong mahal mo na siya eh. At hindi ako yung mahal mo. Walang katuturan ang lahat kung ipaglalaban ko ang isang bagay na hinding-hindi mapupunta sa akin. Besides, kung siya talaga ang nagpapasaya sayo then...I should accept it. Kahit masakit, dapat lang na tanggapin ko. KAYA DAPAT GANUN DIN GINAWA NI QUEN"


I don't know why but tears escaped my eyes again.

I never met a kind of person like him.


"Alam mo, ibang-iba ako sayo. Yes, may sense yung sayo pero DJ...hindi ko siguro kaya yun. Yung makita kang masaya kasama ng iba. I mean, akin ka eh! Akin ka! Siguro nga selfish ako pero mahal kasi kita eh. Gusto kong maramdaman mo yun at masuklian mo rin yun...Ganun ako ka-selfish" Iyak ko kay Daniel.


"Shhh. Kath, stop crying" He hugged me tightly.

"I just can't imagine that day DJ...kaya wag mo akong ipagpapalit please"


"Hindi ka naman damit para palitan eh. Parang tattoo...hindi na pwedeng matanggal...permanent ka na sa puso ko"


Napangiti ako dun.

"Lagi ka na lang may reserbang pick-up line" Medyo natawa ako ng kaunti.


Daniel suddenly kissed the tears on my cheeks away.


"Alam mo, ang drama mo talaga noh? Magtatanong ka ng isang situation tapos kapag hindi mo kinaya yung isasagot ko, iiyak ka. Baliw ka na ba? Lagi mo na lang gustong paiyakin yang sarili mo. Mabuti na lang at nandito ako para patawanin ka. Instant clown mo ako eh"


Natawa na naman ako dun.


"Promise me something. Promise me na hindi ka makikipagbreak sakin unless you didn't love me anymore Kath"


"Diba parang napromise ko na yan? Besides hindi naman ako makikipagbreak sayo EVER"

"Just promise me please"


I looked up to him and saw something in his eyes.

His eyes as if told me na kailangan niyang marinig yung sasabihin ko.


"I promise"

He smiled a little tapos kinurot ko yung pisngi niya.


"A-aray!" I immediately dropped my hands tapos tinitigan ko siya.

Shet. Mukhang nasaktan ko siya ahh...


"Shemay! Nasapak ka nga rin pala. Teka" Tumayo ako kaagad tapos kinuha ko yung cold compress.

Natawa siya nung nakita niya yung hawak-hawak ko.


"Looks like Mr. Daniel John Ford Padilla need this better than I do" Asar ko.

"Ah ganun? Nangaasar ka na ulit. Humanda ka"


:O

Hala!!!

Alam ko na yang iniisip niya.


Tumayo na siya kaya mas lalo na kong natakot.


"DJ...." I stepped back pero naglakad siya papalapit.


"Daniel...uminahom ka muna please" Pakiusap ko pero nung nagkatinginan kami, medyo napangiti ako kaya natawa siya.


"TICKLE TORTURE!"


"AHHHH" Tatakbo na sana ako papalabas ng kwarto niya nung bigla niyang ni-wrapped yung arms niya sa bewang ko tapos binuhat ako papunta sa kama.


"Mangaasar ka pa ah!!! Bubugbugin kita ngayon....bubugbugin ng KILITI!" Kiniliti niya ko ng kiniliti...


"AHH AHAHAHA MONSTER KA TALAGA! AHHHH HAHAHA ITIGIL MO NA HAHAHAHA" Natulak ko siya bigla tapos bumaksak siya sa floor.


O_O


"OMG! DJ, Okay ka lang? Hahaha sorry! Malay ko bang malalaglag ka sa kama...hahaha" Tawa ako ng tawa tapos nagulat ako nung tumayo siya.


"Kanina ka pa ah...di pa ko nakakaganti! Humanda ka sa TICKLE TORTURE na nagevolved!"

"Ano? Hahaha ano yan PIKACHU???"


Bigla na lang niya kong dinaganan tapos kiniliti ng kiniliti.


PUTEK!!!

MAHIHIMATAY NA KO KAKATAWA DITO!

DI NA KO MAKAHINGA!

^_^


"Hahaha kath, ang cute mong tumawa ahh...walang sounds!"

"---Ahahaha, oh ayan meron na! HAHAHA eh kung tinitigil mo na kaya? HAHAHA"

"Ayoko nga"


Tawa ako ng tawa tapos mas tumawa ako lalo nung naramdaman kong hinahalikan ni Daniel yung leeg ko.


"HAYUP KA!! YAN BA YUNG SINASABI MONG EVOLVED NA TICKLE TORTURE?? HAHAHA BWISIT!! STOP IT DJ! SAKIN NA NG TIYAN KO KAKATAWA! HAHAHA"


Dahan-dahan niyang tinigil yung pangingiliti niya kaya medyo umayos na yung hininga ko although hinihingal pa rin ako.


"Ahh thanks...loko ka talaga"


Nananahimik lang naman itong future husband ko at mukhang busy sa ginagawa niya. Napansin kong pababa ng pababa yung paghalik niya sa neck ko...nasa collarbone ko na eh.

Tinapik ko yung braso niya kaya tumingin siya sakin.


"Ano na namang kalokohan yan?"

"Kath, pinapalitan ko lang yung mga halik na ginawa nung mokong na yun. Aba, ang baho kaya ng leeg mo. Buti na lang bumango na ulit dahil sakin"


(-_-)


"Palusot ka pa!"

"Hindi naman ako nagpapalusot Kath. Nagsasabi lang ng totoo"

"Sus---Hoy, ano na naman yan?"


Naramdaman ko kasing hinahalikan niya yung jawline ko.

Napaka-kissing monster niya talaga!

>_<


"Dito? Hinalikan niya rin ba??"

Medyo natawa ako dun. "Hindi"


He kissed my both my cheeks before staring at me.


"Doon? Hindi siya nag-kiss dun?"

"Nope"

"Good"


I thought titigil na siya pero he kissed my forehead, my eyes...my nose.

Ang cute lang!


"Walang kiss doon sa----"

"Wala nga DJ...hahaha"


He kissed my lips for a moment before we both laughed.


"Alam ko na sasabihin mo Daniel. HINDI NGA SABI! HINDI NIYA KO HINALIKAN SA LIPS!!!"

"Buti naman kasi kapag nalaman kong ginawa niya yun...kahit nasaan pa siya, papalamon ko talaga siya sa lupa"

"Huy! Anong sinabi mo?"

"Hinde, joke lang...hahaha"


Tumawa lang kami pero may bigla na naman akong naalala.

" Teka, kakausapin nga pala ako ni Sofia"


Daniel suddenly frowned.

"Huh? About what?"

"Tungkol daw sa ating tatlo"

"Tsss. Wag mo na kausapin yun"

"At bakit? Hoy Daniel! May tinatago ba kayo sakin?"


"Wala. Ang sa akin lang, wala na rin namang reason para magusap pa kayo. Besides, kung maguusap kayo tungkol sa ating tatlo, bakit hindi ako kasama? Wag mo ng kausapin yun, baka kung ano pang sabihin nun sayo. Alam mo namang mainit dugo nun sayo"


"Hmmm....ayoko rin naman siyang kausap pero ang rude naman kung hindi ko tuparin yung sinabi kong maguusap kami"


"Tsk. Tigas naman ng ulo oh! Gusto mo ba nang isa pang round ng evolved Tickle Torture?"


O_O

"Ha? Hindi na...ayoko na!"

"Good. Tara, baba na tayo at maki-party na tayo"


Tumayo na siya pero hinila ko siya pabalik.


"Wag na"

"At bakit?"


"With that look? DJ, namamaga yang pisngi mo oh! Kasi naman eh! Pinigilan ko na, hindi pa nagpapigil" Kinuha ko yung cold compress tapos priness ko yun sa pisngi niya.


"Makikinig ka kasi sakin especially now na pupunta ka na sa America. Pag nanunuod ako ng movies, nakikita kong maraming bully dun. Ayokong magpabully ka pero ayoko ring barumbado ka. Ayokong mababalitaang nakikipagsuntukan ka na naman ah!"


Napangiti siya bigla sabay humiga. Dumapa lang ako, yung mga kamay ko nasa baba ko.

"Anong ngini-ngiti mo ha? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Seryoso ako dun!"

"Wala naman akong sinabing nakakatawa yun Kathryn"

"Eh bakit ka ngumiti bigla?"

"Kasi para kang nanay ko. Boss, malaki na po ako. Alam ko na yan"


Sabi ko nga eh...

Napahiya na naman ako oh!


"Sorry naman" Bulong ko.

"Tsk. Nagtampo na naman oh!"

"Hindi. Hindi ako nagtatampo. Uhmm DJ, hindi pa ba tayo pupunta sa baba?"


"Kanina mo pa gustong umalis ng kwarto ko noh? Scared?? Haha. Uy, babaeng patpatin, kung iniisip mo na may gagawin akong iba sayo, wag mo na isipin. Okay?? Hindi ako napatol sa mga patpatin" Tumayo siya bigla sabay naglakad papunta dun sa drawer niya.


"Ugh. Feeling mo naman, hindi ka rin patpatin. Eh mas payat ka pa nga sakin eh"


He just rolled his eyes before he took his shirt off.


O_O

Kailangan sa harapan ko magpalit ng t-shirt??

Tsk. Nava-violate na naman ang innocent eyes ko oh!!


Iniwas ko kaagad yung tingin ko at kinuha ko na lang yung phone ko.

I heard him chuckled pero I pretended na hindi ko narinig yun.


*Calling Mom*


Me: Hey ma---

Mama: Hi. I'm sorry I can't answer your call right now. But please just leave a message after the beep.


*BEEP*


Me: Ma, It's me. Uhmmm...I'm gonna ask your permission if I could...


Tinignan ko muna si Daniel bago ko ituloy yung sinasabi ko. Saktong tumingin siya sakin at umupo sa may paa-han ko.


Me: If I could stay at DJ's house for tonight. Just tonight. Don't worry...kasama ko po ang barkada. Ang ma, may isa pa kasi akong sasabihin kaya please. Call back? Bye. Love you.


I ended up the call and caught DJ smiling.


"Whatever it is you're thinking about, cut it off. Tara na" Hinila ko na siya papunta sa baba at tumawa na lang siya.


"Eh bakit gusto mong magstay sa bahay ko mamayang gabi? Ikaw kath ah! Anong binabalak mo?"


"Stop the crap DJ" Tumingin ako sa kanya ng seryoso bago ako nagsalita ulit. "Let's stop pretending na para bang hindi ka na aalis. Tomorrow would be our last whole day together and hindi magiging whole day yun kung gigising ako na hindi ikaw ang katabi ko. I just want to spend that day na hindi ako mabibitin at masaya tayong pareho. DJ, after tomorrow, aalis ka na and hindi na ulit tayo magkakaroon ng DAY together. So, is that okay na mag-stay ako?"


He stared at me like he's looking for something.


"Ayoko nga" Asar niya then he laughed.

"Hangkulit ah!"


"Hahaha no seriously, I was about to ask you the same. Naunahan mo lang ako and I'm glad na ginawa mo yun. Let's just hope pumayag ang mom mo"


"Papayag yun, ako ng bahala"


We smiled at each other before we joined our friends. Nagparty-party lang kaming lahat! Kain dito, kain doon! Sayawan, tawanan, kwentuhan...asaran.


Julia: "OKAY GUYS, LISTEN!!"

Tumayo pa talaga si Julia then she clapped her hands to get our attention.


"For Daniel na aalis na sa Sunday! Tol', kami bahala kay kath basta i-promise mo na hindi ka mangbababae sa States! CHEERS!!" Tinaas ni Julia yung glass of wine niya kaya ginaya na namin siya.


"CHEERS!" Sabi naming lahat.


Zharm: "Promise us na walang kalimutan"

Bea: "Promise us na you'll be safe there for KATH at sa barkada"

Jake: "Dre, promise us na hindi ka papatol kay Sofia"


Napangiti ako kay Jake nung sinabi niya yun.

Albie: "Promise us na dahan-dahan sa chix ah!"

Diego: "Promise us na wag kang magpapahuli kay Kath mang-chix"


Nagtawanan silang lahat kasi loko-loko talaga yung dalawang yan. Kahit kailan, baliw magisip!

Tinignan nila ako bigla kaya napalunok ako.

Malay ko bang kailangan ko rin magsalita.


"Uhmmm" Tinignan ko si Daniel and he just smiled.


What the hell?

Anong sasabihin ko?

Eh ang dami ko ng hiniling na promise kay Daniel?

>_<


"DJ, honestly...nasabi ko na sayo lahat ng gusto kong sabihin eh. Pero isa lang naman talaga yung mahalaga. Promise me na kahit anong mangyare, ako lang ang mamahalin mo"


"AWWW" Sabay-sabay na sinabi ng tropa.


"I promise kath. Kahit naman hindi ko i-promise, ikaw lang talaga ang iibigin ko"


He was about to kiss me when Diego fakely coughed. Natawa na kaming lahat dahil parang nainis pa si DJ. He even said 'sayang'. Loko... ^_^


Nagusap-usap na ulit kami. Maya-maya biglang nagring yung phone ko.

*Mom calling*


Tumayo ako kaagad sa seat ko dahil hindi ko pwedeng kausapin si mama dito. Syempre maingay eh, malalaman niyang may party, party.


Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Daniel tapos umupo ako dun sa may kama niya.


Me: Ma?


Mama: Kathryn, I received your call. Ano yang sinasabi mong mag-stay ka diyan? No, hindi ako papayag. Kahit kasama mo pa sila Julia. Kath, panget tignan na nakikitulog ka sa bahay ng boyfriend mo. Umuwi ka dito sa bahay---


I immediately cut her off. Ayokong nagpa-panic siya eh.


Me: Ma, let me explain. Naiintindihan ko po kayo pero Ma...


I saw Daniel entered the room. He looked worried...

Ngumiti ako sa kanya to let him know that everything's okay.


Me: May hindi po kasi kami sinabi sayo ni DJ...

Mama: OMG. Kath, don't tell me na buntis ka??


O_O


Me: MA!! OF COURSE NOT!!


Napatayo pa ko sa sobrang gulat pero umupo din ako kaagad kasi nakatingin nga pala sakin si Daniel.


Mama: Ah...hahaha. Okay sige...pero ano ba yung gusto mong sabihin?

Me: Aalis na po kasi si DJ, Ma.

Mama: Aalis?


Me: Opo. Pupunta na siya sa America to study there and sa Sunday na po yung alis niya. Matatagalan na rin po bago siya makauwi dito sa Pinas dahil ang gusto ng papa niya, dun na siya until mag-work siya. Kapag daw po stable na yung life and job ni DJ dun, tsaka lang siya papayagang umuwi dito at bumisita...


*silence*


I looked at DJ and he sat down beside me.

Hindi ko alam kung ano ng nangyayare kay mama...if she's still on the line...if she's still okay...

Kasi hindi siya nagsasalita.


Mama: Kaya mo gusto matulog diyan? Kasi...

Me: Opo mama. Ganun na nga po.


Hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si mama.

We're on the same page na rin naman kasi. For sure naiintindihan niya yung gusto kong sabihin.


I heard her took a deep breath before speaking again.


Mama: Sige na, papayagan na kita. Sasabihin ko na lang sa kuya mo na kila Zharm ka natulog kasi kapag kay Julia, malalaman ng kuya mo na nagsinungaling tayo. Malamang, nandun kasi ang girlfriend niya eh. Pero seriously anak, may tiwala naman ako sayo. Hindi lang sayo pati na rin kay Daniel. Siguro naman kahit aalis siya, hindi niyo magagawang...alam mo na...yung...


O/////O

I can't believe this!!


Me: OMG! Ma, stop. You know me and kahit na may boyfriend ako...hindi pa rin po nagbabago yung Kathryn na inalagaan at pinalaki niyo. We're just gonna spend some quality time. At sabi ko nga po, don't worry....kasama ko naman ang barkada.


Mama: Hahaha I bet namumula ka na. Oo, alam ko Kathryn. Sinisigurado ko lang na may isang salita ka. Pero nak, ganyan din naman kami ng papa mo noon. Sobrang nalungkot ako nung pumunta siya ng States.


0_o

Teka...hindi ko alam yun ah.


Me: Po? Mama, bakit hindi ko alam yan? Kelan yan?


Mama: Ha? Ah...eh...uhmmm nung....teenager kami. Tama! Oo, nung teenager pa kami. May scholarship kasi siya at dun siya sa America nagaral.


Me: Ah...okay po.


Mama: Sige na, magluluto pa ko at dito daw kakain sila Ate yen at Kuya mo. Baka magutom pa yung dalawa. Ingat ka diyan ah!


Me: Opo ma. Kayo rin po. Goodnight. Love you.


Nung na-end ko na yung call, napansin kong worried pa rin yung look ni DJ.

I guess I have to tell him about those call.


"She said yes. Payag siya basta dito rin matutulog ang barkada"

"Weh? Yun lang ba sinabi ng mama mo?"

"Ha? Uhmm...naikwento niya rin yung tungkol kay Papa. Pumunta daw siya sa US noon"


"Malamang. Ganyan din ang dad ko sa mga busine---Ah eh, hindi ko nga pala kilala papa mo. Teka, bakit daw pumunta dun ang papa mo?"


Medyo nagtaka ako kay Daniel.

Bakit parang may sasabihin siya sakin then binawi niya rin?


"May alam ka ba tungkol sa dad ko na hindi ko alam?"

Nag-frown siya tapos umiling. "Wala"

"DJ...are you lying to me right now?"


"Tsk. Kath naman oh! Grabe ka maghinala. No, I don't know anything. Hindi nga kami nagkita ng Dad mo tapos ngayon tatanungin mo ko kung may alam ba ko sa kanya? Adik ka rin noh?"


"Pero bakit kanina----"

"Tss. Praning ka na naman. Ano nga pala sinabi ng mom mo sayo kung bakit pumunta ang Dad mo sa US?"


Ni-rest ko yung head ko sa shoulder niya bago ako magsalita.

"She told me na scholar si papa at yun ang dahilan kung paano siya nakapunta doon"


Hindi umimik si DJ kaya tumingin ako sa kanya.


"May problema ba?"


"Ha? Wala. Inaantok lang siguro ako. Teka, bababa lang ako para sabihin sa barkada na dito na sila matulog tapos sasabihan ko na rin yung maid ko na bigyan ka ng pantulog" Tumayo na siya kaagad.


*frowns*


"Teka nga...teka nga" hinila ko siya tapos nagtaka siya kung bakit ko ginawa yun.

"Bakit Kath?"


"Umamin ka nga sakin. May dinala ka na bang babae dito? Bakit ka may damit na pangbabae? Ha?"


"Hahaha damit pang maid yung ibibigay ko sayo noh!"

(-_-)


"Che! Umamin ka nga sabi eh!"


"Meron kasi talaga kaming mga damit dito of all sizes. Okay? Ewan ko ba kay mama. Para daw kapag pumayat siya, may masusuot kaagad siya. Kalokohan eh noh? Kaya ayun. Meron mga damit dito na kakasya sayo. Gets? Kaya wala akong aaminin dahil wala naman talaga akong dinalang babae dito. Grabe ka talaga magisip"


"Talaga! Kaya don't even try to date other girls kasi sinasabi ko sayo, kahit nasa America kayo...pasasabugin ko kayo. May nuclear bomb ako sa bahay"


"Sa bahay? Baka sa kili-kili mo Kath...HAHAHA"


Aish! Nangaasar na naman siya.

"Baka sa bibig mo"


"Hahaha, weh? Korny! Hahaha. Piece na tayo Kath. Bababa na nga ako okay?" Lumabas na siya ng room at naiwan ako dito sa loob.


Later on, napansin kong ang tagal bumalik ni DJ. Tapos saktong binigay na nung maid yung damit. Buti na lang at pajamas and white printed t-shirt.


Tsk. Nakipagkwentuhan pa siguro yun.

He won't mind naman siguro kung gagamitin ko yung Bathroom niya.


Pumasok na ko dun and I made sure na nilock ko yun.

Nag-shower ako at infairness, hindi ganoon kalamig yung water kaya ang sarap sa katawan.

Inamoy ko yung shampoo niya...


Ang bango!

Pero wait lang...


Bakit may pangbabae dito?

>=/


Niloloko na yata ako ni DJ eh. May damit pangbabae tapos ngayon, shampoo na pangbabae.

Tss...gagamitin ko muna ito bago ko siya tadtarin ng tanong.

Humanda siya!


*Ligo, bihis, suklay*


Paglabas ko ng room, nakita ko siyang nanunuod ng TV.

I crossed my arms tapos napatingin siya.


Lumapit siya sakin then he wrapped his arms around me.


"Musta ligo mo? Di mo man lang ako niyaya...."


"Shut up. Bakit gusto mong sumama sa panliligo ko? Dahil ba ayaw mong makita ko yung shampoo mong pangbabae?"


Biglang nanlaki yung mga mata niya.

Tss.

Sinasabi ko na nga ba eh!


"Naku DJ, hindi naman ako sana magagalit kung hindi ka naglilihim. Okay naman sakin kung dati pa yun pero----" Napatigil ako sa pagsasalita nung biglang pumasok ng bathroom si DJ tapos kinuha niya yung shampoo at hinila niya ko palabas ng kwarto.


"MANANG!" Sigaw ni DJ. Nagmamadaling tumakbo yung maid ni Daniel.

"Yes, young master?"


Y-young Master?

The heck? Bakit ganun tawag niya kay Daniel?

Bakit ngayon ko lang nalaman yun?


"Bakit may shampoo na pambabae sa kwarto ko? Sinong gumamit ng kwarto ko???" Inabot ni DJ yung shampoo dun sa maid.


"Ahh young master, hindi ko po alam. Wala pong---"

"Oh. I'm sorry. Naiwan ko pala dun" Napalingon ako sa gilid ko nung may biglang nagsalita.


Pagkakita ko, si Sofia.

Teka...nagshe-share sila ng bathroom?


"Ya, bakit ka naman gumamit ng bathroom ko?"


"Ha? Kasi nawala yung...yung tubig ng shower sakin. Biglaan kasi pero okay na ngayon. Sorry, di ko nasabi, di na kasi tayo nakakapagusap"


I don't believe this.

Ang galing niya talaga magpalusot! (-_-)


"Tsss maiwan ko na kayo ha. Matutulog na ko, Daniel" Tumalikod na ko sa kanila at pumasok na ko ng kwarto.


Malamang maguusap pa yung dalawa.

At ayoko ng marinig yun.


Di ko kasi alam kung sinong paniniwalaan ko eh.

Di ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si DJ.


Hay. Hayaan ko na nga yun...

Ayokong magaway kami ni Daniel.


Kanina pa ko naghihinala eh, baka mapikon na siya.

Pinatay ko na yung ilaw, at yung light lang from the lamp shades ang naiwan.


Humiga na ko tapos naglagay na ko ng earphones sa tenga ko.

Medyo malakas kasi yung music dun sa baba, di pa yata tapos yung party.


Nagtaklob na ko ng kumot tapos pinikit ko na yung mga mata ko.


***


Min's POV (Kathryn's mom)


Muntik ko na masabi kay kath yung tungkol sa lihim namin ng Dad niya.

Tsk. Tsk.

Nadulas kasi ako kanina.


Nasabi ko sa kanya na pumunta yung papa niya sa US.

Eh hindi naman talaga dahil sa scholarship ang totoong dahilan kung bakit siya pumunta dun.


Business trip kasi yung totoo.

Pumunta siya doon para maipatayo yung company namin dun.


Tito ni Kathryn ang president doon ngayon.

Kath and Neil never met their Tito Xian.


Nung namatay ang asawa ko, binata pa si Xian Lim.

Pero matalino kasi siya at may tiwala ako sa inaanak kong yun.

Tignan mo ngayon, ang galing galing na niya at bihasa na siya sa trabaho niya.


Ang dami ko ng nililihim kay Kathryn.

Sobrang dami na.


Kaso ayoko ngang magulo ang normal life niya.

Matagal pa bago siya magtrabaho...


Kaya matagal pa bago ako magkaroon ng lakas ng loob sabihin sa kanya iyon.

Buti nga at okay na si Neil ngayon eh.


Pinagte-train ko na siya sa company namin ngayon.

College na siya. Kailangan niya ng matuto and I'm proud dahil ang bilis niyang maka-cope sa ganitong sitwasyon.


Natutuwa na nga rin siya dahil malaki na ang allowance niya ngayon.


***


Daniel's POV


Nagulat talaga ako dahil pumapasok pala si Sofia sa kwarto ko ng walang pasabi sakin. At kahit na sabihin mong nawalan ng tubig yang bathroom niya, bakit sa kwarto ko pa talaga siya pumunta? There are five more empty rooms sa floor na ito. Bakit yung akin pa talaga?

At saktong naiwan pa talaga yung shampoo niya...


"Now what? You won't believe me? Iisipin mong I did it intentionally? Gosh! Pwede ba!!"


Oh! Bakit siya nagagalit ngayon?

Wala pa naman akong sinasabi ah...

Offensive much?


"Look, Ya...hindi ako nagiisip ng kung ano-ano. Chillax. Okay na sakin basta promise me you'll never do it again"


Natawa siya bigla.

0_o


May pagka-khalil din pala ito?

Natawa ng walang dahilan.


Ano na bang nangyayare sa mundo?

Kapag dumami population nila, mababaliw na ko.


"Bakit ka natawa?"

"Hahaha...kasi...kasi nagpapatawa ka eh"


@_@

Baliw!


"Ako? Nagpapatawa?"

"Oo! Sabi mo wag ko nang uulitin...hahaha....paano ko pa uulitin yun eh aalis na tayo dito sa Sunday? Loko"


(-_-)


"Itulog mo na yan Sofia. Antok lang yan, sige goodnight" Pumasok na ko ng kwarto ko tapos napansin kong nakapatay yung ilaw.


I frowned kasi alam ko na kung bakit nakapatay yung ilaw.

Natutulog na si Kathryn.


Hay...

Nagtampo na naman ang future wife ko.


"Kath" Bulong ko kaso di pa rin siya gumalaw. Sumilip ako sa kumot kaso nakatalikod naman siya sakin kaya di ko makita yung mukha niya.


Tulog na kaya ito? Ang bilis naman yata...

Saglit lang ako nawala ahh...teka nga...


Baka nagpapalambing lang.

^_^


Pumasok ako dun sa kumot tapos niyakap ko siya. Nakatalikod pa rin naman siya sakin eh.

Aba! Wala talagang imik!

Hmmm....


"Kath, nagtatampo ka bas akin? Uy, wag naman oh. Tunay naman yung sinasabi ko na wala akong babae!"


Bulong ko sa kanya kaso di pa rin siya gumalaw. May hindi nga nagsalita or lumingon.


Tsk tsk tsk.

Pahirapan na naman ito.

Mukhang seryosong nainis sakin ito ah.


I lightly kissed the tip of her shoulder. "Kath, sorry na. Bati na tayo..."


*silence*


"Bave, selos ka na naman eh...sorry na"


Tahimik pa rin siya.

Alam ko na gagawin ko para makuha ko atensyon nito.


I kissed her neck tapos parang nagulat siya.


^_^

See? Effective diba?


Napaupo bigla si Kathryn tapos parang may tinanggal siya sa tenga niya.


O_O

N-naka...earphones pala siya!!!!


"Daniel? Ano bang ginagawa mo?" She frowned at me kasi parang nagising ko pa siya.


Patay!


"Ahh...ehh"


"Alam mo, hindi lahat ng oras ay oras sa mga panlalambing mo. Sana hindi ka nanggising. Lumabas ka na muna at maghanap ka dun ng lalambingin mo. Inaantok ako. Bwisit" Humiga na ulit si Kath na nakatalikod sakin sabay tinakpan niya na ulit yung mukha niya ng kumot.


0_o

What just happened?


Shit.

Nagalit nga siya sakin...

ARGH! Katangahan ko oh!!


Lumabas na ko room dahil alam ko namang pinalalabas niya talaga ako.

Nakita ko si Diego na papasok na sana dun sa guest room.


"Dre, saglit" Sigaw ko. Napatingin siya sakin sabay siya yung lumapit.

"Oh? Bakit DJ?"


"Galit yata si Kath eh" Sumandal ako dun sa wall kaso umupo naman sa sahig si Diego.


(-_-)

Ginaya ko na lang siya at umupo na rin ako.


"Bakit naman? Eh ang sweet sweet niyo nga kanina"


"Kasi akala ko gusto niya lang magpalambing kaya di niya ko pinapansin, yun pala nakaearphones at natutulog na. Nagising ko pa tuloy"


Humalakhak ang mokong.


>_<

Sabi na nga ba eh!


"Pare, masasapak talaga kita pag di ka tumigil"


"Hahaha sorry na...eh kasi...hahaha loko ka talaga. Malamang magagalit yun, nasira mo yung tulog niya eh"


"Badtrip nga eh. Nainis pa siya sakin eh aalis na ko sa sunday"

"Sus. Magkakabati pa kayo niyan for sure"

"Oo nga kaso---"


"Manahimik ka nga! Worry ka ng worry pre, sakit na sa ulo niyan! Magrelax ka at paggising nun, wala na yun sa kanya. Hindi talaga yun nagalit sayo, bwisit lang yun"


"Sure ka?"


"Oo. Ganyan kami ni Zharm eh. Lagi niya nga akong natatarayan kapag nagigising ko siya tuwing natutulog siya. Sensitive kasi masyado kahit tulog"


"Oy, ikaw ah! Natutulog pala kayo ng magkasama!"

"Hahaha minsan lang"

"Asus. Dre, hinay hinay lang. Baka mabuntis mo agad yan----ARAY"


Putek!

Binatukan ba naman ako!


"Hoy DJ, sabihin mo yan sa sarili mo. Magkatabi pa kayong matulog tonight"


"Pare, malamang hinay hinay lang ako. Aba, ayoko pang maging daddy ng sobrang maaga. Daddy Daniel? HAHAHAHA Di pa bagay. Eh yung Daddy diego?? PWEDE!!"


Nagtawanan kaming dalawa.

Para kasi kaming mga baliw! Kung ano-ano pinaguusapan namin!


"Loko. Ayoko pa noh! Masarap maging teenager! Ayokong maging adult kaagad!! Ayokong mag-skip!"

"Buti naman at ayaw mo...iwasan mo ng matulog katabi ni Zharm. Kilala kita eh...."


"Wahaha. Yes na youngmaster! HAHAHA. Basta dre, umayos ka dun sa States ah. Pagkagraduate namin ng college, susunod kaming lahat"


"Asus. Sa kuripot mong yan? Hahahaha"

"Napakasama talaga ng ugali nito! Sige na, inaantok na ko. Tutulog na ko"

"Geh"


Tumayo na siya tapos pinanuod ko lang siyang umalis.


***


Sofia's POV


Putek!

Hindi ko pa nakausap si Kathryn kanina! Bigla kasing sumigaw si DJ eh, umalis tuloy yung bruhang yun.


DAPAT KASI NASABI KO NA SA KANYA NGAYON!! NG HINDI NA SILA TUMAGAL NG ISANG ARAW!!

Tss. For sure, nagbangayan na namin sila Kath at Daniel.

Aba! Tama lang yun!


Eh sinadya ko naman talagang iwanan yung shampoo doon. Nung nakita ko kasi yung ginagawa ng mga pesteng barkada ni Daniel sa baba, naisip ko kaagad na baka mag-stay dito si Kathryn.

Hahaha.


They might thought na sumuko na talaga ako, well they're wrong.

Marami silang hindi nalalaman sakin.


At wala silang kahit isang idea kung ano pa ang pwede kong gawin.


I'm not contented na sumama sakin si Daniel.

I'm not contented that he will stay years with me.

I'm not contented na mailalayo ko na si DJ kay Kath.


I mean, what the hell? Kasama ko nga siya sa Sunday and for a few years pero FOR SURE, puros yung mabahong Kathryn na yun na naman ang iisipin niya.


And I don't want that.


Kahit na nawala si Khalil...

Hindi pa rin ako susuko.


Humanda ka Kathryn.

Because tomorrow's the day.

My favorite day.


*Evil laugh*


-----------------------------


Attention: HINDI PA PO ITO ANG LAST CHAPTER! May chapter 51 pa at epilogue! Kinailangan ko kasing hatiin itong chapter 50 dahi sobrang haba na! Hahaha.

Thanks sa patience niyo!

Pero thank you sa mga nagcomment ABOUT the chapter!! Love you guys! Mhuah! Kahit paragraph pa yung comment nung iba, okay lang!! Kasi mas natutuwa nga ako sa inyo! Kung pwede ko lang kayo bigyan ng tigi-isang DANIEL PADILLA, ginawa ko na! hahaha.

PROMISE ko, bibilisan ko na UPDATE this time!! ^_^

Wag na nating lagyan ng A/N chu chu...dapat talaga ngayon yung 'BE READY GUYS' pero sa chap 51 na lang! Hahaha. 

Continue Reading

You'll Also Like

70.8K 1.3K 10
Man hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya aya...
6.6M 153K 62
Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she neve...
36.1K 1.5K 21
always his friend, never his girl
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...