Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 13

863K 30K 10K
By jonaxx


Kabanata 13

Saturday

Nakumbinsi ko si Kuya Levi tungkol sa pakikipagkita, kahit saglit sa mga Castanier sa Linggo. We also go to church but there are times when we leave for Bacolod and spend our Sundays there. Kaya ngayon, si Mommy at Daddy lang ang gagawa no'n, nagpaiwan kaming dalawa ni Kuya sa isang excuse na kikitain ang mga kaibigan.

I am praying diligently not only during the mass but also on random times of the day. Nakinig din naman ako sa homily ng pari. You can always do two things at once, anyway. Like... listening and watching someone from afar?

Magkahawak kami ng kamay ni Kuya Levi ngayon para sa kanta. Kumakanta ako pero ang mga mata'y gumagala ng kaunti bago pumikit at niyuko para respetuin ang ginagawa.

Kung kasama namin sina Mommy at Daddy, baka nasa harap na kami nakaupo. Pero dahil kami lang naman ni Leandro at sina Reynante at Manang Lupe, nasa gitna kami. A perfect place to watch the Castaniers and Anais beside Leandro, holding his hand, for the same prayer song we are all singing.

Namilog ang mga mata ko nang sa huli'y dapat bitiwan na ang mga kamay, medyo nagtagal ang pagkakahawak ni Anais kay Leandro. Kuya Levi looked at me suspiciously. Mabilis din akong nakabawi at kinalma ang sarili, nag concentrate na lang sa harap.

Tapos na ang misa nang sinabihan ni Kuya Levi si Manang Lupe at Reynante na kakain kami ng lunch sa isang malapit na cafe. Iyon ang napagkasunduan namin. Tinanggap ko na rin na hindi ko maitatago ang kabuuan ng usapan namin ni Leandro kay Kuya Levi kaya handa naman ako sa isasagot kung sakaling magtanong.

"Sasabay ba sila, Chayo?" si Kuya Levi na agad nabawi ang anyaya sa akin nang nakita ang mga kaibigan sa harap.

"Levi!" Anais called merrily.

Anais is pretty today with her hair down and curly, a sweet floral dress and a designer sling bag. Sabay ang tatlong lumabas sa simbahan at sinuyod ko ang likod nila para sa chaperone o kahit driver lang ni Anais pero wala akong nakita.

So my plan for Leandro yesterday was to ask Anais for lunch today. Hindi ko sinabing magsisimba sila dahil ayaw kong sinasama niya sa pagsisimba ang babae kaya lang, hindi na napigilan dahil nagkita sila ni Anais kanina pa lang papasok sa simbahan!

"Oh! Hi!" Kuya Levi.

Ang sinabi ko kay Kuya kahapon gusto kong isama si Chantal sa lunch. He probably expected to see Leandro as well, pero ngayong nakita niyang kasama si Anais, nadagdagan pa kami. However, that was not what I've initially planned for Leandro. They will not be joining us! I regret that plan now. Paano ko nga ba siya mapapayuhan kung hindi kami magkasama?

"Saan kayo?" si Anais.

"Ah. Sabi kasi nitong si Chayo na nagkasundo raw sila ni Chantal na maglunch diyan sa bagong open na cafe."

"Oh! Ayan din yata ang pupuntahan namin ni Leandro."

I saw Kuya Levi's eyes widened, followed by a smirk as he looked at his friend. For some reason, I didn't like his reaction at all. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang pagkakaibigan nila, ngayon niya lang nakita si Leandro na dumiskarte ng babae. Of course, that can't be true.

"T-Talaga?" natatawang sabi ni Kuya habang nakatingin kay Leandro.

Leandro glared at me for a few moments. I then looked at Chantal to smile.

"Kung gusto n'yo, sabay na kayo sa amin. But of course, iba kayo ng lamesa."

Anais chuckled. "Ayos lang, Levi."

"Ah. Susunduin ka ba, Anais?" Levi asked.

I looked around too to see her usual entourage of bodyguards and chaperone. Wala nga lang akong nakita roon.

"Ah, hindi. Pinauwi ko ang driver."

What? Is that even possible?

"Kung ganoon, gusto n'yong sumabay sa amin?" anyaya ni Kuya Levi.

Napatingin ako kay Leandro. He was watching Anais as she answered my brother.

"Hindi na. Magta-tricycle na kami ni Leandro, Levi. Si Chantal na lang since sila ni Chayo ang may lakad, hindi ba?"

Natawa si Kuya Levi sabay tapik sa balikat ni Leandro. Leandro chuckled with him too and I stood there a bit annoyed at what's happening.

"Sige at hindi ko na kayo pipilitin. Nakakahiya naman at baka makaistorbo pa sa diskarte nitong kaibigan ko," si Kuya.

My face heated. I suddenly have the urge to push my brother away from them. Leandro laughed with him.

"Tumigil ka nga, Levi. Sige na at baka gutom na si Chantal."

Ngiting-ngiti si Kuya Levi habang tinutukso si Leandro. He opened the door for Chantal. Tahimik na pumasok si Chantal sa sasakyan namin. Nilingon ni Kuya Levi ang pintuan at nang nakitang hindi pa ako pumapasok, iminuwestra niya ang loob.

Nagkatinginan kami ni Leandro. I do not want to leave them here nor do I want them alone in a stupid tricycle.

"Chayo, pasok na..." si Kuya Levi.

"Okay," walang nagawa at pumasok na rin ako.

Nag ngitian kami ni Chantal sa loob. However, I cannot maintain a great disposition. Kahit pa pinalabas ko itong lalabas kasama si Chantal kahit na may iba naman talaga akong pakay. Kahapon nang niyaya ko si Chantal, hindi na siya nakatanggi pa.

"May alam ka ba rito, Chayo?" si Kuya Levi nang nakapasok na sa sasakyan.

"Na ano?" wala sa sarili kong tanong.

"It seems so weird that you asked Chantal to have lunch after the mass today. Alam mo ba na yayayain ni Leandro si Anais?"

Umirap ako. Ako ang nagyaya kay Anais, 'no! But of course, that's too much information for my brother. Nakikinig pa si Chantal.

"Medyo."

"Huh?" Natawa si Kuya Levi. "Iyan ba ang pinag-uusapan n'yo tuwing sumasama ka sa akin? Kaya hindi kami makapag-usap ni Leandro dahil lagi na lang kayo ang nag-uusap."

It's as if he wanted to talk to Leandro the whole day. I think he's even thankful that I am removing Leandro out of his picture. Kung puwede nga lang din sana, wala na rin ako ngayon para kumpleto na ang dalawang pares. But I'm not going to do that... matagal nang pinatay ang huling nagpakamartyr.

"Basta, Kuya! Some things are confidential and just my business."

Tumawa si Kuya, hindi pa rin yata natatanggal sa isipan na nahuli si Leandro na makikipagdate kay Anais.

Malapit lang ang cafe kaya agad kaming nakarating. At syempre, ang mga nagtricycle, hindi pa.

I spotted the perfect table where we could sit. Sa gitna para kung saan man uupo si Leandro at Anais, maririnig ko kaagad ang pinag-uusapan! Dumiretso ako roon at umupo. Walang nagawa si Kuya at Chantal kundi sumunod.

"Let's order," Kuya Levi said when a waitress went to us for the menu.

Tumingin din si Chantal sa menu samantalang ako'y nakatitig sa pintuan, hinihintay ang mga nagtricycle! Nakapag-order na ang dalawa nang siniko ako ni Kuya para sa akin. Tamang pagkababa ng dalawa sa tricycle ay 'tsaka rin ako bumaling sa menu para maghanap ng makakain.

Another wave of Kuya Levi's teasing on Leandro and Anais before they decided to sit on the table beside ours. At dahil ayaw ni Leandro na naririnig siya ni Levi, sa banda ko sila umupo at ako ang makakarinig sa pinag-uusapan nila! Leandro glanced at me. I glared at him. Hindi nagtagal ang tingin niya dahil kinausap na kaagad siya ni Anais.

Nag-uusap na rin si Chantal at Kuya Levi pagkatapos kong ibigay ang order ko. Kaya lang, wala sa kanila ang atensyon ko. Nasa kabilang lamesa.

"Thanks for asking me out today. I'm so bored at home that I wanted an outing. Kaso, laging nasa bakasyon sina Ciara, kung hindi sina Adriano, kaya ang hirap makumpleto."

"No problem. I've been bored, too. Nasanay na laging nag-aaral buong taon."

Bored ka? Well, wala naman ako sa kanila ng Sundays to Fridays kaya bored ka nga! They ordered, then. Unti-unti namang dumating ang amin. Nauna ang drinks. Tahimik na nag-uusap si Kuya Levi at Chantal. Nakita ko pa ngang sumulyap si Chantal sa akin, mukhang conscious. She doesn't have to worry. My ears are really somewhere else.

"Ganoon ba? Hindi ka ba nagtatrabaho?"

"Nagtatrabaho naman sa bahay pero hindi buong araw."

"Oh! What time are you free?"

Leandro's gaze drifted at me. Is he asking for help? I'm not sure now. Bago ako makailing bilang isasagot niya sa tanong, nakasagot na siya.

"Depende. It's not always the same everyday."

"Oh. Oo nga pala at you own your time in the kind of work that you do. You can text me when you're free, I'll be glad to visit."

Leandro chuckled. "Sure."

Nilapag na sa akin ang pagkain pero hindi ako makagalaw. Bahagya na akong naiirita sa naririnig. Really, Leandro? Sure! Mamaya malalaman ko na araw-araw na silang nagkikita!

Pumayag lang naman ako na makipagkita siya kay Anais kasi hindi ko talaga inakala na papatulan siya nito! He's fine, alright, but I thought Anais is out of his league! Bakit ngayon parang hindi naman? She even seems interested with him and I don't like it!

"Chayo, kain na..." si Kuya Levi.

Doon ko pa lang napansin na kumakain na ang dalawa samantalang nananatili akong tulala at nakikinig sa kabilang lamesa. Para hindi mahalata, nagsimula na lang din akong kumain sa in-order ko. Nilapag na rin ang order nila sa lamesa.

They talked about how heavy the last semester was. It was a friendly talk, one that didn't really push any ideas for me. Masaya si Anais na huling taon niya na sa kurso ngayong pasukan.

Sa paglapag ng kanilang magkaibang shake ako medyo naging attentive. Leandro ordered a very plain mango shake while Anais ordered chocolate. Napatingin ako sa akin na nangangalahati nang strawberry shake.

"Ang sarap ng shakes nila rito," si Anais. "Ang sarap nitong akin, chocolate!"

Nilingon ko ang dalawa. Leandro noticed how I turned my head.

"You wanna try mine?" si Anais.

I stiffened. I saw how she offered her straw! Ang straw lang naman na dinilaan niya kanina! Umiling si Leandro! Mabuti na lang!

"No, thanks. Ayos na ako sa mango shake. Don't like sweets much."

Don't like sweets!

"Ah ganoon ba? Sorry, I made you order this."

"No problem. I don't hate sweets. Hindi lang mahilig."

Anais laughed. "Buti na lang. I'm curious kung anong lasa ng sa'yo."

What a pretentious girl! Sino sa amin dito ang hindi pa nakakainom ng mango shake? Lahat naman yata nakainom na noon, ah!"

"It's good," si Leandro at tinulak na ang baso niya para mailahad kay Anais.

Oh no, you! Get another straw!

"K-Kuya Levi, uh... Waiter please," hindi ko na napigilan.

"Huh? May o-order-in ka pa, Chayo?"

My eyes widened at the site of Anais drinking on Leandro's mango shake straight from his straw! Hindi ako nakagalaw.

"Chayo?" Kuya Levi probed.

"Mmm. It's good. You're right!" si Anais. "You sure you don't want to try mine?"

"Hindi na, Anais."

Their conversation after that were then all simple and not bothering. Kaya lang, naiwan ang isipan ko sa ginawa ni Anais sa straw ni Leandro.

Naghintay ako na uminom ulit si Leandro sa kanyang mango shake. Hinintay ko nang hinintay. Hinintay nang hinintay nang hinintay.

But then, I cannot completely know what happened in the end. Iritado kay Kuya Levi, nilingon ko siya. Kahit na alam kong wala akong magagawa.

"Umuwi na tayo, Chayo. Baka hinahanap na rin ni Tito Carlos si Chantal."

Napatingin ako kay Chantal. I forgot that she's here!

"S-Si... Leandro rin? Uuwi na?" si Chantal ang tinanong ko ngayon.

"Tss. Hayaan mo na 'yan. Ihahatid pa niyan si Anais pauwi. Tara na..." anyaya ni Kuya na hindi na mapipigilan.

Lumapit sila kay Anais at Leandro samantalang ako, halos mag-ugat sa kinauupuan ko.

"Mauna na kami. Enjoy your date, Anais, Leandro..." tukso ni Kuya.

Tumawa si Leandro. "Tumigil ka nga, Levi."

Natawa rin si Anais. While I am biting my tongue, literally, I just couldn't help it in the end.

"Hindi pa ba kayo aalis?" I looked at Leandro meaningfully.

Napawi ang ngiti niya galing kay Kuya. Siya ang tinatanong ko pero si Anais ang sumagot.

"Tapusin lang namin 'to. Uuwi na rin kami..."

"Ihahatid ko muna si Anais sa kanila."

"That's so kind of you, Leandro. I can't say no. Pinauwi ko na ang driver, e."

But you can text your driver again like what we are doing!

Bago pa ako makealam doon, hinila na ako ni Kuya Levi palayo sa lamesa nila. Akbay-akbay ako ni Kuya palabas at alam kong kung hindi niya iyon ginawa, nanatili na akong nakatayo roon sa harap nila.

I was agitated for the rest of the day. Pagkauwi, alam ko namang ginawa ko lang ang lahat ng iyon para kay Leandro. Dahil gusto niyang maka-move on. It was selfish of me to arrange him to someone I thought who will never like him.

Hindi ko maintindihan kung bakit ngayong nakikita kong maayos silang dalawa at mukhang masusunod na ang main objective ko, parang ayaw ko na. I'm selfish and unfair to a person who only want to forget a person in the past.

Hindi iyon natanggal sa isipan ko. Sa dinner sa araw na iyon, titig na titig ako kay Kuya Levi, gustong-gustong hingin ang numero ni Leandro. The thought that I will be going back to them by the end of this week is making me suffer. Lalo na dahil sa narinig kong may plano nga si Anais na pumunta roon sa linggong ito.

"Kuya... pahingi ng number ni... uh..."

Hindi ko matuloy-tuloy iyon.

I just want to check. Walang masama kung i-text ko si Leandro para kumustahin ang paghatid kay Anais. Walang masama sa araw-araw na pagti-text sa kanya, para kumustahin naman kung bumisita ba si Anais.

"Kanino?"

"Ah. Wala..."

Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko alam kung paano nakayanan. Sa Monday, naligo ako sa pool. Sa Tuesday, naligo ulit, this time niyaya na ang mga kaibigang si June at Nan. While they were excited to see each other in the summer, I was completely spacing out. Sa Wednesday, nasa bathtub ako, naliligo at kumakain habang tanaw ang Canlaon. Sa Thursday, nagsuot ng mga damit at nagpa photoshoot sa kasambahay. Sa Friday...

It's tomorrow! I cannot wait to see him!

Tahimik akong nanatili sa kama habang iniisip iyon. Ano ngayon kung oo? Anong gagawin ko kung nagkita sila? Isn't it nice for Leandro to finally find someone?

Isang katok ang umistorbo sa akin. I heard Mom's soft voice behind the door.

"Open po, Mommy," I called.

She opened the door. Nagulat ako nang nakitang naka formal dress siya at heels. It's early in the morning. I wonder where she's going. Nasagot naman agad pagkalapit niya sa aking kama at paghalik niya sa aking noo.

"Good morning, Charlotta. Pupunta kami ng Daddy mo sa Bacolod. May kailangan siyang gawin doon, ganoon din ako. Do you wanna go with us? Baka sa Sunday pa ang uwi namin."

Nabuhayan ako ng loob doon. Why not skip a Saturday for Leandro? Anyway, he seems okay now. Ano ngayon kung hindi niya kailangan ang payo ko? Mukhang kaya niya na naman.

Nagbuntong-hininga ako sa huli. I waited painfully the whole week. Seryoso ba ako sa iniisip kong pakakawalan ko ang pagkakataong ito para makibalita sa kanya? Ayaw kong magdagdag pa ng maraming araw bago makibalita. Wala akong pakealam kung ano man ang ibabalita niya.

"Hindi na, Mom. Next time na lang. Para kayong dalawa na lang din muna ni Daddy."

She smiled at me and kissed me again. "I just thought you've been so bored here this week."

Umiling ako. "Pupunta naman po kami kina Leandro bukas kaya... hindi na ako mabo-bore."

She tilted her head and looked at me for a long while. "Leandro. Hindi talaga si Chantal ang pinupuntahan mo sa mga Castanier, kundi si Leandro?"

Uminit ang pisngi ko. Ngumiti ako kay Mommy.

"Si Leandro at Chantal naman, Mommy. Madalas lang kaming nag-uusap ni Leandro kaya gano'n."

Hindi ko rin alam kung bakit kahit na buong linggo kong gustong pumunta kina Leandro, sa mismong araw na iyon, nang nasa tapat na kami ng bahay nila, parang ayaw ko nang pumasok.

"Chayo, tara na!" si Kuya nang nakitang hindi pa ako nakakaalis sa harap ng sasakyan.

"Yes, Kuya," matamlay kong sabi habang unti-unting lumakad papasok.

Hindi rin ako agad dumiretso sa sala, gaya ng madalas na ginagawa. Alam kong nasa garahe si Leandro. Lalo na nang nakita kong bumati si Kuya Levi kay Tito Carlos doon. The past Saturdays, I would greet them immediately and take a look at Leandro. I've been familiar. Now it's like back to zero.

"Chayo, pasok ka sa sala! Patapos na kami rito. Nanonood si Chantal ng TV," si Tito Carlos.

Ngumiti ako. "Opo," matamlay kong sagot.

Hindi pa rin ako gumagalaw. Nilingon ako ni Kuya Levi.

"Chayo, pasok ka na. Naiinitan ka riyan," si Kuya.

Tumango ako at hindi na iintindihan ang pag-aalinlangan. When I was about to go inside, Leandro went out of the garage. Our eyes met. Then I looked away. Tahimik akong pumasok sa loob ng kanilang bahay habang sinusundan niya ako ng tingin. 

Continue Reading

You'll Also Like

29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
1.9M 132K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
14.7M 131K 67
Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror. Kwento ito ng landian. In a sossy way...
566 194 13
I Series # 1 [EDITED & ON-HOLD] Kwynn De Chaves, came from a middle class family and studying at ISM. One day, he met Dylan Rei Atienza. Drei have a...