She is the One. (on hold)

By sexydreamer

38.6K 927 207

#SITO || A story when HE met HER. Is it true that best friends are the perfect kind of lovers? And could a gi... More

She is the One. 1 - 'Wow pare! Chicks oh!'
She is the One. 3 - 'Date tayo.'
She is the One. 4 - Strike Three.
She is the One. 5 - 'Masaya akong kasama ka.'
She is the One. 6 - Past up to the Present.
She is the One. 7 - Ang chicken.
She is the One. 8 - Definitely... best friends.
She is the One. 9 - Nagpapakatanga.

She is the One. 2 - 'Maghihiwalay din yan. Tiwala lang.'

3.5K 123 23
By sexydreamer

Thank you Jam. :> 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.

Eto nga't nagtatanong na kami sa ibang mga istudyante ditong nakakakilala sa babaeng sumampal sakin kanina. Si Miss hard-to-get.

Ang daming nagsasabing hindi daw nila kilala yun at hindi daw nila nakita yung pangyayari. Langya naman oh! Eh Ang dami ngang tao kanina, impossibleng wala lahat ng mga pinagtatanungan namin ngayon.

Tsaka isa pa, may narinig akong mga reaction ng mga tao nung nakita nilang sinampal ako ni Miss Sampal. Sabi pa nga ng isa, "Shit, they've met."

"Miss. Nandun ka ba kanina sa may memorial garden between the hours of 12 and 1pm?" parang detective na tanong ni JC sa isang babaeng nilapitan namin dito sa cafeteria.

"Ha? Wala eh." at bumalik na siya sa pagbabasa ng notebook niya sa Physics pati na rin ang mga kasama niya.

"Psh. Lang kwenta." bulong ni Kats.

"Ay wait! Oo pala!" habol nung babae nung paalis na kami.

"Miss, ano ba talaga? Ang gulo mo e." naiinip na tanong ni Kats.

"ssh! Wag ka magulo." saway sa kanya ni Sed. "Ano nakita mo nun, miss?"

"Nasampal ka diba?" nakangiting tanong sakin nung babae. WOW! Maka-ngiti wagas? Nasampal na nga pinaka gwapo dito e!

"Nandun ka diba? Ba't di mo sagutin tanong mo?" sagot ko.

"Taray mo. Tss. Well ano bang kailangan niyo?" sabay isa isa niya kaming tinignan.

"Kilala mo yung babaeng sumampal sa kanya?" tanong ni Lester sabay turo sakin.

"Oo." ngingiti-ngiting sagot nung babae.

Naghihintay lang kami ng sasabihin niya pa pero wala, patuloy lang siyang ngumingiti.

"Well?"

"Anything you've got to say?"

"Her name?"

"Year level?"

"Section?" 

Palitan kami ng tanong ni Kats sa babaeng nakakaloko na ang ngiti samin.

"Kathryn Bernardo, 4th year, FY 403." mabilis niya yung sinabi sabay ngiti ng nakakaluko at mablis sabay umalis na din.

"Alam niyo mga bregs.." umakbay samin si Kats.

"Ano?" tanong ni Lester.

Silience....

"ANG WEIRD NIYA!" sigaw ni Kats.

"HAHAHAHAHA!" natawa kaming lima. Tunay kasi e. Ang weird niya. Ngiti ng ngiti.

"Pabayaan niyo na si weirdo. Ang importante, alam na natin kung san matutunton si ano.. si.." sino nga ulit?

"Si Kathryn!" Kats.

"Yown! Ayos na." 

*riiiiiiiing*

Sakto namang tunog ng bell. Kaya't pumunta na kami sa mga room namin.

Habang nagtuturo si ma'am, hindi ako nakikinig. Ang boring e. Walang saysay magturo. Tss. Kaya't eto, patagong naglalaro ako ng temple run sa cellphone ko nang biglang may nag text.

From: Kats

Tol, may balak kang kausapin yung si Kathryn?

Nagreply naman ako.

To: Kats

Oo nmn. Ikaw? May balak makinig sa klase?

From: Kats

Gago. Tingin mo? Haha. Basta chong, kasama kami ng tropa pag kinausap mo na ah?

To: Kats

Oy, nahawa ka siguro dun sa pinagtanungan nating babae. ANG WEIRD MO! Hahaha! Oo na, oo na. Tek, may surprise exam daw. Makinig ka nga, tatanga tanga ka na naman e. Gege. 

Napatingin naman ako kay Kats matapos kong isend yung text ko at mukhang nagulat siya at napatingin sa harap. "May test, ma'am?!"

"Hahahahaha!" tawa ng klase. Kaklase ko si Katsumi e.

"Oo Mr. Kabe." sabay kinuha ni ma'am sa bulsa ni Kats yung cellphone niya. "Sa susunod kase, makinig ka. Hindi yung text ka ng text dyan!" nagulat si Kats nung biglang kunin ni ma'am yung cellphone niya. "At kung magtetext ka, wag kang papahuli sakin."

"Eh yun nga ginagawa ko ma'am e. Kaso nahuli niyo padin." nagkakamot ng batok na pamimilosopo ni Kats kaya tumawa ang klase. Gago talaga. Hahaha.

"Tsk" ang tanging narinig ko kay ma'am sabay nagbigay na siya ng mga papel.

Pero imbis na magsagot agad, yung si Kathryn ang naalala ko. Nagiisip ako ng magandang way para ligawan siya. Gusto ko siyang mapasagot. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko talaga. 

Alam niyo kung bakit?

Kasi gusto kong malaman kung talagang mahilig siyang manampal. -.-

Hinde joke. Nakakabulabog kasi ng utak yung lintek na nagsabi ng "Shit, they've met." 

Ano daw yun? Ako at yung Kathryn eh nagkakilala? Anong ka-shit shit don? Yung pagsampal niya sakin ng walang dahilan sabay alis? O yung nabasted ako sa harapan ng maraming tao kahit hindi naman ako nanliligaw? 

Loko lang. Pero di nga, bakit ganun? Parang nagulat na kinabahan pa yung boses ng babaeng nagsabi nun? 

Taeng yan! Ako na affected! Pakshet. Makapag sagot na lang. -____-

**

"WOOOOOAAAH!! Tol tol tol tol tol!!!" sumisigaw at tumatakbo palapit samin si JC na may dala-dalang Zagu niya.

"Mukha kang kabayo tumakbo oy! Ano meron?" 

"Si ano! Si.. si.." nagsasalita siya habang hinihingal.

"Sino?" Seth.

"Si ano! Yung babae!"

"Yung kanina?" Lester.

"Si Kathryn?" nagkasabay pa kami ni Kats sa pagtanong at nagkatinginan.

"OO! Nakita ko dun!" sabay turo niya sa pinanggalingan niya. Nandito kasi kami ngayon sa mall dahil tapos na ang klase at halfday kami. 

"Asaan?" tanong ko.

"Yun ba?" tanong ni Seth habang tinuturo din yung tinuturo ni JC.

"Alin dun?" Lester.

"Yung may kasamang lalake?" Kats.

"Lalake?" hinawi ko sila at tinignang mabuti yung tinuturo nila.

Tama nga sila. Si Kathryn yon at may kasamang lalaki.

"May boyfriend na yata tol." umakbay sakin si Kats.

Tangina. Nabadtrip ako dun ah. Pero di bale.

"Yaan niyo. Maghihiwalay din yan. Psh. Haha."

"Yooooown! Yan ang gusto namin sayo tol e! Apir!" Lester.

"Hahaha! Maghihiwalay din yan. Tiwala lang."

"Gago ka talaga. Hahaha. Oh ano? Lapitan mo ba?" Seth.

"Sa susunod na. Ayoko muna ng gulo chong. Pagod na ko, tara na umuwi?" pag aya ko sa kanila.

"Tara, tara!" 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment kayo. :D

Continue Reading