Game of Love

By Idyllexyumsss

47.4K 1.8K 604

Elite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton More

Disclaimer
Prolouge
1: The Family
2: The Laws and the Rules
3: The Girls
4: The meet up
5: The Game
6: The Condition
7: The Premiere
8: The Lie
9: The Embarrassment
10: The Slowness
11: The Care
12: The Reveal
13: The Naiveness
14: The Bond
15: The Interest
16: The Concern
17: The Partner
18: The Learning
19: The Love Talk
20: The Invitation
21: The Girlfriend
22: The Visit
23: The Number
24: The Preparation
25: The Two
26: The Party
27: The Celebration
28: The Sport Fest
29: The Duty
30: The Treat
31: The Battle
32: The Worry
33. The Training
34: The Win or Lose
35: The Fault
36:The Aftermath
37: The Feelings
38: The Decision
39: The Gift
40: The New
41: The Threat
42: The Result
43: The Bravery
44: The Command
45: The Reaction
46: The Fear
47: The Save
48: The Heartstring
49: The Heartbeat
50: The Weakness
51: The Love
52: The Boyfriend
54: The Hope
55: The Dare
56: The Gratitude
57: The Hug
58: The Come Back
59: The Confrontation
60: The Moments
61. The Liars
Author's Note
62: The Danger
63: The Wound
64: The Pain
65: The Tears
66: The Answers
67: The Talk
68: The Reconciliation
69: The Farewell
70: The Last Date
71: The Truth
72: The Separation

53: The Another Game

543 30 4
By Idyllexyumsss



Klyx's POV






"Baba." Utos ko kay Amethyst. Hinarap nya ako habang kinakagat ang kanyang kuko.







"A-ayoko.." Paulit-ulit syang umiling. "Ang daya mo! B-bakit dito mo ako dinala?!"







Tumaas ang isang kilay ko. "Ano bang bago? Nakapunta ka naman na rito ah?" Sinilip ko ang labas ng bintana at ang mukha nya. Kinakabahan sya.







"O-oo nga.." Hindi sya mapakali sa upuan nya. "P-pero nasa matino pa naman akong pag-iisip para pumasok sa palasyo nang ganito ang suot! Parekoy naman! Itatakwil ako ng mga kalahi ko neto!"







Nag-cross arms ako at inilagay ang isang kamao sa ilalim ng aking baba. Sumingkit ang mata ko habang pinapasadahan ang buo nyang katawan. "Wala namang problema sa suot mo ah?" Isang simpleng shirt na kulay puti at leggings na black ang suot nya. Nakatsinelas lang sya at nakalugay ang kanyang buhok. "Kahit anong suotin mo, mananatili ka pa ring maganda sa paningin ng isang gwapong maharlika." Kumindat ako at nakita ko syang natigilan. "At ako yon." I pinched her nose and smiled.







"Uso kasing tumawag muna eh." Sumimangot sya. "Bakit kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot? Wala ka bang takot kanina? Sa bayan mo ako sinundo, parekoy! Bayan! Madaming tao ang nakakita sayo roon! Baka bukas ay nasa balita ka na dahil isang mahirap ang sinundo mo." Bumalatay ang pag-aalala sa mukha nya. Doon ako napabuntong-hininga.







"To surprise you." I said softly while looking straightly in her eyes. "I want to surprise you awhile ago. Hindi naman ako nabigo kasi nagulat ka nga." Sobrang laki nga ng mata nya kanina nang makita nya ako sa bayan. "At wala akong pakialam sa mga nakakita sa akin kanina. Kung maibabalita man ang tungkol do'n, ano naman? Mas maganda nga yon dahil maipapakilala na kita sa lahat. Ikaw ang girlfriend ko, Amethyst. Walang makakapigil sa gusto kong gawin para sayo kahit na sino pa sila."







Lumitaw ang tipid na ngiti ko nang makita ko syang manigas. Magaling din syang magpigil ng kilig ah. Hmm.







"Ano? Bababa ka ba o bubuhatin pa kita?" Biro ko. Mabilis naman syang nabalik sa wisyo at dali daling tinanggal ang seat belt nya at bumaba. Natigilan ako.







"Bumaba na ako parekoy ah! Tara na!" Napatingin ako sa kanyang nakatayo sa labas. Tumalikod sya sa akin at inaninag ang palasyo. "Ang laki talaga neto.. ang layo nang inabot ng kakapalan ng mukha ko!"







Bumaba na rin ako at dinaluhan sya. Parehas kaming nakatingala sa kalakihan ng palasyo. "Kung makapagsalita ka ay akala mo ito ang first time mo." Bumaba ang tingin ko sa kanya.







Nakatingin pa rin sya sa palasyo at bakas ang pagkamangha sa mga mata nya. "Hindi ko lang kasi inakalang makakabalik pa ulit ako rito.." Ngumiti sya. "Tyamba lang yung una. Akala ko yun na din yung huli. Pero kita mo nga naman, nakatayo na ulit ako sa harap ng magandang bahay na 'to? Pinagmamalaki na talaga ako ng mga kauri ko! Haha!" Humarap sya sa akin.







"Kunyare pang ayaw kanina pero gusto rin naman." Pang-aasar ko. "Tara na." Hinawakan ko sya sa kamay at marahang ginaya papasok sa loob. Tinapik ko ang balikat ng isang kawal na nasa pintuan. Medyo bata bata pa sya. "Tol, pakiparada na lang yung kotse ko ah? Ikaw muna ang gumamit. May tiwala ako sayo, bro." Binigay ko ang susi ko sa kanya at muli syang tinapik.







Binati ako ng mga nakakasalubong kong katulong maging ang ibang kawal. Binabati ko naman sila pabalik ngunit mas madalas silang binabati nang una ng kasama ko.







"Weeeeh? Akala mo mabait!" Inirapan ko si Amethyst sa sinabi nya. Nang-asar ang walang alam.







"Mabait ako sa loob ng palasyo, Amethyst. Pero hindi sa Ashton High." Patungkol ko sa pagbabati ko sa mga bumabati sa akin.







"Ay, oo nga pala! Masama nga pala ang ugali mo!"







"Anong sabi mo?"







"Wala!" Tanggi nya agad. "Teka nasaan na ba tayo?" Luminga-linga sya. "Yung mga katulong nyo ang gaganda ng damit kesa sa akin. Ganon ba talaga rito? Malaki na ang sweldo, maganda pa ang damit mo? Pwede pa bang mag-apply, parekoy?!" Excited na tanong nya sa akin.







"Matatalino kasi sila kaya nakuha." Mahina akong natawa sa sinabi ko. Syempre hindi nya magegets yun agad dahil gano'n sya kaslow.







"Ay ganon ba? Kailangan pala matalino ka.." Mahina nyang pagkausap sa sarili. Maya maya'y nag-angat sya ng tingin sa akin at nahinto sa paglalakad. Dahil nga magkahawak ang kamay namin, pati ako ay napahinto rin. "Edi wala na pala akong pag-asang maging katulong nyo, parekoy?!"







"Exactly." Nangingising sabi ko.







Napasimangot sya. "Mayabang ka!"







Hinila ko sya ulit para makapaglakad.







"Magandang umaga, mahal na prinsipe."







"Magandang umaga, Ma'am Amethyst."







"Magandang umaga, Prince Klyx. Magandang umaga, ma'am."







"Kilala pala nila ako?" Gulat na tanong nya. Lumiko kami patungo sa elevator paakyat sa taas.







"Kalat na sa buong palasyo ang pangalan mo kaya huwag ka nang magulat." Sabi ko sabay hatak sa kanya papasok sa elevator.







"Bakit nga pala biglaan ito, parekoy? Ano bang meron dito at bakit kailangang kasama mo pa ako?" Sumandal ako sa wall ng elevator at pinanood sya. "N-nandito ba ang reyna?" Kinakabahang tanong nya.







"You're nervous. Why?" It's a fact. "It's not like this is your first time to see my mom. Sa kapal ng mukha mo ay maraming beses mo nang na-meet ang reyna." Ang huli nga ay nakabonding nya pa. Remember nung nasa bahay sya ng mga lolo at lola ko?







"N-nahihiya kasi ako eh.." Yumuko sya at kinalikot ang mga daliri nya. "Kapag kasi nagsimula nang rumatatat 'tong bibig ko, nawawala na ang hiya sa akin." Mahinang sabi nya habang nakatingin sa ibaba.







Umalis ako sa pagkakasandal at hinawakan ang baba nya. Inangat ko iyon at nagtama ang paningin namin. "Gusto kang makita ni mom dahil mamayang gabi ay babalik na syang Pilipinas. She wants to talk to you." Nakita ko kung paano sya natigilan sa sinabi ko.







Wala namang nakakagulat sa sinabi ko ah?







"P-pilipinas?" Napapalunok nyang tugon. Tumango ako bago sya bitawan. "A-anong gagawin nya ro'n?"







"It's a secret, babe." Kumindat ako sa kanya. Hindi mo iyon pwedeng malaman hangga't hindi pa tayo ikinakasal. "May aasikasuhin lang doon si mom."







Nang bumukas ang elevator ay muli ko syang hinawakan sa kamay. Dumiretso kami sa living room at doon ay dinaluhan kami ng tatlong kasambahay. Yumuko sila sa akin at bumati. "Where's the queen?"







"Umalis lang po sila sandali ni Ma'am Pearilem, Prince Klyx." Nakayuko pa rin nilang sagot. "Welcome to the Palace, Ma'am Amethyst." Nakayuko rin nilang bati sa kasama ko.







"Ay naku po! Hindi nyo po ako kailangang englishin! Hehe! Saka Amethyst na lang po, o 'di kaya bato para bongga haha!" Napangiti ako. Ang kulit nya.







"Si Marble po?" Tanong ko ulit. Natigilan naman sila.







"M-margarette po, mahal na prinsipe." Nauutal na pagtatama nila sa akin.







Tumaas ang isang kilay ko at nagkamot sa aking ulo. "Mali ba?" Tumingin ako kay Amethyst na mahinang natatawa sa mukha ko. "Ba't ka natatawa?"







"Kasama mo sa bahay pero hindi mo kilala? Kakaiba ka!" Natatawa nyang pangaral sa akin.







Napairap ako. "Eh sa mahaba ang pangalan nya eh." Psh. Nakakatamad banggitin. "Nasaan po sya?"







"Nasa guest room po, mahal na prinsipe. Nag-iimpake po ng iba nya pa pong gamit." Tumango na lang ako.







Pinakiusapan ko ang mga kasambahay na magdala ng pagkain sa kwarto ko. Tutal wala pa naman si mom, ililibot ko muna si Amethyst sa kwarto ko.







"Nakakahingal naman 'to!" Reklamo nya pagkaakyat namin sa hagdan. "Ang lawak naman kasi ng bahay nyo!" Binitawan ko muna ang kamay nya para makahinga sya nang maluwag.







"Anong aasahan mo sa bahay ng hari at reyna?" Masungit na tanong ko sa kanya. Napasimangot naman sya at naglakad ulit.







"Saan ba rito ang kwarto mo? Ang daming kwarto!" Pinangunahan nya ang lakad. Hinayaan ko lang syang mangapa roon. "Ang lawak masyado! Nakakahilo!" Reklamo nya pagkaharap sa akin.







Magsasalita na sana ako upang ituro ang aking kwarto nang saktong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kate na nasa likod lang ni Amethyst. Parehas kaming napalingon doon ni Amethyst.







"What the heck.." Anong ginagawa ng isang yan sa kwarto ng kapatid ko? "What the heck were you doing there, Cari?!" Bulalas ko sa pinsan ko nang makapaglakad palapit sa kanila. Itinuro ko pa ang pinto ng kwarto ni Kate ngunit ang tingin nya ay wala sa akin.







Anakng..







"C-cari!" Gulat na sabi ng katabi ko.







Ngumiti naman ang pinsan ko sa kanya. "Nice to see you again, Amethyst." At talagang hindi nya ako pinagkaabalahang tapunan ng tingin? What the fuck, Emith. "You're still beautiful just like the last time I saw you." He smirked and I fucking know what is the meaning of that fucking smirk.







I rolled my eyes. Oh c'mon. I'm not a jealous type of man. But I know my territory. Just don't you dare crossing the line because I don't fucking share.







"Cari naman?! No english nga diba?!" Natawa si Cari nang hawakan ni Amethyst ang ilong nya. "Dapat alam mo na yan! Ilang beses na tayong nagkasama eh!" Dagdag na sigaw pa nito.







Nailabas ko ang dila ko habang nakapameywang na nanonood sa kanilang dalawang mag-usap. Ahhh. At talagang pinaalala nya pa sa akin ang pagsama ng pinsan ko sa kanya ah?







"Oh. Yeah, right." Tumaas ang isang kilay ko nang sulyapan ako ng pinsan ko. "Namiss ko nga ang pagsama ko sayo eh." Oh c'mon!







"Cari! Yung phone ko ba nakita m–" Lumabas si Kate mula sa kwarto nya. Bumilog ang mata nya nang makita kaming dalawa ni Amethyst. "OMYGOD, AMETHYST!" Mabilis nyang niyakap ang katabi ko.







Great. Ako ang kapatid nyan ah?







"Mygod! I miss you so muuuch!" Kumalas sila sa yakap. "Buti napadalaw ka?!" Galak na galak pa rin si Kate dahil hindi nya pa rin binibitawan ang dalawang kamay ni Amethyst.







"Hehe, namiss din kita, Kate! Pati si tigre namiss ka rin n'on!" Bumaling sa akin si Amethyst at bahagya akong nginuso. "Sya ang nagdala sa akin dito! Hehe!"







Sumingkit ang mata ni Kate nang lingunin ako. "Feeling my presence?" Sarkastikong sabi ko.







Natawa silang parehas nung kasama nya. "You're not that important anymore, Prince Klyx." Nakangising sabi ni Cari.







"Just like you." Bawi pang-aasar ko. "Ano nga palang ginagawa mo sa kwarto ng kapatid ko?" Tinapunan ko ng nang-aakusang tingin si Cari at bahagyang sumingkit ang mata ko kay Kate. Alanganin naman syang ngumiti sa akin at nagtago sa likod ni Amethyst.







Alam kong close sila pero bakit nandito ang isang 'to nang ganito kaaga? At sa kwarto nya pa?







"Your sister's fault." Napanguso si Kate sa sinabi ni Cari. "Mahimbing ang pagkakatulog ko nang tawagan nya ako ng alasingko ng umaga para ayain lang maglaro." Napairap si Cari at ako naman ang natawa.







"Chess again?" Kate's favorite board game. Ewan ko lang ngayon kasi madalas na syang matalo ni Cari do'n, haha.







"May iba pa ba?" Sinamaan ni Cari ng tingin si Kate.







"Ang sama mo naman kung makatingin! Eh sa umaga mas gumagana nang mabuti yung utak ko eh! Saka tiningnan ko lang naman kung hindi ka na ba nangangalawang. Dalawang taon din ang nakaraan, pinsan!" Depensa ni Kate sa sarili bago lumabas sa likod ni Amethyst.







Marahan kong hinila palapit sa tabi ko si Amethyst. Nagulat sya roon. "B-bakit?" Tanong nya.







Ngumiti ako sa kanya. "Dito ka lang sa tabi ko." I intertwined our hands.







"Really, Klyx?" Nag-angat ako ng tingin kay Cari. "In front of me?" Bumaba ang tingin nya sa magkahawak naming kamay.







"Jealous?" Pang-aasar ko. Natawa naman si Kate na katabi nya habang ang katabi ko naman ay parang bagong silang na sanggol sa sobrang kainosentehan.







Kumunot ang noo nya at tumingin kay Amethyst. Nginitian lang sya ng girlfriend ko. "I don't like her." There you go. A beautiful answer.







"Dapat lang." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Amethyst. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sya sa akin.







"But she's my type." Pahabol ni Cari.







"Come again?" Sumingkit ang mata ko. Natawa na lang sya. "Damn you." Irap ko.







"Wushuu, Daemiel! Possessive!" Sinapak ako sa balikat ni Kate.







"ANG MAHAL NA REYNA, NARITO NA!"







Nagkatinginan kaming apat sa narinig na iyon.







"The queen is here." Bulong ko kay Amethyst at muli na naman syang nanginig.




***




"Naku po! Hahaha! Hindi man po halata, may kahihiyan pa rin naman po akong itinatago, mahal na reyna!"







"Hahaha, I actually like your confidence." Abot sa mata ang ngiti ni mom. "It's Tita Kath, Amethyst. Drop the formality."







Binalingan ko ang katabi ko. Ang laki-laki ng ngiti nya at hindi na sya kakakitaan ngayon ng kaba. Yan ang may kahihiyang tinatago ah?







Nasa kusina kami ngayon at naghihintay sa pagkain. Nasa pinakadulo syempre si mom at nasa right side naman kami ni Amethyst habang ang kaharap namin which is nasa left side ni mom ay sina Kate at Cari.







"H-hindi ko po magagawa yun.. isa po kayong maharlika." Natawa si Kate at Cari sa itinuran nya. Maski ako ay natawa rin. "Bakit kayo tumatawa? Totoo naman eh!" Ngumuso sya.







"Namimili ka nang gagalangin, Amethyst ah? Maharlika rin naman ang kapatid ko pero parekoy ang tawag mo! Hahaha!" Ngumisi ako sa sinabi ni Kate. Inabot ko ang baso sa harap ko at ininom ang tubig na laman n'on.







"E-eh kasi naman tinago nya sa akin yung pagkatao nya nung una eh.."







Binaba ko ang baso at nakangising tumingin kay Kate. "That's her endearment." Kalmado kong tinapunan ng tingin si Amethyst. "Pagbigyan."







"Yeah, right." Sabad ni Cari. Natawa naman kami.







"Nga pala mom, si Tita Pearilem po? Diba kasama nyo sya?" Oo nga 'no. Si mom lang ang naabutan namin kanina.







Tumingin si mom kay Kate. Kanina pa pala sya nakatingin kay Amethyst? "Oh. Ahm. Umalis sila ni Margarette right after we came back. May bibilhin yata silang dalawa o maglilibot. This is their last day after all." Kung ako rin naman ang nasa posisyon nila, susulitin ko na ang huling araw ko sa bansang ganito kaganda.







"Si Margarette yung magandang babaeng nakausap ko noon sa bahay ng lolo at lola mo hindi ba?" Lumingon ako kay Amethyst nang bumulong sya sa akin. Bahagyang nakanguso ang labi nya at wala sa akin ang kanyang paningin, kundi nasa reyna.







"Nagagandahan ka na sa kanya?" Kalmado kong pinagmasdan ang buo nyang mukha.







Napatingin sya sa akin na para bang nababaliw na ako. "Bakit hindi ka naniniwala? Ang ganda ganda kaya nya! Bulag ka parekoy kung sasabihin mong hindi!" Wala naman akong sinabi. Maganda naman talaga si Marble.







Natawa ako nang mahina. "Maganda nga sya," Tumango-tango ako. "Pero mas maganda ka." Ngumiti ako sabay iwas ng tingin sa kanya. Sinubukan kong pigilan ang ngiti ko dahil nasisiguro kong natigilan na naman sya.







"Where is Keylux, by the way?" Ang tanong ni mom na narinig ko.







Sumandal si Kate sa upuan nya. "Maaga po syang sinundo nila Tito Ken dito. Itetrain na naman kasi nila ang isang yon." Umirap sya. "Ang bata bata pa ang lakas na! Baka daigin na ako ng bubwit na yon. Psh." Nagcross arms sya.







"Matagal ka na nyang nadaig, Kate. Wake up." Pang-aasar sa kanya ni Cari kaya nakatanggap sya ng batok mula rito.







"Amethyst," Natigil ang lahat nang tawagin ni mom ang katabi ko.







"P-po?"







Nagsalitan ang tingin ni mom sa aming dalawa. "Girlfriend ka na ng anak ko hindi ba? Yung walang halong biro nang dahil sa laro nya?" Sumandal ako at pinatong ang isang kamay sa table. Tinap ko ang mga daliri ko roon at kalmadong tiningnan si Amethyst.







Tumingin sya sa akin. Nag-aalinlangang sumagot. "O-opo..?" I bit my lower lip to prevent it from smiling. "H-huy parekoy, sumagot ka rin." Tumaas ang dalawang kilay ko nang kalabitin nya ako.







"Ikaw ang tinatanong." I remained so calm. "At kung ako man ang tatanungin ng reyna tungkol sa relasyon nating dalawa, alam na ni mom ang isasagot ko." Hindi pa man ako nagsasalita, alam na nila.







Natawa si mom kaya napatingin si Amethyst sa kanya. "My son is right." Ngumiti sya nang malawak. "Ganon sya kadaldal when it comes to you." The Queen smirked at me. My one eyebrow arched.







"You're lying–"







"No, she's not, cous." Nakangising pagpigil sa akin ni Cari. Dumapo ang tingin nya kay Amethyst. "Dumadaldal ka naman talaga kapag sya na ang pinag-uusapan."







"I didn't know that you are also great at making story, Cari." Sarkastiko kong sabi.







"Enough boys," Natatawang pagpigil sa amin ni mom. "Gusto kong makausap nang masinsinan si Amethyst. Tutal wala pa naman ang food natin, uutusan ko muna kayo." Turo nya sa aming dalawa. "Nakalimutan kong ligpitin yung mga pinamili ko kanina. Pakiakyat ang mga yon sa kwarto namin ng dad mo, Daemiel. And Cari, help your cousin." Tumango kaming dalawa ni Cari.







"Aye aye, ma'am." Pang-aasar naming dalawa sa reyna. Napailing-iling naman sya. Bumaba ang tingin ko kay Amethyst. "Aalis muna ako sandali. I'll be back." Yumuko ako para halikan sya sa noo.







"S-sige.." Napangiti ako nang makita syang mamula. Adorable.







Sabay kaming lumabas ni Cari sa kusina at iniwan ang mga babae roon. Ngumingiti ako sa mga katulong na bumabati habang pasipol-sipol na tumungo sa living room.







"Ang saya mo ah?" Sinabayan ako ni Cari sa paglalakad.







"Inggit ka?" Ngumisi ako sa kanya. "Off muna kasi sa pagkuha ng misyon, Emith."







"Hintayin mong mag-18 ka. Tingnan lang natin." Nangingisi ring aniya.







"Can't wait."







Habang binubuhat ang mga pinamili ni mom papunta sa itaas, naisip kong magtanong na kay Cari. Sayang yung pagkakataon, baka bukas ay bumalik na rin ang isang 'to sa Pilipinas.







"Ano nga palang droga ang nasinghot mo at naisip mong samahan si Amethyst nang dalawang araw?" Hindi ko iyon makakalimutan. Nang dahil do'n nakasolid ako ng sapak sa kanya eh. Haha.







Inayos nya ang pagkakahawak sa mga bitbit nya habang umaakyat kami sa hagdan. Trip naming huwag mag-elevator eh. "Sa gwapo kong 'to, pinagkakamalan mo akong adik?"







"Bakit hindi ba?" Biro ko. Tumawa naman sya. "Pinagseselos mo ba ako no'n?" Sumingkit ang mata ko habang nakatingin sa pasilyo. "Well congrats. Kahit papaano ay nagtagumpay ka naman." Tumango ako.







"What the fuck?" Mas lalong lumakas ang tawa nya. Baliw na ba sya? "Assuming ka, Klyx ah!"







"Gwapo lang, 'insan." Tanginang yan Klyx. Ang yabang.







"Nalaman ko kasi kay Kate na hindi maganda ang relasyon nyong dalawa nung mga oras na yon. Inapproach ako ng kapatid mo to check on Amethyst. I told you that Amethyst is my type so I grab the opportunity." Tumaas ang isang kilay ko. Gagong 'to ah. Isang maling salita nya lang babalik sya sa Pilipinas. "Haha, joke. Type ko ang girlfriend mo pero hindi iyon ang naging rason ko para tanggapin yung pakiusap ni Kate."







Huminto sya kaya napahinto rin ako. "Kung gano'n, ano?"







Bumuntong-hininga sya at sumeryoso. Doon ko napagtantong seryosong usapan ito. "May sumusunod sa girlfriend mo." Natigilan ako sa sinabi nya. "Nung minsang pumunta ako sa bayan, nakita kong may sumusunod sa kanya. Nakabangga nya pa nga iyon bago nya ako nakita." Nawala ang ngisi sa mukha ko. I became serious all of a sudden.







"Nakita mo yung mukha?"







"Hindi. Takip na takip sya." Umiling sya. "Yun yung dahilan kung bakit ko sinasamahan ang girlfriend mo, Klyx. Kaya hindi ko deserve ang sapak mo no'n." Inirapan nya ako.







"Hanggang ngayon ba ay may napapansin ka pa rin?" Fuck. Bakit hindi ko iyon agad napansin?







"Wala naman na.. simula nung nakasama ka nya ulit ay hindi ko na nakikitang sumusunod sa kanya yung taong yon." I felt relieved. Pero tangina 'di ko maiwasang hindi kabahan para sa kaligtasan nya. "Ito lang ang masasabi ko sayo, Klyx.." Hinawakan nya ako sa balikat. "Maraming kaaway ang pamilya natin. Ingatan mo sya dahil hindi nya kakayanin kung sakali."







Yumuko ako at bumuntong-hininga. "I will." Shaydon Guild Organization? Welcome me again.




***



Third Person's POV






"Anong gagawin ko dyan?" Nakangusong tanong ni Amethyst habang nakaturo sa hawak ni Klyx.







"Malamang kunin mo." Sarkastikong sagot ni Klyx. "Kaya mo bang kainin 'to?" Pagtukoy nya sa hawak nyang busog.







Nasa backyard sila ng palasyo. Ang likurang bahagi. Isa iyong napalaki at napakalawak na grass field. Pinapalibutan nang nagagandahang puno. Sa 'di kalayuan ay maaaninag mo ang isang napakalaking pool na kumikislap pa dahil sa sinag ng araw.







Matapos kumain ay mabilis na nagpaalam ang reyna sa kanila. Umakyat ito sa kwarto nya at alam nila Klyx kung anong ginagawa ng mom nila roon. Nakikipagcommunicate ito sa hari at nakikibalita sa kanilang misyon. Nag-aalala na sila Klyx sa misyon ng mga magulang nila ngunit malaki ang tiwala nila sa mga ito. Hindi gagawa ng kilos ang ama nya na ikapapahamak nilang lahat.







Si Kate naman ay inaya ni Cari na pumunta sa SGO para magtraining. Habang sya ay hinila ang kasintahan para maglaro.







Kinuha ni Amethyst ang hawak nyang busog kaya napangiti sya. "Ano bang gagawin ko rito? Maglalaro ba tayo?" Nililipad ng hangin ang buhok ni Amethyst kaya bahagyang natatakpan n'on ang mukha nya.







"Uhmm, sabihin na nating interesado akong makita ang kakayahan mo." He crossed his arms over his chest and look straightly into Amethyst. "Masyado mo akong ginulat sa ipinakita mo noon sa Sports Fest. Hindi ko lubos akalain na ganoon ka pala kagaling. Matagal ka na bang naglalaro ng archery?" Interesadong tanong ng prinsipe.







Bahagyang natigilan si Amethyst pero agad nya iyong binawi. "M-medyo matagal na rin, parekoy!" Ngumiti sya nang malawak. Shit. Unti-unti na naman syang nilalamon ng kaba.







Tumango-tango si Klyx at luminga-linga. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang dalaga na pagmasdan ang gwapo nyang mukha. "Mahirap pag-aralan ang archery pero ikaw, mukhang bihasang-bihasa ka na sa larong iyon. Siguro sobrang tagal mo na talagang naglalaro n'on kaya gano'n ka na lang kagaling." Huminto ang pagtibok ng puso ni Amethyst nang tumama ang paningin ni Klyx sa mga mata nya. Diretso iyon at walang emosyon. Bagay na ikinakaba nya.







"S-sus!" Umayos sya ng tayo. "Nakakalimutan mo na ba, parekoy? Diba nga inensayo mo muna ako bago yung laban? Malamang sa malamang na gagaling talaga ako dahil ikaw ang nagturo sa akin kahit sa loob ng maikling oras lang! Sadyang inalala ko lang talaga lahat nang tinuro mo sa akin nung mga oras na yon kaya nanalo ako. Ang galing mo kayang magturo!" Isinayad ni Amethyst ang busog sa lapag habang mahigpit ang pagkakahawak nya sa palaso sa kabila nyang kamay.







"Ang bilis mo namang matuto kung gano'n?" Seryosong tanong ng prinsipe ngunit nakangiti sya.







"Magaling kang magturo eh!" Amethyst gave him a wide smile. "Bakit ba ang s-seryoso mo b-bigla?"







"Gusto kong mas kilalanin ka pa, pwede na ba nating simulan ngayon?" Humakbang palapit si Klyx sa kanya dahilan para maghumirintado ang kanyang puso.







"K-kilalanin? Pero alam mo na ang pangalan–"







"Let's play a game, Amethyst." Tumigil si Klyx sa harap ni Amethyst. Sobrang lapit nila sa isa't isa at hindi alam ni Amethyst kung paano hihinga nang tama. "Ang magsisilbing target board natin ngayon ay ang mga puno sa paligid mo. Kailangan mo iyong mapatamaan sa ganitong kalayong distansya. Sa bawat tama na magagawa mo, magsasabi ako tungkol sa sarili ko. As long as may matatamaan kang puno, hindi matatapos ang laro. At kapag namintis ka, ako naman ang maglalaro at ikaw naman ang maghahanda sa pagpapakilala." Nakangiting pagpapaliwanag ni Klyx sa larong naisip nya.







Pagpapakilala. Tumitig si Amethyst sa mga mata ng kasintahan. Nakangiti ang prinsipe sa kanya. Iyong ngiting totoo at mababakas ang pagmamahal. Kaya mo ba?







"Are you willing to play with me, Amethyst?" Nabitawan nya ang palaso nang bigla syang hapitin sa beywang ng prinsipe. Lumalim ang boses nito ngunit ang kanyang ngiti ay hindi nawawala. Napalunok si Amethyst sa katotohahang ang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. "Play with me for the second time, my precious." Humigpit ang hawak ni Amethyst sa braso ni Klyx at hinayaan ang sariling mahulog sa titig ng mahal na prinsipe.







Their game is about to start. The another game made also by the prince.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
40.7K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1.6M 35.4K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
36.3K 850 42
"Dream big dreams! Imagine that you have no limitations and then decide what's right before you decide what's possible." -