67: The Talk

996 47 43
                                    



Amethyst's POV






Napalunok ako habang nakatingin sa likuran nya. Nang maramdaman na hindi ako gumagalaw ay muli sya sa aking humarap.







"Pasok na." Utos nya.







Wala akong nagawa kundi sundin iyon. Nangangatog kong tinapak ang paa ko papasok sa kanyang kwarto. Naglakad sya at naiwan ako sa likuran ng pintuan, nanatiling hindi makagalaw.







"Pakisara na lang." Sabi nya nang nakatalikod sa akin. Nangangatog ako.







Sinunod ko ang sinabi nya. Ni-lock ko na rin iyon. Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha habang nililibot ko ang tingin sa kanyang kwarto.







Sobrang linis n'on. Ang manly ng design pati ng amoy. Black, gray, cream at gold ang kulay na madalas kong nakikita pati sa mga gamit. Natatakot akong hawakan ang kahit na ano dahil sa itsura pa lang halatang mamahalin na.







Huminto ako medyo malayo sa kama nya. Napalunok ako habang pinapanood syang ilagay ang isang bote ng wine at wine glass sa side table na kinuha nya kanina sa kusina bago kami umakyat dito sa kanyang kwarto.







"D-dito ba talaga tayo m-mag-uusap?" Nauutal na tanong ko. Hindi matigil sa pagtibok nang mabilis ang aking puso.







Lumingon sya sa akin at tiningnan ako gamit ang walang buhay nyang mata. "Saan mo gusto? Sa sala?" Pumunta sya sa pintuan papasok sa veranda at sinara ang kurtina ro'n. "Kung doon tayo, hindi lang ako ang madidistorbo mo."







Napipi ako sa binira nyang iyon. Talagang hindi nya pinagtakpan ang katotohanan. Inismiran ko sya sa aking isip. Kahit kailan napakasama ng ugali nya.







Umubo ako nang peke. Nilibot kong muli ang tingin sa loob. "Ganito pala ang itsura ng kwarto mo?" Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang kabuuan n'on. Walang duda, isa nga syang prinsipe. "Nakapasok na rin ako sa wakas.." Mahina kong bulong. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapunta sa kwarto nya rito sa palasyo. Ngayon pa lang ang una at nakakatwang hindi pa kami ayos.







"First time mo nga pala." Mukhang ngayon nya lang din napagtanto.







"Sa buhay mo kaya, kailan?" Nakita kong napahinto sya sa akmang pagbukas ng cabinet sa sinabi ko.







Nakita ko ang paggalaw ng likod nya senyales nang pagbuntong-hininga. "Hindi pa ba?" Sagot nya nang hindi man lang ako nililingon.







Binuksan nya ang cabinet at kumuha ng shirt do'n. Pumasok sya bigla sa CR at pagbalik nya ay puting t-shirt na ang suot nya, black pants at black top sider shoes. Sobrang simple pero kahit na gano'n napakagwapo nya pa rin. Shit yung puso ko, masyadong syang bumibigay ng sobra.







Dire-diretso sya patungo sa side table. Binuksan nya ang lamp shade ro'n at aaminin ko na medyo umaliwalas ang kwarto nya sa ginawa nya. Marahil kasi isang ilaw lang ang nakabukas ngayon kaya hindi ko rin makita ang kagandahan ng kwarto nya. At ang dahilan kung bakit isang ilaw lang ang kanyang binuksan ay hindi ko rin alam.







Sumandal sya roon sa side table at saka diretsong tumingin sa akin. Bigla ay nabalisa ako kaya muli kong nilibot ang aking tingin sa loob.







Game of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora