The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.5M 392K 94.3K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 25

293K 10.9K 2.9K
By JFstories

HINDI ako natulog buong magdamag. Umiyak lang ako nang umiyak. Gigil na gigil ako kay Shena. Parang gusto ko siyang sabunutan at kaladkarin hanggang sa makalbo siya.


Hindi lang kay Shena. Nagagalit din ako sa sarili. Bakit ba palagi akong palpak sa pagpili ng lalaki? Pangalawang beses ko na ito, akala ko ay hindi na ako masasaktan, pero ito at mas matindi pa sa sakit na natamo ko kay Marlon ang aking nararamdaman.


Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nahulog sa ganitong pag-iisip. Halos dumugo ang isip ko sa iba't ibang senaryo na aking naiisip. Bakit hawak ni Shena ang phone ni Rix? Hindi ugali ng lalaki na ikalat ang phone niya sa kung saan-saan. Pero hayun at nakay Shena nga!


Anong kasalanan ko sa kanila? Anong kasalanan ko kay Rix? Bakit kailangan nila akong lokohin? Bakit nila ako kailangang paglaruan? Napasubsob ako sa unan. Bukod sa masakit ang ulo, nasusuka na naman ako. Nagugutom ako pero wala naman akong ganang kumain. Ilang araw na akong nagkakaganito.


Wala akong ganang pumasok. Tinatamad ako. Maghapon na lang akong humilata sa kinahihigaan ko.


Bumangon din ako matapos ang ilang minuto. Nagsisintir ang kalooban ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. Isa pa sa pagbabago sa akin maliban sa pagsusuka ko at kawalang ganang kumain, ay parang bigla akong naging magagalitin. Ang hirap magkontrol.


Tama, bakit ko ba iiyakan ng Rix na iyon. Sino ba siya? Wala lang naman siya dati sa buhay ko, ah? Saka siya ang ang unang nagtapat, siya ang unang nagsiksik ng sarili sa akin, at siya ang unang nanlandi. May pasabi-sabi pa siyang 'everything is new' daw? Na sa akin niya lang daw iyon naramdaman. At I turn his world updside down?


Nananahimik ako nang bigla siyang manggulo! Bakit niya pa pinaramdam sa akin na importante ako kung gaganituhin niya lang din pala ako!


Hindi puwede iyong ganito na nagmumukha akong talunan. Kung gusto nila ng away, bibigyan ko sila ng magandang laban.


Tumingin ako sa orasan. Hindi pa naman ako late sa trabaho. Aabot pa ako kung kikilos ako ngayon. Hindi ko sasayangin ang araw na bayad ako. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay. Ano ngayon kung nasasaktan ako? Hindi iyon dahilan para sa paghinto ng mundo ko.


Nagmadali akong naligo at nagbihis. Paglabas ko, pumara agad ako ng tricycle. Bumaba ako mismo sa coffee shop. Mukhang napaaga ako. Nagbihis ako ng umiporme sa locker room. Nang silipin ko ang aking cell phone, may mga missed calls doon.


Si Rix.


At bakit tumatawag siya ngayon? Ngayon niya lang naalala na may girlfriend siya? Pinatay ko ang aking cell phone. Humarap na ako sa mga gawain at nag-umpisa nang magtrabaho.


Mayamaya lang ay dumating na rin ang sasakyan ni Rix. Ipinarada niya ito sa tapat. Pumasok siya sa glass door at ako agad ang hinagilap ng kanyang mga mata.


"Martina," tawag niya sa akin.


Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis ng sahig.


Lumapit siya sa akin. "Hey, I've been calling you. Sorry, I missed your calls..."


Tiningala ko siya. "Boss, may ipag-uutos ka po ba?"


Napayuko siya. "So you're still mad at me."


Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Hindi na rin niya ako kinibo at pumasok na siya sa locker room.


Napabuga na lang ako ng hangin. Marami sana akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko kayang bigkasin. Paano ko itatanong sa kanya kung ano ba talaga kami? Ayaw na ba niya sa'kin? Bakit siya nambabae?


Nagpigil na lang ako sa malalim na pag-iisip. Baka kapag nagpatuloy ako ay baka maihampas ko sa kanya itong hawak kong walis.


Ilang sandali pa'y dumating na si Shena. Naka-pony tail ang bruha at namumula ang pisngi dahil sa blush on. Pulang-pula rin ang labi niya sa lipstick. May backpack siya sa likod. "Hi, Martina," bati niya sa akin.


Sinimangutan ko siya.


Pumaling lang ang kanyang ulo. Parang walang alam sa nangyayari. Ang sarap niyang hampasin sa mukha ng walis na hawak ko.


Pumasok na siya sa locker room kaya dali-daling sinundan ko siya nang maingat. Napalunok ako bago ko sinilip ang pinto. Ganitong-ganito iyong panaginip ko. Wag naman sana. Kung mahuhuli ko man sila sa akto, ihahampas ko talaga sa kanila itong walis na hawak ko.


Subalit bago pa lang lulusot sa nakaawang na pinto ang mukha ko ay biglang bumukas na ito. Lumabas si Rix at nagtatakang nakatingin sa akin. Salubong ang mga kilay niya.


"D-diyan ba 'yong dustpan?" Kunwari'y tanong ko.


Napapikit siya. Hinuli niya ang pulso ko at dinala niya ako sa sulok. Tinabig ko ang kamay niya.


"Tell me," aniya sa mahinahong boses. "Martina, what made you like this? I know you're mad at me."


Ang tigas din naman ng mukha ng lalaking ito. Siya pa talaga ang may ganang magtanong nito sa akin. Ano kaya't tanungin ko siya kung bakit magkasama sila ni Shena kagabi?


"Wala ito. Masama lang pakiramdam ko." Pinag-isip niya ako, kaya mag-isip din siya. Mas maganda, mabaliw siya kakaisip. Iyon ay kung tunay bang may pakialam pa siya sa akin.


Dinama niya ang leeg ko. "May lagnat ka?"


"Wala."


"Do you wanna go home early?"


"Ayoko. Magtatrabaho ako." Pagkasabi ko niyon ay nilampasan ko na siya. Hindi ko na siya nilingon dahil mukhang wala rin naman siyang balak na awatin ako.


Pumasok ako sa locker room at nadatnan ko doon si Shena. Nakasuot na siya ng uniporme. Mukhang nakapasa na siya sa training.


Paanong hindi siya makakapasa eh malandi siya.


Lumapit siya sa akin. "Martina, mahilig ka ba sa kulay na pink?"


"Hindi," tipid kong sagot.


Lumabi siya. "White, gusto mo?"


Ano bang pinagtatatanong ng impaktang ito?


"Usap-usapan pala ng mga katrabaho natin, may gusto raw sa 'yo ang boss natin. Totoo ba, Martina?" Nakakaloko ang ngiti niya habang tinatanong ako.


Nanlaki ang mga mata ko. Anong alam niya?! Kumuyom ang kamao ko. Parang gusto ko siyang sampalin hanggang sa umikot ang kanyang ulo.


"Anyway, ano ba ang mga type mong kulay? Kung ayaw mo ng pink at white, blue kaya?"


"Bakit mo ba tinatanong?"


Ngumisi siya. "Wala lang." Pagkatapos ay pumailalim sa akin ang mga titig niya. "Inaalam ko lang kung paano ka nagustuhan ni Rix."


Bakit 'Rix' na lang ang tawag niya kay Rix? Sa harapan ko pa talaga! Puwede namang ilihim niya, di ba? Tutal traidor naman silang dalawa!


"Joke lang." Napahalakhak siya.


Inirapan ko siya.


"Ano nga kasi ang favorite color mo, Martina?" Ayaw niya pa ring tumigil talaga.


"Violet," naiinis na sagot ko para manahimik na siya. Kaya lang, may tanong pa rin siya.


"Bakit violet?"


"Tingin ko kasi, bagay maging violet yang mukha mo kapag sinuntok ko."


"Ano?"


"Joke lang." Pinilit kong mapahalakhak.


Natawa siya. Tinapik niya ako sa balikat. "Joker ka pala."


"Ano ka ba, minsan lang." Kinutusan ko siya.


Humahalakhak siyang pinisil ako sa siko.


Kinurot ko siya sa braso.


Kiniliti niya ang tagiliran ko.


Sinampal ko siya sa sentido.


Nabigla siya sa ginawa ko. Sapu-sapo niya ang kanyang ulo.


Nagtagis ang bagang ko. "Layuan mo siya, dahil hindi lang 'yan ang matitikman mo." Tinalikuran ko na siya pagkuwan.


Iniwan ko siyang tulala na mag-isa sa locker room.


Napapikit ako at huminga nang malalim. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Dahil kung hindi ako kakalma, babalikan ko siya sa locker room at kakalbuhin.



"MARTINA, ARE YOU OKAY?" tanong sa akin ni Rix. Hindi pa tapos ang duty nang bigla niya akong hilahin sa pulso. Ayaw ko sanang sumama kaya lang ay nakita ko na seryoso ang ekspresyon niya. Ayaw ko naman pagtinginan pa kami ng mga katrabaho ko sa coffee shop kaya sumama na ako sa labas.


Akala ko ay mag-uusap lang kami sa kotse niya nang bigla niyang imaneho iyon paalis. Sa isang 5-star resto niya ako dinala. Napansin niya raw kasi na namamayat ako kaya pakakainin niya ako. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Heto nga, magkaharap na kami sa mesa na puno ng mga in-order niya.


"You're not eating your food." Sinulyapan niya ang plato ko na walang kabawas-bawas.


Tiningnan ko lang siya. Wala talaga akong kagana-gana.


"And how about you and Shena? Are you guys okay?"


Mukhang nagsumbong na ang maldita.


Sumipsip ako ng juice. "Bakit mo naitanong?" Dami pang paligoy-ligoy, iyon naman pala ang dahilan kaya dinala niya ako rito. Gusto niya lang pala akong uriratin tungkol kay Shena, at hindi dahil sa nag-aalala siya sa pamamayat ko.


"Nag-away ba kayo?"


Napanguso ako. "Kinurot niya kasi ako."


"So simpleng away lang 'yon?"


Hindi ko siya kinibo.


"I need her."


Nabitiwan ko ang straw ng iniinom na juice dahil sa sinabi niya.


"She's a good designer at her school. She's an artist. I need her."


Iyon kasi ang kurso ni Shena. Tungkol sa design-design.


Tinitigan ko nang masama si Rix. "At bakit mo naman kailangan ng designer?"


Napatitig siya sa akin. "Are you jealous of her?"


Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako magseselos?"


Hindi na siya kumibo. Kapwa na lang kami yumuko. Hindi rin namin ginalaw ang mga pagkain na in-order niya.


Tumayo siya at inayos ang kanyang kurbata. "Let's go. I'll bring you home."


Busangot ang mukha ko na sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papuntang parking lot ay may naisip ako. Kunwari ay may tumawag sa cellphone ko. "Hello?" sagot ko kuno. "Oh, kumusta?"


Napahinto sa paglalakad si Rix at nilingon ako. Lalo akong ginanahan sa naiisip na kalokohan. Ang wirdo ng pumapasok sa isip ko, pero ito lang sa tingin ko ang makakaalis sa aking pagkairita na ilang araw ko na ring tinitiis.


"Uy, miss na rin kita!" Nilakasan ko talaga ang boses ko.


Nangunot ang kanyang noo. "Sino yang kausap mo?"


Tinakpan ko ang speaker ng phone ko. "Si Marlon." Umakto ako na may kausap nga talaga ako sa kabilang linya.


Nagdilim ang mukha ni Rix.


Binalikan ko ang cellphone. Humalakhak ako kahit wala namang nakakatawa. "Kelan 'yan? Sige sama ako. Mukhang masaya 'yan."


Tinitingnan ko ang reaksyon ni Rix. Hindi na maipinta ang mukha niya.


"Puwede naman akong um-absent sa trabaho. Basta sama ako sa 'yo, ha?"


Nagmartsa si Rix papalapit sa akin. Inagaw niya ang cellphone ko at ibinato sa malayo. Wasak agad iyon. Kinuha niya ang kamay ko. "Let's go."


Gigil na tinabig ko ang kamay niya. "Bakit mo tinapon ang cellphone ko?!"


"Bibilhan na lang kita ng bago." Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinila na ako papasok sa kotse.


Pagpasok niya ng sasakyan ay padabog niyang isinara ang pinto.


"Galit ka?" kagat-labing tanong ko sa kanya.


Seryoso lang ang kanyang mukha. "Of course not."


"Eh, bakit ka nagdadabog?"


Hindi siya sumagot. Binuhay niya ang makina at pinaharurot ang sasakyan.


"Maaga pa masyado, hindi pa ako inaantok. Maggala muna tayo o kaya ay bilhan mo muna ako ng bagong cell phone..." sabi ko.


Pero ang sagot niya, "I'm tired now, Martina. I'll buy you phone tomorrow."


Hindi na ko nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magmaneho.


Ibinaba niya ako sa kanto ng tinutuluyan ko. Wala kaming kibuan habang naglalakad sa makitid na eskinita. Nang makita niya akong nakapasok na sa pinto, umalis na siya. Hindi ko na siya nilingon pa.


Ang bigat sa dibdib. Ganoon lang? Umalis na lang siya agad? Ni hindi niya man lang ako inusisa pa kung bakit ba ako nagkakaganito? Talaga bang ayaw niya na? Hindi ako makahinga sa paninikip ng aking dibdib. Bakit ang bilis naman niyang magsawa?


Lumabas ulit ako ng pinto at naglakad palabas ng eskinita. Ngunit wala na ang sasakyan niya doon. Wala ng katao-tao.


Saan kaya siya nagpupunta? Umuuwi kaya agad siya sa kanila? O baka nakikipagkita kay Shena?


Pauwi na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Martina."


Nang lingunin ko ito, nagulat ako. "Marlon?"


Nakangiti sa akin ang lalaki. May saklay siya habang papalapit sa akin.


"Nakakalakad ka na?"


"Kaunti."


Nang nasa aking harapan na siya ay tiningala ko siya. "Ano ngapalang ginagawa mo rito?" Ngayon lang siya nakapunta sa lugar ko rito. Siguro ay ipinagtanong-tanong niya.


"Actually, kanina pa ko dito. Hinihintay kita."


"Ha? Bakit? May kailangan ka ba?" Wala akong maisip na dahilan para puntahan niya ako. Paid na ang lahat ng bills niya, kahit ang future bills sa therapies. Sapat din ang pera niya sa bangko na i-d-in-eposit ko.


"Tinatawagan kita kaso hindi ka sumasagot."


Napakamot ako. "Wala kasi 'yong cellphone ko eh. Naibato..."


"Naibato?"


"Ha? Ah, di ko sinasadya, naibato ko. Nawala tuloy," pagsisinungaling ko. "May sasabihin ka ba kaya ka pumunta rito?" Sabihin mo na, inaantok na kasi ako.


Napayuko siya matapos sumeryoso ang mukha. "Gusto ko lang ng closure."


"Ah." Napangiwi ako. "Ano 'yon? Iyon ba 'yong damitan."


"Closet 'yon. Iba 'yong closure."


"Ah, okay."


"Alam mo naman, hindi tayo nagkaroon nang maayos na break up. Kaya gusto ko ng closure."


Napabuntong-hininga ako. "Sorry, Marlon. Pero ayoko na talaga."


"I understand. Hindi naman na kita pipilitin. Isa pa, hindi naman talaga ako naging mabuting boyfriend sa 'yo."


"Hindi lang naman 'yon ang dahilan kung bakit ayaw ko na, kahit pa isa talaga iyon sa matinding dahilan..."


"Ha? Eh, ano pa ba?"


"K-kasi... may mahal na akong iba."


Lumamlam ang kanyang mga mata. "Ang swerte naman ng lalaking 'yon..."


Napayuko ako at hindi nakakibo.


"A-ang sarap mo kayang magmahal." Pumiyok siya. "Gago lang talaga ako dahil sinayang kita... I'm sorry. I'm really, really sorry..."


Nang tingalain ko siya ay nagulat ako nang makita na nangingilid ang mga luha niya. Namumula rin ang dulo ng matangos niyang ilong.


"Martina, sobrang bait mo. Iyon ang bagay na nagustuhan ko sa 'yo. Iyon iyong minahal ko. Pero sa sobrang bait mo, hindi ko namalayan na inaabuso ko na pala iyong kabaitan mo. Akala ko okay lang ibuhos ko lahat sa 'yo ang frustrations ko sa buhay. Akala ko okay lang. Akala ko ay kahit anong mangyari, hindi mo ako susukuan. Sobrang mali ko. Nang wala ka na, saka ko na-realize kung gaano ako kagago. I'm sorry..."


Napatanga ako sa kanya dahil ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganito. Ngayon niya lang din nasabi sa akin ang mga salitang ito.


"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayon. Parang mas nadoble ang pilay ko nang iwan mo ako. Hindi na ako makakakita pa ng katulad mo, and I don't know kung maghahanap pa ba ako. I'm pathetic, right." Napahikbi siya. "Okay lang, Martina, kung pagtawanan mo ako. Deserve ko iyon."


Kahit paano ay nakaramdam ako ng simpatya para kay Marlon. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. "Anong problema mo diyan, bakit umiiyak ka?"


Umuga ang balikat niya. "M-mahal pa rin kita, Martina. M-mahal pa rin kita..."


"Shh..." alo ko sa kanya. "Tahan na, Marlon. Lilipas din ito. Makakakita ka rin ng higit sa akin. Iyong mamahalin mo nang totoo, iyong irerespeto mo, at iyong hindi mo hahayaang sukuan ka dahil pahahalagahan mo siya..."


Tumango siya. Gumanti siya ng yakap sa akin. "S-salamat sa lahat. S-sana mapatawad mo ko."


Hinimas ko siya sa likod. "Napatawad na kita."


Kumalas siya sa akin. "Friends?" Kinamayan niya ako.


Kinamayan ko siya. "Friends."


Biglang may isang lalaki ang humila kay Marlon. Ibinato siya sa kung saan.


Rix!


Napahiga sa lupa si Marlon. At dahil nga hirap pa makalakad, ay hirap din siyang makatayo. Bago pa siya makatayo ay nalapitan na siya ni Rix. Kinwelyuhan siya nito at ibinangon para akmang sapakin ulit. Nanghilakbot naman ako dahil may injury pa si Marlon.


Nanakbo ako patungo kay Rix para awatin ang lalaki. "Rix, tama na–" Hinawakan ko siya sa braso pero tinulak niya lang ako palayo.


Sinikmuraan ni Rix si Marlon kaya namilipit ito bago pa makalapag sa lupa. Pagkatapos ay tinuhod sa mukha. Sargo ang dugo nito sa ilong nang matumba. Nagsisigaw ako ngunit walang tulong na dumarating.


At kahit anong makaawa ko kay Rix ay hindi nakikinig. Parang sarado ang isip niya at ang kanyang bughaw na mga mata ay madilim ang ekspresyon. Sobrang lamig.


Diyos ko! Baka mapatay niya si Marlon!


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

380K 26.7K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
836K 39K 30
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
854K 42.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
132K 2.7K 22
Duke & Izza