The Wrong One (BOS: New World...

Par JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... Plus

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 24

290K 10.7K 1.8K
Par JFstories

"'INSAN." Inuga ako ni Gracia.


Nagulat ako sa malakas na boses. Umangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko. May panis na laway pa ako sa braso.


"Gising. Binabangungot ka!"


"Ha?" Luminga ako sa paligid. Narito pa rin ako sa may batong upuan at mesa na kaharap ng university canteen!


Tumingin ako sa lugar kung saan natanaw kanina ni Gracia si Shena, pero wala akong makitang kalsada. Maliit lang ang school namin pero matataas ang mga bakod, hindi kita ang labas. Kung ganoon, panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina?!


"Anyare sa 'yo? Anong panaginip mo?"


Napahilot ako sa aking sentido. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na nahuli ko si Rix at Shena na naghahalikan sa locker room.


Napahawak ako sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim. Hindi ko kakayanin kapag nakita ko ang ganoong eksena sa totoong pangyayari. Ang sakit sa dibdib. Nasasaktan pa rin ako kahit namulat na ako sa isang masamang panaginip.


"Okay ka lang, 'insan?" Sinilip ni Gracia ang mukha ko. "Ang sama siguro ng panaginip mo, ano? Umiiyak ka, eh."


Napahawak ako sa aking mga mata. Basa ang aking mga pilikmata.


Biglang sumeryoso ang mukha ni Gracia. "Magtapat ka nga sa'kin, 'insan. Ano na ba talaga ang level niyo ni Prof?"


Boyfriend ko na. Pero hindi ko talaga maisaboses, lalo dahil sa napanaginipan ko. Bigla tuloy akong napaisip, hindi kaya ako lang ang nag-iisip na kami na ni Rix? Baka kay Rix ay isang tipikal na relasyon ng isang adult na babae at lalaki lang ang meron kami? Laking Amerika siya, puwedeng nakuha niya ang paniniwala at ugali ng ibang banyaga pagdating sa ganitong aspeto.


Sa naisip ay saka ko lang napagtanto na hindi nga kami malinaw. Nadala ako sa pagtatapat niya ng nararamdaman sa akin at pati na rin sa espesyal na pagtrato niya, pero wala pa talaga kaming usapan kung ano ba kaming dalawa. Kasi kung kami na nga talaga na ospiyal, eh bakit wala kaming napag-usapang monthsary? 'Di ba ganoon iyon?


"Ang tanong, mahal mo na ba?"


Napalunok ako sa panibagong tanong ni Gracia.


"Tandaan mo, ang layo ng pagitan niyong dalawa. Iyang ganyang kaguwapo, 'insan, imposibleng hindi maghanap ng iba 'yan. Imposibleng hindi maagaw sa 'yo 'yan."


Nalungkot ako sa sinabi ni Gracia. Tama lang naman kasi siya. Malayo nga ang agwat namin ni Rix sa isa't isa. Sa estado pa lang sa buhay, hindi ko na kayang abutin ang lalaki. Sobrang alangan ako hindi lang sa estado, pati na sa propesyon at higit sa lahat, sa talino. Puwede pa sanang ilaban kung saksakan ako ng ganda, kaya lang cute nga lang, di ba?


Ilang beses din na sumasagi sa isip ko, baka naman talagang nabibigla lang si Rix sa akin. Baka naninibago lang, nati-thrill kasi nga kakaiba ako. Kakaiba sa mga kinasanayan niyang nagagandahan, nagtatalinuhan, at nagsososyalang babae. Sa huli, darating din ang panahon na magsasawa na siya. Na babalik na rin siya sa dating mga nakasanayan niya. Iyong hindi magiging alangan sa kanya.


Ngayon ko tuloy tinatanong ang sarili ko kung dapat ko pa bang ituloy ito. Baka kasi sa huli ay ako lang ang talo. Malaki ang mawawala sa akin. Ako lang ang kaawa-awa sa huli.


....


NAPATINGIN ako sa kalendaryong nakasabit sa pader. Malapit na pala ang birthday ko. Sa susunod na linggo na ito.


Sa lahat ng mga kaarawan ko na nagdaan sa buhay ko, isang masayang birthday lang ang naaalala ko. Ito ay iyong bata pa ako na kasama ko sina Papa at Mama. Pagkatapos mamatay ni Papa, hindi na ako nagkaroon pa ng masayang kaarawan. Parang normal na araw na lang iyon tuwing sasapit. Parang wala na lang.


Napapitlag ako nang may biglang lumapit na customer sa counter. Nilapitan ko ito at kinuha ang order. Wala sa sariling napalingap ako sa di kalayuan. Natanaw ko sina Rix at Shena na nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.


May hawak na ballpen si Shena at kinakagat-kagat niya ito habang naglilista. Nakatitig siya kay Rix habang nagsasalita ito. May kung anong naglalaro sa kanyang mga mata.


Tinapik ko ang mukha ko. Nanaginip lang ba ako? Hindi naman siguro. Bigla kasing nanikip ang dibdib ko. Hindi mawala sa isip ko iyong napanaginipan ko.


"Martina, 'yong order daw?" untag sa akin ng isa sa mga katrabaho ko.


"A-ah, saan?" Hindi magkandatuto na napalingap ako sa paligid ko.


"Customer, Martina. Nasa harapan mo."


"Ay, oo nga pala!" Kinuha ko ang order ng customer. Pagkatapos ay lumapit ako kina Rix at Shena. Nitong mga nakaraan, nahuhulog ako sa pag-iisip. Kinakain ako ng insecurities. Oha, tama iyong pagkakasabi ko. Ganito yata kapag may dinaramdam, tumatalino nang slight.


Paglapit ko, biglang nag-iwasan ang dalawa. Bigla silang naghiwalay na parang walang pinag-uusapan kanina.


"Anong nangyayari, Rix?" Tiningala ko ang lalaki.


"Huh?"


Napalunok ako. "A-anong pinag-uusapan niyo?"


"Nothing." Tinapik niya ako sa balikat. "Get back to work." Nilampasan niya ako at naglakad ng pabalik sa desk.


Nilingon ko si Shena at kitang-kita ko na nagkasenyasan ang dalawa sa mata.


Para akong mabubuwal sa aking kinatatayuan. Anong ibig sabihin ng kanilang mga tinginan?


Meron bang namamagitan sa kanilang dalawa? Iyong panaginip ko, hindi kaya nagbibigay na iyon sa akin ng babala?


Parang pinipiga ang puso ko. Wala naman sanang tama sa mga hinala ko. Hindi nalalayo ang edad namin ni Shena, at di hamak na mas maganda siya sa akin. Mas matangkad, mas maputi at mas malaman. Mas matalino rin siya. Hindi ko siya katulad na boba at walang alam. Wag naman sanang mahulog si Rix sa kanya dahil baka hindi ko kayanin.


Inabala ko na lang ang aking sarili sa kung anu-anong gawain. Kahit hindi ko trabaho, trinabaho ko na para lang malibang ako. Kahit hindi ko customer ay inasikaso ko upang abalahin ang aking sarili. Hindi naman kasi sa kinokontra ko itong tumatakbo sa isip ko. Gusto ko lang talaga na mabawasan itong sakit na nararamdaman ko.


Nang mga sandaling iyon, hindi ako pinapansin ni Rix. Hindi ko alam kung ano iyong pinagkakaabalahan niya. Parang masyado siyang busy kakatawag sa cellphone niya at kakasulat sa isang papel.


Pagkatapos ng shift ko, nagbihis na ako sa locker room. Nakakapagtaka, wala yatang Rix na humihila sa akin sa dilim.


Lumabas ako sa employee's exit. Inabangan ko si Rix. Mayamaya lang ay dumating na siya na nakasakay sa kanyang mamahaling kotse.


Huminto siya sa harapan ko at lumabas ng sasakyan. Umikot siya sa passenger's seat para pagbuksan ako.


Nang makapasok ako, bumalik na siya sa driver's seat. "Are you all right?"


Hindi ko siya kinibo. Hindi ko rin alam kung okay nga ba ako.


"Are you mad?"


Inirapan ko siya. "Bakit naman ako magagalit? Tayo ba?"


"Huh?"


Natutop ko ang aking bibig. Ano ba itong lumalabas sa bibig ko? "M-may dapat ba akong ikagalit?"


"Nothing." Binuhay niya ang makina at pinaandar ang sasakyan. "Do you wanna go somewhere else?"


"Ayoko. Uuwi na ako."


Hindi siya kumibo. Sinilip niya lang ako sa rearview mirror. Wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan ko.


Isa ito sa kinaaayawan ko sa kanya. Siya kasi iyong tipo ng lalaki na kapag hindi ka nagsalita, hindi rin siya magsasalita. Kapag wala kang tanong, wala rin ang matipid niyang sagot. Hindi ko tuloy alam kung tinatamad lang talaga siyang magsalita. Madaldal lang siya kapag nangroromansa na. Nakakainis.


Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makalabas ako. Pagbaba ko, dumeretso na ako papunta sa tinutuluyan ko. Ni hindi na siya nag-abala na habulin ako. Wala rin siyang salita na binitiwan bago ako nakalayo.


Padabog kong isinara ang pinto. Humiga ako sa matigas kong higaan. Nagtalukbong ako ng kumot.


Hinihintay ko na kumatok siya at tanungin kung galit ba ako. Hinahanda ko na ang isasagot ko. Sasabihin ko na lang na pagod ako. Tapos.


Pero wala akong katok na narinig. Sa huli, marahan akong bumangon at sinilip ang labas upang tingnan kung naroon pa siya. Bumagsak ang balikat ko.


Wala na ang talipandas!


....


NASAAN kaya si Rix? Bakit wala siya rito sa coffee shop? Hindi rin siya nagturo kanina. Wala man lang siyang tawag o text. Hindi man lang siya nagsabi sa akin kung nasaan siya.


Ang nakakainis pa nito, wala rin si Shena. Tiningnan ko ang schedule namin, hindi naman ngayon ang rest day ng babaeng iyon.


Hindi ko gusto itong naiisip ko. Parang nakakapagtaka naman yatang sabay pa silang wala. Hindi ako mapapakali nito. Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko.


Bumalik ako sa locker room at kinuha ang aking cell phone. Sa totoo lang, bawal kami gumamit ng cellphone kapag naka-duty. Pero hindi naman ako makakapagtrabaho nang maayos kapag may iniisip akong ganito. Lalo na't hindi naging maganda ang pag-uusap namin ni Rix kagabi.


Tinawagan ko si Rix. Hindi naman nito sinagot. Nasaan kaya siya? Wala pa akong tawag na hindi niya agad sinagot.


Tinawagan ko ulit siya. Hindi ulit sinagot. Hanggang sa inulit-ulit ko. Wala talagang sumasagot. Kamuntik ko na ngang maibato itong cellphone ko.


Kahit si Shena ay hindi rin sumasagot nang tangkain kong tawagan ang babae. Napapikit muna ako bago nagtipa ng numero na binura ko na. Naisipan ko na tawagan si Marlon para itanong kung nasa bahay ba nila ang kapatid. Kaso, biglang nagdalawang isip ako. Kaya ko na bang makausap ulit si Marlon? Sa huli, tinawagan ko na rin siya. Sinagot naman niya agad ang tawag ko.


"Martina?" Parang hindi siya makapaniwala sa tono ng boses niya.


"Hi. Kumusta ka?" bungad ko.


"Okay lang. How about you?"


"Okay lang din." Iniba ko agad ang usapan. "'Nga pala, nandiyan pa ba sa inyo si Shena?"


"Pumasok na."


"P-pumasok?" Napahawak ako sa dibdib ko.


"Kanina pa. Why? Wala ba riyan?"


Parang may pumiga sa puso ko. Ang ibig sabihin ba nito, tama ang hinala ko? Na magkasama ngayon sina Shena at Rix?


"Hello, Martina?"


"H-ha?"


"Bakit, wala ba riyan si Shena? Maaga siyang umalis kanina para pumasok diyan sa pinagtatrabahuan niya. Kailangan daw kasi siya riyan nang maaga. Hindi na nga yata siya nakapunta sa school niya."


"A-ah, papasok pa lang ako. Text kita mamaya. Bye." Pinatayan ko na siya ng linya.


Gumegewang akong naupo. Bigla akong nahilo. Para akong masusuka. Ang bigat-bigat din ng katawan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bukod sa madalas na akong napapaisip ng kung anu-ano, parang may mali rin ngayon sa kalusugan ko.


Dali akong nagbihis at nagpalit ng umiporme. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na mag-under time ako. Hindi ko kayang magtrabaho. Hindi ako makapag-focus. Dumeretso na ako pauwi sa tinutuluyan ko. Sinubukan ko na lang matulog, pero hindi naman ako dinalaw ng antok. Ang daming gumugulo sa isip ko.


Kung talagang magkasama si Rix at Shena ngayon, ano kaya ang ginagawa nilang dalawa? Paano kung magkahalikan sila? Paano kung madala sila sa isa't isa?


Mukha pa namang magaling si Shena sa kama. Sa dami ba naman ng naging boyfriend ng babaeng iyon, pihadong alam na niya ang gagawin. Hindi tulad ko, nangangapa. Nanghuhula kung tama ba ang aking ginagawa kay Rix kapag nasa kama.


Hindi ko kailangang makipagpaligsahan sa ganoong aspeto. Hindi man kami malinaw ni Rix, dapat alam niya na may pananagutan na siya sa akin. Hindi naman ako pakawalang babae, siya pa lang ang pinagbigyan ko ng aking sarili. Hindi rin ako naging masama sa kanya kahit kailan. Sinikap kong maging mabuting girlfriend sa abot ng makakaya ko. Kung itatapon niya lahat iyon dahil lang nakakita siya ng mas maganda at mas magaling, siya na ang may problema at hindi ako!


Napabalikwas ako ng bangon. Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang aking cellphone. Sinubukan ko na tawagan siya ulit. Kung papalitan niya na ako, palitan niya ako na alam ko. 'Wag niya akong paasahin at lokohin. Kahit masaktan ako, mas matatanggap ko pa kung magiging tapat siya sa akin.


Ilang tawag na, hindi naman sumagot ang lalaki. Tinawagan ko ulit. Hindi ako titigil hangga't hindi kami nagkakausap. Mayamaya ay may sumagot sa linya. "Hello?"


Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ng isang babae. "S-sino 'to?"


"Martina, si Shena 'to. Wala si Rix, nasa banyo."


Nabitiwan ko ang hawak na cellphone kasabay ng pagpatak ng luha ko. Sa tingin ko, sapat na iyon para mapatunayan na totoo ang hinala ko. 


jfstories

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.8M 61.6K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
139K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...