The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 22 [Part 2]

315K 12.5K 1.4K
By JFstories

"KUMUSTA SI MARLON?" tanong ni Gracia. Kasalukuyan kaming nasa loob ng klase. Naghihintay kami ng professor na magtuturo sa amin.


Nangalumbaba ako. "Hindi ko alam. Wala na kami."


Namilog ang mga mata niya. "Seryoso?! Matapos mong bayaran ang lahat ng bills niya sa hospital?"


"Alam mo, 'insan, tama ka. Hindi ko maiwan si Marlon dahil iniisip ko na mahal ko siya. Iniisip ko na concreted ako sa kanya."


"Concreted? Baka committed?"


"Basta." Napayuko ako. "Sinisisi ko kasi ang sarili ko kung bakit siya naaksidente. Pero ngayong napa-opera ko na siya, wala na akong pananagutan sa kanya."


"Na-realize mo na hindi mo na pala talaga siya mahal?"


Ngumuso ako. "Hindi ko matandaan kung minahal ko ba talaga siya. Siguro oo, 'tapos nawala na lang katagalan. Di ba ang feelings, nauubos at nawawala kapag hindi naaalagaan." Sa lagay namin ni Marlon, parang puro ako lang ang nagmamahal, ang umuunawa, ang nanunuyo kapag may hindi kami pagkakaunawaan. Napagod na rin ako sa huli dahil ito na rin mismo ang bumitiw sa akin.


"Ganoon naman talaga madalas, eh." Tumango-tango si Gracia. "Akala mo lang mahal mo, pero in love ka lang pala sa idea na may mahal ka at may nagmamahal sa 'yo. Natatakot ka lang na mag-isa at aminin sa sarili mo na mali ka."


Ako naman ang tumango. Nadale niya pa ang isang dahilan. Masyado pa akong bata noon, maagang naulila, mahina ang loob, kulang sa pagmamahal at atensyon. Nandoon din ang inggit sa nakatatanda kong kapatid dahil meron itong karelasyon na kasama nito. Na-curious ako sa pakiramdam na meron ding magmamahal at mag-aasikaso sa akin.


Si Marlon ang unang nanligaw sa akin, pinakitaan ako saglit ng maganda, agad na akong nahulog. Minahal ko ang ideya na may nagmamahal na sa akin at hindi na ako nag-iisa. Kaya kahit magulo na ang sitwasyon namin ni Marlon, hindi pa rin ako makaalis dahil isinasaalang-alang ko ang aming mga pinagsamahan. Dumagdag pa ang aksidente nito kaya lalong hindi ko ito noon magawang iwan.


"Mahirap talagang matali sa relasyon na walang feelings maliban sa guilt. Hindi mo maiwan ang isang tao kahit toxic na ang relasyon niyo. Hindi mo maiwan kahit gusto mo nang iwan kasi feeling mo mahal mo talaga siya at kawawa siya kapag iniwan mo siya. O feeling mo kawawa ka pag nagkahiwalay na kayong dalawa." Tinapik niya ako sa balikat. "Pero masaya ako para sa 'yo, Martina. Finally, natuto at natauhan ka na."


Napabuntong-hininga ako. Wala na talaga ang bigat sa dibdib ko dahil alam ko na kahit wala na ako sa tabi ni Marlon, magiging okay na ito.


Ayon kay Shena, medyo nakakalakad na raw si Marlon sa tulong ng therapy. Nakipagkita kasi sa akin ang babae kahapon. Pinipilit niya ako na ipasok ko siya sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop. Kaya hayun, nakibalita na rin ako.


Madalas daw akong hinahanap ni Marlon. Minsan, umiiyak ito. Nami-miss daw ako. Eh, kahit lumuha pa siya ng dugo sa harapan ko, hindi na ako babalik sa kanya. Tama na iyong mga taon na nagpakatanga ako sa kanya.


"Si Kuya Maximus, hindi pa ba siya makakalabas ng ospital?" untag sa akin ni Gracia dahil sa biglang pananahimik ko.


"Baka sa mga susunod na araw, puwede na."


"Bakit kasi hindi niyo idemanda 'yong jowa niya na nanggulpi sa kanya?"


"Sabi ni Kuya Maximus, delikado raw ang taong 'yon. Kaya hayaan na lang daw namin. Ayaw na niyang palakihin ang gulo. Baka raw madamay pa ako." Ewan ko ba, pareho kaming minalas talaga ng kapatid ko sa lovelife. Mabuti na lang talaga at nakakaisa pa lang ako, si Kuya Maximus kasi ay nakakailan na.


At swerte ko na lang din ngayon siguro, kasi nasa mabuting kamay na ako. Hehe.


Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Rix. Kahit mula siya sa kinauupuan ko ay nanunuot sa ilong ko ang mamahalin niyang cologne. Naka-glasses man siya ay malinaw na makikita pa rin ang pagka-asul ng kanyang mga mata. Naka-fitted siya na long sleeve at blue jeans. Sa paahan niya ay itim na loafers.


Spoking. Este, speaking pala.


Nabuhayan tuloy ang mga inaantok kong mga kaklaseng babae. Parang kanina lang ay nagbibilang na sila ng tupa. Nang makita nila si Rix, biglang umayos ang mga upo nila.


Bakas sa mga mukha nila ang tuwa. Ang mga mata nila ay nagniningning dahil bumalik na ang paboritong batang prof ng bayan.


Ako naman ay nakanganga habang nakatingin kay Rix kasi ang guwapo-guwapo niya. Siya ba talaga iyong lalaking kasama ko gabi-gabi? Iyong masuyong humahaplos sa aking pisngi, yumayakap sa akin habang mainit na hinahalikan ako sa labi? Siya ba talaga iyon? Boyfriend ko ba talaga siya?


"Martina." Sa akin agad siya tumingin. Teka, bakit yata salubong ang kilay niya? Wala ba siya sa mood? Pero kagabi lang, mapupungay sa akin ang mga mata niya na kakulay ng maliwanag na karagatan. Inubos namin ang magdamag sa pagtititigan.


Napatayo ako sa pagkakaupo dahil talagang tinawag niya ako. Ang mga kaklase ko tuloy sa subject ay lahat napatingin sa akin. "P-Prof, bakit po?"


"Ilang araw kang absent. Why?"


Seryoso ba siya? Parang hindi niya alam na sa mga araw na hindi ako pumasok ay kasama ko siya. Ano bang drama ng lintek na poging ito?


"Let's talk outside. Follow me." Nagpatiuna siya sa labas.


Ano bang pinagsasabi ng adonis na ito? Teka nga at masundan. Mahalikan.


Sumunod ako sa kanya. Naglakad papunta sa office niya. Ang taray talaga niya, may sariling office. Ikaw ba naman, stock holder ng university system na ito. Ayun, pumasok na nga kami sa loob. Dahil pinauna niya ako ay napalingon ako nang marinig ang pag-lock niya sa pinto.


"Sit," utos niya sa akin na ang tinutukoy ay ang swivel chair sa harapan ng desk niya.


Naupo naman ako habang nasa harapan ko siya. Ano kaya ang balak niya? Bakit dito niya pa ako dinala?


Humalukipkip siya. "Bakit ka absent nang ilang araw?"


Yabang nito. Parang siya ay hindi kapapasok lang. "Wag mong sabihing ibabagsak mo ko?"


"It depends." Biglang may naglarong ngiti sa kanyang mapulang mga labi.


"A-anong ibig mong sabihin?" May namuong butil ng pawis sa aking pisngi.


Bigla siyang lumuhod. Inangat niya ang palda ko.


Inawat ko siya. "A-anong ginagawa mo? Nasa university tayo, dapat nag-aaral ako!"


Tumingala siya sa akin at nginitian ako. "I'll tutor you in all of your subjects."


Napalingap ako sa bintana. Nakasardo ang blinds. "P-pero..."


"Relax. I'll do it fast." Sumuot ang ulo niya sa loob ng palda ko. Pagkatapos ay ibinuka niya ang mga hita ko.


"R-Rix –" Hindi ko na siya naawat. Huli na dahil nabaklas na niya ang panty ko.


Iniangat niya ang magkabila kong binti. Lalo niyang ibinuka ang aking mga hita. Ramdam ko ang mainit na paghinga niya sa aking gitna.


At sa mga sumunod na sandali, hindi ko na nakuha pang magtanong dahil nalunod na ako sa pakiramdam ng sinasabi niyang tornado tongue!


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

505K 8.4K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...
821K 38.6K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...