The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 21

301K 13.2K 4.5K
By JFstories

NADATNAN ko si Rix na nakatalungko sa sulok pagsilip ko sa pinto. Napapatampal pa siya sa kanyang braso habang nakapikit dahil kinagat yata siya ng lamok.


Hindi ko akalaing nandito pa rin siya matapos ng mga nagawa at nasabi ko sa kanya. Nakatulog siya kakahintay sa akin.


Tumitilaok na ang mga manok nang makaalis ako sa ospital. Lumabas ulit ako at nagpalakad-lakad. Nag-iisip ako kung ano ang ibubungad ko sa kanya. Sinabunutan ko ang aking sarili.


Akala ko kasi talaga ay si Rix ang sumunog ng bahay ng boyfriend ni Kuya Maximus. Hindi pala. Si Kuya Maximus pala talaga ang sumunog. Ito lang kasi ang naisip na paraan ng kapatid ko paraan para makaligtas siya sa boyfriend niya. Hindi niya na ito mahal dahil nauntog na rin siya sa katotohanan na hindi siya mapapabuti rito. Ang kaso, imbes na makalaya ay mas lumala pa ang sitwasyon niya.


Napabuga ako ng hangin nang muling sumulyap sa maliit na kuwartong inuupahan ko. Naroon pa rin si Rix. Galit pa rin ako sa kanya pero hindi na ganoon katindi. Mas nangingibabaw ngayon ang panliliit ko dahil sa pagbibintang ko sa kanya. Nagpabulag ako sa galit. Akala ko na siya rin ang sumunog sa bahay ng boyfriend ng aking kapatid. Hindi pala siya. Kung anu-ano pang masasakit na salita ang nabitiwan ko sa kanya.


Bakit niya ko hinayaan na makapagsalita ng masasakit na salita sa kanya? Bakit wala siyang imik habang hinuhusgahan ko ang pagkatao niya? Hindi man lang ba niya nagawang magalit sa akin dahil sa mga nasabi ko sa kanya? Bakit ba kasi napakamisteryoso niya?


Bumalik ako sa pinto at pumasok. Tumikhim ako. "Ahem."


Narinig niya yata ang boses ko kaya nag-angat siya ng mukha. Nang makita niya ako, bigla siyang napatayo. Pupungas-pungas pa siya at namumula pa ang kanyang bughaw na mga mata sa antok.


Napabaling siya ng tingin sa bintana. Iniisip niya yata na may kasama na akong pulis at ipinapahuli ko na siya. Sa huli ay napayuko siya.


Napanguso ako. Ang guwapo talaga ng lalaking ito kahit bagong gising at magulo ang buhok. Kahit hindi pa naliligo, mukha pa rin siyang mabango. At mabango nga naman talaga.


Bumuga ako ng hangin. "May tira pa ba?"


Umangat nang bahagya ang mukha niya. "Huh?"


Napakamot ako ng pisngi. "I-iyong pagkain na niluto mo..." Pinamulahan ako. "M-meron pa ba?"


Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Mayamaya ay tumalikod siya at may dinampot malapit sa kalan ko na de uling. May natitira pa pala roon sa pagkain na iniluto niya para sa akin. Nandoon sa luma kong tupperware nakalagay.


Kinuha ko iyon sa kanya. Naupo ako sa sahig at binulatlat ko ito. Hotdog at itlog. Parehas sunog. Iyong kanin naman ay parang kulang sa tubig. Bigas pa ang itsura.


Lumikot ang mga mata niya nang tingalain ko siya. "It's just... so hard to cook on your stove."


Pigil akong napangiti. Kita ko naman ang airport niya sa pagluluto. Effort pala. Mukha naman pinaghirapan niya ito. Kahit ako ay naghihirap din tuwing magluluto sa de uling kong kalan. Kailangan pa kasi itong paypayan para magningas.


"One more thing, wala akong ibang mabiling ulam diyan sa tindahan. Ayoko namang lumayo dahil bigla kang dumating at isipin mo na tumakas ako," paliwanag niya pa.


Hindi na ako nagsalita pa. Kumakalam na kasi talaga ang aking tiyan sa gutom. Maghapon ba naman akong walang kain. Nilantakan ko na ang luto niya, pero napangiwi ako nang malasahan ko ito. Lasang uling din kasi. Sobrang pait dahil sunog. Tumayo ako matapos bitiwan ang tupperware.


Sumunod siya ng tingin sa akin. "H-hindi mo ba nagustuhan?"


Hindi ako umimik.


Mahina siyang napamura. Kulang na lang ay suntukin niya ang sarili niya.


"'Lika dito," tawag ko sa kanya.


"Huh?" Bakas sa guwapo niyang mukha ang pagtataka.


"Kain tayo sa labas." Napakagat-labi ako. "Sagot ko."


May tira pa kasi roon sa pera na hinugot ko sa wallet niya kaya malakas ang aking loob na magyaya. Napatitig naman siya sa akin at hindi makapaniwala.


"Ayaw mo ba?"


Bigla siyang nataranta. Dinampot niya agad ang jacket niya at sumunod sa akin. Sabay kaming naglakad palabas. Wala kaming kibuan.


Nililingon ko siya habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasan. Lalo na't pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung paano ako hihingi ng tawad.


Naglalakad kami sa gilid ng kalsada nang mahina akong magsalita habang nakayuko. "R-Rix, sorry..."


Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Huh?"


Umiling ako. "Basta, sorry." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Napakainit ng palad niya. Hinila ko siya. "Hayun. Doon tayo kakain." Nakakita ako ng fishball. Hinila ko na lang siya at hindi nilingon.


"Why?" tanong niya. Pumreno ang mga paa niya.


Tiningala ko siya.


Sumimangot ako. "Wag na nating pag-usapan."


"But I want to, Martina. I also wanna know why it was your first time. You had a long-time boyfriend."


Huminto na rin ako at tiningala siya. "Ano ngayon kung matagal na kami? Sukatan ba iyon?"


"That's not what I meant. It doesn't matter if I'm the first or the last; it's just that... I can't help but be happy knowing that it was both our first time."


"Ha? First time mo rin?!" Kapal ng mukha nito. Samantalang sabi sa akin ni Loraine eh rough in bed nga raw siya.


Napatingala siya sa kalangitan. "It was my first time too." Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay nginitian niya ako. "It was my first time I made love."


Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo. Hindi kita maintindihan." Nakakainis, kung anu-anong pinagsasabi. Nagmartsa na ako na paalis. Iniwan ko na siyang nakabuntot sa akin.


"May plano ka pa bang ipakulong ako?"


Nang makarating kami sa restaurant at nakaupo nang magkaharap sa mesa ay saka ko lang siya muling tiningnan. Ilang beses ko na itong pinag-isipan. Ang sagot sa tanong niya.


Nagpakawala ako ng hangin sa bibig ko. Napapikit ako. Ito na lang ang paraan para makalaya ako. Ito lang ang alam kong daan para mapalaya ko na ang sarili ko. "Bayaran mo 'ko."


Umangat ang isa niyang kilay.


"Hindi na kita ipapakulong... basta bayaran mo ko."


....


BAYAD NA ANG HOSPITAL BILL NI MARLON.


Dinala rin siya sa isang private hospital na mas mamahalin, at doon siya inoperahan. Umabot ng mahigit two hundred thousand pesos ang bill, hindi pa roon kasama ang daily bill ng private room niya. Nagtagumpay ang operasyon at ngayon ay nagpapagaling na lang siya. Wala na siyang problema.


Ilang buwan na therapy lang ay makakalakad na ulit siya, ayon sa doktor. Ang therapies, private room with private nurse na mag-aalaga sa kanya hanggang sa gumaling siya ay hindi na rin niya problema. Bayad na lahat. Hindi lang iyon, wala nang iintindihin pa si Marlon kahit sa mga gamot. Bayad ko na ang supply pati ang everyday meal niya kasama merienda at midnight snacks.


Ang kuryente naman nila sa bahay, tubig, grocery stocks, ayos na rin. May bigay pa akong panggastos sa pamilya niya. Nag-deposit din ako ng two hundred thousand pesos sa bank account niya para may panggastos-gastos siya. Hindi sila gugutumin hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.


Ang perang ginamit ko? Iyong perang ibinigay sa akin ni Rix. Kapalit niyon, hindi ko na siya sasampahan ng kahit anong kaso. Kahit pa iyong pagpapasunog niya sa lumang bahay nina Mama at Papa noon.


Ngayon ay masasabi ko na talagang malaya na ako kay Marlon. Napaluha ako matapos ang lahat. Wala na akong pananagutan sa kanya. Nawakasan ko na ang grill na nararamdaman ko.


Guilt pala.


Kasalanan ko man na nalumpo siya, ngunit napanagutan ko na. Malaya na ako. Hindi na ako magpapakatanga sa kanya.


At tama si Gracia. Ipinako ko lang ang aking sarili kay Marlon at nasanay lang din ako na siya iyong taong pinangarap ko na makakasama sa buhay. Pero hindi ko siya mahal. O kung minahal ko man siya noon, naubos na ang pagmamahal na iyon ngayon.


Sakay ng wheelchair si Marlon at tulak-tulak ng kanyang ina. Tumingala siya sa mama niya. "Ma, iwan mo muna kami."


Kinuha ni Marlon ang kamay ko. "Salamat, baby..."


Nang dalawa na lang kami sa hallway ay tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. "Magpagaling ka."


"Mag-usap tayo tungkol sa'ting dalawa, Martina, please..."


Sinubukan niya ulit kunin ang kamay ko pero tinabig ko ang kamay niya. "Marlon, tapos na tayo."


"I love you..." Namumungay ang kanyang mga mata.


"Hindi na kita mahal." O baka nga totoo na hindi ko siya minahal. Hindi ko na alam. Basta ang gusto ko na lang ay makalayo sa taong ito. Malayong-malayo. Gusto kong buuhin ang sarili ko na winasak ng masasakit na salita niya sa tuwing galit siya. 


"S-sorry sa mga nasabi ko..." Gumaralgal ang tinig niya. Parang may kung anong bagay siyang napagtanto.


May mapagtanto man siya ay huli na. Ang mga salita ay hindi na mababawi kapag nasabi na. 


"Ganoon na lang iyon?" mapait na tanong niya. "Inaamin ko naman, naging gago ako dahil sa kalagayan ko. Nalunod ako sa pagse-self pity. Natapakan iyong pagkalalaki ko kasi pilay na ako. At sumabay pa na biglang bumagsak ang kabuhayan ng pamilya ko. Nagsama-sama ang problema ko."


At sa akin niya ibinuhos ang hinanakit niya sa mundo. Iyon ang bagay na kailanman ay hindi ko mauunawaan. May kasalanan man ako sa aksidente niya, alam naman niyang hindi ko iyon ginusto. Hindi rin ako nawala sa tabi niya para intindihin at asikasuhin niya.


"Martina, ngayong okay na ako. Wala nang problema, magbabago na ako. Babalik na ako sa dati. Ibabalik ko na iyong dating ako. Please, give me a chance."


Umiling ako. Kahit mabait ang dating Marlon, tumatak na sa isip ko ang Marlon ngayon. Ang Marlon na hindi ako pinahalagahan. Isa pa, kahit naman noon pa, seloso na siya. Nakakapagsalita na siya sa akin ng masasakit tuwing galit siya. Mabait lang siya kapag good mood siya. Mas lumabas lang ngayon ang tunay na ugali niya nang magkaproblema.


Napayuko siya. "H-hindi mo na ba talaga ako mahal?"


Bumuga ako ng hangin. "Hindi na." Pagkasabi ko ay naglakad na ako. Iniwan ko na siya.


Wala akong naramdaman kahit kaunting pagsisisi sa puso ko. Sa totoo lang, mas nakahinga na nga ako nang maluwag ngayon.


Pumara na agad ako ng tricycle at sumakay ako. Nagpahatid ako hanggang sa kanto ng tinutuluyan ko. Pagbaba ko ng sasakyan, naglakad-lakad muna ako. Gusto ko munang mag-isip-isip at magmuni-muni.


Hindi rin ako gaanong nagtagal dahil dinalaw na ako ng pagod at antok. Umuwi na ako. Dumeretso higa ako sa manipis kong kutson. Subalit bago pa lang ako napapikit nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan ito.


Napalunok ako nang bumungad si Rix. Ang unang sumalubong sa akin ay ang kulay asul niyang mga mata.


"A-anong ginagawa mo rito?" Bakit ba ang hilig niyang sumulpot tuwing gabi?


At ano ito? Bakit ang kaninang inaantok na diwa ko ay biglang nawala. Parang biglang nabuhay ang dugo ko sa katawan nang makita siya. 


Ang bughaw niyang mga mata ay bumaba sa mga hita ko. Nakasuot kasi ako ng maiksing shorts. Sa pang-itaas naman ay naka-sweater ako. Maulan-ulan kasi kaya feel na feel kong mag-sweater.


Basta na lang siya pumasok at isinara ang pinto ko. "Bakit ka naka-sweater? Ang init, huh."


Niyapos ko ang sarili ko. "Baka kasi mamaya ay gapangin mo na naman ako."


Humarap siya sa akin. "Actually..." Bahagya siyang napahinto.


Napaatras ako. "Hoy, anong balak mo?!"


Humakbang siya palapit sa akin. Pinagpawisan ako bigla kahit nilalamig ako kanina. Nang mapatingin siya sa reaksyon ko ay bigla siyang ngumiti. Tumawa. Natulala ako sa kanya.


Nakangiti pa rin ang mga labi niya. "You're so cute."


"Ha?" Nagilalas ako sa ngiti niya. Ito kasi ang unang beses na nakita ko siyang tumawa. Napakaganda pala ng mga ngipin niya kapag ganito ang kanyang pagkakangiti.


Kinabig niya ako palapit sa kanya at kinintilan ng halik ang noo ko. "I just dropped by because... I missed you." Napaka-husky ng kanyang boses.


Nang lumapat ang mukha ko sa matigas niyang dibdib, bumilis ang tibok ng puso ko. At parang nakakapagtampo dahil nagbibiro lang pala siya. Umasa tuloy ako. Para kasing gusto ko.


Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba iyong naiisip ko? Hindi pa ba ako na-trauma sa sakit? Bakit gusto ko? Kasalanan ito ni Rix kasi bakit gabing-gabi na, ang bangu-bango pa rin niya!


Namalayan ko na lang na nakayakap na rin pala ako sa kanya. "Rix... kung gagapangin mo ulit ako..." Napalunok ako nang malalim. "Puwede bang 'wag dito...?"


Napahiwalay siya sa akin at napatitig sa mukha ko. "Huh?"


Tiningala ko siya. "I-ihanap mo naman ako ng malambot na hihigaan ko..." Pinamulahan ako.


Umangat ang sulok ng kanyang natural na mapupulang labi. "I know a place."


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
1.9M 37.9K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.