More Than Just A Bet [Publish...

By asherinakenza

22.8M 311K 45.6K

#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wron... More

More Than Just A Bet
MTJAB: PROLOGUE
MTJAB: Chapter 1
MTJAB: Chapter 2
MTJAB: Chapter 3
MTJAB: Chapter 4
MTJAB: Chapter 5
MTJAB: Chapter 6
MTJAB: Chapter 7
MTJAB: Chapter 8
MTJAB: Chapter 9
MTJAB: Chapter 10
MTJAB: Chapter 11
MTJAB: Chapter 12
MTJAB: Chapter 13
MTJAB: Chapter 14
MTJAB: Chapter 15
MTJAB: Chapter 16
MTJAB: Chapter 17
MTJAB: Chapter 18
MTJAB: Chapter 19
MTJAB: Chapter 20
MTJAB: Chapter 21
MTJAB: Chapter 22
MTJAB: Chapter 23
MTJAB: Chapter 24
MTJAB: Chapter 25
MTJAB: Chapter 26
MTJAB: Chapter 27
MTJAB: Chapter 28
MTJAB: Chapter 29
MTJAB-Season 2: Chapter 30
MTJAB-Season 2: Chapter 31
MTJAB-Season2: Chapter 32
MTJAB-Season2: Chapter 33
MTJAB-Season 2: Chapter 34
MTJAB-Season 2: Chapter 35
MTJAB-Season 2: Chapter 36
MTJAB-Season 2: Chapter 37
MTJAB-Season 2: Chapter 38
MTJAB-Season 2: Chapter 39
MTJAB-Season 2: Chapter 40
MTJAB-Season 2: Chapter 41
MTJAB-Season 2: Chapter 42
MTJAB-Season 2: Chapter 43
MTJAB: Finale
MTJAB: Epilogue

MTJAB: Special Chapter #1

367K 6.9K 917
By asherinakenza

MTJAB: Special Chapter # 1

MARCUS' P.O.V

"Relax!" Nakangiting sabi ni Dad at tinapik ang balikat ko. Kanina pa ako paikot ikot dito sa ospital. Manganganak na ang asawa ko at para akong sira ulo na hindi mapakali. Ganito pala ang pakiramdam.

"Nag-aalala lang ako, Dad."

"Ganyan din ako noon sa mommy mo. Ang malala pa nga, malayo ako. Nasa New York ako nang manganak ang Mommy mo kaya naman maswerte ka dahil kasama mo ngayon ang asawa mo." Paalala sa akin ni Dad. Hinila ako ni Mama paupo at hinampas ang kamay ko.

"Kumalma ka nga, anak. Ako ang ninerbiyos sa'yo." Magkahalong saya at pangamba ang nararamdaman ko. May mga nababasa kasi ako na mahirap manganak. Nag-aalala ako para kay Lian. Mahihirapan siya, masasaktan siya.

"Sinasama ka nga ni Ate sa loob para makita mo kaagad si baby Austin pero hindi ka naman sumama." Pang-aasar sa akin ni Monique. Gustuhin ko man pero naduduwag ako. Kinakabahan kasi ako. Ayokong makitang nasasaktan yung asawa ko sa panganganak.

"Magiging maayos naman ang lahat, hijo." Sabi ni Nanay Leslie. Si Tatay Ariel naman, halatang kinakabahan din. Ilang segundo, minuto at oras ang hinintay ko hanggang sa lumabas na ang doktor at para akong gagong napatulala nang makita ko si Austin na buhat buhat ng doktor.

"Normal ang lahat sa bata, ang laki niya at mabigat siya." Nakangiting sabi nito.

"Ang gwapo gwapo naman ng apo ko!" Magkasabay na sigaw nina Mama at Nanay Leslie.

"Buhatin mo na." Bulong ni Dad.

"B-baka masaktan ko." Pag-aalala ko at nagtawanan naman silang lahat. Pero sa huli, hindi ko napigilan ang sarili ko na buhatin ang anak ko. May mas titindi pa pala sa nararamdaman kong pagmamahal sa mag-ina ko.

"Eh kamukhang kamukha mo naman, Kuya!" Sigaw ni Angelo na naging dahilan ng tawanan ng lahat. Hinalikan ko ang tungki ng ilong ng anak ko at niyakap ko ito.

"Ang asawa ko, doc?" Pumasok ako sa loob at nakita kong hinang hina si Lian. Nakapikit ang mga mata niya nang itabi ko sa kanya ang anak namin.

"Baby..." Bulong ko at marahan niyang iminulat ang mga mata niya.

"Liam..."

"Are you alright?" Pag-aalala ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon. Tumango siya sa akin.

"Ang hirap, Liam, pero ang sarap sa pakiramdam nang marinig ko ang iyak ni Austin kanina." Nahihirapang aniya.

"Shhh, magpahinga ka na lang muna, baby. Nag-alala ako sa'yo." Bulong ko sa kanya.Tmango siya at marahan niyang ipinikit ang mga mata niya. Hinalikan ko ang noo niya.

"I love you..."

"I love you too, Liam..."

___

ARA'S P.O.V

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at kaagad kong nakita si Liam na nakatungo sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang buhok niya na naging dahilan para magising siya. Kaagad siyang tumayo at umupo sa gilid ng kama.

"Baby..." Tawag niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"May masakit ba sa'yo?" Usisa niya. Ngumiti ako at umiling iling. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"O-okay lang ako. Ano ka ba..." Nangingiting sabi ko sa kanya. Hinuli niya ang kamay ko at marahan niyang pinisil iyon.

"Nag-alala ako sa'yo, baby, baka kasi pinahirapan ka ni Austin." Nakatutuwang makitang ganyan pa rin si Liam kahit na may anak na kaming dalawa. Nananatili ang paglalambing niya sa akin.

"Wala namang madali sa panganganak, Liam. Mahirap talaga. Pero katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, ang sarap sa pakiramdam na marinig ang iyak niya." Bulong ko sa kanya. Maya-maya lang ay pumasok ang isang nurse dala dala ang anak naming. Kaagad kinuha ni Liam iyon at pinabuhat niya sa akin.

Ang gwapo gwapo ng anak ko, may pagmamanahan talaga. Napapangiti na lang ako dahil si Liam talaga ang kamukha. Hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at napangiti ako nang ibuka nito ang mga daliri niya. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa Diyos.

Napansin ko naman ang kakaibang titig sa akin ni Liam. Ngumisi ako at sinabing...

"Baka matunaw ako." Pagbibiro ko sa kanya.

"Damn, baby." Bulong niya. Tumawa ako at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ang ganda mo habang karga karga mo ang anak natin..." Patuloy niya.

"Sus, baka mambabae ka na diyan ha." Panunuya ko sa kanya.

"Mahal kong asawa, ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" Halos humalakhak ako nang malakas dahil hanggang ngayon dala dala pa rin ni Liam ang malalim na pananagalog niya.

"Liam!" Suway ko sa kanya. Ngumiti siya at tumabi siya saamin ni Austin. Napapikit ako nang bigyan niya ako ng sandaling halik sa labi.

"Pero seryoso, baby, thank you sa napakagandang regalo." Bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko.

"Alam kong mahirap. Alam kong nasa hukay ang isang paa mo pero nilakasan mo ang loob mo para sa ating tatlo." Bulong niya. Tinitigan niya ako sa mata habang hawak hawak niya ang kamay ni Austin.

"Mas lalo kitang minahal, Lian..." Bulong niya, "Mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na kailangan kitang pagkaingatan. Nakababaliw kasi talaga lalo na at alam kong nasasaktan ka." Dagdag pa niya. Halos magsiliparan na naman ang mga paru-paro ko dahil sa mga sinasabi ni Liam. Wala namang humpay sa pagtatambol ang puso ko. Hanggang ngayon, gano'n pa rin ang pagmamahal ko sa kanya at alam kong hindi na magbabago iyon.

"Teka, hindi naman diyan ang daan papunta sa condo natin ah?" Sabi ko kay Liam pero nginitian niya lang ako mula sa rear mirror. Nandito kasi ako sa back seat nakaupo para mahawakan si Austin.

"Relax, baby..." Malambing na sabi ni Liam. Hinayaan ko na lang siyang magmaneho at wala pang bente minutos ay huminto na rin siya sa isang kulay puting bahay na up and down. May mga bulaklak sa harapan nito at may malaking parking space. Bumaba si Liam at inalalayan niya akong makababa habang buhat buhat si Austin.

"Liam..." Tawag ko sa kanya pero nginitian niya lang ako. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng bahay at halos magwala ang mga paru-paro aa tiyan ko nang tumambad sa akin ang picture namin ni Liam nung kinasal kami sa beach.

"Liam naman..." Bulong ko. Ngumiti siya at inalalayan niya akong umakyat sa taas. May tatlong kwarto roon pero doon kami pumasok sa pangalawang pinto kung saan may mga gamit ng bata. Kinuha niya sa akin si Austin at inihiga niya iyon sa kulay blue na crib. Lumapit sa akin si Liam at niyakap niya ako mula sa likod ko. Hinalikan niya ang balikat ko at doon nagsalita.

"You like it?" Tanong niya.

"Sobra, Liam..." Sagot ko sa kanya. Ito kasi yung bahay na sa tingin ko ay talagang pinag-ipunan niya. Dugo't pawis niya ang ginawa niya sa pagtatrabaho para magkaroon kami ng sariling bahay. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa habang nakayakap pa rin siya sa likod ko.

"Dito natin tutuparin lahat ng pangarap natin bilang mag-asawa. Dito natin sisimulang ipunin ang masasayang alaala natin." Bulong niya. Humarap ako sa kanya at hindi ko kinaya ang lalim ng titig niya sa mga mata ko. Para bang hinahalukay niya ang buong sistema ko sa bawat pagtitig niya.

"Hindi pa tapos yung bahay sa Lucban pero sinisimulan nang gawin yung pre-school para sa'yo, baby." Bulong niya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Okay lang naman sa akin kahit matagalan, Liam." Bulong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at iniyakap niya iyon sa baywang niya.

"Ano ka ba, baby. Kailangang matapos kaagad 'yon. Kaya nga magtatrabaho ako nang mabuti sa company, 'di ba? Sabi ko nga kay Dad, kailangan may bayad ang over time ko sa trabaho. Ibang usapan na yata iyon." Natatawang sabi niya. Hanggang ngayon kasi, hangga't maaari ay ayaw ni Liam na humingi lang basta ng pera sa parents niya. Gusto niya pagtrabahuhan niya ito kaya naman todo kayod talaga siya para kapag sumahod siya, malaki ang matatanggap niya.

"Pasensya ka na sa asawa mo kung ang tagal bago ka mapagawan ng bahay." Paumanhin niya. Ngumiti ako at hinalikan ko ang labi niya na kaagad naman niyang tinugon. Rinig na rinig ko ang pagwawala ng puso ni Liam dahil sa halik ko sa kanya. Humaplos ang kamay niya sa likod at napangiti ako nang maramdaman ko kung paano niya lakbayin ang pagkatao ko sa pamamagitan ng halik niya sa akin. Marahan niyang pinaghiwalay ang labi namin at tinitigan niya ako sa mata ko.

"Liam, hindi ko naman kailangan ng magarbong bahay. Dahil yung katotohanan na ikaw ang kasama ko sa lahat ng bagay ay magiging masaya na ako." Paalala ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba kung gaano kita kamahal?" Tanong ko sa kanya. Umiling iling siya habang sinusuri ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita, Liam..." Bulong ko. Ngumiti siya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"Mahal na mahal ko kayo ng anak natin." Paninigurado niya at niyakap niya ako. Nakangiti kaming dalawa habang pinagmamasdan namin ang nahihimbing na pagtulog ni Austin.

"Kamukha mo siya, Liam." Natatawang bulong ko.

"Gwapo noh, baby?" Pagyayabang niya.

"Yabang mo talaga." Ngumisi siya at kinindatan ako.

"Baby, kapag dalawang taon na si Austin, gusto ko babae naman ang anak natin." Request niya na nagpalaki sa mata ko. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan.

"A-ano? Malalaman ba natin 'yon." Nauutal na sagot ko sa kanya at halos mapaawang ang bibig ko nang sagutin niya ako ng...

"Alam ko yung moves, baby, para maging babae." Natatawang sabi niya.

"Grabe ka, Liam! Saan mo natutunan 'yan?!" Hiyaw ko sa kanya pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil gumalaw si Austin. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin.

"Sa Twitter, baby. May nag-tag sa akin kung paano magiging babae ang anak natin. Hayaan mo, baby, may dalawang taon tayo para subukan yung moves pero syempre, trial lang talaga. Pag dalawang taon na si Austin saka ko lalagyan ng babae 'yang tiyan mo." Paninigurado niya na talaga namang nagpalaglag ng panga ko. At talagang nagtu-twitter pa rin siya hanggang ngayon?

"I-deactivate mo lahat ng account mo!" Naiinis na bulyaw ko sa kanya.

"Baby..." Nakikiusap ang boses niya.

"Naadik ka lang diyan nung naghiwalay tayo, 'di ba? Bakit hindi mo pa tigilan 'yan?" Paghihimutok ko sa kanya.

"Kasi, baby, kailangan sa trabaho." Aniya.

"Ewan ko sa'yo."

"Baby naman. Kung iniisip mong may babae ako, wala. Kailangan lang sa trabaho 'yon dahil minsan, nakikita ko sa social networking sites yung mga gusto ng mga tao. At least hindi na ako mahihirapan mag-present nang mag-present tuwing may bagong project na ipahahawak sa akin." Paliwanag niya. Lumayo ako sa kanya at naupo sa kama. Lumapit naman siya sa akin at mabilis niyang inangkin ang labi ko.

"Damn, baby. Ang ganda ganda mong magselos." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Kung hindi ka lang bagong panganak, yari ka sa akin. Nami-miss na kita baby." Pagbabanta niya.

"Liam ha!" Suway ko sa kanya. Ngumisi siya at umiling iling. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

"Salamat, mahal kong asawa. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko mararamdaman yung ganitong saya. Dahil sa'yo, natutunan kong magmahal nang totoo at natutunan kong tumayo sa sarili kong paa." Seryosong sabi niya.

"Pero syempre, kailangan ko pa rin ng matinding suporta mula sa'yo." Patuloy niya at halos magwala ng magwala ang puso ko nang sabihin niyang...

"Dahil sa'yo lang ako humuhugot ng lakas para magawa lahat ng bagay na alam kong hindi ko kayang gawin noon. Mahal na mahal kita, Ara Lian Cando."

Continue Reading

You'll Also Like

46.2M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
9.3K 412 32
Alam ni Solana na kapag tumuntong siya sa edad na 25 ay may arranged marriage na naghihintay sa kanya, tulad ng kanyang kapatid. Hindi naman siya nag...
490K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...