Shade of Love (Buenaventura S...

Bởi Ineryss

3.8M 113K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... Xem Thêm

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 12

43.8K 1.6K 300
Bởi Ineryss

Tricks

"Tara Trace! Gusto ko ng mabasa!" Hinila na ako ni Rinka nang makabawi kami sa kanyang imahe.

"Mamaya nalang ako maliligo," sabi ko at umatras lalo na't iyong dalawa ay nagpapaligsahan ng bumaba at sumulong roon sa tubig.

"Sigurado ka?" tanong niya na ikinatango ko.

Ilang sigundo muna akong tiningnan ni Rinka pero sumunod rin naman agad ito sa tatlo. Iyong dalawa ay nagtutulakan na sa parang jacuzzi na tubig. May pagka kulay berde dahil narin siguro sa paligid na puro mga puno at parang sumisilip lamang ang sinag ng araw.

Naglakad ako pababa pero tumigil rin ako roon sa may batuhan at umupo. Inilublob ko lamang ang aking mga paa. Si Israel naman ay hindi matanggal tanggal ang tingin sa akin.

Tumayo siya at inihulog muli ang sarili sa tubig. Nagsitilian naman agad ang tatlo na nagawa pang magyugyugan. Marahan akong tumawa lalo na't isinubsob pa ni Rinka si Rose sa tubig nang hinila siya nito.

Lumangoy si Israel patungo sa aking dako hanggang sa ilang sandali lamang ay nasa aking gilid na ito.

Inangat niya ang kanyang kamay at inihawak sa katabing bato na inuupuan ko saka muling hinila ang sarili paakyat. Ang tubig ay mabilis na dumaloy sa kanyang katawan pababa at kahit ang buhok niya ay tumutulo narin ang tubig.

Umupo siya sa aking tabi saka sinuklay ang basang buhok paatras. Pasimple kong iniwas ang tingin at itinuon sa tatlo na nagpapatayan na ata dahil masyado na silang nagkakagulo roon. Sumisenyas pa si Cecille sa tiyan daw ni Israel.

"I brought some food and fruits. Baka gusto mo..."

"Sige, mamaya." Napangiti agad ako sa kanya. May pagkain siyang dala?!

Tumango siya at itinuon ang tingin sa tubig. Humigpit naman ang hawak ko sa magkabila at naikuyom na ang aking mga palad. Ano ba dapat ang ioopen-up ko sa kanya? Si Kuya agad? Ipagmalaki ko agad? Deritsuhin ko agad at sabihing h'wag niya nalang hadlangan ang mga kapatid naming nagmamahalan? Ganoon agad?

"Trace! Doon lang kami ha! Maghahanap kami ng isda!" sigaw ni Rinka sa akin at may itinuturong kabilang parte noong batis.

Hindi pa man ako nakatango ay isa isa na silang umalis roon at naghahagikhikan pa. Bumuntong ako ng hininga. Hindi naman sa ayaw kong mapag-isa kay Israel pero mas kinakabahan ako pag kami lang.

"Nakikita mo 'yan?" Itinuro niya iyong tubig na bumabagsak sa ibaba.

Tumango ako at tiningnan iyong itinuturo niya.

"Alam mo bang may lagusan diyan? May liblib..."

"Talaga?" Namamangha kong sagot.

Tumango siya. "It looks like a cave with half water inside."

Tinitigan ko iyon. Hindi rin kasi klaro lalo na't marahas ang bagsak ng tubig.

"Sisisid ka lang sa ilalim at makakarating kana sa loob noon," dagdag niya pa sa baritonong boses.

Ilang sandali akong natahimik.

"Eh meron naman pala bakit hindi mo ipinasok iyong babaeng hinahalikan mo rito at dito pa kayo sa batuhan nag-ano-" Hindi ko nadugtungan ang aking sinabi lalo na't naninimbang narin ang kanyang mga mata.

"Do you hate those kind of stuff?" he asked deeply.

"Huh? Iyong ano? Halikan niyo?" tanong ko na ikinatango niya ng marahan.

Hindi agad ako nakasagot. Inihulog niya nalang bigla ang kanyang sarili sa tubig saka niya inilahad sa akin ang kanyang kamay.

"Let's swim," anyaya niya.

Tinitigan ko muna iyon ng ilang sigundo.

"Come on, Trace..." he said huskily.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at inabot ang kanyang kamay. Walang ano-ano'y hinila niya ako bigla hanggang sa mahulog ako roon pero mabilis rin akong sinalo. Napahawak agad ako sa kanyang balikat at medyo napasigaw. Tumawa naman siya sa gilid ng aking tainga.

"Ba't mo ako hinila?!" Mariin akong napapikit at hinilamos ang isa kong kamay roon para makita ko siya ng maayos.

"So... You don't know how to swim, huh?" Inaninag niya ang aking ekspresyon at ngising aso na.

"H-Hindi naman malalim dito..." sabi ko, nahihiyang iginala ang mga mata sa kung saan. Napunta na iyon sa kanyang leeg.

"Hindi ako kakapusin ng hininga rito," sabi ko sa kanya at bahagya ng lumayo.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Mabilis ang galaw ni Israel kaya hindi ko ito magawang sundan gamit ang aking mga mata. Iginala ko ang aking tingin hanggang sa hindi ko na ito mahanap.

May naramdaman akong gumalaw sa aking likod kaya mabilis rin akong lumingon. Nagulat ako nang sobrang lapit niya na pala.

"You look scared. Takot ka ba sa'kin?" tanong niya nang hinilamos niya na ang kanyang mukha at sinuklay muli paatras ang iilang hibla ng kanyang buhok.

Hanggang beywang niya iyong tubig habang hanggang ibabang dibdib ko naman iyon.

Tumagilid ang kanyang ulo.

"Takot ka sa'kin?" ulit niya sa malinaw na boses.

"H-Hindi," sagot ko at napisil ang pang-ibaba kong labi.

"Anong ikinakatakot mo sa akin?" Umangat na ang kanyang kilay at nasa baywang na ang isang kamay.

Lumunok ako ng laway at iginala ang tingin. Para akong naghahanap ng sagot sa paligid.

"Di ako nananakit ng babae," sabi niya pa.

"Emosyonal?" paglilinaw ko imbes na iyong pisikal ang tinutukoy niya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Hindi agad nakasagot.

"Sometimes you're blunt but you act so soft... What kind of girl are you?" nagdududa niyang tanong.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumiti. Tumitig siya roon at parang naasiwa kaya mabilis ko ring binura.

"Nagbabasaan na sila!" Ang matinis na boses iyon ni Rose.

Napalingon ako sa tatlo na papunta na rito. Iba na ang ngisi ng tatlo at may pinaparating na rin ang kanilang mga tingin.

"Baka gutom kana. I have some food," alok ni Israel sa akin na kahit iyong tatlo ay naging interesado agad.

"Kami rin Israel... Gutom kami," singit ni Cecille.

"Mahiya ka naman!" Sinapak siya ni Rinka pero kalaunan ay bumaling rin kay Israel. "Anong klaseng pagkain iyan, Israel?"

"Patikim rin kami," si Rose naman.

Hindi niya binalingan ang tatlo at nanatili ang tingin sa akin. Ako tuloy itong nahihiya hindi ko alam kung bakit.

"Do you want to eat?" tanong niya.

"Ah... Hati nalang kami ng mga kaibigan ko... Kung pwede?"

"Marami iyon," sagot niya at naglakad na sa may batuhan. Inangat niyang muli ang kanyang sarili sa batuhan.

Sinundan namin siya ng tingin. May kinuha siyang malaking tupperware at inilapag iyon sa may malaking bato.

"Come here," sabi niya sa akin.

"Uy tara na daw, Trace!" Anyaya pa ni Rinka at naunang pumunta roon.

Umahon ang tatlo at naunang umakyat roon. Gumalaw narin ako at nagtungo sa malalaking bato. Humawak ako para maangat narin ang sarili pero bago ko pa iyon magawa ay bumabang muli si Israel sa may tubig at nagtungo sa aking likod. Hinawakan niya ang aking beywang saka ako inangat.

Iba na agad ang timpla ng ngisi ng tatlo. Nahihiya kong binalingan si Israel na paakyat na ulit.

"Salamat," sabi ko na ikinatango niya at kumuha na ng sandwich roon sa tupperware. Ibinigay niya iyon sa akin.

Kumain rin ang tatlo pero iniwan rin ulit kaming dalawa ni Israel dito. Kapwa na kami nakaupo sa sahig. Ang basa niyang buhok ay medyo natutuyo na hindi katulad sa aking tumutulo pa dahil narin mas mahaba naman iyon.

"Nagreview kana sa nalalapit na exam niyo?" tanong niya habang nakapiko ang kanyang mga paa.

"Hindi pa. Minsan kasi si Kuya Bram ang tumutulong sa akin sa pagrereview pero matagal na kasi siyang umuuwi galing trabaho at palagi pang puyat..." sagot ko at minabuting isingit si Kuya.

Hindi siya kumibo pero halatang interesado niya sa aking sinasabi.

"Nagtatrabaho kasi siyang kargador sa bayan at tuwing alas dos na ng gabi umuuwi. Tapos papasok pa. Ayoko namang makadagdag sa mga ginagawa niya eh hinahatid pa ako noon sa eskwelahan tuwing umaga," dagdag ko pa.

"How much is his salary?" tanong niya.

"Ah... Hindi ganoon ka laki. Pero dahil nag oovertime siya, siguro nakaka four hundred siya sa isang araw?"

"His work is kind of heavy. Tapos 400 lang 'yon?"

"Sa Pilipinas siguro. Oo?"

Sandali kong nakita ang pagkakasalubong ng kanyang kilay pero mabilis rin naman iyong naghiwalay.

He shifted from his position and faced me. Naging mabagal naman ang pagkagat ko sa sandwich at pasimpleng iginala ang tingin sa ibang direksyon.

"Kaya maswerte ang babaeng mamahalin ni Kuya. Maalaga siya, masipag, mapagmahal, mabait... At guwapo pa." I said cheerfully.

His eyes darkened. It was like his gaze were shading his expession to block the light. Singdilim narin ang ekspresyon ng mga mata.

"But those characteristic aren't enough," he muttered firmly.

The irritation on his eyes is evidence that he dislikes my brother a lot. Na kahit purihin ko ito ay may makikita parin siyang kapintasan. Na kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya ay galit parin siya.

"Para sa'yo dahil marami kang kayang ibigay. Pero para sa mga taong walang wala, sapat na ang iyon dahil iyon na lahat ang kaya nilang ibigay. Kahit maubos sila."

The intensity in his eyes calmed down a bit. Para iyong nabuhusan ng tubig kaya namatay ang lagablag na umaapoy niyang galit.

"Love is never wrong, they say. But why does falling in love seem so wrong when it comes to the poor and rich? Tama lang ba ang pagmamahal kung parehas ng estado sa buhay? Tama lang ba ang pagmamahal kung...parehas kayong nasa itaas?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tila hindi na gusto ang timpla ng aking pananalita. Nag-iwas siya sandali ng tingin sa akin pero bumalik rin naman agad iyon sa akin.

"Ako... Para sa akin, hindi naman kailangang maging perpekto ka sa paningin ng lahat para mapatunayan sa kanila na karapat-dapat kang mahalin. Kung may paninindigan ka, kung alam mo naman sa sarili mo na mabuti ang hangad mo sa isang tao, para sa akin... karapat-dapat kanang mahalin."

Hindi siya sumagot at umangat ang kamay para hipuin ang suot na earrings doon. Nakonsensya rin naman agad ako sa aking sinabi pero hindi ako nagsisising nailabas ko iyon. Ang ikinakabahala ko lang ay baka napasobra ako at nairita na siya sa akin.

"How about you, anong pasadong ugali sa'yo?" tanong niya makaraan ang ilang minutong katahimikan.

Nagkibit ako ng balikat. I could sense he's interested the way he tilted his head.

"Kahit sino magugustuhan mo?" hula niya.

Tumango ako at ngumiti.

"Kahit si Rudy?" Umangat ang kanyang kilay.

Natawa ako roon. Anong mali kay Rudy? Masipag rin iyon!

"Bakit naman hindi? Masipag si Rudy ha. Nagtatanim siya ng mga mais at naniniwala siyang balang araw ay rarami iyon," sabi ko.

Nadadaanan namin minsan si Rudy tuwing papunta kami ng bayan. Masipag siyang nagtatanim at mas inuuna pa iyon kaysa sa kanyang pag-aaral. Ang sabi niya ay magkakapera siya roon at hindi niya na kailangan mag-aral at palalaguin nalang iyon. They mocked him for having a mindset like that. Ginagawa nilang katatawanan. Nababaliw na raw ito sa kanyang mga mais na tinatanim.

"Are you two close?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala akong close na lalake. Ayaw rin ni Kuya... At... Nahihiya rin ako," sagot ko na ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.

"I see..." Tumango tango siya.

Hindi ko namalayang medyo mahaba na pala iyong pinag-usapan namin. Napangiti ako nang mapagtantong nagkakausap na kami ng normal. Maybe this is a good start for us. Kung makikilala niya ako, mas makikilala niya rin si Kuya.

Nagyaya rin naman akong umuwi noong sumapit na ang hapon. Sumabay siya sa amin palabas hila hila ang kanyang kabayo. Si Rinka naman ay hiningi pa iyong isang tupperware ng mga mangga.

"Hindi kana namin ihahatid sa inyo ha... May maghahatid rin naman sa'yo," saka makahulugang tiningnan ni Rose si Israel sa aking likuran habang dinadampot namin ang aming mga gamit sa pinag-iwanan namin.

"Uuwi akong mag-isa. Nakakahiya na," sabi ko sa kanya.

"Sus! Palagi ka namang nahihiya, Trace," si Cecille na sinundot pa ako sa tagiliran. "Pwede ka namang mahiya pero h'wag kanang tumanggi."

Pinigilan ko sila gamit ang aking mga mata pero mukhang ayaw nilang magpaawat.

"Ikaw na bahala sa kaibigan namin Israel..." si Rinka na ngumingiti pa. "At salamat pala sa mga mangga mo."

Tumango lamang si Israel, wala ng iba pang sinabi saka siya lumebel sa akin at hila hila parin iyong kabayo.

"Mauna na kami!" Kumaway pa sila sa akin at nagtatakbuhan na. Nauunang umalis.

Napasimangot nalang ako. Desidido talaga ang tatlong iyon na itulak ako kay Israel.

"M-Magbibihis lang ako..." Mabilis kong kinuha ang isinilid kong tshirt sa loob ng bag.

Akma ko iyong susuotin nang pinigilan niya ako.

"Basa iyang suot mo at magkakasakit ka kung natuyo iyan sa katawan mo. Just remove it and wear your tshirt," sabi niya na ikinatigil ko.

"H-H'wag na-"

"You're going to get sick, stubborn," he added firmly.

Nilingon ko ang dinaanan ng aking mga kaibigan. Dapat pala hindi ko muna sila pinaalis. Sila kasi ang mas naunang nakarating rito at nakapagbihis agad!

"Di ako maninilip katulad ng ginawa niyo sa akin," pang-aakusa niya sa mapang-asar na boses na ikinapula lalo ng aking mukha.

"Hindi naman namin alam na nandito ka noong nasa batis kayo noong babae mo—"

"The other one? That time when you were in your school uniform? Sa teritoryo namin?"

"M-Mangga ang sadya namin doon!"

"Really?"

Namula ako. "Bakit naman kita sisilipan? H-Hindi naman ako interesado sa'yo," giit ko.

I saw how the humor in his face vanished.

"Tumalikod kana. Magbibihis na ako," agap ko nang maputol na ang topic namin.

Iyon nga ang ginawa niya. Tumalikod siya na kahit ang kanyang kabayo ay pinapwesto niya rin patalikod sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at gustong matawa sa ginawa niya pero itinuon ko nalang ang aking tingin sa paghuhubad.

Tumalikod rin ako at kinalas ang aking bra.
Hinubad ko rin ang short at hindi na isinama iyong panty ko. Bahala na iyon kaysa naman hubarin ko rin iyon tapos lumingon siya bigla!

Dali dali ko ring isinuot ang tshirt at nagpalit rin ng short. Inayos ko pa ang aking buhok saka ko inilagay sa loob ng bag iyong mga basa kong damit.

Noong nilingon ko siya, nakita kong nakatingala siya. Dahan dahan niya akong nilingon at nakitang tapos na ako.

Tahimik kaming naglakad palabas ng batis. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ito kasama si Israel. Alam kong ginagawa niya ito dahil sa kapatid ko, ngunit sa likod ng aking isip, hindi ko maiwasang lagyan iyon ng kulay.

Nilingon ko si Israel. Noong nilingon niya ako, mabilis kong binawi ang tingin ko. He chuckled.

"You always do that."

Kumurap ako at bumalik ang tingin sa kanya. "Ang alin?"

"Sa tuwing titingnan kita pabalik, saka mo babawiin ang titig mo. What's wrong? You're afraid I might know I'm your crush?" he said shamelessly.

Namilog ang mga mata ko at bahagyang natawa.

"I am your crush," tila sigurado na siya roon.

Tumawa ako lalo at nailing. He smiled and licked his lips.

"You can't lie. I have a witness." Saka niya nilingon ang kabayo niya.

"Witness na assuming ka," I said and laughed.

Umismid siya ngunit naglalaro pa rin ang ngiti sa labi.

"Well, at your age, it's understandable that you'd have some crushes to inspire you while studying. That's normal as long as it doesn't distract you." At parang ito lang yata ang nasabi niyang maganda sa tagal tagal ko siyang nakakausap.

"Tapos tingin mo ikaw?" tanong ko.

"Sino pa ba ang magugustuhan mo rito? Unless...you have a low standard?"

"Hindi ka naman mabait. Ayoko sa masasama ang ugali."

His eyes widened. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad lalo na't tumigil siya sa paghakbang. I won't fall on your tricks, Israel.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

759K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
3.4M 93.9K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
3.4M 98.3K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...