Against the Heart (Azucarera...

Galing kay jonaxx

43M 1.4M 954K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... Higit pa

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 10

891K 31.4K 16.2K
Galing kay jonaxx


Kabanata 10

Bisita

"Tumigil ka nga, Chayo!" iritadong sambit ni Kuya.

Gulat na gulat siya na katatapos lang maligo'y nakabihis na ako. Nakabisita na rin ako sa kuwarto ni Mommy para magpaalam sa pagsama ko sa araw na iyon. At first, she was a bit shocked that I have this plan.

"Chayo, baka may boyfriend ka na naman at ayaw mo nang magpaalam ng maayos?" may pagbabanta sa tono ni Mommy nang tanungin ako roon.

Umiling ako. "Wala, Mommy. I'm just really bored. Kaya nga sasama ako kay Kuya today kina Leandro."

Tumitig si Mommy sa akin. She looked so serious. Her pale skin was pinkish early in the morning. Kagigising lang nila ni Daddy. When I asked for permission from Dad, umo-o siya agad. Then he went on on his usual routine. Jogging on the grounds of our house then to our farm. Nanatili naman si Mommy sa kuwarto at kinausap pa ako.

"Baka naman kapag nandoon na kayo ay tatakas ka?" pagdududa ni Mommy.

"Mom! No! I'm just really honestly bored. Isang linggo na simula nang nagsimula ang summer at bagot na bagot na po ako rito."

"We went to Bacolod last Wednesday for the same reason, Chayo."

"But Wednesday was a long time ago. It's Saturday now and I'm bored again! Please, Mom!"

Kahit pa mukhang napipilitan at may pagdududa sa ginagawa ko, tumango na rin si Mommy. Kagabi pa niya naririnig ang pagtatalo namin ni Kuya Levi kaya alam niyang kailangan ko rin ang tulong niya para makumbinsi ito.

"Please, Kuya," sabi ko habang pumapasok sa kuwarto niya.

Katatapos niya lang maligo at may tuwalya pang nakapalupot sa baywang. Umupo ako sa kanyang kama habang sinusundan siya ng tingin.

"I'm so bored-"

"Tumigil ka sa arte mo, Chayo. Alam ko ang ginagawa mo, ha!" banta niya at dire-diretso ang pagpunta sa walk in closet niya.

Malungkot akong yumuko. Pilit akong ngumunguso at pinapungay ang mga mata.

"Alam kong sinasabi mo lang 'to ngayon tapos mamaya, aalis ka kina Leandro para makipagdate sa boyfriend mo!" naririnig ko siya habang nasa closet at nagbibihis.

"Hindi no! Bakit ko pa gagawin iyon kung hindi naman ako pinagbabawalan ni Mommy at Daddy? Bakit hindi na lang ako dumiretso sa pakikipagdate? Bakit ko pa gagawing excuse 'to? Kuya, gusto ko lang sumama-"

Dala niya na ang sapatos ngayon at naupo na sa sofa hindi kalayuan sa kama. Kagat ang hindi pa naisusuot na t-shirt at nakamaong na habang isinusuot ang sapatos.

"Kasi ayaw mo ng chaperone!" he declared.

"Huh?"

Tapos na siya sa pagsusuot ng sapatos at ngayon tumayo na para isuot ang t-shirt.

"Magpapaalam ka sa akin doon kapag busy na ako at bigla kang aalis. Tumigil ka at sigurado akong sasang-ayon si Leandro sa akin na pasundan ka kapag tumakas ka roon. Wala ka ring mapapala, Chayo!"

My face heated. Kung ano-ano na lang ang iniisip ni Kuya sa akin! At anong pasusundan nila ni Leandro? Wala naman talaga akong plano na tumakas at iba ang pakay ko roon pero hindi ko na napigilan ang mag-imagine ng pagtakas at pagsunod ni Leandro sa akin. That's... my heart skipped a beat.

"Ano? Tama ako, 'no?"

"Ano? Hindi! Wala akong boyfriend, Kuya-"

"E 'di manliligaw. Nako, Chayo!"

Kumatok si Mommy sa kuwarto ni Kuya. Hindi na siya naghintay na pagbuksan dahil siguradong alam niya na na nasa loob ako. Nadatnan niya kami na nagtatalo.

"Wala nga akong plano na ganoon, Kuya!" sabi ko.

Nagtagal ang iritadong titig ni Kuya Levi sa akin dahilan kung bakit sinikap kong magmukhang kaawa-awa sa kanya.

"Levi, pagbigyan mo na ang kapatid mo," si Mommy, tinutulungan na ako.

"Oo nga, Kuya..." sinigurado kong kita niya ang puppy eyes ko.

"Mangako ka sa Kuya mo, Chayo, na hindi ka naman aalis doon sa mga Castanier whole day!" si Mommy.

"Promise, Kuya. Hindi ako tatakas."

Iritado akong tiningnan ni Kuya Levi. Kita sa itsura niya na kahit nagsusuplado at umaayaw ay bahagya na ring kinokonsidera ang pagsama ko.

"Hindi ako manggugulo sa inyo ni... Leandro... at Chantal," sabay ngisi ko dahil may palagay akong hindi niya rin naman ako guguluhin.

"I brought a notebook so I can scribble when I'm bored. Kasawa kasi mag iPad at laptop dito sa bahay araw-araw. At kung gagawin ko iyon whole summer, nakakabagot. Now that there's a chance to go out, I want to."

Umiling siya at sa huli ay sumuko na. I smiled widely.

"Susundin mo lahat ng sasabihin ko pagdating natin doon, ha!"

"Promise!" halos sumigaw ako sa tuwa.

"Magpakabait ka roon!" he highlighted. "If there's a sign of disrespect from you, I'm gonna drag you back here!"

"Levi!" gulat na sinabi ni Mommy.

Ngumuso ako. "Grabe ka, Kuya... Mabait naman ako."

First time ko na pumunta kina Leandro. Ni hindi ko nga alam na hindi gaya sa amin na nasa malayo ang bahay, sila ay nasa mismong bayan ng Altagracia. Marami silang kapit-bahay at halos tabi-tabi pa.

Nanatili ang titig ko sa kanilang bahay nang tumigil ang sasakyan namin sa tapat. Sa tabi ng pinakabahay ay isang parang kubo na garahe yata na maraming lumang bagay.

Lumabas ako ng sasakyan. Lumabas na rin si Kuya Levi, nanliliit ang mga mata sa reaksyon ko.

"Be respectful, Chayo!" ulit ni Kuya Levi.

"Oo naman..." sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa kabuuan.

Ang kanilang tarangkahan ay gawa sa kahoy at may mga paso ng kulay pink na bougainvilla. May kanal sa harap na dumidiretso din sa mga katabing bahay sa buong block na iyon. Napatitig ako sa paligid. Hindi naman magulo o marumi pero ibang-iba iyon sa nakasanayan ko.

"Pasok ka, Levi," isang baritonong boses ng mas matandang lalaki ang narinig ko.

Tumawa si Kuya Levi. "Salamat, po. Nasabi ko kay Leandro na bibisita ako."

Tumuloy si Kuya Levi nang binuksan ng matandang lalaki ang tarangkahan. Hindi naman ako makagalaw sa tabi ng sasakyan namin. Nagkatinginan kami ng bumati kay Kuya at nakitang pamilyar iyon sa akin. At kahit na hindi iilang beses kong nakita ito, isang tingin pa lang, alam kong Tatay iyon ni Leandro.

"Kasama mo pala si Chayo," he said and his eyes remained at me.

"Ah, opo. Chayo! Pasok ka na!" si Kuya Levi dahil nakitang hindi pa ako makagalaw.

Nagtagal din ang titig ko kay Tito Carlos, ang nagbukas ng tarangkahan. Dito nagmana si Leandro. Ang alam ko, matagal nang pumanaw ang Nanay nila at mag-isang itinataguyod ni Tito Carlos ang pamilya. Thanks to his business, and his children's intelligence, they are still able to get through it all.

"Chayo!" Kuya Levi called again.

Ngayon ko lang napansin na nanatili pa rin pala ako sa kinatatayuan, gulat sa lahat ng ito.

"P-Pasensya na, Tito. Itong si Chayo talaga."

Tumawa si Tito Carlos. Humakbang ako at unti-unting lumapit sa tarangkahan. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Sinuyod ko ng tingin ang kanilang bakuran. May bermuda at malinis naman iyon. Sa garaheng natatanaw ko nga lang, puno ng mga sirang gamit tulad ng aircon, washing machine, at kung anu-ano pa. May lumang sasakyan din doon at lumang motor.

"Chayo..." mariin akong tinitigan ni Kuya Levi.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya tumitig lang din ako sa kanya. Tumakas ang mga mata ko sa bahay sa likod. It was an old house and all hardwood. Walang pintura at ang mga sliding windows ay halata ring luma na.

"Hayaan mo na, Levi. Ayos lang," si Tito Carlos.

"Ah. Hindi pa po siya nakakapunta rito. Ngayon pa lang po kaya... Chayo. Si Tito Carlos!" sabay kalabit ni Kuya Levi sa akin.

Napakurap-kurap ako nang natanto kung ano ang gustong iparating ng kapatid.

"Magandang umaga po, Tito... Carlos," marahan kong sinabi.

He smiled again. Somehow, Tito Carlos is Leandro's friendlier version.

"Magandang umaga rin, Chayo. Pasensya ka na sa suot ko, may inaayos lang sa garahe."

Pagkasabi noon ni Tito Carlos, 'tsaka ko pa lang napansin ang suot niyang magrasa. Puti ang damit pero may mga alikabok din. Pawisan na rin siya kahit na umagang-umaga pa.

"Si... Leandro po?" si Kuya Levi.

"Ah. Tinutulungan ako sa garahe. Si Chantal umakyat para maligo. Katatapos lang maghanda ng merienda."

Tumawa si Kuya Levi at nagkamot. "Ano po ba ang inaayos ninyo ni Leandro, Tito?"

"Iyong motor ni Romi."

"Naku! Parang na kuwento nga po ni Leandro sa akin noong nakaraan na lagi raw nasisira ang motor ni Mang Romi," si Kuya.

Sumunod si Kuya sa garahe na pinuntahan ni Tito Carlos. Wala tuloy akong naging choice kundi sumunod na rin. Dahan-dahan at maingat ang paglalakad ko, medyo naninibago sa lugar. Nilingon ako ni Tito Carlos at tinimbang ang reaksyon ko. Nadatnan niya akong nakatitig sa mga sirang gamit sa garahe.

While I'm busy looking at those weird things, may kumalabit sa aking siko na kung ano. Napatalon ako sa gulat at natantong manibela iyon ng bike. Takot at lito, lumayo ako roon habang hinahawakan kung saan iyon tumama sa siko ko.

"Pasensya ka na rito, Chayo. Medyo madungis dito dahil sa trabaho. Kung gusto mo sa sala ka na lang maghintay. Bababa rin si Chantal pagkatapos noong magbihis."

Hindi ako nakapagsalita. Kahit pa noong nakita ko ang itsura ni Kuya Levi. He looked pissed at me now.

"Pumasok ka na sa sala nila, Chayo," may pagbabanta sa boses ni Kuya Levi sa akin.

Bago ako makapagdesisyon na pumasok na nga ay lumabas si Leandro sa garahe. I noticed now that he a bit taller or as tall as his father. Naka puting damit din ito at gaya ni Tito Carlos, may mga alikabok at grasa rin doon. Natuon ang mga mata niya sa akin. Hindi nga lang ako nakangiti agad dahil marami ang bumagabag sa isipan ko.

"Etong si Chayo, sumama pa. Pasensya na."

"Ayos lang," malamig na sinabi ni Leandro kay Kuya Levi.

"Akala yata gagala tayo o ano. Eh, dito lang naman at may pag-aaralan lang."

Uminit ang pisngi ko. Nagtagal ang tingin ni Leandro sa akin.

"Summer ngayon, Levi, at baka bagot si Chayo sa inyo kaya mabuti na ring nandito siya at makalabas naman kahit paano," si Tito Carlos na ngumiti na rin sa akin.

"Kaso nagdududa ako rito sa kapatid ko. Baka mamaya gusto lang tumakas kina Reynante at umalis mamaya para makipagkita sa mga kaibigan," patuloy ni Kuya.

Leandro's brow furrowed. Umiling ako at sa wakas nakahanap ng salita.

"Hindi ako aalis, ah. D-Dito lang ako. 'Tsaka... may dapat k-kaming pag-usapan ni Leandro. Tungkol... sa isang bagay..." sa huli natanto kong mas'yado naman akong naging bulgar sa sinabi.

Tumaas ang isang kilay ni Leandro sa narinig galing sa akin. Bumaling si Kuya Levi kay Leandro, kunot ang noo. Sumulyap naman si Leandro sa ama. Nagkatinginan sila saglit bago tumango sa akin at kay Kuya Levi naman.

"Nagpatulong lang ako..." he trailed off.

Of course he can't tell my brother what this is all about. Nakakahiya nga naman na kinailangan niya pa ng tulong ko bago siya maka recover sa kay Keira.

"Pumasok ka sa loob, Chayo," si Leandro.

"Kung may tinatrabaho kayo riyan, a-ayos lang ako rito!" sabi ko kahit na ang totoo, mapapagod lang ako sa katatayo at ayaw ko namang pumasok sa garahe.

"Sa sala," mariin niyang sinabi.

Umirap ako at sa huli ay tumango. Nauna si Leandro sa akin patungo sa pintuan ng bahay nila. Pumasok siya roon at sumunod na ako sa kanya. Itinuro niya ang upuan sa kanilang sala at napansin ang tatlong pang maramihang bamboo bench na na tila sofa sa kanilang sala. Sa harap ng tatlong kawayang upuan ay isang TV. Sa gitna ng mga upuan ay isang lamesita.

Maayos ang bahay. Gawa man sa kahoy at halos walang magarang muwebles, malinis naman ito. Umupo ako sa kawayang upuan, tuwid na tuwid at tiningala si Leandro.

"Dito ka lang. May tatapusin lang ako," anito.

Ngumuso ako. "Puwede naman akong sa labas maghintay."

"Maiinitan ka roon."

"Sa... garahe?" it was a question.

Nagtaas siya ng kilay at hinintay ang alam niyang idudugtong ko.

"Kaso... parang masikip doon at maraming kinakalawang na bagay. Baka matetano ako."

His jaw clenched at my remark. Nakakita ako ng multo ng ngiti sa labi pero agad ding nawala kaya siguro'y guni-guni ko lang iyon.

"Kaya dito ka lang."

"Matagal ba 'yang ginagawa n'yong pagkukumpuni?"

Umiling siya. "Malapit nang matapos."

Napansin ko ang throw pillow sa kanang kawayang upuan. Tinuro ko iyon.

"Sakit sa puwet ng couch n'yo. Puwede bang kunin 'yan?"

Marahan siyang pumikit saglit bago suminghap at kinuha ang throw pillow sa kabilang upuan. Ibinigay niya sa akin iyon. Tinanggap ko iyon at inupuan. Pagkatapos ay iginala muli ang mga mata sa kabahayan.

He sighed and went to their kitchen. Nagtagal ang mga mata ko sa iilang frames malapit sa TV. Bukod doon, wala nang ibang palamuti sa mga dingding. Isang frame ang matagal-tagal na. Parehong bata pa ang magkapatid at nariyan pa ang kanilang ina. Another picture was more recent. Silang tatlo na lang at noong pag graduate yata ni Leandro sa Senior High. May isa ring picture na si Leandro at Chantal lang.

Nilapag ni Leandro ang isang baso ng tubig sa coffee table. Saktong pagbaba naman iyon ni Chantal galing sa ikalawang palapag yata ng bahay. Hindi siya nagulat nang nakita ako pero bumagsak ang mga mata niya sa nilalapag ng kapatid sa harap ko.

"Wait here," Leandro said again.

I nodded and my eyes then drifted on Chantal. "Hi!"

"Hi, Chayo! Sumama ka pala."

"Oo. Bored ako sa bahay, e."

She smiled and nodded. "Mabuti at medyo marami ang hinanda kong merienda. Nagluto ako ng camote cue."

Umalis na si Leandro at hinayaan na kami ni Chantal na magkausap. Sinundan ko ng tingin ang kanyang kapatid bago tuluyang magsalita.

"Marunong ka palang magluto," sabi ko.

"Oo. Ako kasi ang madalas na magluto rito. Ikaw? Hindi ka ba nagpapaturo sa inyo?"

Umiling ako. "I don't think there's a need to."

Ngumiti siya at tumango. "Yup. Sa yaman n'yo pero naisip ko lang. Puwede mo rin kasing gamitin ang natutunan para maipagluto ang mga kaibigan," she said.

"Like? For birthdays and picnics?"

"Puwedeng ang gift mo ay ang niluto mo. But... right, you can always afford to buy gifts for your friends. Sa akin kasi... pinagluluto ko na lang para hindi ako mapagastos," she chuckled.

Nasa kusina siya at inaayos yata ang niluluto pero nakakapag-usap pa kami. Kapag nasa sala ako at nasa kusina si Kuya Levi, hindi na kami magkakarinigan dahil malayo iyon. Dito sa kanila, sobrang lapit lang.

"Ganoon ba si Leandro... rin sa friends? Or..."

Nagtaas ng kilay si Chantal sa akin.

Tumayo ako at marahang naglakad patungo sa kusina. This is an important information so I must ask.

"I mean... pag may birthday... ipinagluluto niya?"

Kitang-kita ang kalituhan sa itsura ni Chantal.

Nakita ko ang camote cue na niluto niya. Marami nga iyon at mabango pa. May juice din yata siyang handa at nilalapag na sa isang bilugang dining table na hardwood din.

"Si Kuya? Hindi..." she laughed a bit.

"Ahh!" I nodded with relief.

"P-Pero... pag birthday niya madalas ipinagluluto siya ng mga kaibigan. Some years ago, Keira baked a very delicious chocolate cake for him."

"Oh!" Tumango ulit ako, hindi alam kung masaya ba sa nakuhang impormasyon ngayon.

Ilang saglit kaming nagkatinginan ni Chantal. Nabasag lang ang katahimikan namin nang pumasok na ang tatlong lalaki sa bahay. Narinig ko ang sinabi ni Tito Carlos na tapos na ang ginagawa. Nilingon ko ulit sila. I saw Leandro move so fast towards their staircase.

"Merienda!" agap ni Chantal.

"Maliligo muna ako."

Tumawa si Kuya at dumiretso na sa amin. Sumunod naman ang tingin ko sa kay Leandro na nawala nang nakaakyat na.

"Mauuna na ako sa inyo sa pagkain at may lalakarin pa ako," si Tito Carlos.

"Salamat nga po pala sa pagkukumpuni noong sa electrical problem sa opisina, Tito," si Kuya.

"Ayos na ba 'yon, Levi? Hindi ko na nakumusta," si Tito Carlos habang mabilis na umiinom ng tubig pagkatapos tikman ang niluto ng anak.

"Maayos na naman po... Hindi ko nga alam anong problema roon. Chinicheck ng mga tauhan pero lagi na lang nasisira. Kung hindi iyon, ang aircon naman..." malalim na inisip ni Kuya Levi.

Tumango si Tito Carlos. "Tumawag lang kayo kung... may masira ulit."

"Sige po," then Kuya Levi's eyes drifted beside me.

"Hintayin ba natin si Kuya bago mag merienda? Sana umupo muna siya rito. Sanay na naman ako na galing trabaho, kakain agad dito," si Chantal.

Umupo ako sa upuan sa round table. Nakatayo silang lahat at nang nakita muli ang pag-inom ni Tito Carlos sa juice, gusto ko tuloy uminom na rin.

"Can I have some juice?" I asked Chantal.

She smiled and got me a glass.

"Chayo! Magsalin ka ng iyo!" gulantang na sinabi ni Kuya Levi sa akin.

Tito Carlos laughed heartily at that. Gulat din ako at masamang tinitigan si Kuya Levi. Ang OA nito! Anong problema? Nanghingi lang naman ako?

Tumawa rin si Chantal. Kinuha ni Kuya Levi kay Chantal ang baso at ang pitsel.

"Ako na!" iritado niyang sinabi.

"Ayos lang, Levi," si Chantal.

Umiiling si Kuya Levi, problemadong-problemado bago nilapag sa aking harap ang isang baso ng juice.

"This isn't our house, Chayo. And noone is a househelp here!" pangangaral ni Kuya sa akin.

Ituturo ko na sana ang nilapag na tubig ni Leandro kanina pero nagsalita si Chantal. Nakakahiya namang bigla na lang akong nagsalin. E si Leandro nga ang nagsalin ng tubig para sa akin kanina!

"Okay lang. Bisita kayo."

"Levi, ayos lang 'yan..." si Tito Carlos na natatawa pa rin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.
6.1K 195 11
Will you take risk for the sake of love?
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
65.4K 1.4K 49
The one is as nice as an angel. The other one is as stunning as ever. But who will be the one for his heart? How can handle two hearts for a one man...