Trapped in an A.R.M.Y's Dream...

By Maneeka_05

85.6K 2.8K 1K

WHAT IF YOU SUDDENLY WAKE UP ONE MORNING AND FIND YOURSELF TRAPPED IN SOMEBODY ELSE'S LIFE? Even in her wild... More

Our Galaxy
Author's Note
Chapter 1 - The Fangirl's Dream
Chapter 2 - In This World
Chapter 3 - Who Was He?
Chapter 4 - Fan Meets the Stars
Chapter 5 - Stars Within Reach
Chapter 6 - Two Worlds Meet
Chapter 7 - Bangtan World
Chapter 8 - Stars Without Masks
Chapter 9 - Staring at the Stars
Chapter 10 - A Star's Promise
Chapter 11 - Fear of Reflection
Chapter 12 - Stars in Her Eyes
Chapter 13 - Taehyung
Chapter 14 - A Night With Her Star
Chapter 15 - Suga
Chapter 17 - When The End Starts
Chapter 18 - Truth and Rumors
Chapter 19 - The Truth Still Untold
Chapter 20 - When Rumors Speak
Chapter 21 - His Words, Her Choice
Chapter 22 - Caught in a Twisted Truth
Chapter 23 - Love Has Four Letters
Chapter 24 - And So This Secret is Born
Chapter 25 - First Kiss
Chapter 26 - Forgotten Memories
Chapter 27 - Finger Hearts
Chapter 28 - Half-truth: Dating Suga
Chapter 29 - Trivia: Dating a Star
Chapter 30 - This Garden of Thorns
Chapter 31 - Four o'clock Memories
Chapter 32 - Lost Stars in Paris
Chapter 33 - When Her Stars Begin to Fall
Chapter 34 - Promise of an ARMY
Chapter 35 - A Daegu Girl's Engagement
Chapter 36 - The Fall of Bangtan
Chapter 37 - The Butterfly Effect
Chapter 38 - The Last Dream
Chapter 39 - And She Wakes Up Again
Chapter 40 - An Endless Dream
Epilogue
To My Lovely Readers
How It All Started
TiaAD OST
TiaAD OST (#2)

Chapter 16 - He Who Broke Her Heart

1.3K 60 3
By Maneeka_05

"Annyeong!" paalam ko kay Suga at tuluyan nang lumabas.

"Good luck!" sarkastiko niyang sagot.

Bago pa man ako makatalikod sa kanya ay nakita ko pa ang nang-aasar niyang ngiti. Ang mapang-asar na ngiti ni Min Suga ng Bangtan Sonyeondan.

"Saan ka ba kasi galing kanina?" inis na tanong sa'kin ni Shower-unnie.

Nasa kwarto na kami ng dorm namin nang mga oras na 'to. Kakarating lang namin galing sa practice kung saan napagalitan nanaman ako ni Sunshine-unnie. Nahihiya na ako sa Rainbow-C. Sa tingin ko, hindi talaga ako nararapat na mapabilang sa grupong ito. Lagi ko na lang silang nadi-disappoint.

"Bumili lang naman ako saglit sa Holly's eh," sagot ko. Huminga ako nang malalim.

"Naku, Lee-ah! Pati ako nawawalan na ng pasensiya sa'yo eh!"

"Mianhamnida."

"Puro ka sorry. Hindi ka naman nagtitino. Tingnan mo pa 'yang sugat mo. Napaano ba talaga 'yan?"

"Madulas na kasi 'yung kalsada kanina dahil sa ulan kaya nadulas ako. Tumama sa pader itong siko ko."

"Nadulas," ulit ni Shower-unnie sa sinabi ko. "Hindi ko na talaga alam, Lee-ah, kung paano ka patitinuin eh."

"Mianhae, Unnie."

"Tama si Sunshine-unnie. Ang mga kilos mo para kang high school!"

High school naman talaga ako eh, sagot ko sa isip ko. Pero hindi na lang ako umimik at nanatili lang na nakayuko.

Pagkasabi no'n ni Shower-unnie, tumayo na ito mula sa kama at lumabas ng kwarto. Alam kong inis na inis sa'kin ngayon ang Rainbow-C. Kung kanina, halos madurog na ang mga tutuli ko sa sermon na inabot ko kay Sunshine-unnie pagdating ko ng late sa practice, ngayon naman, pulbos na ang mga ito sa sermon naman ni Shower-unnie. Paano kung si Cloudy-unnie pa ang tumalak sa'kin? O si Ms. Jendi?

Nahiga na ako sa kama at naghanda na lang na matulog. Nakakaasar naman kasi ang Suga na 'yon. Siya talaga may kasalanan ng lahat ng ito eh. Nag-goodluck pa talaga siya kanina. Nakakaasar!

Kinaumagahan, maaga na akong dumating sa practice namin. Kailangan kong magpakabait na sa mga unnie ko simula ngayon. Alam kong sobra-sobrang sakit ng ulo na ang naibigay ko sa kanila mula noong dumating ako sa mundong ito.

Sorry, Park Lee-ah. Huwag kang mag-alala, hindi rin magtatagal at makakabalik ka na sa totoong ikaw. Balang-araw, iiwan ko na rin ang katawang ito at makakauwi na sa totoong ako. Siguradong mas matutuwa na sina Unnie kapag hindi na ako ang kagrupo nila.

"Okay na ba'ng lahat?" tanong ni Sunshine-unnie nang makumpleto kaming apat sa practice studio.

"Ne," sabay-sabay naming sagot.

"Sige. Let's start!"

Mabilis na akong pumunta sa puwesto ko para sa unang routine. Nakaharap ako ngayon sa malawak na salamin. Mabilisan kong tiningnan ang suot kong cotton square pants na kulay black at fitted crop top na pula. Itinali ko ang buhok ko nang pa-bun style.

Naubos ang buong umaga para sa pratice kanina. Kasalukuyan na kaming nagla-lunch sa practice room. Nagpa-deliver na lang kami sa staff ng makakain. Wala na kasing oras para lumabas dahil mamaya lang nang mga ala una ay may meeting naman kami kay Ms. Jendi.

"Pagkatapos ng meeting," simula ni Cloudy-unnie. "May dinner daw si Ms. Jendi. Nagpapasama siya sa'yo, Lee-ah."

"Sa'kin?" gulat kong tanong. Pasubo na sana ako ng kimchi pero bigla akong natigil sa pagsubo at mabilis na inisa-isa ng tingin ang mga unnie ko. "Bakit ako?"

"Bakit? May lakad ka ba?" tanong ni Sunshine-unnie.

"Wala naman, Unnie, pero kasi..."

Hindi ko yata kayang kasama si Ms. Jendi nang kaming dalawa lang. Business dinner pa yata iyon. Baka magkalat lang ako do'n. Tapos papagalitan lang niya ako.

"Dati ka rin namang sinasama niya sa dinner ah. Bakit ngayon parang takot na takot ka?"

"Ah, h-hindi naman sa takot. Tinatamad kasi ako."

"Aba. Ikaw magsabi niyan kay Ms. Jendi," nakatawang sabi ni Shower-unnie.

"Ano'ng sasabihin ko?"

"Sabihin mong tinatamad ka. Bahala ka diyan," sang-ayon naman ni Cloudy-unnie.

"Sige. Pagkaisahan niyo lang ako!" inis kong bulyaw sa dalawa. Tawa naman ang sinagot ng mga ito. At least, naisip ko, bumalik na kami sa normal. Hindi na sila galit sa'kin.

"Tama na 'yan," saway ni Sunshine-unnie. "Kapag kayo nagkapikunan diyan."

"Si Lee-ah lang naman ang pikon dito eh," sagot ni Cloudy-unnie.

"Hindi ako pikon ah!"

"Oh, ba't ang haba na ng nguso mo?" nakatawang puna ni Shower-unnie.

Hindi ako sumagot at ibinaba lang ang chopsticks na hawak ko. Mabilis namang binawi ng mga unnie ko ang pang-aasar at ginulo ang buhok ko.

"Ito naman. Sorry na," nakatawang sabi ni Shower-unnie. Sumenyas naman si Cloudy-unnie ng sorry. Pinaglapat nito ang dalawang palad sabay yukod ng kaunti.

"Bahala kayo diyan," sagot ko na nakanguso pa rin na lalong ikinatawa ng dalawa, tawang sinabayan din ni Sunshine-unnie.

"Ah, basta. Samahan mo si Ms. Jendi mamaya. Okay?" pagtatapos ni Sunshine-unnie sa usapan.

"Pero--"

"Wala nang pero-pero. Parusa mo 'yan dahil sa pagka-late mo sa practice kagabi."

Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa. Nakakainis naman! Sana hindi na lang ako naging bunso. Sana hindi na lang ako na-late kagabi para hindi na ako naparusahan ng ganito. Kasalanan talaga ito ni Suga!

BTS pala ang ka-dinner namin! Papasok na kami sa isang restaurant sa may Cheongdam-dong mga alas sais ng gabi. Taranta akong napatingin sa pintuang salamin para sana matingnan saglit ang ayos ko. Ang simple pa naman ng suot ko. Nag-blue jeans lang ako, white T-shirt na may nakasulat na malaking letter L sa gitna at rubber shoes. Para akong magdiya-jogging lang sa tabi-tabi.

Walang kahirap-hirap kong napansin agad si Taehyung sa mga nakaupo sa mesang siya ring pupuntahan namin ngayon ni Ms. Jendi. Nakasuot siya ng blue varsity jacket na may pulang linings. Ipinatong niya ito sa plain white T-shirt at dark blue walking shorts. Naka-red cap din siya na nakasuot nang patalikod. Ang gwapo talaga niya!

Naghanda na ako ng matamis na ngiti para kay Taehyung. Ngayon lang ulit kami magkikita matapos ang gabing iyon sa boardwalk. Siguradong pareho kaming natutuwa na makita ang isa't isa. Sa tingin ko, magkakaroon na ng Chapter 3 ang kwento ng pagkakaibigan namin. Naku, Elya, huwag kang mag-assume! Pero hindi ko talaga maiwasan. Ngayon pa lang, kinikilig na ako!

Pinaghalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon habang papalapit nang papalapit kami sa mesa nila. Nang makarating kami rito, 'tsaka ko lang napansing hindi pala buong BTS ang kasama sa dinner na ito kundi sina Taehyung lang, si Jimin at si Suga!

"Annyeonghaseyo!"

"Annyeonghaseyo!"

Matapos bumati, naupo na kaming lahat. Pabilog itong mesa. Napapagitnaan ako nina Ms. Jendi na nasa kanan ko at ni Jimin na nasa kaliwa. Katabi niya naman si Taehyung kaya tuloy hindi kami magkaharap. Ang malas lang kasi si Suga ang eksaktong nasa tapat ko at sa tabi naman niya si Sejin-ssi, ang manager ng BTS.

"Annyeonghaseyo!" bati ko kay Suga nang magtama ang mga mata namin. Yumukod lang ito at ni hindi ngumiti. Aba!

"Annyeonghaseyo, Lee-ahssi," bati naman ni Jimin na nasa tabi ko.

Lumingon ako sa kanya at bumati rin. Mabilisan kong sinulyapan si Taehyung sa tabi niya. Inaasahan kong nakatingin din siya sa'kin para batiin ako pero eksakto namang kay Ms. Jendi siya nakatingin at bumabati.

Hindi ako agad nag-alis ng tingin sa kanya at inabangan munang ako naman ang batiin niya pero matapos niyang batiin si Ms. Jendi ay kay Jimin naman ito tumingin at may sinabing hindi ko narinig. Napilitan na lang akong magbawi na ng tingin. Baka nagkasalisi lang kami ng tingin sa isa' isa. Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi pa rin siya nakatingin.

"Annyeonghaseyo, Taehyung-ssi," hindi nakatiis kong bati. Baka nahihiya lang siyang pansinin ako kaya ako na lang ang nauna. Tutal, ako rin naman ang hoobae.

"Annyeonghaseyo," sagot nito na tumingin lang sa'kin saglit at yumuko na.

Ni hindi siya ngumiti o kung ano pa man. Kinuha lang nito ang phone sa bulsa at nagpaka-abala na rito. Nakagat ko ang dila ko at takang napayuko rin. Bakit hindi nanaman niya ako pinapansin? Dahil ba may ibang tao? Naiintindihan ko naman kung gano'n pero sana man lang ngumiti siya kahit kaunti o kahit patago lang.

"Mag-order muna tayo," narinig kong simula ni Ms. Jendi.

Matapos ang main course, nag-order naman kami ng tea at sinimulan na ang meeting. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang seryoso naman yata ng atmosphere. Hindi ako sanay sa ganito.

"All right," simula ni Ms. Jendi. "Let's make this quick."

"Okay," sang-ayon ni Manager Sejin. "Pinatawag namin ang meeting na ito para i-inform kayo formally tungkol sa isang project."

"Project?" ulit ni Taehyung.

"Ito ba 'yong binanggit mong surprise project noong isang araw?" paglilinaw ni Jimin.

"Yes. Project with Lee-ahssi," si Ms. Jendi ang sumagot.

"With Lee-ahssi," mahina kong ulit. "You mean, project ng BTS with Rainbow-C?"

"Aniyo. A new project with you. Ikaw lang at silang tatlo."

"Ako at silang tatlo?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa tinutukoy niyang tatlo. Una kong natingnan si Jimin na nakangiti sa'kin. Mukhang siya lang ang natuwa sa balita at parang hindi rin nasorpresa. Sunod kong natingnan ay si Taehyung na kasalukuyang nakatingin naman kay Suga. Naka-side view siya sa'kin pero nakikita kong nakasimangot pa rin siya. Huli kong natapunan ng tingin si Suga na nakatingin din sa'kin ngayon. Nakakunot ang noo nito at halata ko sa reaksyon niya na medyo nabigla rin yata siya.

Surprise project daw. Literal na sorpresa talaga, naisip ko. Pero sa totoo lang sa mga sandaling ito, nagtatatalon na ang puso ko sa loob ng aking dibdib dahil sa nalaman.

May project ako kasama sina Taehyung at Jimin! Ang bias at bias-wrecker ko! Hindi na baleng kasama pala si Suga basta ang importante, kasama si Taehyung ko! God! Bakit ang swerte-swerte ko? Ano kayang project ito?

"Bakit parang biglaan yata?" maya-maya'y narinig kong tanong ni Suga.

"Idi-discuss namin ang details sainyo sa susunod na meeting. We will have a one-on-one meeting with each of you."

Nakatingin nang seryoso si Manager Sejin kay Suga nang sumagot na para bang may gusto itong iparating sa kanya na hindi pwedeng sabihin sa harapan namin.

"Bakit hindi pa ngayon i-discuss?"

Sabay-sabay ulit kaming napatingin kay Suga dahil sa tono ng pagkakatanong niya. May halong pagdududa sa ekspresyon ng kanyang mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-seryoso. Ano kaya ang nangyayari? Bakit parang hindi siya natutuwa sa project na sinasabi ng mga managers namin? Grabe naman siya. Parang naiinsulto naman ako sa reaksyon niya.

"May point si Suga," sang-ayon ni Ms. Jendi. "Well, this will be a song collaboration with you and our Lee-ah. Gagamitin natin 'yong kantang sinulat niya."

Tumingin sa'kin si Ms. Jendi. Napapikit-pikit ako sa narinig. Kantang isinulat ko? Hala. Wala akong sinulat na kanta. Ano ba'ng sinasabi niya?

"We'll provide you a copy and kayo na bahalang mag-arrange to fit your lines. I am sure namang alam niyo na ang dapat gawin to fit your music ideas and style para mas ma-improve ito. Am I right?"

"Okay," tipid na sagot ni Suga.

Napansin ko ang matiim na pagtitig nito kay Manager Sejin bago huminga nang malalim. Bakit kaya parang iba ang kutob ko ngayon sa nangyayari? Kanina, natuwa talaga ako dahil sa nalaman pero ngayong nakikita ko ang nakakunot na noo ni Suga, para bang may hindi tama.

"Exciting ito!" nakangiting sabi ni Jimin. Tumingin ito kay Taehyung at siniko ito. "Hindi ba, Taehyung-ah?"

"Ne," tipid na sagot ng kausap at tuloy sa pagkalikot ng kung ano sa phone niya.

Tumawa naman si Jimin sa reaksyon ng katabi. Pero bigla na lang siyang tumingin sa'kin na ikinagulat ko. Agad akong yumukod at ngumiti.

"So, that's it. Ipapadala na lang namin 'yung copy this week para masimulan niyo na ring maayos ito," nakangiting pagtatapos ni Ms. Jendi sa meeting.

"Ne," sagot ni Suga na sa tingin ko ay siya talagang mag-aayos ng kantang bubuuin namin para sa project na ito.

"Excuse me, Ms. Jendi," simula ko. "Ano'ng kanta po ba ang tinutukoy mo?"

"Yung ipinasa mo sa'kin almost year ago. Iyong hindi nakasama sa album niyo. I think, that will be perfect for this project."

Almost a year ago, so ibig sabihin, 'yung totoong Park Lee-ah pa ang gumawa no'n. Mabuti naman. At mabuti ring may copy na no'n si Ms. Jendi kasi kung ako ang hingian niya ng kopya, patay.

"Ah, Lee-ah," tawag ni Ms. Jendi sa atensyon ko. "Magri-restroom lang ako then let's head back to the office. Okay?"

"Okay po."

Sabay na ring tumayo sina Suga at Manager Sejin. Nagpaalam ang dalawang magri-restroom din kaya ang tanging naiwan sa mesa ay kaming tatlo nina Taehyung at Jimin.

"Excited akong maka-trabaho ka, Lee-ahssi." Nakangiti nang maluwang si Jimin nang magsalita. Sinagot ko rin ito ng bungisngis.

"Ako rin," sagot ko.

Excited talaga ako! Sobra! Imagine, song collaboration with Taehyung, Jimin at Suga! Ni sa hinagap, hindi ko naisip na magkakaroon ako ng kanta kasama sila. Isa pa, ibig sabihin din nito ay mapapadalas ang pagkikita namin sa recording process. My God!

"Ikaw, Taehyung-ah," baling nito sa katabi na ngayon ay nakasimangot pa rin at nakatingin lang sa tasa ng tsaa na hawak nito. "Ya! Tinatanong kita."

"Ne?" kunwa namang tanong ni Taehyung.

Bakit parang ang pangit ng mood niya ngayon? Ni hindi rin siya tumitingin sa'kin. Kahapon lang, nag-chat pa siya sa Kakao at nagtatanong kung nasaan ako. Ano kaya'ng nangyari bakit parang ang lamig nanaman niya sa'kin ngayon?

Ang gulo naman ni Taehyung!

Tumingin ka naman sa'kin oh! Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa ginagawa niyang pagdi-deadma sa'kin. Bakit ganito siya makitungo ngayon? Kahit hindi niya ako pansinin o ngitian kung nahihiya siya o ayaw niya dahil nakikita ni Jimin, okay lang naman. Pero sana man lang tingnan niya ako. Kahit saglit lang.

"Sabi ko masaya ka ring maka-collab si Lee-ahssi, 'di ba?"

Sa wakas, nag-angat ng mga mata si Taehyung at tumingin sa'kin. Agad akong naghanda para salubungin siya ng ngiti pero nakasimangot pa rin siya nang magkatinginan kami. Matagal siyang nakatingin lang sa'kin. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya at tila may gustong sabibin pero hindi siya umimik.

Sabihin mo na, Taehyung, kung ano man ang nasa isip mo ngayon. Makikinig ako.

"Restroom lang ako," sa halip ay sagot niya kay Jimin at tumayo.

Naiwan kami ni Jimin na nakasunod lang ng tingin sa papalayo niyang likuran. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga mata ko kaya agad akong pumikit-pikit para pigilan ang mga nais bumuhos mula rito. Napalunok ako at pasimpleng kinapa ang dibdib kong kumikirot.

Ang sama ni Taehyung!

"Nag-away ba kayo ni Taehyungie?" tanong ni Jimin sa'kin na siya kong ikinagulat.

"Away? B-bakit naman kami mag-aaway?" pilit ang ngiti kong sagot.

Kumunot ang noo ni Jimin at nang mapansin kong parang inaaninag niya ang mga mata ko, agad akong nagbaba ng tingin. Nakakahiya kung makita niyang naiiyak ako ngayon. Hindi ko alam kung may alam siya o sadyang intrigero lang. Narinig ko ang malalim na pag-buntong-hininga ng katabi ko.

"Hayaan mo lang muna si Taehyung. Madamdamin talaga 'yon. Minsan, para na siyang bata, kaya intindihin na lang natin."

Oo nga pala, naisip ko. Totoo pala talaga ang akala ko lang noon na si Taehyung ang klase ng tao na madamdamin talaga. Sabagay, madalas na mahalata ko rin naman sa mga videos nila ng BTS na minsan, napipikon siya o kaya naman ay nagtatampo. Si Jimin ang umaaktong bestfriend at kuya niya. Ito rin ang laging nagpapagaan ng loob niya at nagpapatahan tuwing naiiyak siya. Kaya ito rin ang pinaka-close niya sa BTS.

Nakakaiyak pa nga noong binasa niya 'yong sulat niya para kay Jimin noon sa Bon Voyage Season 2 habang nasa yate sila. Ramdam na ramdam sa letter niya ang pasasalamat niya sa deep friendship nila ni Jimin.

"Ne," sagot ko kay Jimin. Bagsak ang mga balikat na kinuha ko ang tea cup ko, uminom at ibinaba ulit ito sa mesa.

"Ah, Leeah-ssi."

"Ano 'yon?" tanong ko. Tumingin ako kay Jimin at ngumiti.

"Nagkita ba kayo ni Taehyung kagabi?"

"Ha?" gulat kong tanong sa kanya. Para akong nabilaukan ng sarili kong laway at hindi agad nakasagot.

"Huwag kang mag-alala. Ako lang naman ang nakakaalam."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nai-kwento sa'kin ni Taehyung ang tungkol sa inyo."

"T-tungkol sa'min? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Kinakabahan ako sa narinig ko. Alam daw niya ang tungkol sa'min. Ano ang meron tungkol sa'min ni Taehyung na pwede niyang ikwento kay Jimin? Kay Jimin na pinagkakatiwalaan niya ng mga sikreto niya. Ibig sabihin ba nito ay hindi ko lang imahinasyon na baka espesyal din ako kay Taehyung kasi naita-topic niya ako sa kaibigan niya?

"Oo. Tungkol sa inyo. Na magkaibigan kayo."

"Ne. Tama ka. Magkaibigan kami."

Sabi ko na, kaibigan lang talaga ang turing sa'kin ni Taehyung. Kanina nang marinig ko ang sinabi ni Jimin na naikwento na ni Taehyung sa kanya, biglang nabuhay ang pag-asa sa puso ko na baka ikinikuwento niya ako kay Jimin, sa bestfriend niya, dahil may espesyal siyang nararamdaman para sa'kin. Pero hindi pala. Ang tanga ko talaga.

"Kagabi, sinabi niya sa'king magkikita kayo."

"Kagabi?" ulit ko. "Pero nasa pratice ako kagabi."

"Talaga? Kasi, nagpaalam siya sa'kin na bababa siya ng building para puntahan ka. Galing ka raw sa Holly's."

"Ayun ba?" Saglit akong nag-isip. "Wala naman siyang sinabi sa'kin na magkikita kami."

Napakunot-noo si Jimin at tumingin sa malayo. Maya-maya ay tumango-tango ito at tumawa nang mahina. Taka naman akong napataas ng kilay sa reaksyon siya. Ano'ng problema nito ni Jimin?

"Sa tingin ko, naiintindihan ko na. Alam ko na kung bakit tinotopak nanaman si Taehyung-ah. "

"Bakit?"

"Secret. Baka magalit siya kapag sinabi ko," sagot nito sabay tawa.

"Okay," sagot ko at nanahimik na. Kinuha ko ang phone ko at sinilip ang oras. Malapit na palang mag-alas siete.

"Magkasama kayo ni Suga-hyung kagabi, 'di ba?" maya-maya ay tanong ni Jimin. Agad akong napaangat ng mata.

"P-paano mo nalaman?"

"Wala naman. Hula ko lang."

Bago pa man ako muling makasagot, dumating na si Ms. Jendi. Tumayo na rin ako para magpaalam kay Manager Sejin at kay Suga na kararating din lang sa mesa.

Wala pa rin si Taehyung. Ang tagal naman niya makabalik. Gusto ko sana siyang hintayin bago umalis pero hindi na nag-aksaya ng panahon si Ms. Jendi at niyaya na akong umalis. May dadaanan pa raw kami sa Big Hit bago niya ako ipahatid sa dorm.

"Just contact us kapag ready na ang song for recording," ani Ms. Jendi. "Kamsahamnida."

"Kamsahamnida," sabi ko rin sabay yukod.

"Kamsahamnida!" sagot naman nina Jimin, Suga at Manager Sejin.

Si Suga ang tumayo para ihatid kami sa may exit ng restaurant. Maiiwan pala silang apat dito. Saan kaya sila pupunta pagkatapos nito?

Nakangiti si Suga nang may sabihin si Ms. Jendi. Napaka-professional ng kilos ni Suga kapag trabaho ang pinag-uusapan. Hindi siya nakasimangot tulad ng lagi niyang ginagawa noon kapag nagkakatinginan kami.

Naku, naalala ko nanaman! Sa'kin lang naman kasi siya masungit. Pero sa mga unnie ko sa Rainbow-C at sa mga staff, mabait naman siya.

"Annyeong!" paalam ko sa kanya at yumukod.

Himala namang ngumiti ito at yumukod din. Medyo nauna na nang kaunti si Ms. Jendi kaya naman hindi na niya nakita ang ginawa ni Suga. Lumapit ito sa likuran ko at bumulong.

"Good luck sa project natin."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi niya pero medyo sarcastic kasi ang dating sa'kin nito kaya nakasimangot ako nang lumingon sa kanya.

"Bakit parang ang good luck mo--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumampas ang tingin ko kay Suga at nagkasalubong ang mga mata ko at ni Taehyung na nakatingin din pala sa'min. Magkasalubong ang mga kilay nito at nang masigurado kong sa'kin nga siya nakatingin, sinubukan kong yumukod para magpaalam sa kanya pero pagtingin ko ulit, nakaupo na ito at kausap na si Jimin.

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kay Suga at tumalikod na lang. Ang bigat-bigat ng puso ko. Bakit ganyan ka, Taehyung?

Kasalukuyan na akong pababa ng elevator sa basement ng building kinagabihan, para pumunta sa naghihintay na van na siyang maghahatid sa'kin sa dorm. Naiwan na si Ms. Jendi sa taas kaya naman mag-isa na lang ako sa ngayon.

Habang nasa loob na ng van at naghihintay sa driver, naisipan kong buksan ang Kakao ko at basahin muli ang mga message ni Taehyung.

Nalulungkot talaga ako sa ginagawa niyang pag-deadma sa'kin. Sa totoo lang, ang bigat-bigat talaga ng kalooban ko mula pa pag-alis namin ni Ms. Jendi doon sa restaurant kanina. Akala ko pa naman, magiging maganda ang gabing ito dahil nagkataong sina Taehyung pa talaga ang ka-dinner namin.

Pababa na ako.

Biglang lumaki ang mga mata ko nang mabasa ang huling message pala ni Taehyung kagabi. Shit! Hindi ko na 'to nabasa kagabi dahil agad na akong nag-log out. Ang tanga ko! Kaya pala sinabi ni Jimin na sinabi raw sa kanya ni Taehyung na magkikita kami!

Pagkabanggit na pagkabanggit ko ng pangalan ni Taehyung sa isip ko ay siya namang pagdaan nito sa van na kinasasakyan ko ngayon. Kasama niya si Jimin na naglalakad papunta rin yata sa sasakyan nila. Agad akong umibis para puntahan sila.

Kailangan kong mag-sorry.

Medyo mabilis silang maglakad kaya kinailangan ko pang tumakbo para mahabol sila.

"Taehyung-ah!"

Gulat na mga mukha nina Taehyung at Jimin ang lumingon sa'kin. Pero mas nagulat ako sa sarili ko kung bakit Taehyung-ah ang tinawag ko sa kanya. Ang sabi pa naman niya, tatawagin ko lang siyang gano'n kapag kaming dalawa lang.

"Lee-ahssi!" bati ni Jimin.

Nagbago ang mga suot nila. Kung kanina naka-long sleeves si Jimin na kulay puti at si Taehyung ay naka-varsity jacket, ngayon pareho silang naka-brown hoodie jacket at red baseball cap. Para silang naka-couple attire.

"Annyeong!" bati ko at tumingin agad kay Taehyung. Ngumiti ako nang alanganin.

"Bakit humahangos ka?" nakatawang tanong ni Jimin. "Tumakbo ka ba?"

"M-medyo. Kasi gusto ko sanang..."

"Ne?" tanong ni Jimin.

Tumingin ako kay Taehyung na sa ngayon ay nakatitig din sa'kin. Nakakatakot ang pagka-seryoso ng mukha niya. Parang biglang umurong ang dila ko at hindi agad naituloy ang sasabihin ko. Natatakot akong mapahiya.

"Gusto mo bang makausap si Taehyung?"

Kahit kailan talaga, malakas ang pakiramdam ni Jimin. Sa tingin ko, nahalata niya agad na may nais akong sabihin kay Taehyung. Pero paano ko nga ba sasabihin? Parang natatakot ako.

"Ano'ng sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon. Nagmamadali kami."

Napalunok ako nang marinig ang boses ni Taehyung. Hindi ako sanay na ganito siya magsalita. Bakit parang galit talaga siya sa'kin? Hindi ba niya alam na napapahiya na ako sa harap ni Jimin? Kanina pa siya ah.

"K-kasi, ano..."

"Mauuna na ako, Taehyung-ah," paalam ni Jimin. Tumingin ito sa'kin at ngumiti. "Sa tingin ko, nahihiyang magsalita si Lee-ahssi kasi na'ndito ako."

"H-hindi naman. Ano kasi..."

"Sunod ka na lang, Taehyung-ah. Ako na magsasabi kay Joonie-hyung na male-late ka."

"Hindi na kailangan," sagot ni Taehyung. "Wala naman kaming dapat pag-usapan."

"Meron!" malakas kong pakli.

Kahit ako ay nagulat sa sarili ko pero kailangan kong paninindigan na ito. Ayokong patagalin pa ang drama ni Taehyung. Kung ayaw niya sa'kin o kung galit siya, kailangan kong malaman. Hindi 'yung ganito na iniiwasan niya akong kausapin.

"May sasabihin ako sa'yo, Taehyung-ssi."

Kunot ang noong tiningnan niya ako nang taimtim. Kumibot ang bibig nito at huminga nang malalim. Pero hindi ako nagpatalo. Sinalubong ko ang mga mata niya at nakipaglaban ng titigan. Hindi ko na namalayan kung kailan at paano umalis si Jimin hanggang naiwan na lang kaming dalawa ni Taehyung sa gitna ng tahimik na parking lot.

"Ano'ng sasabihin mo?" kapagdaka'y tanong ni Taehyung. Hindi na siya nakatingin sa'kin at nakatitig na lang sa malayo lampas sa ulo ko.

"Mianhae," simula ko. "Ngayon ko lang nabasa 'yung chat mo kagabi."

"Ang alin ba? Wala akong maalala."

"Iyong sabi mo na sasalubungin mo ako kagabi noong pauwi na ako galing Holly's."

"Ah, 'yon ba? Wala lang sa'kin 'yon," sagot nito at umismid.

"Sorry kung bumaba ka pala para--"

"Wala nga lang sa'kin 'yon. Huwag mong gawing big deal."

Parang may sumabog na kung ano sa loob ng tenga ko dahil sa narinig. Para akong biglang nabingi. Totoo ba ang narinig ko?

Huwag mong gawing big deal.

Totoo ba ito na narinig ko mismo ngayon lang kay Taehyung ang mga salitang iyon? Ako lang ba ang nag-iisip na ang hindi ko agad pag-reply sa kanya kagabi ang dahilan kung bakit nagtatampo siya ngayon? Napaatras ako nang isa mula sa kanya. Parang nanghihina ang mga tuhod ko at tila ba gusto kong maupo sa sahig. Sobrang init na ng mga mata ko. Kailangan ko nang makakaalis dito. Kailangan ko nang makalayo sa harapan niya. Nakakahiya!

Bakit nga ba ako nag-isip na may pakialam si Taehyung sa'kin? Ang lakas ng loob kong pangarapin na ang isang Kim Taehyung ay magkakaroon ng pakialam sa babaeng katulad ko lang.

"G-gano'n ba?" garalgal ang boses kong sagot.

"Yon lang ba ang sasabihin mo?"

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Sinubukan kong huwag ipakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman sa pamamagitan ng pagbungisngis. Lumunok muna ako ng laway bago sumagot.

"N-ne," rinig ko sa basag kong boses ang hapdi ng libo-libong karayom na tumutusok ngayon sa puso ko, pero pinilit kong huwag ipahalata sa kanya. "K-kamsahamnida. Annyeong!"

Pagkasabi no'n, mabilis na akong tumakbo pabalik sa van. Hindi niya dapat makita na nasasaktan ako sa ginawa niya. Ayokong malaman niyang umasa akong kahit papaano ay may nararamdaman siyang espesyal para sa'kin. Hindi niya dapat malamang inakala ko na ang pag-alaga niya sa'kin noon sa Genius Lab ni Suga at ang pagyaya niya sa'king mamasyal sa boardwalk noong gabing iyon pagkatapos ng K-Con, ay may mas malalim pang dahilan kaysa sa pakikipagkaibigan lang.

Hindi niya dapat malamang umasa akong kahit papaano ay magugustuhan niya ako bilang babae at hindi bilang isang katrabaho o bilang isang fan.

"Ihahatid na po ba kita, Lee-ahssi?" narinig kong tanong ng driver sa'kin na nasa loob na pala ng van. Nasa likurang bahagi ako ng van.

"Ne. Tara na," sagot ko at pilit na ngumiti. "Matutulog lang ako. Pakigising na lang ako kapag nasa dorm na. Kamsahamnida."

Medyo madilim sa loob ng van. Sinuot ko ang hood ng gamit kong jacket hanggang sa halos matakpan na nito ang kalahati ng mukha ko. Hinatak ko pa lalo ang hood hanggang sa tuluyan na nitong matakpan ang buo kong mukha. Hanggang sa matakpan nito ang mga luhang mabilis na nagsilandasan sa mga aking mga pisngi. Ang mga luhang kanina ko pa pilit na ikinukulong sa puso kong tila wasak na wasak sa mga sandaling ito.

Napakapait ng mga luhang ito na dumadaloy mula sa aking nakapikit na mga mata at tumutulay pababa sa dibdib ko. Mga luhang parang sumasakal sa'kin at humaharang sa paghinga ko.

Mga luha ng pag-ibig para sa bituing kailanman ay hindi ko dapat pinangarap na maging sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

61.8K 2.1K 29
Isang dyosa at isang kutong lupa.May pag asa pa kayang magkasundo? At eto pa.May pag ibig kayang mabuo sa kabila ng pagkakaiba nila? Tara't basahin n...
87.4K 2.3K 60
๐’ž๐‘œ๐“‚๐“…๐“๐‘’๐“‰๐‘’๐’น ๐ŸŒธ Ako ay isang ๐˜„๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐˜†. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pan...
183K 3.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
5.9K 269 16
[COMPLETED] (UNDER EDITING) "How would you know if you met your other half?" "How would you know if you are meant to each other?" "Would you feel so...