Fragments of Memories 1: Marr...

By IamLaTigresa

1.4M 16.2K 1.9K

The Wattys2019 Winner : Romance Category Ranked #1 in Romance Ranked #1 in Pain Ranked #1 in Broken Ranked #... More

Introduction
Synopsis
Teaser
Prologue
1: Mrs. Sean De Marco
2 : Devil Personified
3 : Mr. Sean De Marco
4 : The Big Boss
5 : Who are you?
6 : First Love
7 : Babe
8 : Bath Tub
9 : Thug Wifey
11 : Diary
12 : Bath Tub 2
Special Chapter

10 : Couch

31.2K 796 77
By IamLaTigresa

Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite room at sa guest room na inuukopa niya, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.

Sinundan niya ng tingin ang paglakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.

It was already past ten in the evening. At siguro kagaya niya, hindi rin makatulog ang babae.

Nagduda siya kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito ang tungkol sa Mama niya kanina. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.

Malalim ang buntong hiningang hinugot ni Sean nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands gustong talunin ni Sean ang veranda. Biglang bigla ay gusto niyang yakapin ang babae at i-share rito ang init ng kanyang katawan.

Iniwan niya ang veranda at nagdesisyong dalhan ito ng kape. Hawak niya na ang doorknob ng kwarto nang matigilan. Napapihit si Sean pabalik sa pinanggalingan.

Paanong naisipan niyang dalhan ito ng kape pagkatapos niya itong insultuhin kanina? Bumuntong hininga siya. Frustrated sa sarili.

Nang dumungaw siya uli para silipin ang babae, wala na ito roon. Papasok na siya sa loob ng guest room nang makita niyang nagliwanag ang katabing kwarto.

Mula sa kinaroroonan, nakita pa niya ang anino ni Thera. Ang ilang beses na pagpabalik-balik nito ng lakad. Tititig sa kama tapos lilingunin bigla ang couch.

Nakita niyang binitbit nito ang unan mula sa kama at ipinwesto iyon sa couch. Nahiga ito roon imbes na sa komportable at malambot niyang kama.

Pagkalipas ng ilang minuto, hindi na kumilos pa ang babae. But Sean stayed, pinagmamasdan ang bulto nito mula sa veranda.

Then he noticed, she left the lights on. He smiled a little without a bit of humor. Hindi ito nakakatulog kapag nakabukas ang ilaw, natatandaan niyang sinabi nito bago pa man sila ikasal.

November 15, 2009
Baguio City, Philippines

Mabilis na ipinasok ni Sean ang box ng mga libro sa backseat ng kotse niya. Nakaparada iyon sa harap ng Sean and Tan's. Nabili niya noong isang linggo pa ang mga libro, nabasa na rin ang ilan. Ngayon niya naisipang iuwi ang mga iyon at idagdag na sa koleksyon niya ng mga libro sa library ng villa kung saan siya tumutuloy tuwing nasa Baguio siya.

Kaninang tanghali pa malakas ang ulan at mukhang walang planong tumila. Nagpaalam na siya kay Miguel, ang kasalukuyang store manager na mauunang umuwi.

Mag iimpake pa siya para sa naka-schedule na biyahe kinagabihan. Ipinatatawag ni Mr. Hernandez ang buong board para sa isang meeting.

Patakbong bumalik si Sean sa loob ng Tea Caf para kunin ang gamit niya. Pinagpag ang suot na trench coat na bahagyang nabasa ng ulan. Nadaanan ng tingin niya si Thera na namumutlang nakapuwesto sa counter. Kausap nito ang dalawang babaeng iritableng nakikipagtalo sa dalaga. Natuon na sa mga ito ang atensyon ng ilang customers.

Pamilyar kay Sean ang dalawang babae bagaman hindi niya alam pareho ang mga pangalan. Sa DM University ang mga ito nag-a-aral, parokyana at suki ng Sean and Tan's.

"Grande nga ang sinabi ko 'di ba? Small size ang pi-nunch mo. God, pamali-mali ka, ano ba 'yan. Pagkatapos ano naman kaya ang ie-expect kong darating ngayon sa table ko? Latte imbes na amerikano? Twice ka nang nagkamali sa dalawang beses kong pagpunta rito ngayong linggo. Hindi ko alam kung nananadya ka ba o ano."

"I'm sorry, Ma'am." apologetic na sabi. "No'ng nagpalit po kasi kayo ng order akala ko final na."

"Kasalanan ko pa na slow ka?"

"Sorry po. Pasensya na po talaga."

"Sorry? Puro sorry na lang nadidinig ko sa 'yo simula nang maging cashier ka rito."

"B-baka nalito ho ako, kasi ang dinig ko po talaga..." kusang huminto sa pagsasalita si Thera. Nagyuko ng ulo nang mapansin siya sa entrada. "Papalitan ko na lang po ng grande."

"One week ka na rito 'di ba?" Putol ng customer. "Hindi mo pa rin magawa nang tama kahit simpleng pag-take ng order lang."

Kung nakailang hingi ng pasensya si Thera, Sean already lost count pero nanatiling matigas ang customer. Determinado itong ipahiya ang bartender.

"I want to talk to your manager, dapat ibalik na lang ang mga lalaking cashier mas madali silang kausap kaysa sa mga babae. Nasaan ba si Sean?"

Kagat ang labing napatingin sa kanya si Thera. Nakaguhit sa mukha ang guilt. Sinenyasan ni Sean si Miguel na igiya ang dalawang customers sa opisina niya.

Nakakaintinding tumango si Miguel. Nagsenyasan ang dalawang babae sa paraang ang mga ito lang ang nakakaintindi.

Nagpatiuna na sa loob ng opisina niya si Sean. Saglit lang, narinig niya ang magkakasunod na mahihinang katok sa pintuan.

"Sean..." bumungad si Miguel. Pumasok ito sa loob. "Nasa restroom ang dalawa. Mukhang malaki talaga ang tama sa 'yo no'ng Mara." Napailing ito. "Kita mo, ginawa na ngang extension ng bahay nila ang Tea Caf sa dalas ng pagpunta."

Hindi siya sumagot. Mamaya lang, narinig na nila ang magkakasunod na katok sa pinto. Mag-isang pumasok ang customer na nagrereklamo kanina. Obvious ang ginawa nitong pagsuyod ng humahangang tingin mula ulo hanggang paa ni Sean bago tumitig sa mukha niya.

"Iwanan ko muna kayo, Sean." si Miguel na akmang tatalima.

"Stay for a moment, Miguel."

Nagkibit ng balikat ang kaibigan, sinunod ang utos niya. The woman has a disappointed look on her face, sinulyapan si Miguel bago tumitig uli sa kanya.

Sean stared, studying her face. Nag-retouch ng make-up ang babae bago pa man humarap sa kanya. Ngumiti ito nang matamis.

"Hi. I am Mara, I know natatandaan mo pa." Nag-abot ito ng palad sa kanya na out of politeness, tinanggap niya.

Imwinestra niya ang upuan sa harap nito. Naupo ang babae sa visitor's chair, nag-cross legs. Saka lang naupo si Sean sa naghihintay niyang swivel chair.

"About your employee. You do not need to apologize on her behalf. Pero na-stress talaga ako nang sobra sa kanya. Baka kung... ide-date mo 'ko, makatulong para mabawasan ang disappointment ko. Kahit saan o kailan mo gusto, okay ako."

"The apology you were talking about... I believe my employee deserves to hear that from you, Ma'am." diretsang sabi niya.

Nabura ang seductive na ngiti na suot ng babae. Hindi nakapaniwalang napatitig sa kanya.

"Ako ang ine-expect mong mag-sorry? Papaburan mo ba ang pagiging incompetent ng sarili mong empleyado kaysa sa reklamo ng customers mo? You gotta be kidding me. Nasaan na ang customer is always right policy?"

"Ten hours a day, hundreds of customers walk in." kalmadong sagot ni Sean. "Sometimes, my employees make mistakes but none of those customers humiliated my staff in front of everybody."

"She deserved it for being stupid. This won't happen in the first place kung hindi siya pamali-mali. Hindi ba dapat sine-sesante mo 'yon, sinususpende o binibigyan ng leksyon?"

Ngumiti si Sean.

"I want to actually send her an official reprimand for being too nice."

Napaubo si Miguel while the woman's nose flared. "Look, I am the customer here."

Kinuha ni Sean ang check book na nasa drawer niya. "How much do you need me to pay you kapalit ng hindi mo pagbalik dito?"

Nangiwi si Miguel.

"Or how much do you want me to pay you para humingi ka ng tawad sa empleyado kong ipinahiya mo?"

Namula ang babae.

"You're too much, Sean. Ang gusto ko lang naman ay..."

"Makausap ako?" putol niya.

Natameme ito. Nag-umpisang magsulat sa tseke si Sean. Pinilas iyon nang matapos at inilapag sa harap ng babae.

"You got what you wish for with a hundred thousand pesos bonus check. Puwede ka na bang lumabas o humingi ng tawad sa empleyado ko?"

Mara clenched her teeth. Sinulyapan ang tsekeng naka-pay to cash bago itinuon ang galit na tingin sa kanya.

"I did the same thing to your male cashier two weeks ago. You were there. I demanded to talk to you pero nilampasan mo lang ako. What makes this particular employee of yours special na handa ka pang bayaran ako kapalit ng paghingi ko ng tawad?"

Pinaglapat ni Sean ang mga labi. Hindi niya gustong sagutin ang tanong.

"I'm not going to apologize, Sean. Not in this lifetime." hinablot nito ang tseke pagkatapos, nag-martsa palabas ng opisina niya.

"You have a unique way in breaking someone's heart, Sean." naiiling na ani Miguel. Lumabas na ito ng opisina niya.

Ilang sandali ang pinalipas ni Sean bago kinuha ang bag niya sa ibabaw ng desk at lumabas ng opisina.

Awtomatikong hinanap ng mga mata niya si Thera pero wala ang babae sa counter, wala rin ito para mag-serve sa mga customers.

She must be crying her heart out in the restroom. Alam ni Sean na sinadya ni Mara na ipahiya si Thera. He saw the jealous look in Mara's face nang makita nito ang pangalan ni Thera sa bulletin board ng cafe nang ideklara nila itong 'masuwerteng' nakabunot ng winning coupon noong anniversary ng Tea Caf.

Malamang hindi rin nagustuhan ng babae ang sinet-up nilang date, maging ang pagkakapasok bigla ni Thera sa coffee shop bilang cashier/bartender.

'What makes this particular employee of yours special na handa ka pang bayaran ako kapalit ng paghingi ko ng tawad?'

Ipinilig ni Sean ang ulo. Nothing is special about Thera. Sinusundot lang talaga siya ng konsensya kasi dahil sa kanya, napag-iinitan ito ng iba.

Humakbang si Sean sa wakas palabas ng cafe. Napansin niya ang paghinto ng tricycle sa harap. Bumaba roon ang isang lalaki na agad sumilip sa glass wall ng coffee shop. Malakas pa rin ang ulan kaya ang hawak nitong plastic folder ang ginawang pananggalang sa ulan.

Nakasuot ng uniporme ng ibang eskwelahan ang lalaki, may sukbit na back pack na kulay itim. Pamilyar sa kanya ang mukha pero hindi niya matukoy kung saan niya unang nakita.

"Hindi pa yata pumasok ang gaga. Pabigat talaga." narinig niyang bulong nito nang itulak niya pabukas ang pinto at akmang lalampasan ito.

"Katrabaho ka ni Thera, 'di ba?" habol nito.

Huminto siya sa paghakbang, hinarap ang bagong dating pero hindi sumagot. Pasimpleng pinag-aralan niya ang mukha nito. Kung hindi siya nagkakamali, si Thera ang hinahanap nito. Ibig sabihin ang dalaga ang tinawag nito kanina na gaga at pabigat.

"Nakita kita no'ng isang araw sa loob. Naalala mo, ako 'yong lumapit kay Thera at nag-abot ng bill namin sa tubig? Waiter ka ba?" Sinipat siya nito. "Hindi ka mukhang waiter, eh barista?"

Wala pa rin kahit isang salita mula kay Sean. Nilingon uli ng lalaki ang Tea Caf.

"Sabi ni Thera, duty siya ngayon pero hindi ko siya makita sa loob.. Mukhang nagdahilan lang talaga pero ang totoo gumala lang at lumakwatsa. Tambak na ang labahan namin sa bahay, wala na nga ako halos mahakbangan."

Bahagyang kumunot ang noo ni Sean. Labada?

"Katulong n'yo ba siya?"

Hindi siya makapaniwalang pati ang pagkakasambahay pinasok na ng dalaga.

Tumawa ang lalaki. "Katulong lang ba ang puwedeng tumulong sa paglalaba? Bayad niya 'yon sa pagtira ng libre sa bahay. Nga pala, pag pumasok sabihin mo sa kanyang huwag ma huwag uuwi sa bahay ngayong gabi. May bisita ako. Dumiskarte muna siya kung saan makikitulog."

Tinapik siya nito sa balikat bago patakbo ulit na umalis para mag-abang ulit ng masasakyan sa kabilang bahagi ng daan. Humugot ng malalim na hininga si Sean. Ilan pa ba ang taong puwedeng manamantala kay Thera sa loob ng isang araw lang?

Kinagabihan, sa kabila ng malakas na ulan, natagpuan ni Sean ang sarili na ipina-park ang kotse sa tapat ng bahay na tinutuluyan ni Thera. Hindi siya naghintay nang matagal, saglit lang kasi may pumaradang tricycle sa harap ng bahay. Bumaba roon ang lalaking pumunta sa Cafe kanina. Inalalayan nito sa pag-ibis ang isang maputing babaeng hula ni Sean ay girlfriend nito.

Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob, nag-umpisa nang maglingkisan ang dalawa sa harap ng pinto.

Pumasok si Thera sa loob ng coffee shop bago pa sumapit ang alas dose ng gabi. Hindi na siya nag-abalang magbukas ng ilaw. Maingat siyang humakbang papunta sa sofa, kinakapa ang bawat upuan at lamesa na nadadaanan niya.. Kumunot ang noo niya nang lumanding ang kamay niya sa mainit at matigas na kung ano pagdating niya sa dulo.

"Take your hands off me." someone commanded..

***With Cut Scenes***

AVAILABLE ON BOOK VERSION. Sa Book version, dalawang special chapters po ang mababasa ninyo. Plus Epilogue.

Order now. On Hand. Php 685 + SF.

You may also order from shopee. Follow @iamlatigresaofficial - my shopee account (Cash on Delivery available)

Sa lahat naman po ng readers na nasa ibang bansa at hindi makakabili ng book, available na po ang digital copy ng Fragments of Memories 1 : Married at Seventeen at Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger sa kobo. It is a reading app where you can purchase ebooks.

Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

307K 5.4K 56
Na-fall ka na ba sa BESTFRIEND mo?
2.8M 5.5K 4
Dalawang taong magkaiba ang ginagalawan. Magkaiba ang agwat sa buhay. Magkaiba ang ugali. Kaya mo bang tanggapin ang taong di mo gusto buong buhay mo...
10.9K 721 50
Desperate of reimbursement, Raffy immediately took the chance came to her to work abroad. She successfully completed the exact amount she needed to m...
3M 36.1K 85
(Filipino/Tagalog) Love is like eating your favorite food and you simply can't get enough. Love is like breaking the rule, you know it's bad but you...