Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Five

1.1K 54 13
By MicxRanjo


ERINA couldn't leave just yet. Tumambay muna siya sa tapat ng ospital, pumwesto sa pansitan. Papalubog na ang araw, hindi pa rin niya malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang kanyang malaman ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, ang Sta. Barbara ang unang pumasok sa kanyang isipan kaya siya bumalik sa lugar.

Nabaling ang kanyang paningin sa paghinto ng isang traysikel sa harapan ng ospital, mula roon ay bumaba ang isang babae kasunod ang isang batang lalaki na mga limang taong gulang marahil. Habang nagbabayad ang babae, matuling tumakbo ang bata patawid ng daanan. May isa pang traysikel na paparating sa kabilang kalye at muntikan na nitong nahagip ang bata kung hindi siya mabilis na kumilos upang iiwas ito sa traysikel. Mabuti na lamang at mabagal ang takbo niyon at malapit lang sa kanya ang kinaroroonan ng bata.

"Andrew!" sigaw ng babae, matulin nitong tinakbo ang kanilang kinaroroonan.

Pinakawalan niya ang hawak na bata. Sinuri naman ng babae ang kabuuan nito. "Okay ka lang, ha? Hindi ba sinabi ko naman sa iyong huwag na huwag kang tatakbo kapag nasa kalsada ka?" tumaas ang tinig nito.

"He's not hurt. He's fine, I think." Ngumiti siya. Doon lang siya napansin ng babae.

"Naku, salamat ha? Kung hindi dahil sa 'yo ay baka naaksidente na itong anak kong napakakulit." Ngumiti rin ito. "Ako nga pala si Glenda."

"E-Erina." Inabot niya ang palad ng babae at nakipagkamay siya.

Nagpakawala ito nang malalim na hininga. "May dinadalaw ka?" Pagkuwa'y nguso nito sa ospital.

Napatingin siya roon, saglit na nag-isip bago sumagot. "N-no. May...may pinuntahan lang ako."

"Ay! Naku, baka maiwanan na kami ng jeep papuntang Kastilyo Parola. Mauuna na kami ha?"

"Kastilyo Parola?" Napakunot siya ng noo.

"Oo, 'yong bagong hotel sa may Cape Engaño Lighthouse sa Sta. Ana? Kastilyo Parola ang pangalan ng hotel at kasalukuyan din ang construction ng karugtong na resort. Teka, hindi ka tagarito, ano?"

Umiling siya. "I just got here."

"I see. Actually, unang dalaw ko rin doon e, magmamatyag-matyag lang, work related, you know?" Nagkibit-balikat ito.

Tumango uli siya.

"Sama ka sa amin? Babalik din tayo rito, taga-rito naman kasi ako sa Sta. Barbara. Kung wala ka lang naman gagawin." Nang-aanyaya nitong ngiti.

Muli niyang nilingon ang ospital, walang kasiguruhan kung may makukuha siyang balita sa taong hinahanap, pagkuwa'y kay Glenda tumingin. "Sige, maglilibot lang muna ako saglit, at para makahanap din ako ng mauupahang silid."

"Talaga? Naku, tamang tama, naghahanap ako ng kasera, sa akin ka na mangupahan, mura lang, libre pa tubig at kuryente." Napatapik pa ito sa mga kamay.

Napangiti siya. "Sure, I'll take it." Agad niyang sang-ayon, mas malapit pa siya sa ospital.


FORTY-five minutes ang inabot ng biyahe mula sa Sta. Barbara papunta sa hotel na tinutukoy ni Glenda. Bagay nga ang pangalang Kastilyo Parola ng hotel dahil hindi inilayo ang disenyo ng exterior sa isang kastilyo. May labinlimang palapag ang hotel, at sa pinaka-ituktok niyon ay isang restaurant, at mga telescope na magagamit upang matanaw ang baybayin at magandang paligid ng Parola.

Mas maluwang ang Sta. Ana kaysa Sta. Barbara, mas maraming tao at mas maraming negosyo, dahilan na rin sa ilang tourist spot katulad ng kilalang lighthouse ng Cape Engaño. Napansin niya ang isang gusali na kasalukuyang binubuo, hindi kalayuan sa hotel at beach.

"Uy, Erina, ano, maganda ba?" agaw ni Glenda sa kanyang pansin.

Tiniklop niya ang binabasang flyer ng hotel na hawak saka ito nilingon. "Yes, whoever built this hotel must have a brilliant mind."

Saglit siyang tinitigan ng kaharap bago ngumiti. "Naghahanap ka ba ng trabaho? Naghahanap kasi ang kumpanyang pinagtatrabauhan ko ng part-time decorator."

"Decorator?" Hindi niya kailanman inisip kung ano ang gusto niyang gawin, ngunit alam niyang hindi na niya babalikan ang pagsasayaw. Sa totoo rin lang ay hindi niya alam kung ano at saan siya magsisimula.

"Hindi kalakihan ang suweldo pero may komisyon kapag nakadale ang kumpanya ng big projects. Katulad ngayon, isa ang kumpanya ko sa napiling magpe-present ng designs para sa resort na itinatayo ng Kastilyo Parola. If my company gets chosen it will be the biggest project we will ever handle. It will serve as a door for more and bigger opportunities for us."

Napatango siya.

"Ano, interested ka?"

"Yes, but Glenda, I'm only a high school graduate, do you think they will accept me?"

Natigilan ito. Napaisip. "Hmm, subukan natin."

Muli siyang tumango.

"Tara, pasok na tayo sa hotel."



"CALEB, kumusta ang resort sa Sta. Ana?" Pumasok si Alvaro sa opisina ng panganay na anak. Napansin niyang tinakpan nito ng blankong papel ang kung anumang binabasa sa ibabaw ng working table nito.

"The problem about the road has been taken care of Dad. Napatag na ang daanan kaya hindi na mahihirapan ang mga parokyano sa pagpunta roon at sa hotel." Tumingin ang anak sa kanya.

"Bakit hindi mo na lang ipasemento para isahang ayusan na lang? The maintenance may cost us."

"Ayon sa decorator na kakontrata natin, mas makadaragdag sa attraction ang lupang daanan dahil bumagay sa disenyo ng hotel at resort, hindi masyadong moderno."

"Ganoon ba." Napatango siya. "Kumusta naman ang mga bata sa Del Rio? Nagrereklamo ang mommy mo dahil hindi na niya madalas nakikita ang mga apo namin magmula nang magdesisyon kang doon na muna kayo manirahan."

Ngumiti ito. "Sinabi ko naman ho na sa Del Rio na rin kayo tumira para sama-sama ho tayo. Kasalukuyan ho kasi ang proyektong ginagawa ko roon kaya naman mas maiging nasa mansiyon na muna kami."

"Sinabi ko rin iyan sa mommy mo pero ewan ko ba kung bakit ayaw niyang bumalik doon." Tumayo na siya. "Anyway, iiwanan na kita. Mayroon pa akong aasikasuhin."

"Sige ho."

Hindi niya magawang magtanong kung ano ang plano nito sa mga lupaing binili nito sa Del Rio. Mayroon siyang hinala ngunit pinili niyang pagkatiwalaan ang anak. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at iniwanan ito.



CALEB watched as his father left his office. Nang tuluyan na itong makalabas, iniangat niya ang papel na nasa ibabaw ng isang titulo na binabasa niya kanina at muli iyong pinakatitigan. Dumiin ang pagkakahawak niya sa dulo ng papel halos mapunit iyon. Tumigas ang kanyang panga at nanliit ang kanyang mga mata. Sa wakas, napasakanya na rin ang huling lupain ng mga De Dios-ang Villa De Dios.

Tumayo siya, inilagay sa kahon ang ilang mga dokumentong kakailanganin niya sa Del Rio. Ito ang huling araw niya sa gusali ng ama sa Peñaflor, simula bukas ay sa Del Rio na siya mamamalagi.


PINAGMASDAN ni Caleb ang pangalang Villa De Dios sa arko na nasa itaas ng tarangkahan ng masiyon. Kung may dala lang siyang maso, gusto na niyang siya mismo ang gumiba sa arkong iyon. Bumaba siya mula sa gamit na pulang pick-up truck, pinuntahan ang haliging pader ng gate at pumindot sa intercom na nakadikit doon.

"Sino po sila?" sagot ng tinig babae.

"Caleb, Caleb Guerrier." Saka niya binawi ang daliri sa pagkakapindot sa call button.

Kusang bumukas ang automatic gate. Bumalik sa sasakyan si Caleb at kumambiyo upang iusad iyon papasok sa mansiyon. His teeth clenched upon seeing the familiar place, though he'd seen it only once, the painful memories it left scarred him for life.

Inihimpil niya ang sasakyan sa harapan ng mansiyon. Bumaba siya't humakbang palapit sa malaking pintuan ngunit natigilan nang mapako ang mga mata sa ilang baitang ng hagdanan na naroon. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, bago tumigas ang kanyang panga. Naningkit ang kanyang mga mata nang biglang sumirit sa kanyang isipan ang alaala ng gabing iyon, bigla niyang ipinilig ang ulo. Mabilis siyang kumatok sa pinto, malakas.

Naka-ilang katok siya bago bumukas iyon, saka sumilip ang isang babaeng nasa bente marahil ang edad.

"Pasok ho kayo." Muwestra nito sa maluwang na sala, pinauupo siya.

Pakiramdam niya'y sinisilihan ang kanyang mga paa, gusto na niyang umalis. Ngunit narito siya dahil sa isang sadya at kahit nahihirapan man, pinili niyang huminahon at naupo nga sa isa sa mga sofa.

"Nasaan si Mr. De Dios?" Mabilis niyang tanong sa babae.

"Nasa itaas ho si Senyor Enrique pero pababa na ho. Ano ho ang gusto ninyong inumin?"

Umiling siya. "Hindi na, salamat, hihintayin ko na lang siya rito."

"A, sige ho. Kung may kailangan ho kayo tawagin lang ho ninyo ako sa may kusina, Miradel ho ang 'ngalan ko." Yumuko ito bago siya iniwan.

Gumala ang kanyang mga mata sa kabuuan ng sala-maluwang, maraming kagamitan, gawa sa matitibay at mamahaling muwebles ang mga dingding. May mga malalaking kahon ang nakakalat sa sahig, mukhang naghahanda sa paglipat ang mga nakatira rito.

Narinig niya ang mga yabag na pababa sa hagdanan mula sa ikalawang palapag ng mansiyon. Tumingala siya roon at nakita ang lalaking sadya. Tumayo siya, nagpamulsa, naghintay sa lalaki na makalapit sa kanya.

"Guerrier." sa natural nitong tinig, tiim ang mga matang nakatitig sa kanya.

Isang mapait at maikling tawa ang kanyang pinakawalan. "Caleb. Siguro naman ay alam mong hindi lang ako ang nag-iisang Guerrier sa lugar na ito, Mr. De Dios."

May tungkod na dala ang kaharap, napansin niya ang papilay-pilay nitong paglakad. Naupo ito sa pang-isahang sofa, saka siya tiningala. "Maupo ka."

Sinalubong niya ang mga mata nito, naghahamon, ngunit hindi na iyon sinbagsik katulad noon-wala ang galit, wala siyang mabasa kahit takot man lang lalo pa't siya na ang nagmamay-ari ng kahuli-hulihang yaman nito.

Humakbang siya paikot sa sala, sinuri ang mga dingding, kinakabisa kung anong klase ng tabla ang ginamit sa mga iyon. "It seems that this place was carefully built and well taken care of."

"Oo. Pinagsikapan kong ipundar mula sa aking sariling sikap at pawis. Hindi ko akalaing huhulagpos lang sa akin nang ganito kadali."

Muli niyang nilingon ang lalaki, ngumiti ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. "Now, let's get down to business." Humakbang siyang pabalik at naupo sa sofa na kaharap nito. "Nakita kong nag-umpisa na kayong mag-empake, mabuti naman. May isang linggo kayo para hakutin ang lahat ng mahahakot ninyo bago ko maipagiba ang mansiyon na ito-"

Hindi niya natapos ang ibig sabihin dahil bigla itong tumayo, na agad ding bumigay dahil sa pilay kaya napasandig ang mga kamay nito sa sandalan ng upuan. "Anong ipagigiba? Ang alin?" Sa nanlalaki nitong mga mata.

Hindi niya pinigilan ang ngising sumilay sa gilid ng labi. "O, hindi ba nasabi sa iyo ng assistant ko? I bought his place so that I can build a resort here. Malapit lang kasi ito sa Twin-hills waterfall-"

"Hindi!" Hiningal ang lalaki sa malakas na pagsigaw. "Wala sa kontrata na magigiba ang mansiyon ko. This is Villa De Dios. I built this place!"

"At ngayon ay akin na." sa matigas din niyang tinig. Nakipagtagisan siya sa pakikipagtitigan. "Ako na ang may-ari ng loteng ito at anuman ang naisin kong gawin sa kung anumang nakatayo sa lupang pag-aari ko, kaya kong gagawin." Duro niya sa kinatatayuan nito. "Pagmamay-ari na ito ng mga Guerrier, Mr. De Dios, kaya huwag kang umasta at sumigaw na para bang may kapangyarihan ka pa para gawin ang naisin mo!" Tumahip ang kanyang dibdib sa emosyong pinipigilan.

Natilihan ito. "S-sabi sa kontrata...ayon sa kontrata hindi...hindi ito masisira, na mananatili itong nakatayo at...at magpapatuloy ang negosyong mayroon ito dati..." Larawan sa mukha nito ang pagkalito.

"Oo, pero sinabi rin doon kung patuloy pa ring kumikita ang sakahang nasa paligid nito, pero meron ba? Hindi ba't isang taon ka ng walang ani? E puro utang na lang mayroon ka kung saan-saan, kaya nga ibinenta mo na ito, hindi ba? My father, Alvaro had given you enough grace period, Mr. De Dios, and now you must give us ours."

"K-kung gigibain mo ang mansiyon na ito, wala ng babalikan ang pamilya ko. Ibinenta ko lang ito pero babawiin ko rin kapag--"

"That is not how it works, Mr. De Dios. Not for me. Especially for me."

Awang ang bibig na nakatitig lang ito sa kanya, hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Pagkuwa'y nangatal ang mga labi na iginala nito ang mga mata sa kabuuan ng mansiyon, sa maaabot ng mga mata nito. Pumatak ang luha sa pisngi nito. Napailing. Bakas sa itsura ang sakit nang mawalan.

"Ito na ba?" sa mahina nitong tinig.

"Ang alin?" Kumunot ang kanyang noo.

Nakipagtitigan itong muli. "Naghihiganti ka ba sa nangyari sa inyo ni Erina?"

Sa halip na itanggi, suminghal siya. Ngumisi. Nangislap ang mga mata sa emosyong nagbabaga sa kanyang dibdib. "Oo...nagsisimula na ako."

At kulang pa. Hindi pa sapat ang kanyang nakikita. Hindi niya maramdaman sa dibdib na nagtagumpay siya sa matagal ng kinimkim na galit. Hindi pa. "I want you out and this place cleared out when I come back next week." Tumayo siya't naghanda sa pag-alis. "Have a good day, Mr. De Dios." Sa nang-uuyam niyang ngiti.

Written: 1.27.19


A/N:

Ayan na, ayan na! Lol, excited much. Sana kayo rin. :)

Thank you, thank you for all the reads and everything else, please continue to do so :)

Luv, luv,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
598K 21.6K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
199K 3.8K 21
Dice and Madisson
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...