Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 33

853K 20.6K 2.8K
By simplychummy

Maldita 33

Pababa pa lang ako galing sa kwarto ko, rinig na rinig ko na ang makabasag eardrums na boses ng ever frustrated singer kong kapatid! Wala na ba akong maririnig kung hindi ang boses nya? Araw-araw ganito, sya na nga ang pumalit sa alarm clock ko. Pinuntahan ko kung nasaan sya para patigilin sa pagkanta. Wala sa sala, wala din sa graden, wala din sa garage, wala din sa dining room...masama 'to, ayoko ng iniisip ko kung nasaan sya.Mabilis akong nagpunta sa kitchen.

Nakatalikod sya sa akin; naka-apron, may hawak na sandok sa kanang kamay, at pot holder sa kaliwa. Nakapony tail yung mahaba nyang buhok at may pa sway-sway pa si Ate habang kumakanta. Hindi muna ako pumasok at pinakinggan yung kanta nya. In fairness, nakakaaliw syang panoorin. Hindi dahil sa magaling sya kung hindi dahil mukha syang tanga.

"Baby it's you. You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby It's you. You're the one that gives your all. You're the one I can always call. When I need you make everything stop. Finally you put my love on top."

Sige birit pa, kapag naputol ang litid mo pagtatawanan talaga kita. Hindi ko mapigilan pagtawanan ang pagpipilit nyang lagyan ng kulot ang kanta nya. Nakakaloka! Maubo-ubo na nga sya dahil sa sobrang taas ng kanta. Kantahin ba naman nya ang 'Love on Top ' ni Beyonce eh. Bago pa maputol ang litid nya, nagparamdam na ako.

"Kailan ka pa natutong magluto?" Mapanghusgang tanong ko. Judgemental na kung judgemental pero wala akong tiwala sa ginagawa nya.Napatigil sya sa pagkanta at nakangiting humarap sa akin bago ako sinagot.

"Ngayon lang." Proud pa talaga nyang sabi. Ito ang tinatawag na literal na jaw-dropping-plus-face-palm-moment.

"At proud ka pa talaga! Ano 'yan, additional for your 'frustrating-ambition-in-life' list? Please lang, stop whatever you're doing Avy, ayokong mamatay nang tustado dahil nasunog ang bahay ko o bumubula ang bibig dahil sa pagkain ng niluto mo. Pwede ba that's not so pangmayamang death!" Inis kong sabi sa kanya. At ano pa nga pang isasagot nya sakin kung hindi ang kanyang Avy's famous childish pout. Magsama talaga sila ni Frances.

"Ano ba 'yang niluluto mo?" Lumapit pa ako sa kanya at sinilip 'yung nasa frying pan.

"Pancakes!" Masayang sagot nya. Another jaw-dropping-plus-face-palm-moment.

"Are you sure na pancakes ang niluluto mo? Nasaan na ba kasi si Daldalita?" Nagpipigil na tawa kong tanong.

"Bakit? Mukha naman pancake ahh?" Inosenteng tanong nya at tinusok-tusok nya pa ang pancake daw gamit ang hawak nyang sandok bago nya binaliktad. Napansin ko naman ang iba pang pancakes daw na nakalagay sa plato. Nagkalat din yung pancake mixture at egg shells sa sink.

"Oo, mukha naman silang pancakes...bilog naman silang lahat. Hindi nga lang kulay pancakes." Hirap na hirap na ako sa pagpigil ng tawa ko lalo pa noong makita ko yung itsura nya. Kinuha nya 'yong empty box ng pancake mixtures.

"Sinunod ko naman yung instructions dito eh." Binasa nya 'yung instructions sa gilid ng box. Kinuha ko ang empty box sa kamay nya at pinakita sa kanya ang picture noong pancakes na may butter and maple syrup sa ibabaw na katabi noong mukha kuneho sa karton na naka-toque at nakangiti. Pinalipat-lipat ko ang tingin ko sa picture ng pancake at sa pancake na gawa ni Avy. Saka ako umiling.

"Hindi ko malaman kung toasted, overcooked o roasted pancakes ang ginawa mo eh. Tignan mo naman ang picture sa gawa mo...ang layo!"

"Nako Avah, huwag ka ngang naniniwala sa mga pictures na nakikita mo...in-edit lang yan! Thank you Adobe Photoshop yan Avah. Itong gawa ko, this is real." Pagdepensa nya. Saka hinablot sakin yung box at tinapon sa trash can. Kinuha ko naman ang niluto nya at saka itinapon din sa basurahan.

"Anong ginawa mo sa pancakes ko?!" Gulat, galit at inis na tanong nya sakin.

"Hindi mo nakita? Gusto mo ulitin ko ulit?"

"Bakit mo tinapon?"

"Sa tingin mo may kakain ng gawa mo?"

"Kaasar ka, panira ka ng maganda kong mood!"

"Mag-ayos ka na nga lang. Ang hirap mong matuwa, kung ano-anong naiisip mong gawin." Utos ko sa kanya.

"Kinakabahan nga kasi ako sa opening. Baka walang pumunta. Kaya nga ito, sinubukan kong magluto para i-divert ang atensyon ko. But you little monster throw my pancakes away! You're such a meany." She said sighing.

"I'm just saving myself. Ano ka ba, huwag ka ngang masyadong negatron, nandoon kami 'no. May sure ka ng bisita. Magiging successful 'yan. Tiwala lang." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Ngayon kasi ang opening ng botique niya. Kagabi pa nga sya hindi mapakali, ni hindi sya nakakain nang maayos kakaisip ng 'what if's'.

"Nga pala, I'm moving."

"Bakit? Kailan? Saan?" Sunod-sunod kong tanong.

"May nakita kasing unit si Manager na malapit lang sa botique at halos 30 minutes away lang sa studio, hassle kasi ang almost two hours na byahe kapag dito pa rin ako tumira. Nasabi ko na din naman kina Mommy, they agree naman."

Hindi ko naiwasang hindi malungkot sa sinabi nya. Ang ending pala, maiiwan pa rin akong mag-isa dito sa malaking bahay na 'to. Though sanay na naman akong mag-isa pero mas masaya sana kung kasama ko pa rin sya kahit na palagi kaming nag-aaway.

"Ok." Sagot ko.

"Hoy, huwag ka ng malungkot. Bibisita naman ako dito 'no. Saka you can drop at my place naman if you need some company, huwag lang araw-araw ha."

"Hindi ako nalulungkot, actually I'm relieve. Finally magsosolo ka na."

"When I'm gone, when I'm gone, you're gonna miss when I'm gone." Kanta nya.

"Wow, ilang weeks ka kayang ma-e-LSS sa Cup song? Dapat talaga hindi ka pinapanood ng mga movies na may kumakanta eh." Natatawa ko pang sabi sa kanya. Sino pa bang sisisihin ko sa pagbibigay ng movies sa kanya kung hindi si Frances. They've been seeing each other almost everyday.

-

"So how do I look?" Tanong ni Avy pagkababa nya sa hagdaan wearing one of Frances' design for her clothing line.

"Pwede na." Sagot ko. Napabagsak naman ang balikat nya dahil sa sagot ko.

"Oh sige na, maganda ka na. Di ba Mikee?" I nudged Mikee who is busy staring at my sister.

"Huh? Oo naman. Kinabog mo kaming lahat best friend!" Kumento nito. Natawa na lang ako sa reaksyon nya, taray, pinapanindigan nya talaga ang pagiging bakla. Ayaw pa kasing umamin. Mabuti na lang at may pagka-dense 'tong kapatid 'to.

"Aww. I love you talaga best friend!" Niyakap pa ni Avy si Mikee. Pinagtaasan ko naman ng kilay si Mikee. Nagkibit balikat lang sya at parang sinasabing hindi nya kasalanan na yumakap si Avy.

Magmula noong nalaman kong may gusto sya sa kapatid ko hindi ko maiwasan na bigyan ng malisya ang pagiging close nila. Lalo na ang pagbeso, pag-angkla at pagyakap ni Avy kay Mikee. Alam ko namang hindi kasalanan ni Mikee kung masyadong clingy ang kapatid ko kaya palagi ko syang binabantaan na huwag mag-take advantage kung ayaw nyang mawalan ng trabaho.

-

After ng ribbon-cutting ceremony nagdagsaan na ang mga taong gustong bumili at mag-window shopping lang. Naging busy din si Avy sa pag-e-entertain ng mga customers at pagsagot sa tanong ng ilang taga-media. Habang tinitignan ko si Avy, kitang-kita ko sa mukha nya ang saya at alam kong totoong-totoo ang bawat ngiting ipinapakita nya. Masaya ako kung ano man ang narating nya ngayon, dahil pinaghirapan nya 'yon. I guess nahanap na nya kung saan at ano talaga ang makakapagpasaya sa kanya.

"Told you, magiging successful ang opening mo. Congrats!" Sabi ko sa kanya noong lumapit ako sa kanya.

"Thank you. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag alam mong pinaghirapan mo 'yung isang bagay. Iba eh, ang gaan sa pakiramadam, sobrang nakaka-overwhelm na nakakakilig, I feel so blessed. At ngayon ko lang talaga nasabi na 'I deserve this'. Not because I think I deserve it but because I worked hard for it." Nakangiting sabi nya.

"I know Mom and Dad is very proud of you. Ehem, proud sister here! Way to go Ate!"

"Thanks...where's Neo nga pala?" Tanong nya.

"Baka nilamon na ng lupa." Sagot ko. Bakit pa nya kailangan itanong kung nasaan ang lalaking 'yon? Hindi ko na nga masyadong pinapansin ang absence nya eh. Alam naman nyang ngayon ang opening ng botique ni Avy, hindi sya nagpunta. Ni hindi man lang nagsabi. Muntik pa kaming ma-late kanina, kakahintay sa kanya. I even asked her sister kung nasaan sya, hindi din alam ng bruha.

"Hindi pa rin nagpaparamdam?" Tanong nya, umiling ako. Halos three days na din nya akong hindi tinatawagan at tine-text. Masyado atang busy sa bago nyang project.

"Magpaparamdam din 'yon, baka busy lang. Ikaw naman kasi palagi mong sinisigawan, ayan tumahimik tuloy ang buhay mo." Pang-aasar nya.

"Bahala sya sa buhay nya."

"Uy, namimiss."

"Slight."

"Sabi na eh, gusto mo din. Maarte ka lang."

"Maganda eh." Sagot ko at nagtawanan kaming dalawa.

Hindi ko na-imagine na dadating pa kami sa ganitong point ni Avy. Mag-aasaran at magtatawanan at the same time. Ang layo na pala nang narating naming dalawa. Mula sa pagiging mortal na magkaaway at ngayon hindi man mawawala ang pag-aasaran naming dalawa, I can say that we're the best sisters ever created by God. Two in one talaga ang mga kapatid, they can be your worst enemy and your best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

539 66 102
Patuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito na...
136K 3K 23
Oh my gosh! Hahahaha! Alam ko sobrang corny ng story na to and super light lang. Anywayz, salamat sa pagbabasa! Highly appreciated ๐Ÿ’ฏ
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
14.4K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci