Third Eye [On-Hold] [Under Co...

By GeeEmHeart

1.5K 173 164

Takbuhan mo man ang tadhana, hindi mo ito matatakasan pilit ka nitong gagambalain. More

"Third Eye"
Aksidente
*Kaba*

*Pugot*

296 43 47
By GeeEmHeart

Unang Kababata "Third Eye". *PUGOT*

Update: September 07, 2014

"hmmm....hmmm ....hmmmm"

Sa isang madilim na sulok ng kabahayan may isang batang babae ang nakulong sa mainit at masikip na bodega. Tanging liwanag lang nang buwan na tumatagos sa bintana ang nagsisilbing ilaw .

"Sino ka?At Pano ka nakapasok dito?" inosenteng tanong ng batang babae.

Hinintay nitong sumagot ang anino sa dilim ngunit walang tugon. Tanging hele lang ang kanyang narinig. Hele ng isang ina sa kanyang anak.

"Ano po ginagawa niyo dito?"pag uumpisa niyang kausap dito.Sa dilim nakita niyang tumango ito bilang pag sagot sa tanong niya. Pinagmasadan niya ito sa dilim, ngunit kahit anong gawin niyang aninaw dito ay di niya makita kung sino ito.Lalapitan na niya ito upang kilalanin nang bigla itong humagulgol ng iyak.

" Okay lang po ba kayo?"

"Wag kang lalapit,.." pagbabanta nito sa kanya.Pero dahil likas na usisera at pasaway ay lumapit pa rin siya dito.At hinarap, nagimbal siya sa makita walang mata  ang babae, animo'y black whole ang mga mata nito. Kaya napaatras siya sa kinatatayuan.

"Talagang hindi mo ko pinakinggan..papatayin kita..." Lumapit ito sa kanya ngunit agad siyang tumakbo palayo dito. Ngunit mabilis ito at agresibo kaya nahabol siya at hinalbot ang kanyang mahabang buhok.

"Aaaaaaaaaaaaaaa!!!Tulonggggggg!!! malakas na sigaw niya.Masakit sobrang sakit ng pakiramdam ko parang matatagal na ang anit ko sa pagkakahawak niya sa aking buhok.Hindi ko napigilang mapaiyak sa sobrang takot at sakit na aking nararamdaman.Habang hawak ang aking buhok pilit na pinaharap ang aking mukha sa mukha nito.Naglabas ito ng kutsilyo sa tagiliran at itinutok sa aking leeg.

" H-Huwag parang awa mo na..." pagmamakaawa niya dito ngunit parang wala itong narinig at idiniin pa ang kutsilyo sa aking leeg. Unti unti nitong ibinabaon ang kutsilyo sa aking leeg, naramdaman ko ang hapdi at sakit dulot nito.Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa akin. Hanggang sa mawalan na ako ng ulirat.

Napabalikwas ako sa aking kama, pawisang nagising muli sa isang masamang panaginip at umupo kinapa ang kanyang leeg. Wala nang sugat? Panaginip lang pala mahinang usual sa sarili. Halos isang buwan na niyang napapaginipan ang ganuong tagpo paulit-ulit na lang at pakiramdam ko'y totoo ang nangyari. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos at makapagmumog bago kumain ng almusal. Pagkatapos maghilamos ay humarap sa salamin tinitigan ang aking repleksyon sa salamin at nagsuklay bago lumabas sa aking kwarto.

"Anak kain na"bungad sa akin ni Mama.

Umupo sa dulong upuan at nagsimula ng kumain, mabuti na lang pala ay nakagising siya ng maaga lunes pa naman ngayon. Ako nga pala si Aemie Ramos pero tawagin niyo na lang ako sa pangalang"Ae", grade 7, simple, tahimik, at matanong,at only child. Si Mama Rosie ang siyang nagbabantay at gumagabay sa akin habang si Papa ay nasa Saudi nagtratrabaho sa isang Ceramic Company. Dalawang taon pa lang ako ng siya'y umalis papuntang ibang bansa, bale kada isa o dalawang taon siya bago umuwi sa amin ni Mama.

" Ma, alis na po ko."sabay halik sa pisngi ng aking ina bago kinuha ang aking bag sa salas at lumabas . Pumara ako ng tricycle at sumakay hinatid ako sa aming  paaralan ang "Pelaez Isidro Elementary School" isang pampublikong paaralan sa Sariaya, Quezon.

"Eto po bayad Manong."pagka abot ng bayad ay agad akong bumaba.

Pagkadating sa room ay agad umupo sa dulong bahagi ng classroom.Halos walang gustong makipag kausap o makipag kaibigan man lang sa akin dahil ang bansag nila sa akin ay "baliw".Dahil minsan ay nakikita nila akong may kausap na hindi nila nakikita.Kasalanan ko bang maging iba sa kanila.

Umihip ang malamig hangin.

At dumampi sa aking mukha sa aking paglingon sa bintana ay nakita ng aking dalawang mata ang isang paring pugot na naglalakad sa corridor ng eskwelahan . Bat ko nasabi kong pari,dahil sa suot nitong damit ay mukhang prayle ito nang sinaunang panahon makaluma at puno ng putik ang mga damit nito. Tinanaw ko lang ito hanggang sa makalayo sa aking pwesto. Normal na lang sa akin ang makita ng mga ganun, kung minsan nga ay hindi ko na alam kung buhay ba o patay ang aking naka kausap.Weird di ba?

Di ko namalayan na natapos na ang klase na lutang ang aking isip.Kaagad kong inaayos ang gamit na nagkalat sa aking mesa, Pagkatapos ay dali daling lumabas ng room, habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nakaramdam ako ng kaba. Kaya kung kanina ay mabilis akong naglalakad ngayon ay mas dinoble ko na tipong lakad-takbo. Sa pagmamadali ay may nakabunggo ako.

*booogshhhh*

" Ouch" sapo ang balakang na nasaktan.Nagkalat sa sahig ang gamit ko, kaya agad kong pinulot.

"Miss are you ok?"tanong ng estraherong nakabungguan niya.

" O-Opo"nauutal niyang sagot sabay tingin sa estraherong nakabungguan niya. Napatingin siyang maigi sa mukha ng kaharap, nakasuot ito ng black pants and white long sleeves. Marahil di ito estudyante kundi isang guro.

"Pasensya ka na Miss may hinahabol kasi ako." Hingi nito ng paumanhin.

"Ok lang po Sir, kasalanan ko rin naman.Sige po una na po ko."pagkasabi ay agad niyang tinalikuran ito at nagmamadaling sumakay ng tricycle. Ngunit bago tuluyang sumakay tumingin ulit ako sa gawin niya at nakita kong nakatitig din siya sa akin. Nung magtama ang aming mata ay parang kinalibutan ako lalo na nung ngumiti pa ito ng ubod tamis, sabay kaway pa sa akin?Weird?

Umandar ang traysikel na aking sinakyan lumiko ito at sa huling pagkakataon ay pasimple akong tumingin sa gawi niya. Ngunit sa malas ay wala na si Sir.

     

     Pero ang pinagtataka ko kay Sir kanina parang may nakikita akong kakaiba sa kanya, ngunit hindi ko masabi kung ano man yun. Isa lang ang alam ko kailangan kong tuklasin ang tinatago niyang lihim.

" Ae, Di ka pa ba bababa?"Ay oo nga pala nasa tapat na ako ng aming bahay di ko tuloy namalayan dahil sa pag -isip ko.

"Ah Sori po Manong." Iniabot ko na sa driver yung bayad.

      At binuksan ang aming gate papalapit pa lang ako ay may naririnig na akong nagkwekwentuhan sa aming bahay. Pagkapasok sa bahay ay nakita ko si Tita Janet (kapatid ni Papa) na nakaupo sa sofa.Mukhang nagtatalo sila ni Mama, pero bakit kaya?

_____________________________________________________________________________

      A/N: Sori for the short update hihi alam ko maikli ang start gusto ko mang habaan ay tinatamad ako. At di ako makafocus inaantok kasi ako kaya yan ang resulata papetiks petiks. Tsk bawi next time. BTW di pa yan edit so sorry for the typos, wrong grammar, o wrong spelling man.First horror ko to kaya, I need your help para sa takbo ng story so comments, votes, share din pag may time. Madali lang naman po click yung star for the votes haha abusado lang eh pagbigyan na minsan lang eh.

Reminder: Wag gayahin kung ayaw nitong mamatay echos haha pero serysoso bawal niyo tong Iproduced without my permission or else hahantingin kita san ka man magpunta.✖__✖

----------->>>>Copyright © of @GeeEmHeart♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

696K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
6.5K 389 59
ASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...