Aksidente

189 40 47
                                    

      

"Third Eye"------------>>>" A K S I D E N T E "

Updated : September 12, 2014

   May mga bagay na hindi maipaliwanag na kahit sensya ay walang makuhang kasagutan.

"Ma,Tita Janet andito po pala kayo" sabay mano sa kanya mama at nung dumapo kay Tita Ang aking paningin ay agad akong tumango nilang pagbati sa kanya.

Tumigil din sila sa pagtatalo marahil dahil nandito na ako o siguro ay nahiya na silang magtalo sa harapan ko.

" Oh siya Rosie nauna na ko." Tumayo na ito at lumapit kay Mama at parang may ibinulong kay Mama hindi ko nga lang narinig kung ano pero sigurado akong mahalaga yun."Ae, dalaga ka na ah, parang kelan lang eh karga karga pa kita."ngumiti ito ng pilit sa akin sabay lapit sa akin at ginulo ang aking buhok na parang sa bata.

        Umalis na si Tita Janet ngunit si Mama ay naiwang nakatulala sa pintuang pinaglabasan ni Tita kanina.Lumapit ako sa tabi ni Mama at hinaplos ko ang kanyang likod lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti.

      Pagkatapos ng tagpong iyon ay walang imik pa din si Mama kahit ngayon na kumakain na kami ng hapunan. Dati kasi ay pala kwento si Mama ng mga kung anu ano kaya tuloy naninibago ako.

" Ma, may problems po ba?"

"Bat mo naman nasabi yan nak?" balik ng tanong niya sakin.

"Ang tahimik niyo po kasi nakakapanibago."

Hinawakan ni Mama ang aking kamay." Napagod lang ako naku. pasensya ka na sakin ."

   Tumango lang ako nilang pagsagot. Kahit hindi naman sabihin ay ramdam ko na may problems siya sa ngayon hahayaan ko muna siyang mapag-isa.Pagkatapos kumain ay agad akong nagligpit ng pinagkainan at nagsimula ng maghugas. At ginawa Ang aking seremonya sa aking katawan saka ako pumanhik sa aking kwarto.Pagkahiga ay agad akong dinalaw ng antok.

"Aemie,!"

   Napabangon ako sa pagkakahiga, maraming puno ang nagkalat sa paligid.Teka bat may puno eh kwarto ko to?Tumayo ako at naglakad tiningnan ko muna ang aking damit upang makasigurado nakasuot ako ng pajama na hello kitty. Teka ito ang damit ko bago ako matulog.Hay bahala na hahanapin ko na lang ang tumawag sa akin.

   Sa paglalakad sa masukal na kagubatan may natagpuan akong lampara na nakasabit sa puno.Agad kong kinuha at nag patuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa dulong bahagi ng kagubatan isang bangin.Bigla tuloy akong natakot nagpasya akong bumalik na lang sa aking pinanggalingan.

Third Eye [On-Hold] [Under Construction]Where stories live. Discover now