Unwanted Girlfriend [Publishe...

By vampiremims

21.4M 313K 24.8K

It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today. More

Unwanted Girlfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Mims.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
UG BOOK 2 : Amaranthine Love

Chapter 28

353K 5.3K 338
By vampiremims

HAPPY BIRTHDAY, CNJ/JAE =) Late.

 

----------

“I’m not invalid, Mikael… akin na nga ‘yan,” kinukuha ko sakanya ‘yung kutsara para ako nalang ang kakain mag-isa but he’s insisting na subuan ako. Kaya ayoko din na pinapaalam sa lahat ang sakit ko e. Kasi ayokong makaramdam sila ng awa sa akin. What if ginagawa lang ‘to ni Mikael dahil naaawa siya sa akin? What if nakokonsensya lang siya sa lahat ng pagsusungit at pang-aasar niya sa akin?

“I know your not, okay? I just want to do this, pabayaan mo na nga lang ako,” he smiled a little at sinubuan ako ulit. Honestly, ayoko ng pagkain sa hospital. Walang lasa! My gosh! Mamamatay nalang ako, ‘yung mga kakainin ko pa, walang lasa. Mas nakakainis tuloy.

“Puro strawberry flavored foods ang kinakain mo,” he whispered. “Ang pangit kasi ng lasa nung food nila dito,” I said in a low voice dahil may pumasok na nurse. Wait, bakit ibang nurse na naman ‘to? Kumunot ang noo ko.

“Hello, ma’am…” she said to me then she looked at Mikael, “Hello,” she said smiling. Tumaas naman agad ang kilay ko. “What do you need?” tanong ko. Kakapunta lang kasi ng isang nurse kanina, 15 minutes ago, may nurse na naman? Ibang nurse din ang nagpunta an hour ago ah? Anong meron? Shifting every 15-30 minutes?

“Ichecheck ko lang po ang dextrose niyo,” sagot niya sa akin. Nilingon ko naman ‘yung IV fluid ko na nakasabit sa gilid. Medyo paubos na nga. Okay, medyo may sense ang pagpunta niya dito. Napalingon ako sa may pinto at may nakita akong dalawang nurse na nakasilip. Kumunot na naman ang noo ko at sinundan ko kung saan ba sila nakatingin—kay Mikael.

“What’s with the face, Mika?” he asked me. Inilapag niya sa may lamesa ‘yung tray na may pagkain ko. “Wala.” I frowned.

“May alcohol po ba kayo, sir?” tanong nung nurse kay Mikael. “Yeah, here.” Iniabot ni Mikael ‘yung alcohol sa gilid. “Cotton po, meron?” tanong ulit ng nurse. Iniabot naman ulit ni Mikael. “Tape po, meron kayo?” kumunot man ang noo, iniabot pa din niya ang hinihingi nung babae. “Meron po ba kayong—“

“Ano pa bang kailangan mo?!” I hissed. Nakakainis na ah? Kahit medyo nanghihina pa ako, sasapakin ko ‘tong babaeng ‘to!

“Wa-wala na po…” sagot naman ng babae. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ‘yung nakakabit sa kamay ko, “What are you going to do?” kumunot ang noo ko. Papalitan na naman nila?

“Ma’am, kailangan po kasing palitan na ulit ‘yung pagkakatusok e. Ililipat po sa kabila…” she said. “What?!” Ayaw! Grabe… nung nilagay nila ‘to sa kamay ko, tulog ako kaya hindi ko naramdaman ‘yung sakit… and besides… blood!

“Mika,” hinawakan ni Mikael ang kamay ko. “It’ll be fine…” he gently squeezed my hand. “Ayoko…” I looked at him, teary-eyed. Sasapakin ko talaga ‘tong babaeng ‘to, promise!

“Ma’am…” hinawakan niya ang kamay ko pero hinila ko agad. “Ayoko, okay?!” I hissed. Tumayo si Mikael at umupo sa gilid ng kama ko. Sa kabilang side. Nasa left side kasi ‘yung nurse at nasa right si Mikael kanina pero lumipat siya sa left side ko at niyakap ako. “I’m here… okay lang ‘yan,” he whispered. “Sige na, miss.” I heard him talking to the nurse. “I hate you…” I whispered to him. Paano siya pumayag na gawin sa akin ng nurse ‘to?

“Sinasabi mo lang ‘yan. Iba pa din nararamdaman mo,” he whispered again. Nakaramdam ako ng kirot ng matanggal nung nurse ‘yung nasa kamay ko. Nilagyan niya ng cotton ‘yung kamay ko and taped it. Isiniksik ko ang ulo sa dibdib ni Mikael. Paraparaan ng slight. Masakit ‘yung kamay ko pero… ang bango niya, in fairness.

I flinched when I felt the nurse’s hand on my right hand. Ugh! Kapag ako nasaktan, itatarak ko ‘yang karayom niya sa leeg niya.

Napaimpit na tili ako ng maramdaman ko ang malamig na karayom sa balat ko. “Mikael!” Childish act but who cares! Ayoko sa dugo at sa naglalakihang karayom ng hospitals, okay?

“Okay na po…” maya-maya’y sabi nung nurse. Ihiniwalay naman ni Mikael ang ulo ko sa dibdib niya at pinunasan ang luha ko. “Okay na daw,” he smiled at me. “I hate you…” I murmur.

He chuckled. “Sabi mo e.”

Nakita ko naman ang nurse na ang lagkit ng tingin sa boyfriend ko. Hindi ba makapaghintay ang mga babae dito na mamatay ako bago landiin ang boyfriend ko? I rolled my eyes. May halong kalandian ng sabihin ng nurse kay Mikael na babalik siya mamaya. Hindi ako nakapagtimpi ng makita ko ang paghaplos niya sa braso ni Mikael. Harap-harapan?

“Miss may gusto ka ba sa boyfriend ko?” nakataas ang kilay kong tanong. Sinaway naman ako ni Mikael pero hindi ko siya pinansin. ‘Yung nurse naman, natigilan. “Po?”

“Can’t you wait for me to die first before you start flirting with my boyfriend? Ilang buwan nalang naman e. Who knows, baka nga linggo nalang. Pwede bang maghintay ka… kayo ng mga kaibigan mo…” I looked outside. Bakas sa mukha ng dalawang nurse na nakatayo ‘dun ang gulat sa sinabi ko. Napayuko sila at naglakad palayo.

“Mikaela, stop it.”

Tinitigan ko ng masama ‘yung nurse na namumutla na. Nagpaalam lang siya sa amin at lumabas na. Nakakainis talaga.

“Ayoko ng sinabi mo sa nurse.” Mikael looked at me, sternly. “I know. I shouldn’t have insulted her… nakakainis kasi siya. Nakakainis na—“

“Ayoko ng sinasabi mong mamamatay ka because you’re not, Mikaela. Hindi ako papayag.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Pati ba naman siya, umaasa pang gagaling ako? I gave up a long time ago. Yes, gusto kong umasang may makukuhang puso na para sa akin pero we’re not talking about liver, kidney or bone marrow here. We’re talking about the heart… pwede lang makakuha ng puso kung may isang taong malapit ng mamatay or something like that.

“Mikael… just accept it.” I looked away. There’s no use on having this conversation. Lahat naman sila sasabihin na ang huwag akong sumuko agad. Ipinapaubaya ko nalang Sakanya ang lahat. He’s the boss, after all.

“No, Mika. I can’t just accept the fact that you’ll die just like that, okay? Even if I have to donate my own heart mabuhay ka lang, gagawin ko!”

“What? No!” I yelled. Hindi ako papayag na siya ang magdodonate sa akin. No way!

“Mikaela…”

“No, okay? No! Hindi ako papayag. Hindi ko din tatanggapin!” I said, a bit hysterical.

“Okay… just calm down, okay?” hinawakan niya ang balikat ko. “Don’t you ever dare say that again, Mikael. I’m serious. Mas gugustuhin ko pang mamatay ng mas maaga kesa gawin mo ‘yan.”

“I’m sorry. It’s just that…” he sighed heavily. “I can’t lose you, Mikaela.” Niyakap niya ako kaya naman ang ulo ko nasa dibdib na naman niya dahil nakatayo siya sa gilid ng kama ko. “But please, huwag ka ding sumuko. We’ll find a donor…”

“Pero ayokong magpa-opera…” I frowned. Kumunot naman ang noo niya. “Why?”

“There’s no assurance that the operation will be successful…” I sighed. “Paano kung instead na mabuhay pa ako kung hindi ako magpapa-opera, mas mamatay lang ako?” I looked down at my hands. “Maybe I’m being paranoid pero paano kung… kung hindi na ako magising kapag inoperahan ako?”

“Mika… can you drop all the negative thoughts you have in your mind?”

“I can’t. We have to face the reality, Mikael.”

“Kapag may nahanap akong donor… promise me, you’ll do the operation, Mikaela. Kung ayaw mo para sa sarili mo… do it for me, please? You promised me that you’ll never leave me, right?”

Tinignan  ko lang siya pero hindi ako sumagot. Natatakot talaga ako. Natatakot akong hindi ako magigising at hindi ko na siya makikita. Natatakot akong iwan siya. Natatakot ako… natatakot akong mamatay.

----------

“Kuya kasi! Give my phone back!” pilit kong inaabot ang kamay ni Kuya Hunter pero ayaw niya pa din ibigay ang phone ko. Damn! Bakit ba kasi 6’3 ang kuya ko?! Tumatalon-talon na ako pero hindi ko pa din maabot!

“Go, get it, brat,” natatawa namang itinaas pa ng kuya ko ang kamay niya. “Kuya!” I yelled.

“Mommy! Si Kuya Hunter!” sumbong ko sa mommy ko ng lumabas siya galing sa kusina na may dalang cupcakes na ginawa niya.

“Hunter, ibigay mo na nga ang phone ng kapatid mo,” nakangiting sabi ni Mommy kay Kuya Hunter pero nginisihan lang kami ni Kuya.

“Kuya!” sigaw ko ulit. Ilang araw na din akong nakalabas sa hospital. Well, medyo normal naman na ang pakiramdam ko… sa ngayon.

“Thunder, catch!” ibinato ni Kuya Hunter kay Kuya Thunder ang phone ko and thank God, nasalo naman ni Kuya Kulog.

“I so hate you!” I gave Kuya Hunter a very deadly glare bago ako naglakad papunta sa nakaupong si Kuya Thunder. “Akin na ‘yan,” inilahad ko ang kamay ko para hingin ang phone ko pero nginitian lang ako ni Kuya Thunder at ibinato pabalik kay Kuya Hunter.

“Ugh! Daddy!” I looked at my dad who’s reading a news paper at tinawanan lang ako. Seriously?!

“I hate you, guys!” humalukipkip nalang ako. This is foreign to us. ‘Yung magkakasama kaming lima sa iisang bahay. Kadalasan, kulang kami ng isa… o kaya sila Mom ang wala… o kaya, ako lang mag-isa.

“Ang panget ng wallpaper mo, Miki…” Kuya Thunder chuckles. “Ang gwapo mo ha?” I said sarcastically. Panget?! Si Mikael ang wallpaper ko e.

“Gwapo na, hot pa.” he waggles his brows. “Kadiri ka.” I shook my head.

Umupo si Kuya Hunter sa left side ko kaya naman magkakatabi kaming tatlo sa iisang sofa. I smiled. It’s not everyday na mag-uusap ng hindi nag-aaway ‘tong dalawang ‘to.

“Pasyal tayo?” tanong ni Kuya Hunter sa aming dalawa ni Kuya Thunder. “Pang-bata, Hunter…” Kuya Thunder smirked.

“Bata naman si Michelle e. Isip-bata,” he grinned.

“Epal ka talaga…” I pout. “Saan tayo pupunta?” I asked him. “Sa mall nalang! I-max out natin ang credit cards niyo,” I smiled widely. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kuya Kulog. “Dali na,” hinawakan ko ang magkabilang kamay nilang dalawa and gently tugged it. “Please?”

Nagtatalo silang dalawa kung kaninong credit cards ang gagamitin ng lumapit sa amin si Yaya Lourdes, “Mika, andyan si Kerko a labas.”

Nagkatinginan sila Mommy, Daddy at ‘yung dalawang kuya ko. Anong ginagawa ni Mikael dito? “Sige po, pupuntahan ko…” patayo na ako ng pigilan ako ni Kuya Thunder. “Stay here, ako na pupunta sakanya. Hunter, hawakan mo ‘yan.” Tumayo na siya at naglakad palabas. “Wait! Kuya, bitawan mo nga ako!” hinihila ko ang kamay ko pero hello! Ang laki kaya ni Kuya Hunter, tapos tambay gym pa!

“Hindi mo ba narinig ang sabi ni ‘kuya’?” he said sarcastically. “Stay here…”

“Mom, Dad…” I looked at them. They just smiled at me. Bakit kasi kailangan makipagusap ni Kuya Thunder kay Mikael?

Naghihintay lang ako na makita kong papasok na silang dalawa ng bahay namin. Ang tagal. Gustong-gusto ko ng tumayo pero ang higpit ng hawak sa akin ni Kuya Hunter.

After a few minutes, nakita kong papasok na si Kuya Thunder. Hinihintay ko kung may kasama siya pero walang Kerko Mikael Anderson na nasa likuran niya. “Where’s Mikael? Pinaalis mo? How could you?!” I looked at him sharply.

“He’s waiting for you outside.”

Lumakad siya papunta sa amin at umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sakanya. “What are you waiting for, Miki? Puntahan mo na siya.”

Binitiwan na ako ni Kuya Hunter… gusto kong itanong kung anong napag-usapan nila pero alam ko namang hindi din sasabihin ng kuya ko e. Huwag nalang.

“Mikael…” I called him. Nakita ko siyang nakatayo sa may garden namin. May hawak siyang boquet of purple roses. Ang gwapo niya sa suot niyang longsleeves na black at jeans. He’s wearing a sunglasses, too. Mas bumagay din sakanya ‘yung brownish hair niya ngayon. Nung black kasi ‘yung buhok niya, kitang-kita na ang puti niya, gwapo pa din siya nevertheless.

“Baka matunaw ako niyan,” lumapit siya sa akin at ibinigay ang hawak niya at hinalikan ako sa noo. “How are you?” tanong niya sa akin. “I’m fine,” I smiled. “Tara sa loob?” aya ko sakanya. He nodded. Hinawakan niya ako sa bewang para alalayan maglakad ng may maalala ako. “Wait, anong sinabi sa’yo ni Kuya Thunder?” nilingon ko siya. He just smiled at me. “Lalaki sa lalaki e.”

“Mikael…”

“You don’t have to worry about it, Ai.”

“Daya niyo.” Pumasok nalang kami sa loob. Okay naman na sa parents ko si Mikael. Nakausap na nila siya nung nasa hospital pa lang kami. ‘Yung dalawang ubod ng gwapo kong kuya… note the sarcasm here, please… hindi ako masyadong sure.

Inaya ng Mommy ko si Mikael na doon na mag-dinner since hapon na din naman nung dumating siya. Nakakatuwa na okay na sila. Sayang… sana pala noon ko pa dinala si Mikael dito, para at least, mas matagal pa ‘yung ganito. Hindi ‘yung… hindi ‘yung huli na.

“Hindi talaga ako natutuwa diyan sa boyfriend mo…” bulong ni Kuya Hunter sa akin. Pumasok din siya sa kusina. Kinuha ko kasi ‘yung dessert na ginawa ni Mommy. Hindi ko alam na sumunod siya sa akin.

“Why is that? Okay naman siya ah? Gusto siya ni Mommy. Okay sila ni Daddy. Ano bang problema niyo sakanya?”

He shrugged. “I just don’t like him.”

“Well, could you at least pretend that you like him? For me, kuya… please?”

He stared at my face at hindi siya kumibo. “Kuya, please? Pinapasaya ako ni Mikael.”

“Fine…”

“Thank you,” I whispered. Kinuha niya mula sa akin ‘yung tray at siya na ang naglabas nun. Lumabas na din ako at umupo sa tabi ni Mikael. “Okay ka lang?” tanong ko sakanya. He nodded.

“Can you stay with me, tonight?” tanong ko kay Mikael ng matapos kaming kumain. “Okay lang naman diba, Daddy?” I smiled sweetly to him. Tumingin naman si Daddy kay Mommy na tila nagtatanong ng isasagot niya. Marahang tumango si Mommy sakanya kaya pumayag si Daddy.

“Sigurado ka?” tanong niya sa akin. “Oo naman,” I smiled.

“Ipapahanda ko na ang guest room,” tatayo na sana si Mommy ng magsalita ako ulit. “No. He’ll sleep in my room, Mom.”

“What?!” Kuya Thunder hissed. Tinignan niya ako sunod si Mikael. “Mikaela you can’t—“

“Pabayaan mo nga sila,” putol ni Kuya Hunter sa sasabihin ni Kuya Thunder. Nagtinginan silang dalawa pero maya-maya, parang nagkasundo sila sa tinginan lang. “Okay…”

“Let’s go?” hinila ko si Mikael patayo. “Goodnight mom, dad, kuya!” umakyat na kaming dalawa sa taas at pumasok sa kwarto ko.

“Welcome to my room,” I smiled to him. “Ilang beses ko nang na-invade ang privacy mo so… feel free to do the same.” I giggled. Umupo ako sa kama at humiga. ‘Yung paa ko, nakasayad sa floor.

Tumabi naman siya sa akin. “I missed you,” he whispered. “I’m here…” hinawakan ko ‘yung kamay niya. “Ang tahimik ng bahay ko kapag wala ka.”

“Ang dami kong pictures sa phone mo, you can check it,” I smiled. Nung mga nakaraang araw kasi, kapag naiiwan ni Mikael ang phone niya, wala akong ibang ginawa kundi mag-picture. Siya din naman laman ng phone ko. Mas madalas nga lang na stolen ang kuha ko.

“Hindi mo ako iiwan, diba?” tanong niya maya-maya. Bumangon ako at huminga ng malalim. “Hindi pa…” I smiled.

“Mikaela…”

“Alam mo bang may wish list ako?” tanong ko. Kumunot ang noo niya.

“What are those?” hinawakan niya ang kamay ko at nilalaro-laro ang mga daliri ko. “I want to fall madly and crazily in love with someone, bago ako mamatay. Well, nagawa ko na ‘yun…”

“Tapos?”

“’Yung iba, bukas ko na sasabihin… pero ‘yung isa…” pinamulahan ako ng pisngi. Seryoso kasi… kasama talaga ‘yung bagay na ‘yun sa wishlist ko.

“Ano ‘yung isa?”

I sighed. Pumikit ako bago nagsalita. “Ayokong mamatay na virgin. Gusto kong maranasan ‘yung bagay na ‘yun bago man lang ako mawala and I want to do it with you. I want you to—“

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ng mariin sa labi. “Mikael…”

“Your wish is my command, princess…” he pulled me closer and kissed me again on the lips.

-------------

TINATAMAD AKO DAHIL SA NAGREPORT NG ACCOUNT NG MIKMIK SA FACEBOOK. TSS. IKASASAYA NG BUHAY MO ‘YAN. HMP! *SHRUGS THEN FLIPS HAIR*

Continue Reading

You'll Also Like

582K 21.1K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...
727K 26K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
284K 13.2K 22
Sixteen years ago, the old man of the Ferrer de Sandoval clan made a pact with the devil. It's in blood. It's the truce that ended a century-old fami...