Chapter 32

310K 4.9K 416
                                    

New account for Mika and Kerko. Reported din si Thunder at Cupid. Ge lang.

 

Click the video on the side. Ewan ko. ‘Yan ‘yung pinakikinggan ko while making this one. Medyo mas dama :D

 

-----------------

 

 It has been a month since he broke up with me. One month. One f-ucking month.

I tried my best to talk to him again. Nagpupunta ako sa bahay niya, hinihintay kong maka-uwi siya. Sa kotse ko na ako natutulog para lang makita ko siya. Maabutan ko siya at maka-usap ko siya. Pero laging hindi ko siya naaabutan. Laging nakakatulog ako at nagigising na naka-uwi na siya and it hurts to see na wala siyang pakialam sa akin.

Kung noon ang sitwasyon at makikita niya ako sa loob ng kotse kong natutulog dahil sa paghihintay sakanya, he’ll berate me forever. And the thought na nag-drive ako, for sure, magagalit siya sa akin. Sasabihin na naman niya, “Ang noob mo talaga! How many times do I have to tell you na hindi ka nga pwedeng magdrive kasi hindi mo kaya! Kawawa ‘yung mababangga mo. Mag-isip ka nga!”

Ganun naman siya lagi e. Nagagalit kapag may nagagawa akong katangahan. Kapag nagiging clumsy ako. Kapag nasasaktan ko ang sarili ko.

“I don’t share what’s mine, Mikaela. And you are mine.”

I closed my eyes as our memories keeps on playing on my mind. Why do we have to end this way? Lumaban ako. Kahit natatakot ako, lumaban ako para makasama siya. Pero bakit ganun lang kadaling bitawan ako? Bakit ganun lang kadaling iwan ako? Bakit ganun lang kadali sakanyang saktan ako?

“Wala namang siya at ikaw. Ang meron lang ikaw at ako.”

Pero bakit ako nalang ang meron ngayon. You left me. Iniwan mo ako. The moment I opened my eyes. Siya ang unang hinanap ko. Siya ang unang gusto kong makita only to find out he wasn’t there to see if I’m okay or not. Sabi niya hindi siya nagpunta sa hospital. Ayokong maniwala. Kilala ko siya e. Kahit gaano pa kamanhid si Mikael, alam kong importante ako sakanya. Alam kong kahit papaano, may special part na ako sa puso niya.

My hand’s trembling as I opened the door to his office. Ang sabi sa akin ni Ate Stephanie, nandito daw siya. Masakit sa aking tanungin si Ate Steph ng tungkol kay Mikael pero wala akong choice. Wala akong ibang makaka-usap tungkol sakanya.

“You’re nothing compared to Stephanie. You want to know a little secret? I lied to you when I told you I was never in love with her. Mahal ko pa din siya. Mahal na mahal. Si Stephanie lang ang babaeng mamahalin ko at walang wala ka sakanya.”

That’s the thing I hate the most… being compared to someone. Alam ko naman e. Alam na alam kong walang-wala ako sakanya. Wala naman akong laban kay Ate Steph, alam ko ‘yun noon pa pero iba ako, iba siya and I don’t want to compete with her dahil alam kong siya ang pipiliin ni Mikael.

I saw him sitting on the couch at nakasandal ang ulo niya at nakapikit siya. I don’t know if he’s  sleeping or what. I missed him. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto kong maramdaman ulit ‘yung pakiramdam kapag niyayakap niya ako. Kapag hinahalikan niya ‘yung buhok ko. ‘Yung noo ko, tapos sasabihin niya lagi na amoy strawberry na ako. Namimiss ko na siya.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon