HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sa...

Por buwanalbatross

122K 3.3K 299

"Will you marry me again? This time for the right reason. Dahil mahal na natin ang isa't isa." PAANO kung an... Más

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE

CHAPTER 12

4.4K 129 8
Por buwanalbatross

"PIPAY! Pipay! Pipay! Umayos ka nga! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo huh? Bakit lagi ka nalang nagpapadala sa mga halik niya sa 'yo?" panenermon ni Pipay sa sarili habang hindi siya mapakali. Paroo't parito ang lakad niya sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi pa rin siya maka-get over sa mga nangyari sa kanila ng kaniyang asawa kanikanina lamang. Muntikan nang may mangyari sa kanila ni Hector. Laking pasasalamat lang niya nang may mang isturbo sa kanila. Bigla kasing nakatanggap ng emergency meeting ang asawa mula sa opisina nito. Nagalit pa nga ang huli at ipinaggiitan nito na kanselahin ang lahat ng meeting nito sa araw na iyon, ngunit wala ring nagawa ang Hector kundi ang tumayo at mag bihis para pumasok sa trabaho.

"I'll be back baby, okay! Just wait for me. Huwag kang lalabas ng bahay. Saglit lang ako." anito bago tuluyang umalis sa kanilang bahay.

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ni Pipay ang pag-iinit at pamumula ng kaniyang mukha dahil sa pagkapahiya. Oo, aaminin niyang nabitin siyang talaga sa naging pore play nila ng asawa, pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat pa rin siya na hindi iyon natuloy. Hindi niya pa kasi alam kung ano o paano niya ipapaliwanag sa asawa ang maaaring madiskubre nito sa kaniya oras na makuha siya nito. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas ng loob para magtapat ng katotohanan dito.

Mayamaya ay naagaw ang pagmumunimuni ni Pipay nang tumunog ang doorbell sa labas ng gate nila. Nagmamadali naman siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang malaking gate upang pagbuksan ang tao roon.

"Kumusta?" bungad na tanong ni Helga kay Pipay.

"Bes? Kumusta?" biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Pipay pagkuwa'y sinunggaban ng yakap at halik sa pisngi ang kaniyang kaibigan. "Pasok ka dali. Na miss kita." aniya.

"Namiss din kita! Sorry at ngayon lang ulit kita na dalaw. Naging busy kasi ako sa trabaho e!" anito habang magkaagapay silang dalawa na pumasok sa kabahayan. "Ikaw kumusta ka na rito? Ang demonyo mong asawa nasaan na?" biglang nawala ang ngiti nito sa mga labi nang itanong kay Pipay kung nasaan si Hector. "Sinasaktan ka pa rin ba niya? Sabihin mo at hindi talaga ako natatakot sa kaniya." dagdag pa nito 'tsaka inilibot ang paningin sa buong sala para hagilapin ang asawa ng kaibigan.

"Bes, wala siya rito. At isa pa, okay lang ako! Okay na okay!" nakangiti pang saad ni Pipay kay Helga. Inakay niya itong umupo sa sofa.

Kunot noo at nagtataka namang napatitig sa kaniya ang kaibigan. Mayamaya ay sinuyod siya nito ng tingin. Tila iniinspeksyon si Pipay. "Himala at wala kang pasa at sugat ngayon!" nagtatakang saad pa nito.

Isang matamis na ngiti naman ang kaagad na ibinigay ni Pipay dito. Ngiti na ni minsan ay hindi na nakita ng kaniyang kaibigan mula nang maikasal siya kay Hector. Dahil saksi si Helga kung paanong nag bago ang masayang buhay niya noon. Masayang buhay na napuno ng pasakit at kalbaryo nang dahil sa kaniyang asawa.

"Why are you smiling like that? May sakit ka ba Pipay?" mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Kinapa nito ang leeg ni Pipay para alamin kung mainit ba ito o ano! "Okay ka lang ba Pipay? Hindi ka naman mainit pero parang nagdidiliryo ka ata ngayon!" dagdag pa nito.

"Grabe ka naman bes! Hindi ba puwedeng masaya lang ako?"

"At bakit ka naman naging masaya aber?" tanong nito. "Don't tell me na okay na kayo ng asawa mo out of the blue? Na tinatrato ka na niya ng maayos o bilang asawa niya?" lumipad sa ere ang isang kilay nito.

Hindi talaga maikakaila ang pagkadisgusto ni Helga kay Hector. Hindi rin naman kasi masisisi ni Pipay itong si Helga kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo at mag-isip ito tungkol sa kaniyang asawa.

"Bes, alam naman natin na nagbabago rin ang tao. Kahit pa sabihing madami na siyang nagawang mali. At iyon ang ginagawa ng asawa ko ngayon sa kin. Nangako siyang susubukan namin na mag work out ang kasal namin. Tinatrato niya naman ako ng maayos." pagpapaliwanag niya rito.

Inirapan lamang nito si Pipay mayamaya. Tumayo ito at naglakad. "Pipay, maniniwala akong nagbabago ang isang tao kung hindi iyon ang asawa mo. I know that Demon very well. Ang kagaya niya ay wala ng pag-asa na mag bago ng ugali. Bakit agad kang naniwala na gusto niyang subukan na mag work out ang kasal ninyo? Kasi may kailangan siya sa 'yo? Pipay mag-isip kang mabuti. Huwag kang maniniwala sa demonyong iyon. Sasaktan ka lang niya. Pagkatapos niyang makuha ang kailangan niya sa 'yo I know na iiwan ka rin niya at—"

"Helga." putol ni Pipay sa iba pa nitong nais sabihin sa kaniya. Malungkot ang mga matang tiningnan niya ito ng mataman. Oo kaibigan niya si Helga mula pagkabata, itinuturing niya itong isang tunay na kapatid. Pero hindi niya maiwasan ang masaktan dahil sa mga sinabi nito tungkol sa kaniyang asawa. Alam niyang hindi niya pa kilala ng lubusan si Hector. Pero hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ni Hector sa kaniya para patunayan nito na gusto nga nitong maging maayos ang kasal nila? Hindi pa ba iyon sapat para hindi niya ito paniwalaan? Hindi pa ba sapat ang efforts na ginagawa ni Hector para sa kaniya para mas paniwalaan niya pa rin si Helga kaysa sa kaniyang asawa?

Nagpakawala naman ng malalim na buntong-hininga si Helga bago ito muling lumapit kay Pipay at pasalampak na umupo sa tabi nito. "Pipay, ayoko lang dumating ang araw na maiwan kang talunan at tuluyang wasak at walang-wala. Mahal kita kaya ayoko na mangyari 'yon sa 'yo." anang Helga.

"Alam ko naman 'yon! At alam ko rin naman ang nararamdaman ng puso ko Helga. Nararamdaman ko iyon dito sa puso ko na totoo ang mga ipinapakita sa 'kin ng asawa ko. 'Di ba nga sabi ni sister Venice, Every person deserve to have a second chance lalo pa kung ramdam mo sa puso mo na totoo nga ito. Mahal ko siya Helga. Mahal ko na ang asawa ko, kaya gusto kong bigyan siya ng second chance." pag-amin niya rito sa totoong nararamdaman niya para kay Hector. Yeah, that's true. Mahal na nga niya si Hector sa kabila nang mga nangyari sa pagitan nila. Sa kabila nang mga pinagdaanan niya sa buhay nang dahil dito. Mahal na niya si Hector. At napatunayan niya iyon sa sarili kanina lang ng walang alinlangan at takot ang nabuhay sa puso niya nang tanungin siya nito kung maaari bang pag bigyan niya ito sa nais nito bilang asawa niya. Mahal niya na si Hector, at handa siyang sumugal sa pagmamahal na iyon kahit walang kasiguraduhan.

"Hindi lahat ng taong nakagawa ng mali sa 'yo ay deserving na bigyan ng second chance, Pipay. Only those person na talagang deserving to have you, for life. Forever, kahit wala naman talagang Forever." pagtutol nitong bigla sa mga sinabi niya.

"Pero Helga..."

"Poor Pipay!" anito. Napailing pa ito ng sunod-sunod. Nagpakawala itong muli ng malalim na paghinga. "Basta kung may problema huwag kang magdadalawang-isip na lapitan ako huh!" iyon na lamang ang sinabi niya. "Hindi ko naman mapipigilan ang puso mo kung iibig ka sa asawa mo. Ang akin lang, ayoko na masaktan ka pa lalo dahil sa kaniya. Just let me know kung sasaktan ka ulit niya dahil ako ang makakalaban niya." dagdag pa nito 'tsaka niyakap si Pipay.

"Salamat Helga." aniya. Ginagap niya pa ang palad nito nang humiwalay ito sa kaniya.

Mayamaya ay kunot noo itong biglang napatitig sa leeg ni Pipay. "Holy shit! Ano 'to?" magkasalubong ang mga kilay na tanong pa nito. "Chikinini? God Pipay! May nangyari na sa inyo ng demonyong lalakeng iyon?" hindi mapigilan ni Helga ang mag taasan ng boses. Labis lang siyang nabigla sa nakita.

Kinakabahan naman na napahawak sa leeg niya si Pipay. Ramdam niya na naman ang pag-iinit ng mukha niya dahil sa pagkapahiya sa kaibigan. Hindi niya iyon napansin kanina habang nasa harap siya ng salamin. Ginawan pala talaga siya ni Hector ng red marks sa leeg niya.

"W-wala! Wala pang nangyayari sa 'min." nauutal pang saad ni Pipay.

"Umayos ka Pipay huh! Kukurutin talaga kita sa singit mo." anang Helga na umiral na naman ang pagiging ate sa kaniya.

"Oo na po!" tipid na sagot na lamang niya 'tsaka nag iwas ng tingin.

"Seryoso ako Pipay." saad pa nito na hindi na rin napigilan ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"NASAAN ka na ba Hector? Alas onse y medya na wala ka pa! Sabi mo saglit ka lang." anang Pipay habang nasa garahe siya at panay ang tanaw sa labas ng malaking gate na gawa sa makapal na bakal. Kanina pa siya naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Lumamig na lamang ang pagkain na inihanda niya sa lamesa. Nalipasan na rin siya ng gutom kakahintay dito. Ang sabi kasi nito sa kaniya kanina bago umalis ay saglit lang daw ito sa trabaho, pero hanggang ngayon wala pa rin ito. "Ano'ng oras kaya siya uuwi? Siguro marami siyang trabaho ngayon." laglag ang mga balikat na nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga 'tsaka nag pasyang pumasok na sa loob ng bahay at medyo nilalamig na siya.

Bagsak ang mga balikat na nagtungo sa kusina upang iligpit ang pagkain na niluto niya. Pagkatapos ay bumalik siyang muli sa sala para doon ay hintayin ang pagdating ng asawa. Maya't maya pa ang tingin niya sa wall clock nila para sipatin ang oras. Mag a-alas dose na wala pa rin si Hector. Nag-aalala na rin siya. Oo noong hindi pa sila okay ng kaniyang asawa ay okay lang sa kaniya na umuwi ito ng late o 'di kaya ay kinabukasan na ng umaga. Pabor iyon sa kaniya. Wala siyang pakialam! Pero ngayon ay iba na. Nag-aalala siya para kay Hector. Sa lalakeng mahal niya! Paano kung may masama nang nangyari sa asawa niya? O 'di kaya ay may kasama na itong ibang babae? 'Yong babae na nag sabi sa kaniya na girlfriend daw ng asawa niya! May kung ano'ng kirot na naramdaman si Pipay sa puso niya dahil sa isiping iyon. Paano kung pinuntahan ng babaeng iyon sa opisina niya si Hector? Hindi niya masasabing aayawan ni Hector ang babaeng iyon lalo pa at mukhang matagal na nga silang magkakilala.

"Ano ba Pipay, kung anu-ano naman ang iniisip mo diyan! Nasa trabaho ang asawa mo. Tiyaka hindi ba itinaboy naman ni Hector ang babaeng iyon noong pumunta siya rito? Kaya magtiwala ka nalang na hindi makikipagkita si Hector sa babaeng iyon." aniya sa sarili. Pilit na iwinaglit sa isipan ang mga bagay-bagay na hindi dapat.

"B-baby, open the door."

Agad namang napatayo sa kinauupuan niya si Pipay nang marinig niya ang boses ng kaniyang asawa mayamaya.

"Baby open the door, please!" muling saad ni Hector habang kumakatok ito sa likod ng pinto.

Nagmamadali namang tinungo ni Pipay ang malaking main door para buksan iyon. Bumungad sa kaniya ang asawa na nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakatungo at hawak-hawak ang sentido nito.

"H-hector?" anang Pipay at nag-aalalang nilapitan ang kaniyang asawa. "Lasing ka? Sino ang naghatid sa 'yo? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod na tanong niya rito nang mapagtantong wala sa garahe ang sasakyan nito.

"Hi baby!" malapad ang ngiti sa mga labi nito nang mag angat ng mukha at tingnan ang asawa. "You. Still. Awake." tumawa pa ito ng mahina. "Nagpahatid lang ako kay Francis, my secretary." mahinang saad nito 'tsaka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Dahilan upang maamoy ni Pipay ang amoy alak niyang hininga.

"Lasing ka?" tanong niya kahit halata naman sa hitsura ng asawa na lasing talaga ito.

Mabilis namang kumilos ang mga braso ni Hector para hapitin siya sa baywang at yapusin. "I'm not... really drunk! Nakainom lang ako kaunti." humagikhik pa ito. Namumula ang mga pisngi nito dahil sa alak. Namumungay din ang mga mata. Halatang inaantok na.

"T-teka lang." awat ni Pipay sa asawa nang mas lalo pang humigpit ang pagkakayakp nito sa baywang niya. Naiilang siya sa puwesto nilang dalawa ni Hector. Nakasandal kasi ito sa hamba ng pinto habang yakap-yakap siya sa baywang kung kaya't lapat na lapat ang kanilang mga katawan. Ito na naman ang pamilyar na kaba at kabog ng puso niya nang maramdaman niya sa puson niya ang matigas na bagay na iyon. May kakaibang pakiramdam man sa kaniyang kaibuturan ay pinilit niyang ignorahin iyon at kailangan niyang asikasuhin ang lasing na asawa. "Halika na, pasok na tayo at ng makapagpahinga ka na." aniya at sinubukang kalasin ang malakadenang mga braso nito sa kaniyang baywang. Pero hindi niya naman iyon nagawa. "Kaya mo bang mag lakad?" tanong niya pa. "M-mabigat ka kasi e!" dagdag pa niya.

Pero imbes na sagutin ng asawa ay mabilis namang inilusot ni Hector ang mukha sa leeg ng asawa at doon ay sumobsob. Medyo nakaramdam pa si Pipay ng mumunting kiliti roon dahil sa mainit na hininga nitong tumatama sa balat niya.

"I missed you baby! I'm sorry natagalan ako ng uwi." halos pabulong at inaatok na saad nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nito kay Pipay na animo'y ayaw ng pakawalan sa mga bisig niya.

Wala sa sariling napangiti si Pipay dahil sa sinabi ni Hector. Mayamaya ay umangat ang kaniyang isang kamay papunta sa likod ng ulo nito. Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. "O-okay lang! Pasok na tayo at malamig na rito. Kumain ka na ba?" tanong niya pa.

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga.
Mayamaya rin ay kumalas ito at nag angat ng mukha sa kaniya. Mapupungay na mga mata ni Hector ang sumalubong sa kaniya.

"I-I'm not hungry baby... but if you want me to eat..." anito at kinagat ang pang ilalim niyang labi habang ipinagpapalipat-lipat ang paningin sa mukha at mga labi ng asawa. Nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito mayamaya. Siyang naging dahilan upang mag bigay ng kakaibang kaba sa dibdib ni Pipay. Masuyong kinabig ni Hector ang batok ng asawa at inilapit ang bibig sa puno ng tainga nito. "Then, let's go to the masters bed room. I-I want to eat you baby. Bigla akong nagutom. Feed me! Mmm!" bulong nito na talagang sinadya pang pa sexyhin ang boses at ginawaran ng masuyong halik ang tainga ni Pipay.

Pakiramdam ni Pipay ay bigla siyang natuod sa kinatatayuan niya. Hindi siya makakilos at parang nabato na siya. Ramdam na ramdam niya ang pag tayuan ng mga balahibo sa kaniyang batok maging ang unti-unting pag-iinit ng kaniyang mukha dahil sa mga sinabi ng kaniyang asawa. Ano ba'ng pinagsasasabi nito sa kaniya? Let's go to the masters bed room? I want to eat you? Feed me? Pakiramdam ni Pipay ay parang sirang plaka at paulit-ulit niyang naririnig ang mga katagang pinakawalan ng kaniyang asawa. Mukhang nag akyatan bigla sa mukha niya lahat ng dugo sa katawan niya. Alam niyang pulang-pula ngayon ang kaniyang hitsura. Hindi alam kung paanong haharapin at sasalubungin ang mga mapupungay na mata nitong nakatunghay sa kaniya.

"H-hector!"

"Yes baby?" nakangiti pang sagot nito.

"L-lasing ka lang." nauutal at kinakabahnag saad niya.

"No baby! I'm not drunk. I know what I'm saying right now. And I know what I am doing." anito at biglang sumeryoso ang hitsura at boses nito. "Please!" pagsusumamo pa nito.

Unti-unting gumalaw si Hector palapit kay Pipay nang wala siyang makuha na tugon mula rito. Naging estatwa na ata si Pipay sa kinatatayuan niya at halatang hindi alam kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon.

"Please baby!" aniya sa nahihirapan at mahinang boses.

Mayamaya pa ay kusang pumikit ang mga mata ni Pipay. Hindi alam ng babae kung paano niya sasagutin ang asawa. Bilang sagot sa nais nitong mangyari ay pumikit na lamang siya. Hinintay na muling malasap ang malambot, mainit at masarap na mga labi ng kaniyang asawa. Hindi nga nagkamali si Pipay, dahil ilang sandali lang ay naramdaman niya na ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang mga labi.

Mabango ang hininga ni Hector. Hindi rin nakaligtas sa pang amoy at pang lasa niya ang alak na ininom nito kanina. Pakiramdam ni Pipay pati siya ay nalalasing sa klase ng halik sa kaniya ng asawa. Nakakalito! Nakakawala sa sarili. At higit sa lahat, nakakabaliw ang mga halik ni Hector na inaalay sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang bugso ng damdamin para sa asawa. Maging ang buong puso na pagtugon niya sa mga halik nito. Ito na nga ata ang tamang panahon upang pag bigyan niya ang kaniyang asawa. Kinakabahan na excited siya sa mga maaaring mangyari sa kanilang dalawa ni Hector ngayong gabi.

Matapos angkinin ni Hector ang kaniyang mga labi ay pareho pa silang hinihingal at kapos sa hangin. Muli siya nitong pinakatitigan ng mataman sa mga mata. Mga matang kakikitaan niya ng sari-saring emosyon. Saya! Galak! Excited at pananabik!

"Let's go up stairs baby." mahinang saad nito.

"He—"

"Shhh!" putol ni Hector sa iba pa nitong gustong sabihin. Yumuko ito at walang paalam na binuhat na parang bagong kasal ang asawa. Nag simula na itong humakbang papasok ng sala hanggang sa umakyat sa hagdan. Hindi pa rin inaalis ang mga mata sa mukha ng kaniyang asawa.

"H-hector! A, p-puwede bang mag-usap muna tayo?" anang Pipay sa asawa nang marahan nitong binuksan ang pinto ng isang kuwarto. Kung hindi siya nagkakamali ng tingin dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon... alam niyang kuwarto ito ng kaniyang asawa. Sa dalawang taon na magkasama sila ni Hector sa iisang bahay ay ni minsan man hindi pa siya nakapasok sa loob ng masters bed room na siyang inuokopa nito.

"Later baby! We'll talk later, okay!"  anito at nag simula ulit na humakbang papasok ng kaniyang kuwarto.

Maingat nitong inilapag sa malambot at king size bed si Pipay. Mabilis siyang dumagan sa ibabaw nito at muli, walang paalam na inangkin ang mga labi nito. Nakakasabik! Nakakadarang! Nakakalasing at nakakadala ang bawat halik ni Hector kay Pipay. Lalo na nang biglang dumapo ang isang kamay niya sa isang dibdib ni Pipay na siyang naging dahilan ng mahinang pag unggol nito.

"Ahhhh! P-pero, Hector—"

"Shhh! Please baby. Later!" anito at muling ipinagpatuloy ang pag angkin sa mga labi ng asawa. Nilandas ng mga labi nito ang panga, leeg at collar bone ni Pipay.

Pakiramdam ni Pipay nag iiwan ng nag lalagablab na apoy sa bawat parte ng kaniyang balat ang madadaanan ng mga labi ni Hector. Napapaiktad siya sa bawat halik at haplos nito sa katawan niya. Dalang-dala siya na maging ang mabilis na pagtanggal ni Hector sa kanilang mga saplot sa katawan ay hindi na niya namalayan kung paanong nagawa nito.

Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang nasilayan ni Hector ang magandang katawan ng kaniyang asawa. "Shit! You're so beautiful baby." bulong ni Hector sa asawa habang pinapakatitigan niya ng mataman ang katawan nitong wala ng saplot. Sa loob ng dalawang taon; finally. He saw his wife. He saw this beautiful body.

Dahil sa hiya at kaba na nararamdaman dahil sa mga titig ng kaniyang asawa'y mabilis na umangat ang kaniyang mga kamay upang takpan sana ang hubad na katawan ngunit mabilis din siyang pinigilan ni Hector.

"Don't! Please don't! I just wanna see this beautiful and perfect creation from God. You're so beautiful wife. God... Peppa!" anang Hector na tila hindi makapaniwala sa nakikitang magandang hubog na katawan ng kaniyang asawa.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Pipay ang matamis at masayang ngiti na gumuhit sa mga labi ni Hector mayamaya.

"Ohh baby!" saad nito at muling bumalik sa ibabaw ni Pipay.

"Hector—"

"Trust me baby! Trust me okay." anito matapos pumailalim ang katawan nilang pareho sa makapal na kumot.

Naging tau-taohan si Pipay ng kaniyang asawa. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang lahat ng sinasabi nito sa kaniya. Bahala na siya kung anuman ang maging reaksyon ng kaniyang asawa oras na malaman nito ang totoo. Basta ay muli lang din siyang nagpadala sa agos at bugso ng kaniyang damdamin para sa asawa. Hindi mali para sa kaniya ang mga nangyayari sa kanila ni Hector ngayon. Asawa niya naman ang lalake at may karapatan itong angkinin siya. At hindi niya rin itatanggi sa sarili na walang pagsisisi sa puso niya na pumayag siya sa nais nito. Mahal niya si Hector! Mahal niya na si Hector sa kabila ng lahat. Kaya kahit hindi siya sigurado sa magiging resulta nito kinabuksan ay tataya siya. Susugal siya alang-alang sa mahal niya at sa nararamdaman niyang pagmamahal para rito.

"Ahhh! H-hector... aray please!" bigla niyang naitulak sa tapat ng dibdib ang kaniyang asawa nang maramdaman niya ang hapdi at kirot sa kaibuturan niya nang bigla siya nitong pasukin. "Please! H-hindi ko kaya." hindi napigilan ni Pipay ang mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman sa pagkababae niya nang parang pakiramdam niya ay may na punit sa loob-loob niya.

Kunot ang noo na napahinto si Hector at napatitig sa lumuluhang asawa. "Peppa?" aniya. Nasaktan ito? Ang akala niya'y may karanasan na ang kaniyang asawa pagdating sa bagay na iyon?

Seguir leyendo

También te gustarán

3.9K 613 33
Aviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.
380K 13.4K 36
Matured content Registered under the National Library of Australia ISBN 978-0-6451142-5-6 Published under PaperInk Publishing House Completed ✅ Drake...
14.4K 558 27
Emerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto ni...
77.9K 2.6K 28
From the very beginning, Calia knew that she was just an adopted child - only. Even though her parents didn't tell the truth about her identity, she...