The Virgin's First Night 4: T...

By BonitaBabyy

2.7M 43K 4.4K

Sa mundo ng panghuhusga, may tao pa bang magtitiwala sa katulad ni Jackie? Isang social climber, tirador ng... More

TVFN 4: The 13 Hell Shots
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 - The Last Shot
Epilogue

Chapter 22

64.3K 1K 113
By BonitaBabyy

Chapter 22

Nagising ako mula sa isang bangungot. Napalikwas ako ng upo ng mapansin na nasa mansiyon na ako tinignan ko ang sarili ko at nakasuot na ako ng ternong panjamas. Naramdaman ko yung pag-iinit ng mga mata ko at pagsakit ng mga luha ko. Hinawakan ko ang suot kong damit at mahigpit iyong hinawakan hanggang sa magbalik lahat ng ala-ala na animo isang flashback. Napahikbi na lamang ako ng maalala ang pambababoy sakin ni Ambrose! Walanghiya ka Ambrose! Pinagkatiwalaan pa naman kita. Agad akong tumayo sa kama at pumunta sa banyo at tumutok sa shower, habang umiiyak ay hinilod ko ng hinilod yung leeg ko mga braso habang hindi pa rin hinuhubad ang mga saplot ko.

"Kadiri! Kadiri ka Ambrose!!" patuloy pa din ako sa paghihilod ng katawan ko hanggang sa magasgasan na ang balat ko. Kung yun lang ang paraan para makalimutan ko lahat ng ginawa sakin ni Ambrose. Napaupo na lang ako sa sahig dahil napahagulgol na lamang ako ng husto. Bakit napakahina ko ngayon? Bakit kailangan kong magkaganito? Idinukmo ko na lamang ang ulo ko sa tuhod ko habang patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko.

"Kadiri!! Ang dumi dumi ko!!" sigaw ko pa. Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ako ng malay ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at humahangos na yumakap siya sa akin. Napahagulgol na lamang ako sa balikat niya habang pilit niya kong pinapakalma.

"Gago siya Papa!! Tinarantado niya ko!! Kadiri!!" sigaw ko pa habang umiiyak pa din sa balikat niya. Pareho na kaming basa kaya naman kinarga na niya ako at iniupo sa kama. Patuloy pa din ako sa pag-iyak ng lumapit siya sa akin at ibinalot niya ako sa kumot.

"Sisiguraduhin ko Jackie na pagbabayaran ni Ambrose Tan ang ginawa niya sa iyo. Pagbabayaran ng hayup na yun ang pagtatangkang pag-rape sayo!" isinandal ko na lamang ang ulo ko sa kanyang balikat ng mapansin na naikuyom na niya ang kanyang mga kamao. Napapikit na lamang ako. Naalala ko na naman yung galit sa mga mata ni Stanley, kung gaano niya kinamumuhian at pinandidirihan sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Sa halip na maawa sakin ay tinalikuran niya ko. Tanginang pag-ibig yan!! Napaiyak na naman akong muli sa isiping iyon.

"Hush darling. Ano ba talagang nangyari noong araw na iyon? Nagpapasalamat pa din ako na hindi niya naituloy ang balak niya at dumating ako sa tamang oras. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nahuli man ako ng dating Jackie." umiling lang ako at sumandal ulit sa kanyang balikat. Ang balikat na alam kong poprotekta sa akin. Sana ikaw na lang siya Stan.

Kahit na masakit ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa ala-ala ko kung ano ang nangyari noong araw na iyon.

"ANO BA AMBROSEEEE!! TULONG!! TULONG!!" sigaw ko habang pilit siyang inilalayo sa akin. Nagpapasalamat ako na nasa bulsa ko ang cellphone ko bahalana kung kanino sa speed dial ang matatawagan ko. Halos mapaiyak ako ng husto ng haltakin niya ang suot kong blouse at halikan ang dibdib ko. Oh no!! Tulungan niyo ko!!

"Wag ka ng mag-inarte pa Jackie! Paliligayahin naman kita!! Ibibigay ko sayo ang hindi nabibigay ni Stan!!" hayok nitong sabi. Pababa pa ng pababa ang kanyang mga kamay. Putangina!!! Hindi ko hahayaan na ma-rape ako ng ulol na 'to. Kinagat ko siya kamay kaya naman napasigaw siya ngunit halos mawalan ako ng malay ng umigkas ang kamay niya sa pisngi ko.

"Tangina mong babae ka ah!" pinilit kong magising kahit na hilong-hilo na ako. Muli sana niya akong sasampalin ng kapwa kami nagulat sa pagkalampag sa pintuan agad kong kinuha ang oportunidad na iyon upang tadyakan siya sa ibaba nito. Nagmamadali akong tumayo at kinuha ang folder ng 13 Hell Shots.

"Ambrose!! Hayup ka buksan mo 'tong pinto! Jackie! Jackie!" rinig kong sigaw ni Papa mula sa labas ng pinto. Patakbo na sana akong lalabas ng pinto ng pigilan niya ang paa ko.

"Ah matatag kang hayup ka ha?!!" pilit kong inabot yung tasa at ipinukpok sa ulo niya.

"Nalasahan mo nga ako pero hindi mo pa din ako natikman!! Ulol!!" sigaw ko at tumakbo na palabas ng opisina niya.

 

Ganoon na lamang ang pagka-gulat ko ng makita ko si Stanley sa likod ng papa na halata rin ang pagkagulat agad iyong napalitan ng galit. Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na hinanakit lalo na ng madaanan niya ng tingin ang hawak kong folder. Napaiyak na lang ako sa sobrang guilt at pagkapahiya.

 

"I'm so sorry Stan." dahil sa labis na pagod at sari-saring emosyon ay pakiramdam ko ay nauupos akong kandila at nagdidilim ang aking mga paningin. Ang huli ko na lamang na naalala ay yung pagtalikod sa akin ni Stan habang galit na galit.

 

"Papa? Si Stan umuwi na ba?" pinahid ko ang mga luha ko at humarap sa kanya. Nagbuntong hininga si Papa at umiling.

"Ilang araw ng hindi umuuwi si Stanley, tinanong ko na rin si Bea kung alam niya kung saan makikita si Stan ngunit ang sabi niya ang huling pagkikita nila ni Stan ay yung mismong araw na iyon." napabuntong hininga na lang din ako at yumuko.

"Kasalanan ko 'to Pa. Kung hindi ako naging ganid sa pera at nagpadala sa selos ay hindi mangyayari 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko." napaiyak na lang ako ulit at yumakap sa kanya.

"Hindi na mahalaga yun Jackie. Ang mahalaga walang nangyari sayo. Okay?" tumango lang ako pumikit ng halikan niya ako sa noo.

"Pa? Hindi ba nagpupunta si Stan sa bar? Pupuntahan ko siya? Baka sakaling andun siya!" umiling lamang si papa kaya naman muli lang akong napabuntong hininga.

"Simula noon ay isinara na niya ang bar niya. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Stan. Hintayin na lang natin na lumipas ang galit niya. Babalik din siya. Magpahinga ka na Jackie." patayo na sana siya ng hawakan ko siya sa kamay.

"Pa! Ipangako mong kahit anong mangyari ay hindi mo ko iiwan. Please? Ikaw na lang ang taong hindi pa humuhusga sa akin, hindi naman akong masamang babae at lalong hindi ako maduming babae na iniisip nila!" umiiyak na naman ako habang nagmamakaawa sa kanya. Lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ako sa noo.

"Never Jackie." mataman niya akong tinignan sa mga mata bago yumuko at ngumiti.

"Hindi sayo bagay ang ganito darling. Go get some sleep." tumayo na siya at tuluyan ng lumabas ng silid ko.

Sander's POV

Napasandal na lang ako sa dingding pagkalabas ko ng silid ni Jackie. Damn!! Nasasaktan akong makita siya ng ganoon. Napahawak na lamang ako sa noo at natawa sa sarili ko. Tangina?!! Ang mga matang iyon. Bakit bigla na lang sumagi sa isip ko ang halikan ang daughter-in-law ko?! Lalong magngingitngit sa galit si Stan pag nalaman niya na ang kanyang ama ay unti-unting nahuhulog sa kanyang asawa. Fvck! Bakit sa asawa pa ng anak ko?!!

Naalala ko na naman yung pag-uusap namin ni Stanley bago siya tuluyang umalis ng mansion at hindi na muling nagpakita.

"Ano ka ba naman Stanley! Huminahon ka nga! Kailangan ka ng asawa mo!!" sigaw ko sa kanya habang pinipigilan siya sa pag-iimpake niya. Bakit ba ko nagkaroon ng anak na katulad niya?!! Isang mapanghusga at hindi marunong makinig sa iba.

"Kailangan?!! Hindi ako kailangan ng manlolokong babaeng iyon! Sinabi ko na nga ba eh! Pera langa ang habol niya sa akin!! Damn! Bakit nga ba pumasok sa utak ko na baka maaari akong magsimula ng pamilya kasama siya?!! Ang dumi niya!!" hindi ko na napigilan ang suntukin siya at halos mapasubsob siya sa sahig sa lakas na iyon.

"Kailan pa kita tinuruan na maging bastos sa babae?!!" agad ko siyang kinuwelyuhan at akmang susuntukin.

"Diring diri ako sa kanya Pa! She's too fucked up!" sabay tulak niya sa akin at kuhanin ang mga maleta nito at dire-diretso ng umalis ng manyon.

 

Buti na lamang at wala si Jackie ng mga oras na iyon alam kong masasaktan siya ng husto.

Please lang Stanley anak bumalik ka na sana. Natatakot akong tuluyan ng mahulog ang loob ko sa asawa mo.

***

After 2 weeks

"TARANTADO YANG ASAWA MO!!! NI HINDI PA NGA NAKAKAPAG-PAKILALA SAKIN NG PORMAL IIWAN KA NA?!! ANONG TINGIN NIYA SAYO LOLIPOP?!! NA PAG PINAGSAWAAN EH ITATAPON NA LANG?!! PUTANGNA NAMAN PALA!!" sigaw ni mama na halos maputol na ata yung litid niya sa leeg. Nanlaki yung mga mata ko ng kuhanin niya yung plantsa at ambang ibabato sakin.

"Wag yan ma! Macocomatose ako pag yan!" sabay takbo ko at nagtago sa sofa.

"GINAGALIT AKO NIYANG ASAWA MO AH!! IPAPAKULAM KO SIYA KAY LOLA LOLENG HAYUP SIYA!! HANAPIN MO YUNG GAGONG YUN!!" sigaw ni mama. Narinig kong nag ring ang cellphone ko kaya naman agad akong nagtago sa sofa at sinagot ito.

"Haler?" bati ko.

"Oy bakla!! Buhay pa ba you kay motherhood?!!" tanong sa akin ni Pat na halatang nag-aalala.

"Muntik na kong batuhin ng plantsa sa peslak bakla!! Anyare na ba diyan?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Kailangan ka dito. May meeting! Chumorva ka na diyan ha?"

"Osige! Gora na ko diyan!" dahan dahan akong tumayo ngunit wala na si mama dun sa harapan. Nag C.R siguro? This is it na! Dali dali na akong lumabas ng condo niya at tumakbo papunta sa elevator.

Dalawang linggo na din simula noong nangyari ang araw na iyon. Nakulong na si Ambrose at sinigurado ni papa na hindi na niya ako magugulo pa. Kahit na ilang linggo na ding hindi nagpapakita at nagpaparamdam si Stanley sa amin ay doon pa rin ako sa mansiyon nakatira. Sa lahat ng kabutihan ni papa magagawa ko ba siyang iwan? Paglipas ng mga araw ay lalo kaming naging close minsan nga ay lumalabas pa kaming dalawa at napagkakamalang magjowa. Wala naman akong pakialam kung ano man ang isipin sa amin ang mahalaga masaya ako kasama si papa at alam kong protektado ako.

Nag drive na ako papunta sa opisina at napatawa na lamang pag naaalala si mama. Totoo naman kasi na hindi ko pa napapakilala si Stan ng pormal sa kanya ay hiniwalayan na ako kaya naman ayaw ding maniwala nina Brooke na may asawa na nga talaga ako. Haha. Nagagawa ko na ulit ang ngumiti. Hindi naman kasi sa akin bagay ang ipakitang nasasaktan ako. Ako yung babae na ngingiti lang sa lahat ng problema at hindi iiyak. Nagsasawa na ako sa drama ng buhay. Ayoko ng dumagdag pa pero aaminin ko sa kabila ng mga ngiting 'to ay ang Jackie na umiiyak tuwing gabi. Wala naman akong magagawa eh, ang ngumiti at idaan na lamang sa pagtulog yung sakit na nararamdaman ko.

Pagkarating ko sa opisina ay agad akong nagtungo sa conference room kung saan nagsisimula na yung meeting na pinangungunahan nung fiancee ni Brooke na si Steven. Masama talaga navavibes ko kay Steven eh. Hindi ko talaga siya feel since high school! Promise!

Napag-usapan lang naman sa meeting na magpapadala ng team sa Puerto Azul kung saan nagpapatayo ng isang hotel, kailangan din daw ako sa team kasi marami daw negosyante ngayon ang nagbabakasyon roon at baka may mahanap pa akong bagong kliyente. Pabor naman sakin yun kasi makakapag bakasyon grande na din ako. Hahaha. Kasama ko pa si Brooke at Patricia! Ayos 'to!

"Huy bakla! Sabay ako sa kotse mo papuntang Puerto Azul ha?!!" tili ni Pat habang palabas kami ng conference room.

"Okay lang. Si Brooke kasi kasabay niya yung sekretarya ni Steven alam mo namang madalas kong makaaway yung malditang Priscilla na yun. Haha."

"Sige! OMG! Madaming hot papa dun! Mag two piece ako!!" humagalpak lang ako ng tawa.

"Gaga! Ingatan mo lang baka lumabas si junior." sabay turo ko sa junior niya at tumawa ng tumawa.

"JACKIEEEE!! MALDITA KA FOREVAH!!!" tumawa lang ako ng tumawa at nauna ng maglakad.

 to be continued..


Napasaya niyo ko sa last chapter. :) Dalang dala talaga? Thank you guys! Sana every chappie ganun. Hihi. 

BonitaBabyy

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 761 28
THIS IS ABOUT MAIAH AND KYLE'S DAUGHTER, MIKAYLA KAESLEY MARTIN.
1.9M 68K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...
3.1M 61.8K 44
THIS STORY IS COMPLETED IN DREAME APP. A/N: Please understand, I had to sell the rights of this story because we were struggling financially on year...
9K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...