Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 41: Zero base

69.1K 4K 901
By Penguin20

"WHOAH! I just watched Ace vlog doon sa La Union trip ninyo, mukhang Masaya doon, Jamie!" Sabi sa akin ni Aris habang nakaupo kami sa bleachers kasama si Diana. We're just watching some students na nagpi-PE para malibang ang mga mata namin. Nakakapanibago pa rin na wala rito si Casey pero nasasanay na rin naman ako, I know someday, mabibigyan ko ng hustisya ang kanyang pagkawala.

So in-upload pa rin ni Ace ang vlog na iyon kahit ilang beses siyang sinabihan ni sir Joseph na huwag iyong gawin. Pasaway talaga. At isa pa, nag-enjoy naman talaga kami kaso ay misyon ang ipinunta namin sa lugar na iyon at hindi lang para magsaya.

"Yeah we enjoyed naman," sagot ko sa kanila.

"So ano, 'te? Yummy ba si Ace?" Sabi ni Diana habang nakatingin sa akin. "Madalas ko siyang Makita sa gym ng school kaya malaki ang chance na maganda ang katawan nito."

Kung alam ninyo lang ang ugali ni Ace ay baka na-turn off na kayo. Ilang beses niya ring ipinagmayabang sa amin ang maganda niya RAW na katawan.

"Kadiri kayo! Anong yummy doon, mukha siyang pagod na iguana." Dahilan ko sa kanilang dalawa. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung natapos namin ang misyon, wala pa naman kaming nababalitaan na lawbreakers na nanggugulo at kahit papaano ay bumalik ang normal naming buhay.

Sir Joseph:
Everyone, go to CHE library.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil wala naman kaming klase sa class zero ngayong araw. Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko. "Aalis ka 'te?" Tanong sa akin ni Aris.

"Oo, pinapatawag kaming lahat sa class zero." Sabi ko sa kanila. "See you later!" Paalam ko at isinukbit ang aking bag at tumakbo patungong library ng CHE.

Habang patungo ako ay nakasabay ko pa si Claire. "Jamie," she called my name kung kaya't sinabayan ko na rin siya sa paglalakad. Itong babae talaga na ito ang masasabi kong pinakamahinhin sa class zero habang si Jessica naman ang pinakatahimik.

"Claire, balita ko may na-discover ka sa kapangyarihan mo nitong nakaraan, ah!"

Isa sa mga natutunan ko sa class zero, kung patuloy kang magpa-practice sa class zero ay maaaring madagdagan ang mga skills mo. Katulad na lamang ni Kiryu na ngayon ay natutunan ng mag-imitate ng mukha na ibang tao bukod sa cloning. Si Teddy dati ay nakakapagpaglipat-lipat lang ng puwesto sa pamamagitan ng mga shadow ngunit ngayon ay kaya na rin niyang kontrolin ang anino ng isang tao. Ako? 'Di ba dati ay kaya ko lang magbasa ng iniisip ng ibang tao pero natutunan ko na ring mag-utos gamit ang utak.

Nag-e-evolve ang kapangyarihan namin if we just explore how to use it. Kailangan lang talagang magbasa para madagdagan ang knowledge namin at importante rin ang exercise so our body is ready for a higher level of magics.

"Kaya ko na ring mag-support, pinractice namin ni Kiryu 'to kahapon. Kaya ko nang magpataas ng defense ng isang tao, kaso nga lang ay 30 minutes lang ang itinatagal ng spell na iyon." Paliwanag sa akin ni Claire at napatango-tango ako.

Nakarating na kami sa CHE building at naglakad sa third floor dahil dulong pasilyo ng ground floor dahil nandoon ang library nito. "It's a good thing that we're improving, malaking tulong na 'yan sa laban if ever." Paliwanag ko sa kanya.

"J-Jamie, alam kong random itong itatanong ko pero sa tingin mo anong gusto ni Teddy?" Tanong niya sa akin at napatingin ako sa kanya, mabilis na umiling ang ulo niya kasabay ng kanyang kamay. "M-Mali 'yang iniisip mo. Malapit na ang birthday ni Teddy, nakalimutan mo na ba?"

Paano ko makakalimutan ang bagay na iyon, kahapon pa pinamamalita ni Teddy na sa susunod na linggo na ang birthday niya. Pero wala pa rin akong naiisip na regalo at hindi ko rin naman masyado itong pinag-iisipan.

"Crush mo si Teddy bear, 'no?" Si Ace ang nagbigay ng bansag na iyon kay Teddy dahil naiinis ang lalaki na iyon kapag tinatawag siyang Teddy bear.

"H-Hindi, ah!" Mabilis na sabi ni Claire pero nag-iwas siya nang tingin sa akin.

"Hoy! Naririnig ko ang pangalan ko sa inyong dalawa!?" Biglang dumating si Teddy. Mabilis na namula ang mukha ni Claire. Confirm.

"Wala, we're just saying that Teddy bear is a cute nickname for you!" Pang-aasar ko na lang, pagkapasok namin sa library ay nandoon na pala ang lahat at kami na lang ang hinihintay.

"Haaaa! Gusto ninyo bang iuntog ko kayo sa muscle ko? Stop calling me that, kasalanan 'to ni Ace na walang magawa sa buhay, eh."

Napatigil ang aming kwentuhan nung makarating na kami sa direksyon nina sir Joseph. "Okay class, ngayong nandito na ang lahat. May gusto akong ipakita sa inyo," Sabi ni sir pero napatingin ako sa paligid pero puro libro lang naman ang nakikita ko sa paligid at ang cream white na pader ng library at pink na pillar nito. "I want to introduce you to this place I requested it to our principal and ilang buwan din ginawa ang bagay na ito."

Siguro ay may ipapabasa lang sa amin si sir Joseph tungkol kay Deathevn. Babasahin ko ba? Siyempre hindi. Kaya kong magbasa ng wattpad books na 180 pages pero hindi ko kaya magbasa ng textbook na 8 pages. Katamad.

Napansin ko rin na walang tao dito sa CHE library. Sa bagay, sino pa ba ang papasok dito dahil parang luma na rin ito. At isa pa, malapit lang dito ang main library ng University na mas maganda at mas malaki.

"Girly, itapat mo 'yang ID mo sa kulay pink na pillar," utos ni sir Joseph kay Girly

Nagtataka man si Girly pero sinunod niya pa rin naman ang utos ni sir, hinawakan niya ang kanyang ID at itinapat sa pillar.

Isang parang sounds ang narinig namin at mayamaya lamang ay ang cream na pader ay unti-unting nabubuksan. Hala! Ano 'to? Ngayon ko lang 'to nakita, is this kind a secret place?! "I am glad to introduced you the Zero base. Simula ngayong araw ay puwede na kayong tumambay sa lugar na ito imbes na sa classroom. Ace, just a reminder... no vlogging in zero base please lang. This will serve as the safe haven for Class Zero."

"Ganyan ba kasutil ang tingin mo sa akin sir Joseph!?"

"Oo." Halos sabay-sabay naming sagot sa kanya lahat. Knowing Ace, may Makita lang na bagong bagay 'yan ay bubuksan niya ang camera niya at magsisimulang vlog.

"Wow, guys, wala man lang support? Hindi naman masakit."

Pumasok kaming lahat sa Zero base at namangha ako sa lugar na ito. Para siyang secret basement pero ang cool nung lugar, may mga computer sa right sides at mayroong tambayan sa gilid. May libro rin at nakita namin na nandito si Vincent sa loob—he's playing an online game gamit ang isa sa mga computer.

"Tandaan ninyo, tanging ang class zero lang ang may access sa lugar na ito and keep it a secret." Paalala sa amin ni sir Joseph. Para naman kaming mga bata na tiningnan ang lahat ng mga gamit dito.

"Sir, anong ginagawa ng loko na 'to dito!?" Reklamo ni Girly nung Makita si Vincent.

"Don't worry hindi naman siya makakatakas sa school natin, at isa pa, mas magandang nasa maayos na rin siyang kundisyon. Maraming impormasyon din siyang bagay na pwedeng ibigay sa atin." Paliwanag sa amin ni sir Joseph.

"Knowing you, hindi ninyo ako patatakasin sa lugar na ito so it's much better kung magiging at home ako sa school ninyo, 'diba?" Sabi niya at ipinatong ang paa niya sa lamesa. "Kagaya nang sinabi ko sa inyo noon pa, wala kayong makukuhang impormasyon mula sa akin."

"Dito na rin siya mag-aaral sa school natin and we processed everything. Jamie, she will be your classmate." Sabi pa ni sir Joseph. Akalain mo nga naman, siya na nga 'tong masamang tao pero alagang-alaga pa siya kay sir Joseph.

"Sir, hindi mo pa ba ipapaliwanag sa amin kung sino si Deathevn?" Tanong ni Seven kay sir Joseph. "Ilang araw na ang lumipas, hindi na tayo pwedeng mag-aksaya ng oras lalo na't nasasangkot na ang ibang tao na may abilities at maging ang servant of elements ay nasali na rin sa gulong ito."

"Everyone, be seated." Utos ni sir at umupo kaming lahat. "Si Deathevn ay isang malakas na demonyo na nakakulong sa isang bato na punong-puno ng malakas na mahika. Our ancerstors did it, Basil did it. Naniniwala ang lahat na si Deathevn ay ang pinakamalakas na kalaban ng grupo natin. Deathevn can stop the devil hour, at iyon ang pinakainiiwasan nating mangyari, ang maging ang mga tao sa katulad natin—the glitches of society. We must maintain the balance of this world."

"Sir, how can we maintain the balance of this world kung hindi ninyo kami ipinapadala sa mga misyon para hanapin ang mga miyembro ng Black Organization!?" Sigaw ni Teddy.

"Ha! Nagpapatawa ka ba? Walang-wala ang lakas ninyo sa lakas ng Black Organization!" Biglang nagsalita si Vincent pero sa computer lang nakatutok ang kanyang mata. "You're just lucky na napatay ninyo ang isa sa kanila pero sinasabi ko sa inyo... mas malakas ang iba sa kanila."

I don't know kung kalaban nga 'tong si Vincent dahil lagi niya kaming binibigyan ng hint sa lahat ng bagay.

"Bago natin kaharapin ang Black Organization ay kailangan ninyo munang magpalakas. Hindi ko hahayaan na may mawala sa inyong dose, kapag humarap kayo sa Black Organization ay gusto kong handa na kayo. At para mas mapabilis ang bagay na iyon ay may naisip akong isang mabilis na paraan," Napatahimik kaming lahat at napatingin kay sir Joseph. "Makipag-compact sa mga servant of elements."

"Ha!? Hindi ko gagawin iyon," tutol ni Seven. "I don't need someone's help para matalo ko ang Black Organization, I can manage." He explained.

"Pero guys..." They all looked in my direction. "Minsan nang ipinahiram ni Tom sa akin ang kanyang kapangyarihan, trust me, by their help, our skill will gradually increase." Paliwanag ko sa kanila. "At isa pa, sangkot na rin naman sa gulong ito ang servant of elements, sila na rin ang nag-alok na makikipagtulungan sila sa atin. We all have one goal here, that is to eliminate Black Organization at pigilan ang pagkabuhay ni Deathevn."

"I agree with Jamie." Sabi ni Ace.

Habang nasa gitna kami ng diskusyon ay nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa.

From: 0935*******
Jamie, nasa labas kami ng schoo ninyo. Ayaw kaming papasukin nung guard lol. By the way, this is Tom... save my number.

Sa tuwing naiisip ko ang pagkawala ni Casey ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob na magpatuloy, lahat ay gagawin ko para matalo ang lahat ng nasa Black Organization. Gusto ko ring protektahan ang mga taong mahahalaga sa akin. Kung kinakailangang makipag-compact kami sa servant of elements para mas lalong lumakas ay gagawin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
25.8M 640K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
1.3K 147 7
COMPLETED ON GOODNOVEL Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB. (08)036- 024- 36 Nakakalungkot man...
29.8K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...