Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 10

2.2K 87 1
By ShadowlessPersona

Late October

"ANONG ginagawa mo sa Thailand?" Bulyaw ni Catherine sa kanya, "You've been gone missing for a week and then mababalitaan kong nasa Thailand ka?"

Napahilot siya sa sentido, "I-I'm sorry, Cath..." She truly is, "I just want out. Hindi ko na alam..."

Ang lakas niyang sabihin kay Theo na mali ang lahat pero nang may tsansang sabihin kay Crissa ang totoo ay isa rin siyang hindi nasabi iyon.

"Wow, ang sabi ni Tita Icang nasa Paris ka pero ngayon naman nasa Thailand? Seriously, Huff.. Dahil ba ito kay Theo? Anong ginawa niya sa'yo para magkaganito ka---"

"We had sex" that's it, she could only imagine her face telling her what happened.

They had sex! But for her, it's more than just sex. Hindi niya naramdaman na ganun lang kababaw iyon, naiinis siya sa sarili!

Napamura na lang si Catherine. She expected this. Maging ang kaibigan ay galit na sa kanya ngayon.

"I don't know what to do" Naiiyak na siya ngayon, tahimik si Catherine, "Natatakot ako..."

"Natatakot kang malaman ni Crissa" Hindi iyon tanong, "pero hindi ka ba natatakot na makasira ito sa relasyon nila? What happened with you, Huffle?"

"Cath.."

"Umuwi ka dito" She authoritatively said, "Tell her what happened at tsaka ka umalis kung gusto mo. You cannot runaway from guilt, Huffle. Hahabulin ka niyan hanggang saan ka magpunta!"

Hindi na siya kinausap ng kaibigan matapos niyon. Wala na siyang mukhang ihaharap sa pinagagagawa niya.

Matalino naman siyang tao pero bakit ganito? Bakit pagdating kay Theo ay hinang hina na siya?

It's her second day when Kuya Raven and his wife, Ate Abby visited her. Nagulat siya nang makita ang mga ito sa harapan ng pintuan ng tinutuluyan niya.

"Babe, please take it easy--" alo ni Ate Abby sa asawa at pinapatahan siya. Ngayon lang ito nagalit sa kanya, he must have hate her for what happened.

"Kuya--"

"You don't go missing for that long, Huffle! Hindi porket matanda ka na ay aalis ka nang walang pasabi kahit kanino!" Sermon nito sa kanya, "Kahit man lang text ay hindi ka nagabala!"

"I'm so sorry, I just don't know what to do..." Tuluyan na bumagsak ang depensa ni Huffle, "Kuya hindi ko na kaya..."

Lumambot ang expresyon sa mga mata ni Raven sa sinabi niya, "Kuya, hindi ko na kaya... ayoko na.. natatakot ako..."

Lumapit ang kapatid sa kanya at sinapo ang kanyang mukha, he wiped the tears from her eyes and she instantly wrapped her arms around him.

Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon na binuhos lahat, "Puffie, tell me what's wrong. Sabihin mo kay Kuya sige na.."

Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Narinig niya na lang ang kapatid na kausap ang asawa, parehong nagaalala para sa kanya.

"She has to go home" Seryosong sambit ni Raven, "Hindi ako papayag na maiwan siya rito na ganyan ang lagay"

Dinilat niya nang kaunti ang mga mata at nakita itong nakatayo sa harapan ng bintana, lumapit si Ate Abby rito at niyakap ang asawa.

"You have to know what's her problem, Babe" malambing nitong sambit, "You have to convince her to tell you the truth. Mukhang malalim ang problema ng kapatid mo"

Inakbayan ng kapatid ang asawa at huminga nang malalim, "Ngayon ko na lang siya ulit nakita nang ganito, the first time was when she broke up with Theo"

"Hey, I think you have to rest. Matulog ka na muna at ako na ang bahala kay Huffle" Hinalikan nito ang noo ni Ate, "You can sleep at the couch, tatabi na lang ako sa'yo mamaya"

Mukhang pagod na pagod ang kapatid ngunit nandito ito para isipin pa siya.

"Kuya" Napabaling ang mga ito sa kanya, "Y-You can sleep here sa kama, ako na lang sa couch"

Lumapit si Kuya Raven at lumuhod sa harapan niya, "How are you feeling?" masuyo nitong tanong sa kanya, "Is there anything I can do? Nagugutom ka ba?"

"I can buy downstairs" Presinta ni Ate Abby pagkuwa'y ngumiti.

Umiling naman ang kapatid, "No, Babe. Ako na ang bababa, ikaw na lang ang maiwan rito."

"It's okay, Raven--"

"No" pagkuwa'y tumingin sa kanya, "Ano ang gusto mo? Bababa ako" Tanong nito muli.

Muli niyang niyakap ang kapatid, nagsimula na naman siyang umiyak, "Kuya, I'm sorry..."

"Shhh, tungkol saan?" Alo nito sa kanya.

"Kuya, masama akong tao..." Nanginginig ang boses niya, "Ang sama sama ko..."

Humiwalay ito sa kanya pagkuwa'y tinignan siya sa mga mata, "What are you saying, Huffle? You're never bad"

Never bad? Hindi nga bagay sa kanya ang pangalan. She's just hiding in a sheep's clothing. Kung malaman nito ang mga ginawa niya malamang kamuhian din siya nito.

"Puffie... you're scaring me.. tell me what happened"

---
Year 2023

ABALA na halos lahat ng graduating students dahil sa nalalapit na commencement. Isa na doon si Huffle.

"Puffie, aattend ka ng graduation ball?" Tanong ni Catherine sa kanya, "Ano ang susuotin mo?"

She shrugged her shoulders, "I applied a diploma course sa Paris" she said, "Hoping it would turn out good"

"Paris?" Kumpirma ni Cath, "Kailan ka nagapply? Iiwan mo ako?"

Natawa siya sa reaksyon nito. Akala mo talaga malulungkot, "I just tried. Sayang rin kung matanggap, dagdag din sa credentials ko if I applied a loan sa bank"

She's really planning to build a pastry shop, matagal na niyang pangarap iyon.

"So, sasama ka sa grad ball?" Pagbabalik nito sa usapan, "Lakas mo rin mangsegway"

She chuckled, "Hindi ko pa alam kay Theo" she said, "Ayoko naman pumunta doon nang hindi siya kasama"

"Ay sus!" Umirap ito sa kanya, "Iba talaga kapag inlove! Sana ako rin" Bigla nitong tinuro si Theo na nakita nilang paparating.

Aba, may pa-flowers pa!

"Congratulations to my Huffle!" Halik nito sa pisngi niya, "I saw your name sa list of graduates!"

"And, she's part of Latin Honors!" Dagdag ni Catherine. Nako naman talaga ang dalawang ito! "Ang galing ng best friend ko, ano?"

"Sobrang galing" Ngumiti si Theo at may nilabas na dalawang papel, "Dahil diyan..."

Her brows furrowed, "Graduation --" oh shit. "Are you inviting me to go?"

Ngumiti ito nang mapagmahal at tumango, "Please? Come with me" his eyes were really convincing.

Syempre naman, siya pa ba ang aayaw? Mas naexcite pa siya sa graduation ball kaysa sa graduation!

"Ate, you look amazing!" Sambit ng kambal pagkatapos niyang maayusan, "Ang ganda ganda mo!"

She's wearing a silver serpentine halter dress with a high slit, buti na lang at wala ang mga kapatid na lalaki kundi... patay.

"Wow, you look like your mother" Bati ni Papa sa kanya, "Dalaga ka na anak"

"Thanks Papa" she smiled, "Where's Mommy?"

"Downstairs, waiting for you"

Nang makababa sila ay nandoon na si Theo't nakaabang. He's oozing with machismo wearing that grey three-piece suit.

Clean-cut and no subtles at all.

Pakiramdam niya siya ang pinakamagandang babae sa titig ni Theo. No man ever looked at her that way he does and she feels so good.

"Nasa langit na ba ako?" he sexily whispered and kissed her temples, "Damn, you look so perfect"

She just chuckled. Nakangiti ang magulang sa kanila habang abala ang kambal sa pagkuha sa kanila ng litrato.

Nang makaalis ay nagtungo na sila sa hotel kung saan ginanap ang graduation ball.

Hindi naman mahalaga kung siya ang pinakamaganda doon dahil sa titig pa lang ni Theo ay panalo na siya. After dinner, he invited her outside.

Hand in hand they walked at the roofdeck garden. Ang ganda nang lugar dahil napapalibutan ng ilaw ang paligid.

"What's your plan after this?" Tanong ni Theo sa kanya nang nasa gazebo na sila.

"I-I applied for a diploma course" Nagaalangan pa siyang sabihin, "sa Paris"

Nagiba ang timpla ng mukha ni Theo, "Paris?" Alam niya ang stand nito sa long distance relationship.

"I just tried... sayang kasi ang opportunity.." She tilted his chin up and met his gaze, "You won't leave me because of that, right?"

Umiling ito, "Can I go with you?" Nagulat siya sa tanong nito, "Please, take me with you..."

"Theo.." sigurado ba ito sa sinasabi? "Are you serious?"

"You know I am" Bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso, "I can still be an architect there... basta magkasama tayo"

Ngumiti siya ngunit agad na nawala nang maalala ang isang bagay, "But, Dad offered you a job sa firm"

Yes, her Daddy Dominic just offered him a job. Alam niyang mataas ang respeto ni Theo sa Daddy niya and he wanted that so bad.

To be working and be trained with one of the best engineers is an honor for Theo.

"Tito would understand, right?" Naiiyak na sambit ni Theo, "God, I can't stand not being with you."

Kahit naman siya. But, that is an opportunity. She knew how much it means to him.

"Baby, look at me" She caressed his cheeks, "We are now entering a new chapter of our lives--" umiwas kaagad si Theo sa kanya pero agad niyang hinabol ang mukha nito, "You can't do this for me, I know how much you love that offer--"

"You mean more than that" seryoso nitong sambit, "All those things are invalid kung wala ka naman sa tabi ko..."

"Theo..."

"I can give that up, hindi kita pipigilan na pumunta sa Paris pero sasama ako..." Pinal nitong sambit, "Please..."

"Hey, hindi pa naman ako natatanggap" Aniya rito, "Tsaka na natin isipin kapag nandoon na tayo, can we just enjoy this night? Ang gwapo gwapo mo, oh"

Niyakap niya si Theo nang mahigpit pagkuwa'y sinayaw siya na ang tibok ng kanilang puso ang himig.

"Mahal na mahal kita, Huffle" he lovingly said and kissed her. Deeper this time.

May kakaiba sa halik nito ngayon. Ito yung halik na matagal na niyang hinahanap hanap.

Nagkatinginan sila sa mata at sa oras na ito, wala ni isang pumigil sa nararamdaman nila.

---

Three weeks after their graduation, walang reply galing sa Paris. Tignan mo? Ang paranoid lang nila ni Theo.

He already started the training under her Dad's firm. Nagkukuwento pa ito kung gaano pinapahirapan ng ama.

Natatawa na lang siya. Sorry, Baby.

"Saan mo balak magapply?" Tanong ni Catherine sa kanya, "Ayaw mo sa Hotel niyo o sa restaurant ng Mommy mo?"

Umiling siya, "They know my motive. Masaya nga si Mommy na ganito ako kadriven to get out of my comfort zone"

Natigilan siya bigla nang parang nandilim ang paningin and she suddenly felt hot all over. This is not good.

"Ayaw mo ba ituloy yung--" Napansin siya ni Catherine hanggang sa tuluyan na siyang kinain ng dilim.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 213 24
Coffee Series Hindi porke, napag iwanan, hindi na okay. Kontento na si Atarah sa buhay nya. Dahil hindi sya isang charity case, but her friends thoug...
9.2K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...
876K 22.2K 33
Formerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the u...
631K 11.8K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...