THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata XXIX Argumentum & Momentum

11.7K 220 11
By JannaMaePH

ACE's POV

Nang hapon din yun pagpatak ng alas-tres agad kong pinatawag si Hubert matapos namin magmeryendang apat.

"Sa tingin mo darating yun si Hubert on time?" tanong ni Drei habang naglalakad kami.

"Dapat lang! Dahil makakatikim na naman sya kung hindi." turan ni Enzo.

"Kumalma lang kayo. Mag-intay na lang tayo." ani Troy at naglagay ulit ng headset sa tenga. Buti hindi sya nabibingi, palaging may sapak na headset ang tenga e.

Nasa school grounds kami ng humahangos na dumating si Hubert. "A-ace may p-problema." anito na talaga namang natatakot at nakayuko.

"Anong problema?" agad kong tanong at naupo sa isang bench dito sa school grounds. Ang init ng hapong 'to. Masyadong tirik pa rin ang araw.

"M-merong k-kaparehas natin ng course na ayaw i-ibigay ang n-nabili nyang k-kopya." sagot nito na nauutal at nanginginig ang mga tuhod.

"ANO? Sabihin mo babayaran ko kahit magkano."

"A-ayaw nyang magpabayad. Ang sabi nya'y nabili na daw nya yun at w-wala na syang balak i-ibalik pa." alinlangang anito. Tsk.

"HINDI MAAARI." inis ng asik ko at napatayo na sa pagkakaupo.

Nagpabalik balik ako sa paglalakad habang nag-iisip. "Sino ba yang estudyanteng tinutukoy mo ha? At ilan bang kopya ang naibenta mo sa kanya?" biglang tanong ni Enzo.

"I-isang p-picture ni Z-zai ang k-kinuha nung leader nung mga transferee na k-kaklase nyo." sagot nito kay Enzo nakatingin.

"WHAT THE?" Don't tell me yung Renz na yun ang ayaw magbalik ng picture? At talagang si Zai pa ang napili nya hah? Sinadya nya ba ito?

"Alam nya bang si Ace ang nagpapakuha?" tanong ni Drei.

"O-oo. Alam nya, una pa lang ay sinabi ko na ang pangalan ni Ace kaya lang mas lalo nyang h-hindi ibinigay." natatakot pa ring ani Hubert.

Tsk. Talagang kinakalaban ako ng Renz na yun. Ang lakas ng loob! Ang sarap nyang pektusan sa ngalangala. Aish.

"Pre, kumalma ka lang." pigil ni Drei sa akin. "Palagay ko'y gumaganti ang isang yun sayo dahil sa mga sinabi mo sa kanya noong nakaraang araw." dagdag ni Drei.

"Sa palagay ko'y tama ang sinasabi ni Drei, pre. Hindi ba't nung magtagpo ang grupo nila sa atin ay may pagbabanta sa huli nyang sinabi." si Enzo na malalim ang iniisip.

Tsk. Kung ganoon ay plinano nya 'to? That assh*le. This act is so freaking gay!

"Pero.. Tignan nyo muna ang sitwasyon. Hindi ba't parang nagkataon lang naman na nabili nya ang picture ni Zai o pwede rin namang binili nya talaga dahil may gusto sya kay Zai kagaya nito ni Hubert." malumanay na komento ni Troy.

"WHAT? Ang sabihin nya iniinis nya lang talaga ako. At gusto nyang gumanti." asik ko. Imposibleng may gusto sya kay Zai. Hindi pwede! O baka totoong tama nga si Troy at ang pangunahing dahilan kung bakit sila lumipat dito SVU ay dahil andito na si Zai?

O____O

Kaya naman dali dali akong naglakad at tinahak ang daan ngunit may bigla akong naalala-- "ASAN ANG SIRAULONG YUN?" baling ko kay Hubert na biglang nagpanic sa pagsigaw ko. Tsk. Nerbyosin naman. Nakalimutan ko kasing itanong kung nasan ang Renz na yun.

"N-nasa classroom nyo." anito at yumuko. Tsk. "Magtutuos tayo mamaya Hubert!" usal ko at tumalikod ngunit nakakailang hakbang palang ay muli akong humarap kay Hubert at isinigaw na "At wag na wag mo ng uulitin ang ginawa mo. NAIINTINDIHAN MO?"

"O-oo Ace. N-naiintindihan ko." sagot nya na halos mautal at tumungo ng tumungo.

"Good." sambit ko at tuluyan ng naglakad. Tsk. Yung Renz munang yun ang haharapin ko. Magtutuos kami!

"Oy pre sandali! Intayin mo kami!" sigaw ni Drei ng makalayo na ako sa kanila. Tsk. Bagal nila. "Naks! Loverboy na loverboy na din ang dating mo ah." panunukso ni Drei ng makahabol sila.

"Tsh. Nagagalit lang ako sa Renz na yun. YUN LANG!" asik ko. Baka kung ano pa isipin ng ugok na 'to. Matinde pa naman imagination. Pero hindi muna ako aamin na may konting konti gusto na ko kay Zai. Hindi ko pa sure kaya hindi muna ngayon. Next time na lang. At konting konti pa lang naman.

Konti pa ba yan Ace? Ayan na nga't susugod ka sa nagkainteres ng picture ni Zai? Lokohin mo lelang mo! Sigaw ng peste kong konsensya. Aba't! Makarunungan pa.

O______O napakamot ako sa ulo. Bakit ko ba sinisigawan ang sarili ko. Tsk tsk. Ace Ace Ace.. Wag mong sabihing mababaliw ka?

Nang matapat na kami sa classroom ganun na lamang ang pagkainis ko. Tsk. "TABEEEE!!" sigaw ko sa mga estudyanteng nakadungaw sa loob ng classroom namin. Ang iba'y panay ang pa-cute samantalang ang iba'y pasulyap-sulyap dahilan upang maharangan nila ang mga dapat na papasok. Mga abala. Tsk.

"Halaaa! Andyan na sila Ace takbooo!"

"Lagot kayo sumigaw na Ace nakaharang kasi kayo dyan."

"Umalis na tayo dali."

Para na naman silang mga rabbit na nakakita ng dinosaur. Sila ang rabbit, ako ang dinosaur. Para astig! Nang makapasok sa classroom ay wala pang lecturer. Ang ibang kaklase namin ay nakasalubong pa namin sa baba, kaya naman di na nakapagtataka na kalahati lang ng klase ang nandito ngayon. Maging sila Zai ay wala pa. I immediately scanned the whole room at-- TARGET LOCATED!

Ang chickboy na si Nickel ay nakataas ang paa sa isang silya habang may kaakbay na babae. Tsk. Ginawa pang bar 'tong classroom. At ang isa'y nakatayo habang nakasandal sa pader at wari'y aliw na aliw sa laro nya sa psp. Ang isa naman ay may malaking earphone sa tenga. Anak ng tapilok oh. Dinaig pa si Troy ng king ina! Ang kay Troy headset lang na puti kasya lang pang sapak sa butas ng tenga nya. Eto hanep ang laki ng earphone. At ang siraulong si Renz ay tutok sa binabasa nyang comics. Tignan mo nga naman! Nagbabasa ng one piece ang loko. Ginaya pa ako. Gusto ko rin si Luffy e! Tsk. Magpapalit na lang ako ng anime kesa magkaparehas kami.

"HOOOOY!" sigaw ko at tinuro ang assh*le na si Renz. At ang siraulo hindi lumingon. Bagkus ay mas naging tutok sa binabasa nya. Kaya naman nagmamadali akong lumapit sa kanila at *grab* kinuha ko ang comics na binabasa nya.

Ting! May pumasok na ideya sa isip ko. Hihingin kong kapalit nito ang picture ni Zai na nasa kanya para di kami abutan ng lecturer sa ganitong sitwasyon.

"Ibalik mo yan." wika ni Renz sa seryosong tono at binigyan ako ng masamang tingin.

Namilog ang mga mata ko sa galit na reaksyon nya. Iling iling.. Hindi ako dapat matakot sa kanya. Dapat sya ang matakot sa akin. Ha!

"Ibabalik ko 'to kapalit ng picture ni Zai na nabili mo daw." usal ko na may diin.

At ang king ina ngumiti lang ng nakakaloko. Tsk. Ginagalit akong talaga. Kalma lang Ace. Kalma lang. Mawawala ang kagwapohan kapag nagpadala sa galit. Hinga ng malalim. At "Anong inginingti ngiti mo dyan?" sabi ko at nag smirk.

"Alam ko kasing mangyayari 'to. You'll came rushing to me. Tsk tsk tsk." usal nya na nakahawak sa baba nya. "Ang nasa picture nga na yun walang pakialam sa naglabasang photos nya. E bakit ikaw 'tong aggresive sa mga picture na yun?"

O_____O

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Simple lang, bakit ba masyado kang concern kay Zai?" tanong nya na bahagyang lumapit sa akin.

"H-hindi ako concern don."

"Kung hindi, anong tawag dyan sa inaasal mo ngayon?" tanong nya na ngumiti ulit ng nakakaloko. Sarap burahin sa mundo ng ngiti nya!

Relax Ace. Ngumiti din ako ng nakakaloko sa kanya at pinantayan ang mga talas ng tingin nya. "Wala kang alam. Kaya wag kang magsalita na parang ang dami mong nalalaman." turan ko at ibinalik sa table nya ang comics na binabasa nya kanina ng padabog. Dahilan upang mas lalong wala ng marinig sa loob ng silid. Ang mga kaklase naming kanina na tahimik at nanunuod lang sa amin ay mga natigilan na ngayon na akala mo nag-time stop.

"Marami akong nalalaman Lim. Marami. Sa sobrang dami ay nag-uumapaw na ito."  sabi nya na tinitigan ako ng seryoso. Bakit nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pananalita nya? Tsk. Ano namang mga nalalaman nya?

"Wala akong pakialam!" asik ko at tatalikod na sana ngunit ang mga huling salita nya ang ikinatigil ko.

"Tsh. Sana nga lang sa oras na may malaman ka ay wala ka pa rin pakialam." yun lang at dumating na si Timbol.

Ano bang ibig nyang iparating? Bakit parang lahat na lang ng sinasabi nya may nilalaman. Tsk. Nakakapag-isip ang mga pinagsasabi nya.

Kaya naman pati pagpasok ni Timbol at nang iba pa naming kaklase ay di ko na namalayan. Maging ang pagdating ni Zai at mga kaibigan nya ay di ko na napuna. Bumaling ako sa gawi nya at nandon na sya sa pwesto nya katabi pa rin ni Hope. Nakapatong ang baba nya sa kanyang palad habang ang dalawang daliri nya ay marahang tinatapik ang nakatikom na labi. Bakit parang ang sexy tignan ng ginagawa nya?

O______O

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla syang bumaling sa gawi ko dahilan upang magtama ang paningin namin.

O______O

Kumurap kurap ako ngunit nakatitig lang sya sa akin at bahagyang nakakunot ang noo.

Bakit ba palagi ganyan ang reaksyon ng mukha nya pag nakatingin sa akin? Iniisip nya ba talagang baliw ako?

Siniko siko naman ako ni Drei na katabi ko at inginuso si Timbol.

O_____O

"MISTERRR LIMMMM!!" bulalas nito at halos mag-usok na ang ilong at tenga. "Ilang beses ba dapat kita tawagin?! Pang-limang tawag ko na sa apelyido mo! Aba't tulala ka lang dyan! Mukha na akong sirang plaka dito. Oh ano sasagot ka pa ba ng present o hindi naaaa? SABIHIN MO AGAD."

Tsk. "Present sir." sagot ko ng nakanguso. Grabe naman. Galit agad? Kasalanan ko bang matulala ako? Tsh. Binalingan ko ulit si Zai at iiling iling sya sa akin. Tsk. Napahiya akoooo.

"Pre, inuuna mo kasi ang fantasy." biro ni Drei. Tsk. "Tignan mo si Enzo di nagpapahalatang nagpapantasya kay Hope." dagdag nya at nginuso si Enzo na pasulyap sulyap kay Hope.

"Tsk. Pwede ba Drei." iritableng sabi ko at tinanggal ang pagkakapatong ng kamay nya sa balikat ko. Nababakla na naman e. Sya ata nagpapantasya sa akin.

Nagkaron ng recitation si Timbol at ang kagrupo ni Renz na si Nickel ay pana'y ang pasikat. Hindi ko lang maintindihan kung bakit si Timbol ay pumapabor sa grupo nila.

"Bakit hindi si Wang-wang naman ang sumagot. Ano Wang mukhang pumupurol na ata ang utak mo't kinakalawang na. Nabawasan na ba ang kayabangan mong taglay?" sarkastikong usal ni Timbol na umikot pa sa tabi Zai.

Hindi naman sumagot si Zai na mukhang bored na. Naka-crossed ang kanang binti nya sa kaliwa habang ang ballpen ay pinaiikot sa mga daliri nya. HBW? Nung nakaraan PANDA  ang ballpen nya ngayon naman HBW? Mahirap ata talaga 'to.

"YAN wag kang sumagot!" bulalas ni Timbol na akala mo'y makatang tumutula na itinuro si Zai. "Ganyan na ganyan ang kaangasan mo noon hanggang ngayon. WALANG KUPAS." sarkastikong puri ni Timbol na pumalakpak pa. Samantalang si Zai ay walang nabago sa ginagawa sa ballpen nya at sa pwesto nya.

"Salamat sir." turan ni Zai na halata namang nang-iinis din. Pambihira. Kung sagutin nya si Timbol ay ganun na lang. Tibay! Pero napansin kong cool sya. Cool sya sa ginagawa nya. Hindi sya nagpapadala sa galit at sa mga pahaging ni Timbol.

"Oy pre, aweeeeh! Ano yan? Bakit ang lapad ng ngiti mo?" animo'y naka-encounter ng baliw si Drei sa sinabi nya.

"Masama bang ngumiti?"

"Aweeeeh! Inlove ka na ngang talaga." Siguro ay gusto pa lang. Hindi pa inlove.

"Tsk tsk tsk. Sa hinaba haba ng prusisyon magkakagusto din pala." si Enzo.

"Tsk. Wag nga kayo! Sinisira nyo magandang momentum."

"Wahaha! Momentum daw pre oh." at nagkatinginan yung dalawang ugok. Sige lang, asarin nyo ako hindi ako magpapadala sa inyo ngayon.

Matapos ang klase ni Timbol ay pinauwi nya na rin kami. Halos makalimutan ko na ang tungkol sa mga pictures at kay Hubert sa nakalipas na oras kay Timbol. Naalala ko lang muli ng makita si Hubert na humahangos palapit sa amin. Tsk. Paparusahan ko pa nga pala ang isang 'to.

"Oh bakit Hubert?" tanong ko dito.

"N-nakuha mo na ba ang picture ni Z-Zai kay Renz?" tanong nito habol ang hiningang nawala sa pagtakbo nya kanina. San naman kaya nagpunta ang Hubert na 'to? None of your freaking business Ace. At napailing ako.

"Hindi, ayaw nyang ibigay."  wika ko at parang sukang-puti na umasim ang mukha nito halos mahimatay.

"E-eh paano yan Ace p-paparusan mo pa ba ako?" tanong nya almost begging.

"Pag-iisipan ko pa." sabi ko at tumingin sa kanan ko. Nakita ko si Zai at mga kaibigan nya na papalabas na rin ng silid-aralan. "Sa ngayon ay umalis ka muna." dagdag ko. Dahil nakita ko si Zai at mga kaibigan nya na papalapit na dito samin.

Ang totoo'y hindi ko pa rin sigurado ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang alam ko lang ay gusto ko sya, gustong gusto ko sya. At nung nakasama ko sya nung sabado at umangkas ako sa motor nya naging sobrang saya ko. Sayang nga lamang at hindi ko sya napilit pumasok sa loob ng bahay namin. Pero nung mga oras ng tanungin nya ako kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na unusual kong ginagawa ay hindi ko sya nasagot bagkus ay napipi ako at nabato sa kinatatayuan ko non. Parang panandaliang tumigil ang oras ko non. Nakabalik lamang ako sa sarili noon ng bumusina sya bago patakbuhin ng matulin ang motor nya. At simula noon palagi ng laman ng utak ko ang iniwan nyang tanong sa akin. Batid ko rin namang naguguluhan syang kagaya ko.

Lumipas ang maghapon kahapon ng puro sya at ang tanong nya sa akin ang laman ng isip ko.Kaya naman ngayon ay nahihirapan akong harapin sya. Nakakaramdam ako ng hiya na napaka-unusual sa akin. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Ako pa ba si Ace?

"Hoy pre!" yugyog sa akin ni Drei.

"H-ha?"

"Natulala ka na naman! Ayun na si Zai oh nakalagpas na sila." turo kay Zai at sa mga kaibigan nito na nakalayo na nga ng paglalakad. Tsk. Natulala pala ko masyado. Aish!

Iniiwasan nya kaya ako?

Bakit dumaan lang sya sa harap ko at hindi manlang ako pinansin?

Malamang Ace tulala ka dyan e paano ka papansinin? Tsk. Peste naman. Dapat pinansin nya pa rin ako dahil.. dahil.. napakamot ako sa ulo sa pag-iisip ng dahilan.

itutuloy ..

Continue Reading

You'll Also Like

7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.6M 63K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
1.4M 46.1K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...