Vampire City 3: Crimson Love

By Thyriza

2M 52.3K 4.4K

[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All righ... More

Prologue
Chapter 2 - Welcome to Vampire City
Chapter 3 - Blood Party
Chapter 4 - Little White Lie
Chapter 5 - Love Interest
Chapter 6 - Not Suit for a Princess
Chapter 7 - Apology
Chapter 8 - I'm Your Date, You're My Date
Chapter 9 - Sinister Night
Chapter 10 - Save You
Chapter 11 - I'm Your Highness
Chapter 12 - Doze of her own Medicine
Chapter 13 - REALationship
Chapter 14 - Cheater
Chapter 15 - I'll Miss you, too.
Chapter 16 - The Proxy
Chapter 17 - Carousel
Chapter 18 - Arlyanna
Chapter 19 - Separate World
FAMILY TREE
Chapter 20 - Bits of her Memory
Chapter 21- Mixed Emotions
Chapter 22 - He's Back
Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you
Chapter 24 - The Shaman
Chapter 25 - Time Freeze
Chapter 26 -The Ripple Effect
Chapter 27 - Revelation of Her Past
Chapter 28 - Flashback (1)
Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)
Chapter 30 - Mistake //flashback 3
EPILOGUE
Chapter 31 - Collide // Flashback 4
Chapter 32 - The True Enemy
Chapter 33- The power of Deity
Chapter 34 - Entreaty
Chapter 35 - Borrowed Time
Chapter 36 - Farewell Words
Chapter 37 - Fragments
Chapter 38 - Resemblance
Chapter 39 - Shape Shifter
Chapter 40 - Twin Sister
Chapter 41 - Remembered
Chapter 42 - Dumbfounded
Chapter 43 - Broken and Shattered
Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets
Chapter 45 - Engrossed
Chapter 46 - The Prophecy
Chapter 47 - The Journal
Chapter 48 - Golden Scroll and the Orb
Chapter 49 - The Orb of Truth
Chapter 50 - Inferno
Epilogue
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter 1 - Spoiled Brat

93.1K 1.5K 75
By Thyriza

Chapter 1 – Spoiled Brat

“Your daughter needs to be punished, Sandra!” rinig kong sabi ni daddy sa study room. And yes, I am eavesdropping.  Ako kaya pinag-uusapan nila so I think I have the right.

“But Nheo, wala siyang kasalanan.” Pag-tatanggol sa akin ni mommy. Napangisi lang ako. Spoiled ako sa mommy ko kaya alam kong ipagtatanggol niya ako sa daddy.

“I’m through with this! She needs to learn from her mistakes and I think it will be good kung titigilan mo na ang pangungunsinti sakanya.” Sabi pa ni daddy. Narinig ko ang mabigat na yabag ni daddy palapit sa pinto kaya agad akong umalis at nagpanggap na napadaanan lang.

Pababa na sana ako sa may hagdan nang tawagin ako ni daddy sa buo kong pangalan.

“Serenity Madrid Alcheco mag-usap tayo!” ma-awtoridad niyang sabi. Napapikit ako. I hate being called by my whole name. Sanay akong Seri ang tawag sa akin. Napabuntong hininga ako. Haay. Mahaba-haba nanaman ‘tong sermon.

“Daddy? Don’t preach.”

“Tigilan mo ako sa kalokohan mo, Serenity! Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo!” natameme ako. Napayuko na lang ako kasi kapag sinabayan ko ang galit ni daddy, mas lalo siyang magagalit.

“Nheo, ako na ang kakausap sa anak natin.” Sabi ni mommy.

“No! Masyado mo kasing ini-spoiled ‘tong anak mo! Look at the result! Kaya ngayon hindi na ako makapapayag! She needs to be punished!”

“Look, dad. It wasn’t my fault, ok? I’m not even driving—“

“That’s the point, Serenity! It was your car but somebody is driving it! Pa’no kung hindi na magising ang nabundol niyo?! Pa’no kung mamatay ‘yong batang nasagasaan no’ng lalaking kasama mo?!”

“Dad, he’s my boyfriend!”

“At sa palagay mo natutuwa ako do’n? He’s a bad influence to you!” nanlilisik ang mga mata ni daddy at alam kong this time, I have reached his limit.

“You’re going to Vampire City for punishment!” I awe with disbelief.

“Dad.”

“Not there, Nheo. Please don’t send your daughter there!” mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.

“D-dad, send me anywhere. J-just… just don’t let me live there. You know I can’t.”

For the family history, I will give you a brief overview. My dad is a vampire. Yes. And my mom? She’s a converted one. The usual vampire-human relationshit happens kaya gano’n. But, what is surprising kasi kahit konting katiting na mamana ko dapat sakanila ay hindi nangyari. I am a pure human who can eat, sleep and play under the sun.

“Do’n ka titira para tumatak sa kukute mo na hindi lahat nang ginagawa mo ay mapapalampas ko. And sure enough, alam kong makakasuhan ka the moment na magsampa nang kaso ang pamilya nang bata.” Sabi pa niya.

Napahawak na lang ako sa buhok ko. Ayaw ko sa vampire city. Takot ako do’n! Though tumira din kami do’n for almost 5 years.

My dad was a magistrate there. Kaya no’ng lumipat kami dito sa totoo kong mundo, naging car dealer siya at si mommy ay Agent sa isang company.

18 years old na ako ngayon pero kahit katiting na palatandaan na isa akong anak nang vampira ay wala. Gusto ko na ngang maniwala na ampon ako eh. Pero imposible kasi xerox copy ako ni daddy.

Pagkatapos akong sermunan ni daddy, lumabas akong bahay at nagpadrive sa driver naming papuntang hospital. I am calling my boyfriend for a hundred times already pero unattended siya. Seems like sinadya niyang i-off ang phone.

Gusto ko lang namang makita ang lagay no’ng batang nasagasaan namin.

Hindi ko nga alam kung kailangan kong magdala nang prutas pang peace offering pero alam kong baka mapatay lang ako nang pamilya nang bata.

Pagdating sa hospital, nagtanong lang ako kung saan naka-confine ‘yung batang nabundol nang kotse. Tinuro nila ako sa ward.

Napakunot agad ako pagpasok ko sa kwarto kasi ang inaasahan ko ay aircon or kahit private room man lang. it turns out na madami ding pasyente do’n. Siksikan na nga ‘yung ibang pamilya na nagbabantay. Nakakagulat pa at may banig do’n at nakahiga ang isang pasyente na may suwero pa.

W-12 daw ‘yung kama no’ng bata kaya hinanap ko.

“Wala na tayong oxygene, Pa. Ayaw na tayong pautangin sa pharma kasi hindi pa nga tayo nakakapagbayad sa operasyon.” Sabi no’ng babaeng payat at mukhang wala pang tulog dahil sa nangingitim nitong eyebag.

“Gagawa ako nang paraan, Ma.” Sabi no’ng lalaki na sa tingin ko ay asawa no’ng babae. Napatingin naman ako sa label nang higaan no’ng pasyente.

W-12.

Wala akong ibang naramdaman kundi awa. Pakiramdam ko gusto kong parusahan ang sarili ko. Isang bata ang nasagasaan naming dahil sa pag-aaway naming nang boyfriend ko.

Galing kaming party at nagpumilit akong umuwi dahil hindi ko nagustuhan ang pinag-gagawa niya. Lantaran siyang nakikipaglandian kay Sheena na lagi kong kaaway sa department namin.

“You’re so childish, Seri!” sabi sa akin nang boyfriend ko habang pinagdadrive niya ako nang kotse ko. He said siya ang magdadrive kasi baka daw abutan ako nang pagkabaliw ko at ibundol ko ang kotse sa puno o sa tula.

“Wow ah! Sorry sa pagiging childish ko! Kasi nagseselos lang naman ako sa inyo ni Sheena! Sorry talaga! Sorry!” bulyaw ko sakanya. Gusto ko siyang bulyaw-bulyawan sa sobrang inis. Dalawang buwan pa lang kaming mag on at heto na siya. Ugh! Kung hindi lang talaga dahil sa mga tukso nang kaibigan namin hindi ko siya sasagutin. Gwapo lang siya pero hindi siya ideal man!

“Kaibigan ko si Sheena! We’re in the same circle of friend kaya bakit ayaw mo sakanya? Kaibigan ang turing niya sa’yo!” sabi niya dahilan para matawa ako nang mapait.

“Bullshit siya! She talks back behind my back asshole!” I shouted. Thank god we’re in a car. Kasi baka na-istorbo na namin ang mga bahay na madadaanan namin.

“Hindi gano’n si Sheena!” pagtatanggol niya dahilan para mas uminit ang ulo ko.

“Get out of my car! You asshole!” inagaw ko sakanya ang manibela dahilan para magliko-liko ang kotse.

“Ano ba, Seri! Ttumigil ka nga at mababangga tayo!” nakikipag-agawan din siya sa akin. Wala akong pakialam kung mabangga kami! Galit ako at ‘yon lang ang nararamdaman ko ngayon!

“Bumaba ka! Wala kang kwentang boyfriend!” sabi ko habang hindi nagpapapigil. Sakanya lang ako nakatingin at kung pwede ko lang siyang itulak palabas nagawa ko na. asar an asar ako sa pagmumukha niya.

“Seri! Seri! Seri tama na!” I didn’t stop. As if hindi ko siya naririnig.

“Seri may mababangga tayong bata! Seri!” that’s when I stopped.

But it was too late.

Napatakbo ako palabas nang hospital. Umiiyak na pala ako habang inaalala ang nangyari. Maybe dad was right. Maybe I should be punished. Maybe I should pay for my mistakes.

The next day, It was noon nang bumangon ako sa kama. I even heard my mom knocking saying na nasa baba ang mga kaibigan ko.

“Friend my butt!” I murmur. Kinaibigan lang naman nila ako kasi tingin nila kagaya ko sila. We’re not rich. At hindi rin naman poor. Kaya lang akong sustentuhan nila mommy at daddy at nabibili ko ang gusto ko. Syempre kasi nag-iisa nila akong anak.

“Mom, masama ang pakiramdam ko.” Pagdadrama ko pero ang totoo ay ayaw ko lang bumaba. Nakakatamad at ayaw ko silang makita.

Naligo lang ako saka nagsuot nang pangbahay. Wala din ako sa mood pumasok sa school. 3rd year college na ako taking up Pharmacy.

Wala na ‘yung mga kaibigan ko daw pagbaba ko. Mabuti naman. Alam ko naman kasing hindi sila magtityaga na hintayin ako at pilitin na lumabas. For sure they came for to get the juice details.

“Mom, si dad?” I asked habang naupo sa may dining table. Ipinagsandok ako ni mommy nang kanin at kaldereta.

“Nasa study room.” sabi pa ni mommy. And guess what. Nag file nang leave si mommy at daddy para sa akin kasi baka daw bigla na lang akong tumakas.

“Mom, I already made up my mind.” Sabi ko habang kumakain.

“What is it, baby?” nakangiting sabi ni mommy. Despite of me being a rebel, she still cares for me. ipinagluluto niya ako kahit matabang sa panlasa kasi hindi siya naglalagay nang asin. Kahit hindi sila kumakain, silasaluhan nila ako sa mesa. Ako lang ata talaga ‘tong hindi nakaka appreciate.

“Payag na akong ipadala sa vampire city ni daddy para sa parusa ko.” Sabi ko na ikinagulat ni mommy. Kagabi sobra akong nakunsensya sa nakita ko at halos hindi na ako patulugin kaya nga tinanghali na ako nang gising.

“Ha? Eh pinapakiusapan ko na ang daddy mo na h’wag ka na do’n ipadala. Why all of the sudden?” nakakunot niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako.

“I deserved to be punished, mom. Bibisitahin niyo naman ako, diba?” sabi ko. Tumango naman agad si mommy.

“Kung hindi lang talaga ‘yon parusa sa’yo, baka sinamahal kita sa dati nating bahay.” Sabi ni mommy. Her cold hands caress my cheeks kaya napangiti ako.

Sinamahan ako ni mommy papunta sa study room para kausapin si daddy. Nadatnan namin siya doon na nagbabasa nang libro habang naka cross legs at nakikinig kay Beethoven.

“Payag ka na?” tanong ni daddy. Of course narinig niya ang usapan namin ni mommy. Matalas ang pandinig ni daddy eh.

“Opo.” Sabi ko.

“Good. 1 month, Seri. Be a good girl. That’s what I am only asking. Can you do that?” he narrowed his eyes on me. napalunok ako. Can I do it? Kaya ko bang tanggalin ang pagiging brat ko sa loob nang isang buwan?

“I’ll try my best, dad.” Sabi ko saka niya sinara ang libro at tumayo. Bigla na lang niya akong niyakap.

“Good. Pack your things. Mamayang gabi tayo aalis.” Sabi niya tapos lumabas na nang kwarto.

That soon?

Nag-empake ako nang damit ko saka nang iba ko pang personal things. Isang buwan lang naman bakit ang dami-dami ko nang dala?

I try calling my boyfriend pero wala pa din. It was ringing pero hindi niya sinasagot. So I left a message saying that we’re done and he could suck up all the fun me being gone in his life.

Bago ako sumakay sa kotse ni daddy, tinignan ko muna ang bahay namin.

I’ll be back. And I hope mawala na ‘yung konsensyang nararamdaman ko sa pasakit na haharapin ko.

-----

Serenity on the right side :))

Siguro ibabalik ko 'yung dati. Kasi nilagay ko siya sa teen fiction. Namimiss ko na kasi magsulat gaya nung book 1.

SPOILER! Mamanahin ni Hunter ang ugali ng Lolo niyang si Hansel. hahaha So alam niyo na?

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 940 2
"Weird" "Nerdy without glasses" "Nobody" "LONER" isang babaeng laging mapag isa ngunit may kapansin pansing ganda,ngunit sa di kalayuan ay may nanuno...
1.2K 81 33
Glacial always wonders what her life's purpose is. She lives with a lot of doubts and hopelessness. But what happens when the girl, paralyzed by her...
81.4K 2.4K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...