Lex's PoV
Pagpasok pa lang namin sa classroom ay tumagilid ako sabay tulak kay Crisha patabi para hindi sya matamaan ng lumilipad na sapatos na nakakamatay.
"Bumalik ka dito baliw!"
"Bleh!"
-_-
Kararating pa lang namin naghahabulan na naman sila. Ano na naman kayang ginawa ng lalaking iyon para habulin sya? Lagi na lang silang naghahabulan. Hindi na ba sila nag sawa?
"Good morning Lex!" Bumungad sa harapan ko ng tatlo. "You three look so excited. Oh wait- except for Angelia." I said ng makita ang ekspresyon nya. Nakakunot ang kanyang noo na para bang masama ang kanyang umaga. What's with her?
"Oh? Anong nangyari sa mukha mo?" Natatawang tanong ni Crisha kay Angelia. Napairap na lang sya sa tanong at inis na umupo sa likod ng pwesto ko.
Masama nga talaga ang umaga ng babaeng ito.
"Kasi naman palagi syang inaasar ni Kioji nitong mga nakaraang araw. Katulad na lang kanina lagi syang sinusundan ni Kioji bagos aasarin."
Si Angelia kasi ay parang ako lang. Ah no, wrong term. Iisa kami ng gusto at ayaw. Minsang nga naiintindihan namin ang isa't isa sa isang tingin lang. Its like we have the same mind all the time. But she's more energetic than I am. Laging gusto nyang may pinupuntahan. Adventurous kung baga. If I remember correctly, she wants to travel the world. Who knows, it might happen.
Napangiti ako sa naging ekspresyon ni Angelia. "Pwede bang wag mong banggitin ang pangalan ng lalaking iyon? Ang sakit kasi sa tainga." Annoyance painted on her face as she spat those words. Sometimes, when she's speaking like that, I find her adorable.
"Wosus! Pareho talaga kayo ni Lex! Parehong in denial!"
Pareho naming sinamaan ng tingin si Crisha. Wow ha? Talagang kami pa? "Tsk! Us? In denial? I think your pertaining to yourself Crisha. I bet your still in denial to your feelings towards Rav." I smirked. Napanguso sya sa sinabi ko. "Lex naman. Walang ganyanan." Tinawanan ng tatlo si Crisha samantalang napapailing na lang ako. Kami daw, yun pala sya naman.
Nagsiupo na kami ng dumating si Sir Ryan. He has this galvanize expression on his face. May dala dala din syang folder na nakaagaw ng atensyon ko. I feel uneasy just by staring at it. Naramdaman ko ang pagkulbit sa akin ni Crisha kaya napatingin ako sa kanya. She pouted upwards causing me to look up pero na gets ko dahil tinuro nya ang ulo nya. Inalis ko ang sombrero ko nang mapansin kong suot ko pa rin ito. My gaze traveled to the front and saw Aize looking at me. Pinanlakihan nya ako ng mata kaya dinilaan ko sya. Asa syang masasamsam nya uli ang sombrero ko, mauubos ang cap ko ng dahil sa kanya.
"Listen up guys, I had the copy of your partners listed here, came from the Supreme Student Council President." Sabi nya habang iwinawagayway ang folder na hawak nya. Pakiramdam ko namutla ang aking mukha sa narinig. As much as possible, I don't want anyone knowing that my partner is Clytard. Pero mukhang malabo iyon dahil babanggitin ni Sir lahat. Pasimpleng napatingin sa direksyon ko si Sir at nakita ko ang isang ngiti.
Pati ba naman ikaw Sir? -_-
Hindi ko alam kung nang aasar si Sir o hindi. Kasi naman iba yung pagkakangiti nya. Umub-ob na lang ako sa aking desk upang mag kunwaring tulog. Alam kong aasarin ako ng mga yan pag nagkataon.
"Okay. Let's start.... Alvarez."
"Yes sir?"
"Your partner is Ms. Almendras."
"Yun oh! Kayo rin pala sa huli!" Nag sigawan ang mga kaklase ko para asarin ang dalawa. Paano ba naman, si Alvarez at Almendras yung laging naghahabulan sa classroom. Mukhang may kinalaman din si Sir sa pairings.
"Kaya kayong dalawa ayusin nyo ah, baka maghabulan na naman kayong dalawa." Natatawang sabi ni Sir. Napa-Oooh naman yung mga kaklase ko kaya tinakpan ni Almendras ang namumulang mukha nya.
Nagpatuloy ang pag banggit ng pangalan hanggang sa ako na lang hindi.
"Sir hindi pa nababanggit si Lex!" Sigaw nung lalaking nasa harapan ko at naramdaman ko ang isang daliri na nasa balikat ko na para bang itinuturo ako. Tumunghay ako sa aking pagkakaub-ob at hinampas ko sya sa likod na ikinatawa ng lahat. Ang ingay eh. "Oo nga naman sir, lahat nabanggit nyo na. Sya na lang yung wala pa. Papaano na yan sir?" Napatawa naman si sir sa mga kaklase ko. Sabi na eh, may kinalaman si Sir sa pairings.
"Since the total number of our section is an odd number which is 51. I have decided or rather someone requested that Lex will be paired at the upper class. I think Lex already knows who's her partner is." Tumingin ako sa ibang direksyon ng lumipat sa akin ang mga mata nila.
Pahamak talaga minsan si Sir.
"Sir sabihin nyo na!" Pamimilit sa kanya ng mga kaklase ko. Pati ang katabi ko tsaka yung tatlo na nasa likod ay nakikikulit na sa kanila.
"Well, since I already told everyone who will be their partners. I think it will be unfair if I won't tell who's Lex's partner."
"Sir pinapatagal nyo pa eh!" Binatukan ko yung nasa unahan ko.
"Since it was his request. Lex Castillejo will be partner by the upper class, section Rutherford. Clyde De Castro."
O0O -sila
^∆^ - si Sir
-_- - ako
"Whaaaaat?!"
|•|•|•|•|•|
Mag hapon akong inasar ng mga kaklase ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanila. Pati yung apat inaasar na rin ako.
"Hindi naman masamang ka-partner si kuya, ate Lex." Nasa unahan ko si Seath habang hinahalungkat ang bag ko. I slumped on my seat and stared at him. "Its not him, its just..." Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko namumula ang aking mukha. Napatawa sya habang inilalagay ang ilang notebook ko sa kanyang bag. We have homework for today, four subjects actually.
"It will be okay ate Lex, kuya is a good man, trust me." I sigh. Biglang may yumakap sa likod ko at inilagay nya ang baba sa balikat ko. "Let's go na?"
"Stop that Crisha. Someone might see you."
"Psh! Who cares." Napapailing na lang si Seath sa aming dalawa.
"What the heck?!"
"Zup kuya Clyde."
"See?! See?! I told you!" Naghi-hysterical na sabi ni Clytard. Nagmumukha na tuloy syang ewan. Buti na lang at wala na ang mga kaklase ko kundi aasarin na naman ako.
"Easy lang Clyde." Natatawang sabi ni Gyliard. Pati yung kasama nya tumatawa na rin. Mga abnormal talaga.
Tumayo ako sa aking kinauupuan na naging dahilan ng pag bitaw sa akin ni Crisha.
"You four let's go." Tawag ko sa apat. I put my hands to Seath's head. "Your coming with me kid." Sabi ko at inakbayan sya at iginaya palabas ng classroom.