Old and Unwanted

By _Isabelle_

473K 8.3K 2.8K

(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held... More

Old and Unwanted
OMG!!!
More than just a face?
Meet the Parents
Evil Visit! Part 1
Evil Visit Part 2
Mr. Angel
Sweet Threat?
The Society of Pink Women
Sasabihin ko ba o hindi?
Indecisiveness and the Connection
The Date!
The Bachelor's Pad
I could be the one
Race to your heart
Where are you?
Feelings
What I am to you?
Escape through the maze
Tug of war of feelings
Give in to me (Part 1)
Give in to me (Part 2)
Actions speak louder than words
This foreign feeling called 'Love'!
His first, my first.
When everything turns into nightmare.
Love hurts?
Meeting Helena
His fragile heart
Love is intricately complicated
New beginnings and hesitations
Tim's POV
Expressing in subtle ways?
Torn
When he's around
I hate myself...
Goodbye, Angel.
The path of being an old maid
Her ending, His ending, Their ending (1)
Her ending, His ending, Their ending (2)
Epilogue

*Still untitled*

7.5K 160 119
By _Isabelle_

Tumingin ako sa orasan ko. Six-thirty palang, mukhang napaaga ako sa dinner namin Kurt. Sana pala umuwi nalang ako matapos ng interview at nagpasundo sa kanya kesa dumeretso sa restaurant. Mahaba-habang paghihintay tuloy ang gagawin ko.

“Do you have reservations ma’am?” tanong sa akin ng babaeng receptionist ng bumungad ako sa entrance ng restaurant.

“Yes, under the name of Lee.”

Tumingin ang receptionist sa kanyang desktop matapos ay tumingin ulit sa akin at ngumiti.

“Ahm, ma’am. You’re reservation is at 8 pm however the restaurant is totally full today so we cannot accommodate you to an earlier slot of the table.”

“Ah…okay. I guess I’ll be waiting,” sabi ko sabay ngiti sa receptionist.

“Oh, pwede po kayo ma’am maghintay sa bar,” sabi ng receptionist sabay turo sa bar na katabi rin ng restaurant.

Ngumiti nalang ako sa receptionist at tumango. Nagtungo ako sa bar na nag-iisip na maari kong inumin doon na hindi naman ako maiintoxicate.  Sana nga meroon.

Pumasok ako sa bar at napangiti ako sa ambiance nito. Inspired ang bar ng 70’s at natuwa ako sa mga psychedelic na designs ng mga art pieces pati na rin ang mga vintage vinyl chairs. Mas lalo naman akong napangiti sa kanta na pinapatugtog nila na madalas kong naririnig na pinapatugtog ni Papa, Stevie Wonder, I just called to say I love you.

Naalala ko tuloy ang kwento nila noong magboyfriend-girlfriend palang sila Mama at Papa. They broke up, Papa was at lost without her at hindi niya alam ang gagawin, at dahil na rin siguro sa nature ni Papa na mahilig sa music,  kumuha siya ng advice sa narinig niyang kanta sa radio ng wala na siyang ibang makuhanan ng sagot sa paghihirap niya. At ang kanta sa bar ay ang kantang, I just called to say I love you’ ang kinuhanan niya ng advice. And after doing what the song inspired him though hesitant Mama eventually gave him a second chance. That second chance brought my Kuya and I to the world. Hindi ko maiwasan mapangiti sa love story ng magulang ko.

Second chance…

Dumeretso ako sa counter at naupo. Inabutan ako ng menu list ng bar tender at buti nalang may juice sa listahan at iyon ang inorder ko at isang platter ng fries. Sana hindi ko ma-spoil ang appetite ko sa hapunan namin.

Nagmasid ako sa paligid at wala pang masyadong tao dahil na rin siguro sa maaga pa. Meroon lang dalawang tao doon sa may dulong mesa na nakaupo na mukhang nagkaka-igihan na, dalawang lalake sa may bukanang mesa na umiinom ng beer at isang babaeng may katandaan na nasa tapat ko sa may counter ng bar.

Tahimik nalang akong kumain at uminom habang nag-pe-facebook sa phone ko. Nakadalawang juice na ako at alas-siete palang. Mahaba pa ang paghihintay. Bakit nga ba bumabagal ang oras kapag gusto mong bilisan? Sana man lang may makausap ako dito pampalipas ng oras.

“Martini again please and the bill.”

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yon. Hindi ako maaring magkamali kung kanino galing ang boses na yon dahil ang boses na yon lang naman ang nagdudulot ng goosebumps sa buong katawan ko.

Unti-unti ako sumilip sa may gilid ko at tama nga ang goosebumps sa balat ko ngayon. Siya nga. He was wearing a red plaid long sleeves polo and dark jeans. Umikli ng kaunti ang buhok niya at may one day shadow beard na siya na bumagay sa kanya. The facial hair added something more to his personality, made him hotter I think?  Ngayon ko nalang ulit siya nakita matapos ang event. Halos isang buwan na rin ang nakaraan. Tumigil na rin ang mga pangugulit niya sa pagmemessage at pagtawag sa akin matapos ng gabi na yon. I remembered he said goodbye.

“M-margaret?” hindi ko inaasahan na maramdaman ulit ang epekto ng pagtawag niya ng pangalan ko. The butterflies in my stomach again.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng maliit. Pinipigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko.

“What are you doing here?” sabi niya na parang gulat na gulat na nakatingin lang sa akin.

“Drinking.”

Tumaas ang isang kilay niya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

“Alone?” halata ko sa tono niya na nagdududa na ako lang mag-isa.

“Y-yes?”patanong kong sagot sa kanya.

“Could you not give this woman here any alcoholic drinks because she can’t hold her alcohol too well and you’ll be in a lot of trouble if she’s drunk.”

Napanganga nalang ako sa sinabi ni Tim doon sa bartender na nag-abot sa kanya ng drink niya at resibo.

“Excuse me, juice lang ang iniinom ko,” sabi kong defensive sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

“Okay, good,” nakangiti niyang sabi sa akin.. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom siya.

Teka? May mali. Iyon lang yon? Hindi niya ako kakausapin ng kung ano pa man? Hindi na siya mangungulit?

Maya maya pa ay may pamilyar na babaeng lumapit sa kanya galing likuran ko at hinawakan niya ito sa bewang.

“Sige una na kami,” paalam niya sa akin at ngumiti ulit siya.

My heart was caught in my throat. Tumango nalang ako habang nakatingin sa babaeng kasama niya at mas lalo pa akong hindi nakapagsalita. Para bang may namumuong kung anong mabigat sa dibdib ko na pinipigilan akong magsalita.

“Sino siya Tim?” nagsalita ang babae at napatingin ako kay Tim sa maaring sagot niya.

Tumingin sa akin si Tim na para bang sinusukat niya sa tingin niyang iyon kung ano nga ba kami ngayon. “Ah…ahm… a friend,”  sabi niya na tila pagkukumpirma sa kalagayan namin matapos ay tumingin sa babaeng kasama niya at ngumiti. Napakagat nalang ako ng labi ko sa kakaibang nararamdaman ko sa tingin niyang iyon sa babae.

“Ah, okay. Hi! I am Eeza,”sabi ng babae sa akin. Mahinhin siyang ngumiti sa akin at doon mas kumpirmado ko na kung sino siya. Siya ang nanalo sa bidding.

“H-hello Iza. I am Meg,” hirap kong tugon sa kanya. Ayoko na sanang magsalita pa.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin na halos ilang segundo ko munang tinignan bago kinuha at nakipagkamay sa kanya.

“It’s Eeza not Iza. Her real name is Geeza and her nickname is spelled with double ‘e’, so you must pronounce her nickname with a long E sound,” paliwanag pa ni Tim nakangiti sa akin.  Matapos ay nagkatinginan pa sila at nagngitian.

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Tim.

“Ah…Sorry Eeza.” At talagang diniinan ko pa ang pagsabi ng long ‘e’ sa pangalan niya.

“Naku, don’t mind him. You can call me Iza,” nakangiting labing sinabi niya sa akin at hindi ko maitatanggi kung gaano siya kaganda na lalo pang bumagay sa warm personality niya.

“Ah, mukhang may problema nga ata ako sa pronounciation.”

“Haha! Pasensya na, maarte lang talaga itong si Tim.” Nasundan ko ng mata ang kamay ni Eeza ng marahan niyang tinapik ang dibdib ni Tim. Agad naman kinuha ni Tim ang kamay niya matapos ay hinalikan.

My jaw voluntarily clenched from what I have seen.  

“Paano kayo nagkakilala? I mean,are you a doctor too, Meg?”

“Sweety, we have reservation and it’s already seven,” malambing na sabi ni Tim malapit sa tenga ni Eeza. Umiwas na agad ako ng tingin sa kanila.

“Ganoon? Sayang naman gusto ko pang makausap si Meg,”naramdaman ko sa boses ni Eeza na sincere ang pagkakasabi niyang iyon pero kahit na gaano pa ito ka-sincere alam kong hindi ko na dapat pang pahabain ang pag-uusap namin dahil hindi ko kayang mag-imbento ng mga sasabihin at pakiramdam ko ayoko na silang makita.

“I think you’re a nice person and I want to know you better. Ewan ko ba pero ganoon ang nararamdaman ko” dagdag pa niya.

Tumango nalang ako at ngumiti ng maliit. It’s best that you don’t know me at all, sa loob-loob ko.

“Maybe next time,” sabi ko at hindi na ako umarteng interesado. Nagtype nalang ako ng kung ano sa phone ko dahil ayokong tumingin sa kanila ng matagal. Masakit sa mata.

“Okay, teka anong ginagawa mo dito?”

“May hinihintay lang,” nag-aalinlangan kong sagot. As much as possible gusto ko ng iwanan na nila ako. Akala ko ba aalis na kayo?

“Naghihintay? May reservation ka rin sa restaurant.”

Tumango nalang ako na kinukutuban. Mukhang hindi ko nagugustuhan ang takbo ng pag-uusap namin na dapat ay kanina pa natapos.

“Anong oras? Seven din ba?” interesado niyang tugon niya at ayoko ng narinig ko na yon.

“Hindi, eight. Napaaga lang ng konti,” mabilis kong paliwanag habang nagdadasal na sana matapos na ang pag-uusap namin.

“Oh, so you’re meeting up with someone?”

“Yes,” mahina kong sabi sabay sulyap kay Tim na nakatingin lang kay Eeza ng taimtim.

“Tim! I think we should let her share our table. I mean you’re friend is alone and it’s not okay to be alone.” Napapikit nalang ako sa sinabi niya. I mentally crossed my fingers from what she has said. Iwan niyo na ako para niyo ng awa, please! Hindi ko na kailangan ng kausap. Mas gugustuhin ko na lang mag-isa.

“Eeza, may hinihintay nga raw siya,” tumingin sa akin Tim ng sinabi niya yon.

“Oo, malapit na rin siguro yon hinihintay ko. Kaya sige na.”

“Tim? Anong klaseng kaibigan ka at iiwan mong naghihintay mag-isa ang kaibigan mo dito. Look, this is a bar at baka kung sinong lumapit sa kanya. Ang ganda pa naman niya.” Hay, she is very persistent.

“It’s okay. Kaya ko mag-isa. You go ahead with your date. Ayokong mang-abala,” I smiled at her as sincerely as I can and hoped that she got what I was trying to imply.

“Okay, if you’re sure about it,” sabi pa ni Tim na bahagyang sumulyap lang sa akin at binalik na ulit ang tingin niya sa babaeng kasama niya.

“That’s not okay, Sweety.” mahinahon sabi ni Eeza kay Tim. “Meg, I insist sumama ka na sa amin. Please? Convince her Tim.”

Tumingin nalang ako kay Tim na nakatingin lang kay Eeza. There was a moment of silence between the two. It looked like they were discussing it by merely looking at each other and that made me feel uncomfortable.

Tumingin sa akin si Tim at ngumiti, “Hindi ako mananalo sa kanya kaya pakiusap sumama ka na,” binitiwan niya ang salita na yon ng mahinahon pero hindi alam bakit parang nasasaktan ako.

I  clenched my fist from what he has said. Wala na rin naman akong nasabi at hindi na rin ako nakatanggi. Hindi ko lubos maisip na madaling mapapapayag si Tim ni Eeza na para bang masaya siyang ibigay ang hinihingi nito. Ganoon kadali.

Magkatabi sila sa upuan samantalang  katapat  ko si Tim sa mesa. Nakatungo lang ako simula ng umupo kami dahil hindi ko rin naman gugustuhin sumulyap sa kanila.

Bakit nga ba sa bar ko pa napiling maghintay? Bakit nga ba ganito ang pagkakataon? Bakit kailangan namin magkita kita? Nanadya ba talaga? Kanina pa paulit-ulit ang mga tanong na yan sa utak ko.

“So, paano kayo naging magkaibigan?” Napatunghay ako sa tanong ni Eeza. The dreaded question was popped again. Akala ko ay nakaligtas na ako sa tanong na yon pero hindi pala. Kailangan ko ba talagang sagutin yon?

 

Tumingin lang ako kay Tim dahil alam niyang hindi ako marunong gumawa ng kwento at mahahalata lang talaga ako kapag hindi ako nagsasabi ng totoo. Sumulyap lang siya sa akin ng mabilis na agad rin niyang binawi.

“She was my secretary before,”hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Mukhang sasabihin niya ang totoo at mas lalo akong kinabahan sa sitwasyon ko. Napailing nalang ako. Wala na akong magagawa kung sasabihin niya lahat.

“Oh, secretary. At naging close kayo?” tumingin sa akin si Eeza na mukhang enthusiastic na marinig ang sagot ko.

“Y-yes…” sabi kong mahina at hindi ko maiwasan ang kusang pagkunot ng noo ko. Yes, we were very close, intimate was the word, I said mockingly to myself.

“Sabagay, my secretary is also my bestfriend. Siya lahat ang nakakaalam ng mga sikreto ko personal or business at mga codes at passwords ng lahat ng locks meron ako,” salita ni Eeza na animated sa pagkukwento niya. Mukhang siya lang ata ang may gana sa pag-uusap namin at hindi niya nahahalata ang awkwardness sa paligid niya. Alam kong hindi niya kasalanan pero hindi ko pa rin magawang magustuhan siya. Not even one bit even if she was nice to me.

“So, hindi na siya nagwowork sayo ngayon?” tanong niya kay Tim na hindi naman inaalis ang mga mata sa kanya.

 

“Yes, she resigned four years ago, right Margaret?” halatang-halata ko sa boses ni Tim na hindi siya interesado na halukayin pa ang nakaraan.

“Margaret?”

“Yes, Margaret is my real name, Meg is my nickname,” paliwanag ko.

“Ah… That’s a very sexy name, Meg.”

I smiled bitterly. Hindi ko maiwasan alalahanin kung gaano kasarap sa pandinig ko ang pagtawag ni Tim sa pangalan ko. Na para bang siya lamang ang may kakayahan tawagin ako ng ganoon.

“Ah, so after that, you still remained friends?”

“You can say that,” sabi ni Tim at tumingin lang siya sa akin at ngumiti.

Friend. That reminded me of our heated conversation before about girl as friends and bed partners. Very epic.

“Ang ganda mo para maging kaibigan lang…I mean kung ako ang boss mo at lalake ako, honestly, gagamitin ko ang authority ko para idate mo ako.” Nangalumbaba siya sa harapan ko at para bang tinitignan niyang maiigi ang reaction ko sa sinabi niya.

“Ah…” yon lang ang nasabi ko. Alam kong hindi niya naman sinadyang sabihin yon dahil wala siyang alam sa di umanong ‘pagkakaibigan’ namin ng lalakeng kasama niya.  Ngumiti nalang ako at inabot ko ang isang mini sandwich sa harap ko at kumain. Sumulyap ako sumandali kay Tim. Ganoon pa rin siya, nakatingin lang siya kay Eeza na para bang siya lang ang babaeng nag-eexist sa mundo.

“Pasensya ka na ha…Curious lang talaga ako. And…and I am just trying to know everything about Tim even his friends since you’re one of them.”

Tumango nalang ulit ako kahit nasasaktan na talaga ang tenga ko sa salitang ‘friend’.

“Eeza, s-she is not my type, t-that’s why I didn’t pursue her.”

“Ehemm!” nasamid ako ng di oras sa sinabi ni Tim. Muntikan ko ng maisuka ang kinain kong sandwich dahil sa pagkabulunan ko.

“Hala okay ka lang? Uminom ka muna ng tubig,” sabi ni Eeza at inabot pa sa akin ang baso ng tubig na kinuha ko agad.

 “Pasensya na,” sabi ko kay Eeza at hindi ko na sinubukan tignan ang reaksyon ni Tim at baka tuluyan na akong mabulunan at hindi makahinga.

“It’s okay Meg. Ito lang talagang si Tim.” ngumiti sa akin si Eeza tapos ay bumaling ulit ito kay Tim. “Hay, paanong she’s not your type? Ang ganda ganda ni Meg! If she isn’t your type then I think what you want is next to impossible.”

“Someone like you, Eeza. Someone like you is what I really longed for a very long time.”narinig ko kung paano niya diniinan ang ‘for a very long time’ sa sinabi niya.

Eeza pressed herself to Tim and he leaned to her that his nose was touching her cheek. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon mas lalo na sa sinabi ni Tim. Napakuyom nalang ang palad ko sa kanila.

“S-sorry…Meg at nagmoment kami. Sorry,” sabi ni Eeza at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya.

Doon ko nalang napansin ang sarili ko na nakatulala akong nakatingin sa kanila.

“D-don’t mind me.”

Tumungo nalang ako at hinalungkat ko nalang ang bag ko at hinanap ang phone ko na hindi ko makita-kita.

Tumigil ka na please! Nanginginig ang kamay ko habang naghahalungkay ng gamit sa bag ko. Gusto ko na talagang pumikit at magtakip ng tenga para tumigil na ang nararamdaman ko. Ang hirap lang talaga kasi. Gustung gusto ko na talagang tumayo sa kinauupuan ko at umalis.

“Well, sige bibigyan ko muna kayo ng time alone ng kaibigan mo. I am going to the wash room first. Excuse me, Meg.” Naalarma naman ako sa paalam ni Eeza sa amin. Pipigilan ko sana siya pero hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko bakit ko siya pipigilan.

Mas lalo akong kinabahan ng maiwan kaming dalawa ni Tim. Maya’t maya ang pagsulyap ko sa kanya samantalang siya ay abala sa pagtipa sa phone niya at pag-inom sa wine niya.

“Ehem,” umubo siya na ikinagulat ko.  “What do you think of her?” Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya sa akin at mas lalong kinapos ako sa paghinga.

“She-she’s nice and beautiful.”mahina kong salita habang humihinga ng malalim.

“Beautiful is not the word. Very beautiful is, don’t you think?” Ngiting ngiti siya ng sinabi niya iyon habang nakatingin siya sa akin. Halata ko sa mga mata niya na masaya na siya.

“Stunning,”mahina kong sabi. Kung gumagawa ako ngayon ng hukay para ibaon ang sarili ko mas malalim pa ito sa mga libingan. Baon na baon na ako.

“Yes,” sinabi niya iyon na para bang pinagmamalaki niya. He should be. Napakaganda ng babaeng kasama niya. Pero nanliit ako sa pagmamalaki niyang iyon.

“Siya yon sa bidding, right?” hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para itanong iyon sa kanya.

“Yes.”

“You’re dating her now?”

“Exclusively,”sabi niya at tumango nalang ako. Exclusively.

“Who would have thought I will meet someone as beautiful and wonderful like her on that event? Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat kay Tita, kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Eeza.”

Nakatingin lang siya sa akin deretso habang sinasabi niya iyon na para bang inaalala pa niya ang pangyayari na nagkakilala sila. I saw the twinkle in his eyes and the curve of contentment on his lips.

Napatungo nalang ako.  

“Pasensya na ha. Nakakaabala na talaga ako sa date niyo.”

“Okay lang naman Margaret, I think she’s enjoying your company. Ganoon talaga siya gustung-gusto niya na may bagong nakikilala. Even random strangers kapag nagustuhan niya kakausapin niya at sa huli magiging kaibigan niya. Doon niya daw kasi natutunan ang skill niya. Mahilig siyang makipagkaibigan at umintindi ng kalagayan ng tao. K-kaya nga siguro naintindihan niya ako.” sinabi niya sa akin yon na hangang-hanga sa babaeng kasama niya. Kitang-kita ko yon sa mga mata niya.

“Ah…naintindihan ka niya…”

“Diba? Ikaw na nga rin nakaranas kung gaano ako kahirap intindihin.”

Umiling nalang ako. Nahirapan akong intindihan ka Tim pero hindi ako tumigil na makilala ka.

“Okay lang ba na sabihin ko sa kanya kung sino ka talaga? Ayoko ng may itago pa sa kanya eh. Gusto kong itama lahat para sa kanya.”

“O-okay lang… sige mauna na ako.” mahina kong sabi. Ayoko na please tumigil ka na Tim!

“Teka…bakit?”

“A-alis na ko, s-sorry.”

Tumayo na agad ako at mabilisan ko na din kinuha ang bag ko. Halos patakbo na ang paglalakad ko para lang mabilis na makalayo sa kanya. 

Ayoko ng makarinig pa galing sa kanya kung gaano niya hangaan at purihin si Eeza. Ayoko ng makitang tignan niya si Eeza na para bang ayaw na niyang alisin ang mga mata niya sa kanya. Sa bawat pagtingin niya sa kanya hindi maalis sa akin na maghangad na sana ako nalang ang tignan niya, ang hangaan niya, ang mahalin niya ulit. Bakit ba kailangan ganito ang maramdaman ko? Hindi ba dapat masaya na ako dahil hindi na niya ako ginugulo? Diba iyon naman ang hinihingi ko? Dapat masaya na ako para sa kanya dahil nakamove on na siya. Pero bakit hindi? Bakit nasasaktan ako ngayon?  Alam ko naman na pwede niya akong ipagpalit, noon kay Melanie pa lang eh, pero bakit mas iba ngayon? Mas masakit ngayon…mas totoo ngayon.

“Sorry,”paulit ulit na sabi ko sa mga nakakabangga ko papuntang labasan. Gustung-gusto ko ng makalabas, gustung-gusto ko ng umuwi.

Sa  pag-iwas ko sa isang babae nabangga ko ng tuluyan ang isang matangkad na lalake at napaurong naman ako sa impact ng banggaan namin.

“S-sorry,” hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Nagpatuloy na ako sa paglakad ko ng may humawak sa braso ko. Hinila ko ang braso ko pero ayaw niyang bitiwan.

“Meg!”

Napatingin nalang ako sa humawak ng braso ko. Si Kurt. Niyakap ko siya agad-agad ng mahigpit. Hindi ko na napigil ang pag-iyak ko sa kanya sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maraming salamat sa pagbasa! 

This chapter is still untitled. Wala pa kasi akong maisip.

Suggestions are highly appreciated.

Nakailang sulat ako sa chapter na to kasi parang may kulang at sa huli ito ang outcome,ewan ko kung nai-convey ko yun gusto kong iparating.

At salamat kay sis ohmygeez, kasi pangalan niya ang ginamit ko. Thanks sis! 

Salamat ulit! :))

Isabelle

Continue Reading

You'll Also Like

Se AgapĆ³ By Meiji

Teen Fiction

9.5K 231 32
R+18 this story is not suitable for young readers like you. "I can save a dozen of people not a thousand"- Meiji Yoghurt Si Kyle ang isa sa mga magag...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
48.7K 1.5K 38
BEAUTIFUL LIARS SERIES #7 WINNING YOUR HEARTS >>Rowena (Rowie) Salcedo<< She hates him, he loves her. Everything is a question to her, li...
174K 5.4K 24
Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng nanay niya. Ngunit bakit kaya wala pa ri...