FAIRYTALE โœ”๏ธ: | ONCE UPON A F...

By Fellspri_Wemmer

4.9K 2.3K 501

๐Ÿ‘‘A work of a fiction๐Ÿ‘‘ Once Upon A Flower Thief A Royal- Fairytale. "If you truly love nature, you will see... More

F A I R Y T A L E S E R I E S 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 | Finale Part 1 |
CHAPTER 30 | Finale Part 2 |
| EPILOGUE |

CHAPTER 8

141 76 20
By Fellspri_Wemmer

__👑__

‘The Baddest Luck’

Gaea Evergreen

Naging maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa paaralang ito. Maliban sa nabubully ako araw- araw, ay palagi ring may kakaibang pasabog ang mga studyante na pinapangunahan ng hinayupak na Prinsepe.

Matapos ang araw na nasabihan ko siya ng ganoong lintanya ay mas lalong lumuwag ang turnilyo ng kaniyang utak. Naka- inis.

“Psst.” Napalingon ako sa bintana na ngayon ay malapit lang sa aking pwesto, at hindi ko maiwasang mapairap at mapausal sa inis.

‘Ano na naman bang kailangan ng Prinsepeng ito? Can’t he just leave me alone, for just one fvckin’ day!?’

Hindi ko na lamang siya pinansin at ibinaling sa librong aking binabasa ang aking atensyon. Nandito ako ngayon sa silid- aklatan, dahil sa bakanteng oras ko ito, gayundin ang prinsepe. “Uy!” Malakas nitong tawag saakin, pero ako’y tumalikod lang sakaniya at hindi siya pinansin. Baka kung ano na namang pakulo niya.

“Don’t move, Im balancing here!”

“Sorry ho, Prinsepe!” Paumanhin ng ilang boses.

Napairap ako sa hangin nang marinig ang mga hinanakit ng mga studyanteng nakasabwatan ng sakit sa ulong prinsepeng ito. Wala naman akong pake- alam sa mga studyante eh, kasalanan ko ba kung nahulog sila sa pesteng karisma ng prinsepeng ito. Kaya ayan, hahayaan ko silang magdusa.

“Flower for you.” Napabaling ako ng tingin sa aking lamesa nang may inihagis ang prinsepe rito. At doon ko nakita ang isang napakapulang rosas, na hindi ko alam kung saan niya napitas.

Hinawakan ko ito at kaagad na bumaling sa kaniyang direksyon. Napansin ko ang pag- ngiti nito nang ako’y lumapit sa kaniyang pwesto. Humila ako ng isang kahon sa aking gilid at ako’y kaagad na umapak rito dahilan para pumamtay ang aming katawan sa isa’t isa.

“Ang ganda ah,” I sniggered.

Pwe!

Tumalsik kaagad sa kisame ang isa kong kilay nang ito’y ngumiti. “Flower mo, mukha mo!” Saad ko at siya’y marahan kong itinulak paatras. Dahilan para siya’y sumayaw sa hangin at mawalan ng balanse. Hindi ko maiwasang mapahalakhak sa saya nang sila’y matumba at bumagsak sa damuhan. Alam kong sobrang sakit non’ dahil sa mataas ang nakabagsakan nila.

“Hahaha!” Tawa ko na tila isang mangkukulam.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang limang mga kalalakihan at siya na nakahandusay sa damuhan. Itinapat ko ang rosas sa kaniyang katawan at isa- isang pinitas ang mga talulot nito, dahilan para ang mga ito ay sumayaw sa hangin at bumagsak sa kaniyang dibdib.

“Bleh!” I teased, blowing my cheeks whilst making weird faces as I make horns, using my hands.

Ini- apak ko ang isa kong paa papaalis sa kahon pero kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang hangin lang ang naapakan ko, kasunod nito ang malakas na tunog ng pagkahulog. “Aray.” Daing ko habang nakahawak sa aking bewang nang mawalan ako ng balanse.

“Hutangina, Karma!”

Kagat labing lumakad ako sa pasilyo habang hindi pinapansin ang mga ipinupukol na tingin ng mga studyanye saakin. At isa pa, sobrang sakit ng balakang ko at ang isa kong paa. Napuruhan yata kanina.

‘Ang bilis ng karma! Urgh.’

Napatingin ako sa orasan sa pasilyo, nang marinig ang tunog ng kampanilya, hudyat na uwian na. Napangiti ako sa aking kaloob- looban dahil sa wakas, at matatapos narin ang araw na ito. Hinawakan ko ang railings ng may kataasang hagdan, na nagdurugtong sa unang palapag at ikalawang palapag ng mala- palasyong paaralan na ito.

Napabuntong hininga ako bago i- apak ang aking paa sa kauna- unahang baitang. Napahinga ako ng malalim habang pilit iniinda ang sakit ng aking paa.

“Oh Girl, you don’t need stairs.”

“Kyahh!” Tili ko nang bigla na lamang may tumulak sa aking likuran dahilan para mawalan ako ng balanse, at magpagulong- gulong sa kaitaasan ng hagdan na ito. “Ou-ch.” Daing ko nang mauntog ang aking noo sa ikahuling baitang ng hagdan.

‘Malas! Huli na nga lang, nauntog pa!’

“Aw.. aw.. aw!” Daing ko habang pilit iniu- upo ang aking katawan sa pagkakasalampak at pagkakabaon sa sahig. Para akong tumalsik na ewan.

“Poor you.” Tila nalukot namang papel ang aking mukha nang bumaling ako sa babaeng tumulak saakin kanina, pero tanging likuran na lamang niya ang aking nasilayan dahil ito’y papaalis na.

Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng pader habang pilit iminumulat ang aking mga mata. Ang sakit ng buong katawan ko.

‘Magkakarayuma yata ako.’

Nang maramdamang nahihimasmasan na ang aking katawan ay kaagad kong inalalayan ang aking katawan papatayo, habang nakahawak sa dulo ng railing. Ako’y tuluyan ng lumakad, pero para akong isang zombie dahil sa tila nabali lahat ng buto ng aking katawan.

“Hey! Are you alright?” Sumama naman ang timpla ng aking mukha nang marinig ang boses ng hinayupak na Prinsepe. “Hey.” Saad niya bago hawakan ang aking kamay, na nakaangat sa ere, dahil hindi ko ito magawang maibaba dahil sa pagkabali nito.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako.” Waksi ko sa kamay nito, at pilit inii-iwas ang aking sarili sakaniya, dahil sa pagtangka nitong pag- alalay saakin.

“Who did these bruises to you?”

“Ask yourself, coward.” Inis kong saad sakaniya. “You’re disrespecting me.” Mariin nitong turan kaya ako’y marahan na napapikit.

“Pasensya po, mahal na prinsepe.” Sarkastikong paumanhin ko sakaniya. Hindi ako takot sakaniya, ang kinakatakot ko lang ay baka puksahin ako ng mga tao papalabas sa lugar na ito, dahil sa sama kong magsalita sa prinsepe.

“Miss hyena!” Napabaling naman ako sa aking harapan at nakita ang kumakaway na si Yttrio. Mas lalo ko namang binilisan ang aking bilis patungo sakaniya ng makaiwas sa prinsepe.

“Anong nangyari sa— What the fvck!”

And everything went black..

As I opened my eyes, crystal chandelier envisaged my gazes. I roved my eyes, as I observed the whole room. Napahiga ulit ako ng ulo nang mapansing nasa kwarto na naman ako na kung saan ako noon natulog. Ini- angat ko ang aking kamay at napansing napapalibutan ito ng benda, gayundin ang isa kong paa. Iniisip ko palang na mas may lalala pa rito ay parang napagod kaagad ang aking katawan.

“Good morning, maiden.” Napalingon ako sa aking gilid at hindi maiwasang mapasigaw sa gulat nang makita ang isang kulay berdeng nilalang na ito. Maliban sa kakaiba ang kaniyang itsura, hindi rin siya matatawag na isang tao.

“Ano ka?!” Malakas kong sigaw sakaniya, dahilan para ito’y mapaatras sa gulat.

“Knock it off, never seen a goblin like me?” She said, pouring warm coffee in a royal mug. I scowled, before I shooked my head as an answer. “Tsk. We’re healers.”

“Uhmm.. Akala ko walang kwentang nilalang lang ang goblins. Hindi ko alam may kakayahan pala silang mang- gamot.”

“We’re not the Goblins, you know. We’re different and hard to find.”

“Then, what’s your tribes name?”

“We’re Goblins!”

“Yeah.. but what—”

“We’re Goblins!”

“Ahh.. hehe.” Pilit kong tawa habang naguguluhan sa inaakto ng duwendeng ito.

“What’s your name, then.”

“My name is Eff Abnoy.”

“Bagay saiyo..” Mahinang bulong ko. She smiled at me and offer me a coffee. Nakatitig lamang saakin si Abnoy habang ako’y humihigop ng tsaa. She have a big green- amber eyes, with big ears. Wala siyang ilong at tanging linya lang ang kaniyang bibig. She’s round, and a four- fingered goblin. May katabaan rin ang kaniyang pangangatawan, at hindi mo mapapansing isa siyang goblin, pwera nalang sa kulay nito at tangkad. Nakakatuwa naman ang itsura niya.

“Morning, Miss hyena!” Napalingon ako sa kakapasok lang na tao sa silid. “Bangon na, you have a big day.” Binato ko sya ng unan dahil sa pang- aasar nito. Alam na nga niya kung anong nangyari saakin kahapon.

“Whatever!” Bulyaw ko rito.

Matapos ang usapang iyon ay tinanggal na ni Abnoy ang aking benda dahil sa magaling na daw iyon dahil sa kakayahan nilang magpagaling kaya kaagad akong nag- ayos para pumasok sa skwelahan.

Inilugay ko naman ang medyo may kahabaan ng buhok ko, at tumingkad kaagad ang kulay nitong parang ginto. Nang mapansing ayos na ang aking itsura ay kaagad akong bumaba at nag- tungo sa karwahe.

“Hello!” Napasimangot ako kaagad nang mabosesan ang taong bumati saakin. Hindi ko naman siya pinansin at nagkunwaring walang narinig, habang inaayos ang aking upo sa loob ng karwahe.

“You’re disrespe—”

“Hello rin po, mahal na prinsepe.” Madiin kong turan, nang siya’y aking putulin sa pagdadada. Napakibot naman ako ng labi sa inis, dahil sa inaakto nito. Ano naman ngayon kung hindi ko siya pansinin? Eh ang dami niyang fans sa tabi- tabi, hindi rin naman niya pinapansin. Oh? Nag- reklamo ba sila? Hindi naman ah! Opps! Royalties rin ang mga iyon. Patas lang.

“Tss.” He snickered.

‘Sapakin ko ’to, nagawa pa ’kong hagikgikan.’

Habang nasa biyahe ay hindi kami nagkikibuan ng prinsepe. Mabuti lang iyon ng hindi ko siya mapagsalitaan ng hindi kaaya- aya sa kaniyang pandinig.

“Uy! Ytrrio, bakit pala hindi ka pumapasok?” Biglang tanong ko sakaniya. Kuryos kasi ako, ang pagkakaalam ko kasi parehas lang kaming tatlo ng edad. Pero bakit hindi siya nag- aaral?

“Matalino na kasi ako masyado, kaya punong- puno na ng kaalaman ang aking utak.” Mayabang nitong saad.

“Haha! Huwag ka ngang magpatawa. Akala ko ba punong- puno? Ba’t na- hahanginan?” Humahagalpak kong tawa, habang hinahampas ang aking hita. “Nagtatanong kalang eh.” Saad nito ng may bahid ng inis, kaya mas lumawak pa ang aking ngiti.

“’Di mo naman sinagot ng maayos.” balik apela ko sakaniya.

“Isipin mo nalang na masyadong nakaka- toxic ang pag- aaral. Lalo pa’t ang mga studyante ngayon ay naluluwagan na ang turnilyo ng kanilang mga utak, kaya kung ano- ano na ang naiisipang gawin.” Eksplinasyon niya, kaya ako’y palihim na napasulyap sa aking katabi na nakatingin lang sa kaniyang gilid.

“Nandito na tayo.” Turan niya, hanggang sa tumigil na ang sinasakyan naming karwahe sa harapan ng paaralan. At siyempre dahil nag- mamaganda ako kaya agaw- atensyon na naman ang anyo ko. “Good luck!” Saad ni Yttrio kasabay nito ang pagtulak niya saakin pababa sa karwahe. Tinignan ko naman siya ng masama nang ako’y muntikan ng mawalan ng balanse. At nakakaasar rin ang sinabi nito.

Lunok- dila naman ang ginawa ko habang naglalakad sa lungga ni satanas. Mabuti na lamang at nag- pahuli ang Prinsepe, kaya hindi ako masyadong nakakaagaw ng atensyon. Siyempre, kahit naman prey ang tingin nila saakin, uunahin parin nila ang kina- aadikan nila. Nang makatungtong sa aming silid ay kaagad akong tumungo sa aking upuan, at inilabas ang isang payong. Baka kasi may bumuhos na naman saakin ng tae, mas maganda na yung alerto.

Nang pumasok na ang aming subject teacher  ay kaagad itong nagturo. Sinubukan kong huwag matulog sa klase nito dahil sa terror- teacher siya. Mahirap ng mabato ng flying chalk at eraser. “Psst.” Napasulyap naman ako sa aking gilid at bumulaga saakin ang lumilipad na papel patungo sa aking pwesto kaya ito’y kaagad kong sinalo bago tumingin sa Prinsepe. Pero siya’y kaagad na tumingin sa harapan.

Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa papel na ibinato nito saakin. At ito’y kaagad kong binuklat mula sa pagkakabilot at tumambad saakin ang salita na kulay berde ang tintang ginamit.

“Our teacher is a lousy- headed..” basa ko rito. “Pfft..” Hindi ko naman naiwasang mapatawa ng mahina dahil sa sulat na ito. Paano naging kutuhin yung ulo niya? Eh kalbo siya! Haha.

“He’s a poodle.” sulat ko pabalik, bago ito ibato sakaniya. Napansin ko namang napangiti ito, at sumulat ulit ng panibago bago niya ito ibato ulit saakin. Ghad, Im bullying my teacher.

“He’s a lanky- four eyed.” Napahagikgik naman ako ng mahina nang mabasa ang isinulat niya. Grabe naman siya kung makalait. Puros kasalungatan. Lanky? Gosh! Obese nga siya at parang bata dahil sa taba niya at liit. Para siyang si Abnoy.

“He has an elephant ears, and nose.” – Me.

“He looks like a penguin, or a hippo.” – Prince Theseus.

“He has thick beard, pero nasaan ang buhok niya? Haha!”

“He’s handsome, from toe to neck.”

“He has tremendous belly fats, kasya ang buong planeta!”

“His teeth is glowing.”

“Pfft..” Tawa ko ng mahina, nang mabasa ko ang sinulat niya. Magsusulat na sana ako sa papel pero ako’y napatalon sa gulat ng bigla na lamang may humablot roon. “Ang bastos mo naman —” Tila ako’y nakakita ng multo nang makita ang taong nasa aking harapan. “– Sir.” Hindi ako halos makahinga ng maayos, hindi dahil sa sinabi ko sakaniya, kung hindi dahil sa hawak- hawak nito ang papel na naglalaman ng pang- iinsulto namin sakaniya.

Tinignan naman niya ako ng masama bago niya basahin ang papel, na hinablot niya mula saakin. Pansin na pansin ko sa kaniyang mukha ang pagtiim- bagang niya at ang pag- sama ng timpla ng kaniyang mukha habang binabasa ang nakasulat sa papel.

“Do you think, this is what I looked like?!” Madiin nitong singhal saakin habang nakatapat sa aking pagmumukha ang papel, nang ito’y matapos niyang basahin. Ramdam na ramdam ko ang mga nakangising- tingin ng mga studyante saakin, marahil sa natutuwa silang makita ako sa ganitong kalagayan. Tinignan ko naman sa mata ang guro namin at ramdam ko na sobra- sobra ang galit niya saakin.

“Hindi lang po ako ang nagsulat diyan.” Rason ko sakaniya na mas lalong nagpalalim sa maitim na bilog sa kaniyang mga mata.

“Sino pa?!” Bulyaw niya kaya ako’y napaurong dahil sa sakit ng aking tainga.

“Ang Prinsepe..” bulong ko, pero sapat lang ito para makaabot sa kaniyang pandinig. Napansin ko namang sinulyapan niya ng tingin ang prinsepe, bago ulit tumingin saakin, pero ako’y nagulat nang bigla na lamang itong humalakhak ng malakas.

“Anong akala mo sa prinsepe gagawa ng katarantaduhan?! You wrote this words, in a green tint, yet you’re accusing the prince, who’s only using a black tint?” Sigaw nito sa harapan ng aking mukha, kaya ako’y kaagad na napabaling sa direksyon ng prinsepe. He sniggered, while looking at me with his grosteque expression, while waving his black ballpen on my direction.

Napaawang naman ako ng labi dahil sa aking nakita.

‘He.. played! Fuck!’

“Pe.. pero—”

“Detention, NOW!”

Nakatungo lamang ako habang naglalakad sa pasilyo nang matapos akong masermunan ng kalbo kong guro. Hindi naman ako tumino eh, kasi matino na ako matagal na, ang kaso lang, sumakit ang aking tainga at tila nabingi. Bagsak balikat ko namang binuksan ang silid- aklatan, at ito’y sinamahan pa ng buntong- hininga bago ko ito isara.

“Hah!” Singhap ko nang bigla na lamang may kung sinong impakta ang humablot sa aking buhok dahilan para ako’y mapasalampak sa sahig, na inunahan ng aking pwetan. “Aw..” Daing ko habang nakahawak sa buhok kong nahablot. Putcha! Ang sakit, parang sinabunutan ako ng martial artist na pusa.

“Hindi pa pala sapat ang baling nakuha mo kahapon, para lumayo ka sa dalawang taong hindi bagay saiyo. Ang kapal na nga ng mukha mo, ang kapal pa ng kalandiang taglay mo.” Napa- angat naman ako ng mukha at lumitaw saakin ang isang matangkad na babae, na sobrang slim. May kasama rin siyang uto- utong mga alipores.

‘Siya pala ang tumulak saakin ah? Dahil lang sa dalawang lalaki? Is that the Prince and my escort?’

“Kung gusto mo angkinin mo na yung dalawa, tutal tila ikaw naman ang totoong makati. Diba, Ms. President?” Taas- kilay na tanong ko sakaniya. Akala niya hindi ko siya namumukhaan?

Ms. Myka Treen, the campus president.

“Ha! Hindi ako makati, sadyang—”

“Maharot kalang?” Putol ko sa ano mang sasabihin niya. Napansin ko naman ang pagsama ng tingin nito saakin kaya ako’y napangisi sa aking kaloob- looban. Sa pinakaayaw ko sa lahat, ay yung minamaliit nila ako dahil sa mababaw lang na dahilan. Sana naman yung mas mataas at kongkreto, nang hindi ko sila mailampaso.

“Girls!” Palakpak nito, at wala pang isang segundo ay nakatayo na ako, dahil sa mga alipores ni Myka na umalalay saakin sa pag- angat. Pansin na pansin ko sa mukha ni Myka na tila may binabalak itong masama. Oh! Palagi namang ganito eh. Pero tila nalaglag ang aking eyeballs sa sahig ng tumapat sa aking harapan ang isang makinang at matalim na bagay.

Isang punyal..

“Learn how to respect me, bitch.”

“HINDI!” Sigaw ko.

Nakayuko at sumisinghot na lumalakad ako sa kahabaan ng pasilyong ito, habang hindi makapaniwala sa ginawa ng hinayupak na presidenteng iyon. Pansin ko rin na namamaga na ang aking mata dahil sa kanina pa ako umiiyak. Hindi ko lang talaga matanggap. I’ve been taking care of it, since, but she ruined it.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang gusto ko munang mapag- isa. Malayo sa lahat ng taong umaapi saakin. At lalong- lalo na sa dalawang taong ugat ng pang- aapi saakin.

“Hey.”

‘Kasasabi ko lang.’

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla na lamang niya akong hawakan sa aking balikat. Sino pa ba ang sutil na palaging sumusulpot nalang, at aasarin o ipapahamak ako? E di! Ang hinayupak na Prinsepe.

“Look at me.” Utos nito, pero hindi ako sumunod sa balak nitong mangyari. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon, at baka pagtawanan niya lang ako.

“Tsk.” He hissed, kasabay nito ang paghawak niya sa aking baba, bago i- angat ang aking mukha. Nang mai- angat na niya ng tuluyan ang aking mukha ay kaagad na nagtama ang aming mga mata, kaya pansin na pansin ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang ako’y tuluyan na niyang masilayan. “What happened?” Tanong nito saakin, pero hindi ko siya sinagot, imbis ay kinabig ko ang kaniyang kamay at lumakad na papaalis.

“Hah!” Pero ako’y napasinghap nang ako’y hilain niya pabalik sa aking pwesto kanina. Hinawakan naman niya ang aking balikat at ito’y yumukod para magpantay ang aming mga mukha. “Dont you dare walk away, when I’m still talking to you.” Ma- otoridad nitong utos pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig.

“Don’t dis— What the hell!” Gulat nitong sigaw, na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.

“Your.. hair..

Di makapaniwalang turo nito sa aking buhok. Yep! Ang buhok ko ang pinag-diskitahan nilang pinutol. Ayos lang sana, pero hutangina lang, hindi pantay- pantay. At sobrang iksi pa, na hanggang sa taas ng balikat ko nalang.

“Who did this to you?” Tanong nito habang hinahawakan ang mga hibla ng aking buhok. “Ba’t di mo alamin, tutal kakampon mo rin naman iyon.” taas kilay kong sumbat sakaniya.

“Your disrespecting me.” He said in a baritone voice. I’ve sighed so deep before looking at his eyes, intently.

“Tantanan mo na ako, mahal na prinsepe.”

And I walked away.

_____

Eff Abnoy- (F) ( A-b noy) – she’s my own kind of a goblin.

Vote and comment

-Arch-

Continue Reading

You'll Also Like

153K 1.9K 27
mikha and aiah found out na mag tita sila!!
119K 5.2K 27
Inspired by Arsenic Blues by 11QueenSupreme11 and Young Gods by phoenix1770, but with my own plot. This is a mix of reactions and story. What happens...
29.1M 921K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
161K 6.2K 22
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares