The Last Pogi (BXB 2019)

By Ai_Tenshi

402K 16.5K 1.2K

At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Rava... More

NOTE:
TLP Part 1
TLP Part 2
TLP Part 3
TLP Part 4
TLP Part 6
TLP Part 7
TLP Part 8
TLP Part 9
TLP Part 10
TLP Part 11
TLP Part 12
TLP Part 13
TLP Part 14
TLP Part 15
TLP Part 16
TLP Part 17
TLP Part 18
TLP Part 19
TLP Part 20
TLP Part 21
TLP Part 22
TLP Part 23
TLP Part 24
TLP Part 25
TLP Part 26
TLP Part 27
TLP Part 28
TLP Part 29
TLP Part 30
TLP Part 31
TLP Part 32
TLP Part 33
TLP Part 34
TLP Part 35
TLP Part 36
TLP Part 37
TLP Part 38
TLP Part 39 END

TLP Part 5

9.8K 431 39
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 4, 2019

Part 5

"Ilang weeks lang naman kami sa abroad, tumawag kayo kung may problema. Okay lang naman na uminom paminsan minsan ngunit huwag masyadong marami. Lalo kana Gorien, kagabi ay lasing kana naman. Mabuti na lamang at inalalayan ka ni Ernest. Huwag masyadong pasaway upang hindi kayo napapahamak." ang wika ng ina ni Gomer noong ihatid namin ito sa kanilang sasakyan.

"Malalaki na ang mga iyan. Alam na nila ang tama at mali. Tayo na at malalate tayo." ang wika ng kanyang ama.

Yumakap si Gomer sa kanyang mga magulang at humalik pa ito sa pisngi. "Ingat kayo ma, pa." ang pag papa alam niya bagamat halatang masakit pa ang ulo nito dahil sa hang over.

"Bye, at huwag mag papa punta ng kung sino sino sa bahay okay? No party, no social gatherings lalo ang inuman ha." ang bilhin ng kanyang ina

"Yes ma." tugon ni Gomer

"Keep me posted Ernest, ikaw na ang bahala kay Gorien." ang wika ng papa niya at dito ay nag start na ang kanilang sasakyan.

Nanatili kaming nakatayo sa gate habang pinag mamasdan na palayo ang sasakyan ng mga magulang.

Tahimik..

Noong mawala na ito sa aming paningin ay bigla na ngising aso si Gomer. "Yes!" ang wika nito sabay kuha sa kanyang cellphone. "Party party mamaya dito sa bahay!!" ang wika niya habang ipinadadala ang mensahe sa mga kabarkada

"Teka, ang sabi ng mama mo ay bawal mag pa punta ng kahit na sino sa bahay. Bawal ang party, baka mapahamak tayo niyan." ang pag pigil ko.

"Wala kang paki panget!" sagot niya sabay tulak sa akin dahilan para masubsob ako sa gate

Pero hinabol ko pa rin. "Bawal nga e. Doon nalang kayo sa bar." ang wika ko habang kapwa kami lumalakad. Bigla akong nag alala samantalang si Gomer naman ay parang batang tuwang tuwa, excited na excited sa kanyang pakana. "Teka muna Gomer, baka magalit.." Hindi pa ako nakakatapos mag salita noong may tumamang basahan sa aking mukha. "Linisin mo yung sasakyan ko puro putik e. Saka yung sapatos mo kagabi ay madumi. Dali na.." ang utos nito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

At iyon nga ang set up, walang nakapigil kay Gomer, wala naman kasing paki alam ang mga kasambahay sa kanyang mga desisyon, ako lang yata ang dakilang kontra sa kanyang mga balak ayon na rin sa tagubilin ng kanyang mga magulang pero wala akong nagawa.

Maraming case ng alak, pulutan at videoke ang inihanda ni Gomer sa kanilang bakuran. Mistulang may malaking birthday party dahil kumuha pa ito ng catering para sa buffet na ihahain sa labas. "Ayos ba?" naka ngising tanong ni Gomer noong lumapit sa akin.

"Akala ko ay simpleng inuman lang, ilan ba ang bisita mo?" ang tanong ko

"Edi yung mga kaibigan ko sa compound. Alam mo naman na bago palang ako sa grupo kaya kailangan mag palakas. At huwag kang mag susumbong kina mama at papa dahil malilintikan ka sa akin." ang pag babanta nito sabay dikit ng kanyang kamao sa aking ilong. "Babasagin ko itong ilong mo, hihilahin ko yang dila mo at dudukutin ko iyang eyeball mo kapag nag salita ka. Shut up ka lang okay."

Hindi naman ako nag salita, tumango lang ako bilang tugon.

Alas 5 ng hapon noong dumating ang mga kaibigan ni Gomer, lahat ng ito ay mga kabarkada niya sa compound. Bukod kina Johan, Bogs ay marami pa ang dumagsa na parang parada ng mga gwapong lalaki na galing doon sa Bagong Buhay Street. Ang bawat isa sa kanila ay talagang astig, cool at maporma kung manamit.

Party party sila sa bakuran, maingay, tawanan, kwentuhan at kung ano ano pa..

Samantalang ako naman ay tumutulong sa mga kasambahay sa pag lalabas at pag liligpit ng mga maruruming plato at baso na naka kalat kung saan saan.

Habang nasa ganoon posisyon ako ay nakita kong kinakambatan ako ng isang kabarkada ni Gomer doon sa table. Para akong isang waiter na kanyang tinawag. "Ako ba?" tanong ko

"Oo ikaw." naka ngiti niyang sagot. Gwapo rin ang isang ito, parang may lahing amerikano. "Bakit?" tanong ko

"Ikuha mo nga ako ng yelo doon. Bilis ah. Baka mapanis itong alak." utos niya

"Hindi naman napapanis yung alak e." ang sagot ko.

"Bakit marunong ka pa sa akin? Napapanis ito at nagiging suka kapag matagal na naka bukas. Kuha kana, dali na." ang utos nito.

Maya maya lumapit sa akin si Gomer at bumulong. "Si Shan Dave iyan, sundin mo na bago ka upakan. Dali na! Ano mga pare enjoy ba kayo diyan?" ang tanong pa niya sa mga kabarkada

"Oo naman, maganda sana kung may babaeng sasayaw." ang wika ng mga ito.

Tawanan..

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Agad akong kumuha ng isang bucket na yelo at ibinigay kay Shan Dave. Aalis na sana ako nang tawagin naman ako ng isang lalaki sa kabilang table.

"Ako?" tanong ko ulit

"Oo ikaw nga, bakit may iba pa ba?" tanong nito.

"Bakit?" tanong ko ulit nung makalapit sa kanya na may halong pag tataka. Ito yung lalaking madalas kong nakikita na nakatambay doon sa bungad ng kanto ng kanilang compound.

"Oh eto kunin mo." ang naka ngiting wika niya sabay abot sa akin ng isang asong chow chow, may sumbrero pa ito at sapatos. "Ano ito?" tanong ko na may halong pag tataka.

"Edi aso. Ngayon ka lang ba naka kita ng aso? Gusto mo idog style kita mamaya para maging aso kana rin? Alagaan mo muna iyang si Badtrip, wala kasing tao doon sa bahay kaya isinama ko siya rito. Priority iyan ha, bawal siyang iwanang mag isa dahil iiyak iyan at mag tatampo. Kung sakaling lumindol ay isalba mo yung aso, kahit kainin kana ng lupa basta make sure na ligtas si Badtrip okay?" ang wika niya

"Arf! Arf!" ang tahol ng aso..

Kinuha ko ang aso at dinala ito doon sa balkunahe. "Hoy, ingatan mo yung aso ni Pareng Raul. Parang anak na niya iyan kaya pag igihan mo ang pag aalaga." ang wika naman ni Gomer noong makita akong may buhat buhat na asong naka dila.

"Yelo please!!" ang sigaw ni Shan Dave kaya ibinaba ko yung aso at mabilis na kumuha ng yelo.

"Asan yung aso ko? Bakit binaba mo? Kunin mo siya doon!" ang wika naman ni Raul

Maya maya paikot ikot na ako sa buong bakuran, parang hindi ko na malaman kung saan ako pupunta dahil maingay na nga ang pag kanta ng mga kaibigan niya sintunado ay hindi ko pa malaman kung sino ang unang susundin ko sa dami ng kanilang mga inuutos.

"Yelo!"

"Yung aso pare!!"

"YELO! ASAN NA??!"

"TANG INA! YUNG ASO!!"

Aso, yelo, aso, yelo, aso yelo!!!

"Kunin mo yung aso! Baka dilaan yung yelo!!" ang sigaw naman ni Gomer

"AYOKO NAAAAA!!!" ang sigaw ko sa aking sarili at napaupo nalang ako sa sulok ng balkunahe. Hindi ko na kayang sundin pa yung barkada ni Gomer! Lalo na yung makulit na sina Shan Dave at Raul. Para silang sina Spongebob at Patrick, mga sira ulong tao na walang ginawa kundi mang asar ng kapwa.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa sulok ng kusina, pagod na pagod at hinahabol ang pag hinga. Ang tshirt ay basa na parang sinabuyan ako ng kung anong manilaw nilaw na likido. Kaya naman agad ko hinaplos ang parteng basa sa aking damit at inamoy ito. "Pwe! Ihi nga! Buset na Badtrip na iyon inihan pa ako!" ang sigaw ko sa aking sarili.

Agad akong pumasok sa banyo para mag linis ng aking sarili. Sa labas ay rinig na rinig ko si Gomer na tinatawag ang aking pangalan siguro ay may iuutos nanaman kaya ganoon nalang kung makasigaw pero hindi na ako sumagot pa. At isa pa ay ayoko na ring makita yung mga kaibigan niyang may mga bahog. Mga gwapo nga may mga saltik naman.

Alas 11 ng gabi noong humupa ang kasiyahan sa bakuran, katakot takot na kalat ang iniwan ng mga kabarkada ni Gomer, umaamoy rin ang banyo dahil sa panghe ng mga ihi nila na hindi man lang binubuhasan, kung saan nalang itapat ang ari na bumubuga ng ihi sa mga pader. Yung mga upos ng sigarilyo ay naka kalat rin sa balkunahe na parang ginawang ashtray mga tiles.

"Hoy, bakit ba ang bagal bagal mong kumilos? Napaka tamad mo yata? Muntik nang mapilay yung aso ni Pareng Raul sa ginawa mo. Humihingi ng yelo si Shan Dave pero yung aso ang ibinigay mo sa kanya, yung ice bucket ay ibinigay mo naman sa ibang tao. Lutang ka ba?" ang tanong ni Gomer noong makita akong nag sisilid ng basura sa garbage bag.

"Pasensiya na, nalito na kasi ako sa sunod sunod na utos ng mga kabarkada mo. Hindi ko na alam kung sino ang susundin ko." ang tugon ko naman.

"Sa susunod ay alerto. Tanga!." ang wika ni Gomer na aking kinainis kaya naman humarap ako sa kanya at nag salita. "Hindi ako tanga, nag kataon lang na mga tamad kayo. Mayroon kayong mga kamay at paa edi sana ay kayo na ang gumawa para sa mga sarili ninyo. Hindi mo alam kung gaano kahirap pakisamahan ang kaibigan mong may mga bahog. Yung isa ay si Lupin(Johan) walang ginawa kundi ang manguha ng bagay na di kanya. Yung iba naman ay parang sina Spongebob (Shan Dave) at Patrick (Raul) makulit at paulit ulit kung mag utos na parang mga sirang plaka. Gusto mo palang masunod ang lahat ng demand nila sana ay kumuha ka ng mga waiter na mag sisilbi sa paparty mo!" ang tugon ko

"Aba't sumasagot ka pa? Alipin lang kita kaya susunod ka sa akin !Lahat ng kinakain mo, pati iyang mga damit na isinusuot mo ay pera namin nang gagaling." ang inis na salita at isang malakas na suntok ang lumanding sa aking mukha dahilan para matumba ako at sumabog ang basura na laman ng garbage bag. "Alipin lang kita. Nandito ka para pag silbihan ako. Kinuha ka ng mga magulang para maging kamay at paa ko. Huwag mong kalilimutan iyan!" ang dagdag pa niya

Nanatili akong naka saldak sa lupa bago tuluyang matauhan. Tumayo ako at sumagot sa kanya "O-opo mahal na prinsipe!" ang sigaw ko sabay suklob ng garbage bag sa kanyang ulo. "Ayan ang korona mo! Gago!" dagdag ko pa sabay takbo palabas ng gate.

"Tarantado kaaa! Bumalik ka ditooo!!" ang sigaw ni Gomer habang inaalis ang basura sa kanyang ulo pero hindi na niya ako naabutan pa.

Nag tatakbo ako palabas ka kanilang subdivision para makalayo kay Gomer na bayolente. Parang pinasok na ng kung anong virus ang kanyang utak kaya nanakit na ito. Ito ang unang pag kakataon na sinaktan niya ako ng pisikal, yung mga panlalait na salita ay kaya ko pang tiisin ngunit saktan ako ay hindi dapat.

Noong mga sandaling iyon ay patuloy ako sa pag takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala rin akong pera sa bulsa. Halos 11:30 na ng gabi kaya't wala nang masyadong tao sa paligid maliban sa mga sasakyang dumaraan sa kalsada.

Mabuti na lamang at nakita ko si Yel na bumibili ng pag kain sa 7/11. Agad ko siyang nilapitan at humingi ng tulong dito.

Itutuloy..


Continue Reading

You'll Also Like

182K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7K 645 9
Toby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di...
420K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
6.6K 503 67
Suddenly, the heart wants trouble.