The Lost City of Eriendelle

By chrilucent

383K 12.7K 1.7K

Celestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public becaus... More

The Lost City of Eriendelle
Introduction
Chapter 1: Senior Stage
Chapter 2: The Crown Princess
Chapter 3: History
Chapter 4: The Warning
Chapter 5: Pegasus
Chapter 7: Peaceful Night
Chapter 8: Lady in Red
Chapter 9: Engagement
Chapter 10: Attacked
Chapter 11: Vapor
Chapter 12: You Did Well
Chapter 13: Vulnerable
Chapter 14: Mission
Chapter 15: First Destination
Chapter 16: Realm of Truth
Chapter 17: Realm of Faith
Chapter 18: Fake Friends
Chapter 19: He's Back
Chapter 20: Tears
Chapter 21: Clash
Chapter 22: Heartbeat
Chapter 23: Kiss
Chapter 24: Sick
Chapter 25: Date
Chapter 26: First Love
Chapter 27: Weight of The Crown
Chapter 28: Poison
Chapter 29: The Royal Night
Chapter 30: Let Go
Chapter 31: Abducted
Chapter 32: A Brother's Love
Chapter 33: Damsel in Distress
Chapter 34: Death
Chapter 35: Sacrifice
Chapter 36: Blasey
Chapter 37: Trapped
Chapter 38: Last Breath
Chapter 39: Flashback
Chapter 40: Forgiveness
Final Chapter
THANK YOU!

Chapter 6: Her Ability

8.9K 333 92
By chrilucent

CHAPTER 6: Her Ability





Celestine's POV



Kinagabihan ay pumunta kaming anim sa night market upang magliwaliw. Marami rin ang mga estudyante rito. Ang iba ay bumibili ng mga pagkain, samantalang ang iba naman ay naglalaro lang sa mga booths na may mga games. May mga gamit rin na binebenta kaya bumibili rin ako paminsan-minsan.



Nakakapit sa braso namin ni Elvira si Cosette habang ang tatlo naman ay nasa likod namin at nakasunod lang habang tumitingin-tingin rin. Huminto kami sa isang booth kung saan may nagbebenta ng mga necklace at singsing.




"Uy Creed! Diba naghahanap ka ng singsing para sa bagong fiancé mo?" Anunsyo ni Galen.



"May bago ka na namang fiancé, Creed?" Kunot-noong tanong ni Elvira kay Creed.





Tumango lang si Creed at lumapit na rin sa mga naka-display na singsing.


"Hanep ng tradisyon niyo. Pagkatapos ikasal ni Kuya Neo, ikaw naman ngayon ang puntirya." Natatawang sabi rin ni Cosette.



Tinignan ko si Creed. Seryoso siyang tumitingin ng singsing, tila binubusisi niya ang bawat detalye nito. Nagtatanong pa siya minsan sa nagbebenta tungkol doon. Mukhang kahit arranged marriage ay interesado siya doon sa babae.





Pagkatapos naming mamili ay tumambay muna kami sa isang bench habang pinapanuod ang mga estudyante na ine-enjoy ang gabi sa night market. Kumakain kami ng snacks at nagku-kwentuhan na rin, hanggang sa mapunta sa akin ang topic.





"Ikaw Celestine? May boyfriend ka na ba or kahit manlang ex?" Nanunuyang tanong ni Marshall.





Napatulala ako saglit at naisip ang taong naiwan ko sa palasyo. Ngayon ko lang rin naisip na kung anak ni Uncle Sandro si Britney, ibig sabihin kapatid niya si Nigel, ang taong tinutukoy kong naiwan ko sa palasyo. At isa pa, bakit hindi pinakilala sa amin si Britney noon?





"Wala pa. Pero may naghihintay sa akin." Ngiting sagot ko.






Hindi ko makakalimutan ang araw bago ako umalis ng palasyo. Iyon ang araw na nagpaalam kami sa isa't isa at nangakong hihintayin ang isa't isa. Wala kaming lebel, hindi kami o kung anuman. Ngunit alam naming mahal namin ang isa't isa.



"Pagbalik ko galing sa Oldia, papasok ako sa Academy upang makasama ka at pagkatapos no'n hihingin ko na ang kamay mo sa Hari at Reyna. Kaya hintayin mo lang ako."





Ang Oldia ay isang lugar sa Eriendelle kung saan ikinukulong ang mga makakasalanan at nakagawa ng matinding krimen. Kaya araw-araw akong nagdadasal na sana ay nasa mabuting kalagayan siya. Binigyan siya ng misyon ng kanyang ama sa Oldia upang bantayan ang isang importanteng bagay na naka-kubli doon.


Nang lumalim na ang gabi ay bumalik na kami sa mga dorm namin upang magpahinga. Naunang matulog sina Elvira samantalang ako naman ay gumawa muna ng mga assignments at iba pang pampa-antok na mga gawain.




Pagkatapos ko sa mga assignments ko ay naisipan kong magtimpla ng gatas at inumin ito sa terrace. Napayakap ako sa aking cardigan at nilapag ang baso sa katabing table. Malakas ang ihip ng hangin at kahit na halos patay na ang mga ilaw sa Eriendelle at sarado na rin ang night market ay nakikita ko parin ang pagsayaw ng mga puno't halaman sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.





"Sigurado ka ba dito? Hoy!"




Napasandal ako sa railings ng terrace at sinilip ang ibaba kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Nagulat ako nang makita si Britney kasama ang isang hindi pamilyar na babae.




"Shut up or I will make you sleep and I swear you will never wake up again!" Inis na singhal sa kanya ni Britney.



Napa-atras ako nang makitang tumingala si Britney. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yapak nila papalayo. Sinundan ko sila ng tingin at nakita ko silang pumasok sa kakayuhan kaya doon na sila nawala sa aking paningin.






Anong ginagawa nila doon?





--





Morning came at balik na naman sa normal ang lahat. Bukod sa usap-usapang bagong subject ay usap-usapan rin ngayon ang pambubully at pananakot ni Britney sa mga estudyante ngayong umaga lang. Hindi rin maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kagabi. Marami akong tanong ngunit mukhang hindi naman niya ako papansinin.





"Ano ba ang ability ni Britney?" Biglang tanong ko sa katabi kong si Elvira. Wala pa kaming professor kaya typical na maingay ang classroom dahil sa mga daldalan at tawanan.






"Cognitive Pheromone." Sagot ni Elvira.




"What kind of ability is that?"



Ibinaba ni Elvira ang hawak na ballpen at tuluyang humarap sa akin.



"Sa lahat ng ability na na-encounter ko, ang kanya at kay Creed na yata ang ayaw kong kalabanin. I think you already knew that pheromone is a chemical substance or poison ivy that is commonly used to seduce or destroy a person. Sa case ni Britney, since Cognitive Pheromone iyon. Hindi na niya kailangan pa ng chemical substance, she can easily seduce and destroy her enemy just by looking directly at their eyes or a physical contact with them. But what's worse is that, she can make her enemy sleep, put them in deep fear and hurt them with the same method."






Sa sandaling iyon ay napatulala ako. Kaya pala takot sa kanya ang mga estudyante sa Academy. Pero hindi na tama ang ginagawa niya. Ginagamit niya ang kanyang ability sa pananakit samantalang binigay ito sa amin upang makatulong.





"Kaya nga I'm anticipating to your ability. Umaasa ako na sana for the first time, may makaka-counter attack ng ability niya bukod kay Creed na ayaw naman gamitin ang ability niya sa higad na iyon."





Napatigil muli ako sa sinabi niya, ngunit agad akong nakabawi nang muli siyang magsalita.






"Bukod kasi sa pagiging google ng utak no'n, ang isa ri'ng advantage ng ability niya ay ang pagka-counter attack ng mga ability na inaatake sa kanya. For example, kapag ako inatake si Creed gamit ang ability ko, pwede niyang ibalik sa akin iyon just by using his mind. Kaya gustong gusto ko ang ability no'n, kung pwede lang mahiram eh." Paliwanag ni Elvira.





Kung tutuusin pala ay marami rin palang mga estudyante na malalakas ang ability. Sa mga nalalaman ko, mukhang wala pa naman akong nae-encounter na estudyanteng hindi isip ang ginagamit sa ability. Ngunit malalaman ko ang lahat ng iyan next week, sa Physical Training namin.





Nagsimula agad ang klase pagkapasok palang ni Miss Pitonia. Hindi rin siya nagtagal sa paglelecture dahil inatasan raw siya ni Lady Eudora na pumunta sa Salttide para sa isang mahalagang pagpupulong. Sumunod agad ang second at third subject namin upang maging maaga ang lunch time.







Kaya nang dumating ang lunch time ay nagsama-sama na naman kaming anim. Nakita ko rin sa hindi kalayuan ang mga kapatid ko kasama ang mga kaibigan nila. Kumaway sila sa akin kaya ganun rin ang ginawa ko. Napatingin ako kay Kuya Altair na nakahalukipkip lamang at hindi manlang ako sinulyapan. Napa-pout na lang ako at lumapit sa table nila.







"Cosette, tayo na muna kumuha ng pagkain. Wala kasi si Blasey eh, tulog pa kanina kaya ayaw kong gisingin." Pagyayaya ko kay Cosette na agad naman niyang tinanggap.






Ngunit habang naglalakad ay nakita ko si Britney kasama ang kambal sa hindi kalayuang table. Napangisi siya nang makita kaming dalawa ni Cosette na naglalakad. Malalagpasan na sana namin siya ngunit nagulat ako nang biglang napatigil si Cosette at hinawakan ang ulo nito kaya napatigil rin ako at dinaluhan siya.






"Cosette, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.






Napapatingin na sa amin ang ibang tao lalo na nang sumigaw si Cosette dahil sa sakit. Napahawak siya sa kalapit na table upang huwag matumba. Nakita kong tumayo na sina Marshall at nagmadaling lumapit sa amin upang alalayan si Cosette na hindi magkamayaw sa pagsigaw dahil sa sobrang sakit. Shit! Anong nangyayari sa kanya?






"Britney! Stop it!" Rinig kong sigaw ni Elvira.





Doon ko narealize ang lahat. Mula sa pag-ngisi ni Britney hanggang sa pagsigaw ni Elvira.





"Britney! I said stop it!" Sigaw muli ni Elvira.




"What? I'm just practicing my skills." Pang-aasar pa nito.




Tinignan ko si Britney ngunit ngayon ay nakatingin na siya kay Elvira kasabay no'n ay ang pagsigaw rin ni Elvira at ang paghawak rin nito sa kanyang ulo. Shit!





"Britney, tumigil ka na!" This time, si Creed na ang sumigaw gamit ang nakakatakot na tono. Ngunit mapaklang ngiti lamang ang sinagot ni Britney.





Napabitaw ako sa braso ni Cosette at bahagyang humakbang. Tinignan ko nang masama si Britney kaya napatingin siya sa akin.





"Stop it already, Britney." Malamig kong sabi.



Doon ko nakita ang pagtayo ng mga kapatid ko. Pati si Kuya Altair na kanina ay tila walang pakialam ay napatingin rin sa amin. Ngumisi lamang si Britney. I felt a sudden energy na tila nagngingitngit at gustong pumasok sa mga kalamnan ko. Naramdaman ko rin ang pag-release ng energy ko na tila isang invisible na shield. Unti-unti itong lumawak na tila sinasakop ang buong hall. Unti-unting bumalik sa normal ang kundisyon nina Elvira at Cosette. Tanging mabibigta na paghinga na lamang nila ang naririnig ko.







Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Britney hanggang sa unti-unti kong nakita ang inis sa mga mata nito at mas lalo pang lumakas anv energy na gustong pumasok sa shield na ginawa ko. Naramdaman ko na rin ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Mula sa itim ay naging matingkad na ash gray ito. Unti-unti ri'ng lumiwanag ang mga kamay ko. Ang kaninang inis na reaction ni Britney ay napalitan ng gulat.







"Celestine! Control yourself! Calm down!" Rinig kong sigaw ni Kuya Rigel.





Doon ako natauhan. Napakurap ako at tinignan ang paligid. Nagulat sila sa nasaksihan. Of course, it is a rare and legendary ability. Marahas na bumukas ang pintuan ng hall at pumasok si Lady Eudora kasama ang iba pang mga faculty members.







"You had the light ability?" Gulat na gulat na tanong ni Britney.






Sa sinabi ni Britney ay may idea na agad ang faculty at si Lady Eudora na may hindi nangyaring maganda sa hall. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at kahit sila ay gulat na gulat rin. Naramdaman ko ang isang malambot na kamay sa aking braso. Nang tignan ko iyon ay nagulat ako nang makita si Kuya Altair. Seryoso ang kanyang mukha.








Tinignan niya si Britney. "You made a lot of offense this week. You disrespect a royal twice and disobeyed the Student Board President, I will never keep my mouth shut again this time. Lady Eudora, I want you to punish this lady in front of me accordingly. This is an order from the First Prince." Sinabi niya iyon habang nakatingin ng diretso kay Lady Eudora.






"Let's go." Baling sa akin ni Kuya Altair at bahagya akong hinila. Tila takot siyang masaktan ako o kahit madapa.







Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ki pagkahina ng aking tuhod. Napakapit ako sa braso ni Kuya Altair kaya napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Tuluyang sumirko ang paningin ko at muntikan nang mapaluhod kung hindi ako nasalo ni Kuya sa bewang.





"Celestine!"





Paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ko ang aking huling narinig bago tuluyang mawalan ng malay.











Elvira's POV





Napatulala kami sa nasaksihan. Ngayon ko masasabing hindi ordinaryong reyna ang mamumuno sa amin sa susunod na henerasyon. Where is she now? I can't even reach her. Kahit kasama namin siya araw-araw at halos ilang pulgada lang ang layo niya sa amin, feeling ko hindi parin namin siya maabot. She's the crown princess after all, obviously she's above us all. Always will be.






"Celestine! Fuck it!"





Doon ako natauhan. Tinignan ko ang direksyon nina Altair at Celestine. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa bisig niya na ito at pilit na ginigising. Lumapit na rin ang tatlo pang prinsipe upang daluhan ang prinsesa. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala lalo na si Altair na tumayo nang mabuhat ni Cane si Celestine at tinakbo ito palabas ng hall. Lumingon si Altair kay Britney at tinignan ito nang masama. Nanggigigil na dinuro niya ito.






"Kapag may nangyaring masama sa kanya, you will pay for it with your life." Banta niya sabay alis ng hall.





Napatingin ako kay Rigel na nagpamewang at natawa nang bahagya sa inakto ng kapatid. Hindi ba siya nag-aalala kay Celestine?






Maya-maya pa ay hinarap niya kami.




"Are you guys okay?" Baling niya sa amin ni Cosette.




Agad kaming yumuko at sumagot ng oo.




"Don't worry too much about Celestine. Gano'n lang talaga ang nangyayari sa kanya sa tuwing tuluyan niyang naco-control ang ability niya. Being a Light holder is not easy. Controlling it is much harder, kaya nawalan siya ng malay dahil naubusan siya ng lakas upang i-control ang ability." Paliwanag niya.





Napahinga naman ako ng maluwag.




"That guy was just overreacting. He loves his sister that much. Pakipot." Natatawang dugtong pa ni Rigel at tinuro ang pintuan kung saan lumabas kanina ang mga kapatid niya.






Matapos kaming kamustahin at kausapin ay nagpaalam na si Rigel na umalis. Sumama siya kay Lady Eudora upang pag-usapan ang nangyari.






It will surely become a big news not just inside the Academy but also outside the Academy. The Light ability is a legend. Ito ang usap-usapang ginawang ability ni Erielle noon. So, meaning. Si Celestine ang napiling maging holder ng ability ni Erielle?







"Now I know." Biglang usal ni Creed habang nasa gazebo kami.





"Know what?" Tanong naman ni Cosette.





"Kaya pala hindi ko magamit ang ability ko sa kanya. I can't see anything about her. Walang pumapasok na informations sa utak ko. I also tried the second level of my power on her but nothing happened." Paliwanag niya.






"What?!" Sabay-sabay naming singhal sa kanya.






The second level of his power is manipulation. Pwede niyang utusan ang biktima niya just by a physical contact or eye contact. Nawawala sa huwisyo ang mga nabibiktima niya kaya nagagawa niya itong utusan o paglaruan.







"As I've said, nothing happened. Are you all deaf?" Iritang sabi niya sa amin.









Inirapan ko nalang siya at pumahalumbaba at inisip kung ano na ang nangyari kay Celestine. Sana ay nasa maayos na kalagayan siya at sana lang ay makabalik agad siya sa amin.




--

Author's Note:

I changed some few things on Chapter 3: History. You don't have to read it guys, pinalitan ko lang yung seal ng light ability. And as promised, updates is every friday or saturday.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7K 1.3K 38
After knowing the truth of herself being a daughter of both Wizard and Demigod, a very known forbidden child Adelaide is determined to stop the dark...
3.9K 206 46
Seven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven se...
10.7K 811 86
There is something about love that made people who experienced it crazy and mad. I don't know that. I only know that love is a very special thing tha...
3.1K 80 27
This story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.