Chapter 7: Peaceful Night

8.4K 320 48
                                    

CHAPTER 7: Peaceful Night





Celestine's POV






Kumunot ang aking noo nang mapagtanto na nasa dorm ako. Kakamulat ko pa lamang ng aking mga mata at napansin ko na agad ang isang basket ng strawberry sa bedside table ko. Napatingin ako sa aking kaliwa at doon ko nakita si Kuya Juel na busy sa pagbabasa ng libro. Napansin niya yata ang paggalaw ko kayabnapatingin siya sa akin. Agad niyang binaba ang hawak na libro at mabilis na lumapit sa akin.






"Kamusta ka? Nahihilo ka pa ba? May gusto ka bang kainin? Drink?" Sunod-sunod niyang tanong.





Umiling ako at inangat ang sarili upang isandal sa headboard. Agad namang kumilos si Kuya upang alalayan ako. Pinasalamatan ko siya matapos akong tulungan.






"Kumain ka manlang, bunso. Kailangan mong magpalakas. Maraming energy ang nawala sa'yo. By the way, you did a great job a while ago. For sure, mama-master mo nang kontrolin ang ability mo nang hindi nahihimatay in no time." Ngiting payo niyo.






"I hope so. Kuya, I want strawberries." Turo ko sa basket ng strawberry.






Naglagay si Kuya ng iilan sa bowl at binigay sa akin. Nilantakan ko agad ito nang walang pasabi. I love strawberries, alam ng mga kuya ko iyan kaya siguro dinalhan ako ng strawberry dito.






"Isang basket ang dala ni Kuya Rigel niyan. Galing daw kay Mama, alam niya kasing paborito mo 'yan." Sabi pa ni Kuya Juel.





Magpapasalamat talaga ako kay Mama sa weekend kapag nakauwi ako sa palasyo. Kahit na malayo kami sa isa't isa ay alagang-alaga niya parin ako.





"What happened after I passed out?" Tanong ko kay Kuya.





"Nothing special. The Academy will take legal action against Britney. She's suspended for two weeks and her battle grade for the upcoming Battlelympics is deducted. Under observation rin siya after ng suspension." Paliwanag ni Kuya.





I don't know if I would feel bad towards her. Pero kasi mali talaga ang ginawa niya. Hindi niya pwedeng gamitin ang ability niya sa pananakit ng kapwa niya estudyante. It is against the rules.





"Kuya Altair was very mad." Dagdag pa ni Kuya Juel.





Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Is he mad at me again?





"Don't worry, hindi sa'yo. Kay Britney. Kung nakita mo lang kanina kung gaano siya ka-beastmode, matatameme ka nalang sa upuan. Kaya nga tumatahimik nalang rin ako kanina sa meeting kapag siya ang nagsasalita. Halos wala ri'ng sumasalungat o sumasabat sa kanya."





Napangiti ako. Nakakatakot talaga magalit si Kuya Altair. Sa tingin ko ay minana niya ang ugaling iyon kay Papa. Kapag tahimik, akala mo ang mabait dahil maamo ang mukha. Pero kapag nakilala mo na, ni sagutin siya ng pabalang ay hindi mo magagawa. Kaya nga minsan naiisip ko na mas deserve niya ang posisyon ng crown prince kaysa sa'kin. I'm too weak.








Dumating ang hapon. Kanina pa umalis si Kuya Juel. Hindi na niya ako pinapasok pa dahil mas mabuti daw na dumito na muna ako at h'wag na muna magpakita sa mga tao dahil mainit pa ang usapan tungkol sa nasaksihan nila kaninang umaga. Nasa tapat lamang ako ng nakabukas na bintana at dinadama ang ihip ng hangin habang pinanunuod ang paglamon ng dilim sa liwanag.








Unti-unti nang nagbubukas ang mga ilaw sa night market. May nakikita na rin akong mga magkasintahang naglalampungan at nagho-holding hands habang naglalakad. May mga barkadang nakaupo lang sa damuhan at nagkakantahan o di kaya'y nagtatawanan. Napangiti ako. Sana ganito nalang lagi. Walang problema, walang masyadong iniisip. Masaya lang ang lahat.







The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon